Kabanata 6
Uminit
Tahimik lang siya habang kumakain ako ng fries. Nilingon ko siya nakapikit siya. Gusto ko siyang kunan ng larawan. Ang taas ng pilik mata niya at ang sarap kirutin ng pisnge niya. Pero mas gusto kong halikan ang labi niya at maramdaman ulit ang tamis ng halik niya. I miss kissing him hanggang sa matutulog ako noon.
Hinawakan ko ang pisnge niya at dumilat ang inaantok niyang mata.
"Gusto mong matulog?" sabi ko.
"Matutulog tayo pagkatapos mong kumain. " tumango nalang ako at itinoon ang pansin sa kinakain kong fries. Nakita ko sa may sulok ng cabinet malapit sa akin ang mga naka-file na mga libro ko. Nanliit ang mata kong makita ang diary ko doon. Oh my! Naiwan ko pala ito dito? Hindi pwede!
Napatayo ako at nilapitan ko iyon.
Thank goodness. Akala ko nabuksan. May lock code ito at ako lang ang nakakaalam sa code na iyon. Nandito lahat ng mga hinanakit ko noon kay Red. Ang mga plano ko. Binuksan ko ito gamit ang lock code ko at tiningnan. Napangiti ako sa mga naisulat ko dito. Eto lang ang nalalabasan ko sa aking mga problema noon. Binasa ko ang huling pahina nito. Ito 'yong naisulat ko bago ako nagpasyang magpakalayo muna.
Dear diary,
Sabi nila, ang tao daw ay parang punong kahoy. In order to grow bigger, one needs to have an enough space of its own. Siguro, kailangan ko din ng space para sa sarili ko para mas mabigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na tumayo sa sarili kong lugar. Mahal ko si Red, alam mo iyan. Pero ang sakit na ang lagi niya pagbabalewala sa akin. Mas mahal ba niya ang kompanya?
Wag kang mag-alala, mamahalin ko padin naman siya sa pagbalik ko. Siya lang.
Loves Arc,
This was the day that I had enough of Red's doings. Ang araw na hindi ko makakalimutan. Ang araw ng kasal namin. That was our 2nd anniversary when I decided to leave. Hindi naman ako nagsisisi na umalis ako sa tabi niya, sa katunayan, nakatulong nga iyon sa akin para matutunan kong tumayo sa sarili kong paa. Tama nga sila, ang tao ay parang punong kahoy din. Hindi ako nagpaalam sa kanya sa araw na iyon. Tanging isang maikling sulat lang ang iniwan ko sa malaking dining table namin. At hindi man lang niya ako hinanap noon. Kaya labis-labis ang pagkainggit ko at pagkainis sa nalaman ko kanina na tumulong siya sa paghahanap kay Jullian. Ako nga na sarili niyang asawa, hindi niya hinanap. Ano nga ba ang maasahan ko? Feeling ko tulay parang pabigat lang ako sa buhay niya.
Like I was one of his priority but I am on the bottom part of it. Nasa last number ang pangalan ko. Ang saklap!
"What are you doing?"
Sinara ko ang diary ko at ibinalik sa dating pwesto nito. Nilingon ko siya at nginitian ng pilit.
"Wala, may tiningnan lang ako sa mga libro dito. Ang luluma na nila." Kaya mo iyan, Arcise.
Iyan ang napapala mo sa sobrang pagmamahal mo sa kanya.
"Gusto mong bumili ng bago?" nagtaka ako agad sa kakisigan ng boses niya. Para siyang nabuhay mula sa pagkaantok.
"Bakit? Free ka?" Ramdam ko ang tabang sa boses ko.
"Magbihis ka na at bibili tayo ng bago. Luma nadin ang mga palamuti sa bahay natin. We can buy new decorations. At ikaw na ang mamili lahat. We can also reprint our wedding photo if you want a newer one. And maybe you want to repaint our house. We can have a total make-over."
Napakunot noo ako sa sinabi niya.
Kung may maihalintulad man ako sa himala ngayon, eto na iyon.
"You sure?" paniniguro ko.
"Yes. Maliligo lang ako. Gusto mong sumabay?" napalunok ako sa sinabi niya at pilit kong ipinababalik ang tamang pag-iisip sa ngayon.
"Tapos na akong maligo. Magbibihis lang ako." Umiwas ako sa mga titig niya at nagmamadaling umalis sa harapan nito. Why the hell did he invite me there? Nahihibang na ba siya?
Sana pala hindi ako naligo kanina at para makakasabay ko siya sa ngayon. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ako nagmamadaling naligo kanina.
