Kabanata 5
Ikaw!
Hindi ko alam kung paano kami nakarating nang mabilis sa bahay. Buong atensyon ko nasa kamay naming magkahawak at mga braso naming magkadikit.
Hindi ko maiwala ang ngiti sa aking mukha at sa akin puso. Minsan lang ito kaya hindi ko maiwasang hilinging sana ganito na lang kami palagi.
Gulat na gulat akong makitang napakaraming tao ang nag-aabang sa aming dalawa. Lagpas sampo sila at naka-uniporme pa. Lahat sila ay may matamis na ngiti sa kanilang labi at mga matang nagniningning.
"Welcome back Ma'am." Sabay nilang sabi at napangiti ako sa pagbati nila.. Pamilyar sa akin ang iba dahil maid na sila noong kina Mommy pa. May katandaan na ang ilan sa kanila.
Umayos ako ng pagtayo sa harapan nila. "Salamat. Bakit gising pa kayo?" masayang tanong ko.
"Hinintay ka po namin Ma'am. Sabi kasi ni Sir Red kanina na babalik ka na." That.. I didn't know how to response.
Hindi ko naman alam ang bawat galaw ni Red kaya nakakagulat ang mga ganitong habilin niya sa mga kasambahay. At hindi naman nila ako kailangang hintayin.. ganitong oras pa? Ramdam ko tuloy kasalanan ko kung bakit hindi pa sila natutulog.
Tinanguan ko nalang silang lahat dahil naiwala ko na ang dila ko.
"Bukas niyo nalang siya kausapin at pagod na kami. Matulog na kayo. Thanks for waiting. Have your rest tomorrow. Tell others to wake late." Ani Red sa kanila nang hindi nakatingin sa kanyang mga trabahante. Nakita ko ang pagsunod-sunod nilang paglalag panga at pamimilog ng mata. Hindi ko din inasahan iyon ah.
Nagsimula kaming lumakad paakyat. Walang nagbago sa aming bahay. Katulad padin ito noon. Naging luma nadin ang pagkaputi ng wall paints at pansin kong nanluma na din ang mga frames. This is the same house na iniwan ko noon. Walang nagbago at parang walang nagalaw kahit ang mga malalaking ceramic jars sa gilid. Hindi ba inaalagaan ni Red ang bahay namin?
Pumasok kaming silid namin at nagsimulang kumalabog ang puso ko. Katulad sa napansin ko sa labas, parang wala ding nagbago dito. Kahit ang arrangement. Parang araw-araw lang siyang nililinisan at iyon lang. The door of our walk in closet and the curtains! Oh my god! The curtain.. as far as I can recall, ito iyong kurtina bago ako umalis. Ang malaking wedding photo namin sa ibabaw ng aming higaan, parang hindi din nagalaw.
Nanikip ang puso ko ng palihim. Talagang hindi niya inaalagaan ang bahay namin. Bukas na bukas, ako ang mag-aalaga dito. Sobra ba siyang busy sa trabaho niya at napapabayaan niya ang buong bahay? Para saan pa ang mga kasambahay niya? I mentally sighed.
Tumalon siya sa kama at dahil hawak niya ang kamay ko, napasunod ako dito. Nakanganga ako habang gumalaw siya at ipinahiga ako sa braso niya. Wala man lang akong magawa para manlaban. Nakakalambot lakas ang kamay niyang nakapalibot sa beywang ko. Ilang beses pa akong napalunok at nasa bubong lang ang mata ko. Oh my god