**
Magkahawak kamay kaming pumasok ng Furniture Store sa Ayala mall. Pinagtitinginan agad kami ng mga sales men. Napangiti ako sa mga mukhang nasisilayan ng mata ko. Ang gwapo naman nila. Isa siguro ito sa mga dahilan kung bakit madami ang nakaabang sa labas nito.
"Good afternoon, Mr. and Mrs. Del Grande." Kilala nila kami? Nakakatuwa naman.
Una kong nilapitan ang magagandang couches sa gitna. Puro mga nude colors ito at nakaganda sa mata ko. Noong umalis ako, lagi kong pinupuri ang kulay ng mga upuan sa restaurant na tinatrabahuan ko doon. Mga nude colors iyon at parang ang lakas ng impact sa mga uupo.
Sunod kong nilapitan ang malalaking dividers. Plano kong ramihan pa ang mga koleksyon kong libro kaya kailangan ko ng malaking book shelves.
"Hindi mo papalitan ang mga TV's natin?" tanong ni Red sa gilid ko.
"Huwag na. Ayokong nagaaksaya ng pera. Okay pa naman iyon. I just need some little changes at gusto kong baguhin ang kulay ng bahay."
Wala na akong narinig pa sa labi niya.
Sa buong oras ng pagpipili ko ng mga bagong kagamitan, nagpapasalamat nalang ako at hindi niya binitiwan ang kamay ko. Tuwing may sales man ang lumalapit sa amin, nararamdaman kong humihigpit ang hawak niya sa akin. Gusto kong isipin na ayaw niyang nakikipag-usap ako sa mga lalaking ito pero hindi ko nalang dinadamdam ng sobra. Baka lang masaktan ako sa huli.
"Ma'am, ihahatid nalang po namin sa bahay niyo ang mga pinili niyo." Sabi ng lalaking cashier. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
Tinanguan ko nalang at hinarap siya. Hinanap ko ang mata niya at nginitians siya.
"Okay na. Alis na tayo." Tumango siya at naglahad ng credit card sa cashier. Pagkatapos nun, umalis na kami.
Sunod kaming pumasok ng bookstore at binili lahat ang libro ng mga paborito kong Authors. Halos mga fiction ang pinili ko. Kahit noon paman, mahilig na talaga ako sa fictions. It's like an escape from the painful reality. And it was.
Gabi na nang makalabas kami ng bookstore. Wala akong narinig na reklamo sa bibig niya.
"Gutom ka na?" tanong niya nang makarating kami sa Van.
"Gutom na ako." Sagot ko dito.
"I want to cook tonight. What do you want to eat?" may halong-excitement kong tanong sa kanya.
"We have cooks at home. You don't need to cook."
Napatingin ako sa mata niya sa kanyang sinabi. "Ayaw mo ba sa luto ko?"
"Of course not. Alam kong pagod ka kaya magpapahinga nalang muna tayo at maghihintay nalang kapag naluto na ang pagkain."
"I want to serve you Red. I want to cook a nice dish to you. I hope you don't mind." Biitiwan ko ang kamay niya at naghalukipkip nalang sa tabi niya.
It's all I wanted to do. Gusto kong bumawi sa kanya. At gusto kong ipatikim sa kanya ang mga natutunan kong recipe sa tinatrabahuan ko doon.
Wala na siyang imik at ito na naman ang pinakaayaw ko sa kanya. Ayaw na ayaw kong wala siyang sinasabi sa akin pero hindi ko naman siya mapipilit na magsalita at bigyan ako ng sagot.
**
Naging busy ako sa pag-aayos sa buong bahay. Maagang umalis si Red dahil may gagawin padaw siyang importanteng meeting. Ginaya ko siya kanina. Wala akong imik nang magpaalam siya. Hindi ko siya pinansin o ano. Wala siyang narinig na kahit isang salita sa labi ko. Nagkibit balikat lang ako.
"Ma'am, papalitan po ba natin ang malaking frame mo sa loob ng Library ni Sir Red?" napalingon kay Cynthia na siyang pinakabatang kasambahay ni Red dito.
"May malaking frame ako sa Library ng Sir Red niyo?" hindi makapaniwalang sabi ko. That.. I didn't know.
"Hindi niyo po alam man? Nung minsang nakapasok ako doon nakita ko kasi iyon. Nakangiti ka nga doon eh tapos may hawak kang balloon na kulay red."
Napakunot noo ako. I can't remember that.
"Pero mukhang sarado po ang library Ma'am. Mamaya nalang natin tingnan pagdating ni Sir Red."
Lumipad agad ang isipan ko. Paano ako nangkaroon ng malaking laawan sa library niya? Bakit wala akong alam dito? Wait... pero wala talaga akong maisip na kahit anong picture ko.
"Nag-aaral ka ba Cynthia?" pag-iibang usapan ko sa kanya.
Hinarap ko ang niluto ko at tinikman.
"Graduate na po akong vocational course Ma'am." Anito sa likoran ko.
"Bakit ka nagpaka-maid lang eh may natapos ka naman pala?" pinatay ko muna ang gas range at at tinakpan ang niluto kong adobong manok na may pinya saka ko siya nilingon.
"Wala pong tumatanggap sa akin dito Ma'am eh. Lahat ng mga inapplayan ko puro four year graduates ang hinahanap nila." May bahid na lungkot sa boses niya.
"Ganoon ba? Sige. Magbihis ka at samahan mo ako sa kompanya ng Sir Red mo. Pagkatapos, samahan mo din ako sa ospital at susunduin natin ang kaibigan ko. Okay lang ba? Tapos kakainin tayo sa food chain sa loob ng mall."
"Okay na okay po Ma'am. Hindi pa po kasi ako nakakapuntang mall." What? Namilog ang mata ko sa gulat sa sinabi niya.
"Are you serious?"
"Yes po Ma'am. Ibinibigay ko po kasi agad sa kuya ko ang sweldo ko dito. May sakit po kasi ang Papa ko at hindi nakakapagsalita si Mama kaya kailangan na kailangan nila ang pera."
Naalala ko tuloy ang mga magulang ko noong buhay pa sila. Sobrang saya ko noon. Wala akong ibang pinagarap noon kundi bigyan ng magandang buhay sila Mama at Papa. Kaya nang mamatay sila sa sunog noong college pa lang ako, halos gumuho din ang mundo ko doon. Mabuti na lang at nakilala ko si Red at binigyan niya ulit ako ng buhay. Kahit hindi niya ako kinakausap noon, hindi din niya ako iniwang mag-isa. Red was the son of my mom's bestfriend. That's when I fall in love with Red. Hindi siya nagsasalita noon pero hindi din siya umaalis sa tabi ko. Lagi siyang nasa tabi ko. Hanggang sa unang beses ko siyang narinig na nagsalita at iyon ang araw na nanligaw siya sa akin. That was heaven and paradise to me.
"Ma'am? Hello Ma'am? Aalis pa po ba tayo?" napabalik ang isipan ko. How I always cherished the day Red first talk to me. That was really heaven and paradise to me.
"Huwag na lang tayong pumunta sa Sir Red mo. Bumalik ka na lang sa ginagawa mo. Bukas nalang tayo papasyal sa Mall." Nag-iba bigla ang isipan ko. I feel like visiting Mom and Dad.
**
Nilapag ko ang dala kong bouquet sa gitna nila Mama at Papa. Nagsindi din ako ng kandila at napangiti. Ang malamang namatay sila Mama at Papa noon ay siyang ikinaguho ng mundo. Para iyong isang bangungunot na nagkatotoo. Ang hindi ko lang matanggap noon ay hindi lang disgrasya ang nangyaring sunog noon. Nasa paaralan ako noon nang umalingawngaw ang balita iyon. Ayon sa mga imbestigador, may tao daw likod sa sunog na nangyari kina Mama. Sobrang impossible daw na hindi sila nakalabas sa bahay. It was mid morning when it happened. But Red's parents were to the rescue. Hindi nila tinigilan ang paghahanap pero nang ilang taon na ang lumipas, ako na ang nagsabi sa kanila na sumuko nalang. I want justice pero wala akong lead. Wala din kaming kilalang naging kaaway nila Mama.
Basta, lahat ng sakit nun, ipinaubaya ko nalang sa maykapal. Alam kong mahahanap din namin ang nasa likod non. Naniniwala akong walang usok ang natataguan habang buhay.
Nag-vibrate ang hawak kong cellphone. Binigay ni Red sa akin ang bago niyang Iphone. Ang cellphone ko noon ay tinaguan ko. Baka mabuking ako na ako ang tumatawag sa kanya gabi-gabi. Nako!
My Red Calling...
Napangiti ako sa ipinangalan ko kay Red dito.
Humugot muna ako ng hininga bago ko ito sinagot.
"Nasa bahay na ako." Napatingin ako sa cellphone at nagtaka. Alas tres palang ng hapon. Ibinalik ko iyon sa aking tenga at lumunok.
"Uh, good?" hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Wala pa akong lunch. Hihintayin kita. Be careful."
Napanganga nalang ako sa sinabi niya at pinutol ang linya.
Tumaas bigla ang buhok ko ngayon. Gahd! Hindi ko alam pero uminit ang pisnge ko. Oh, my Red!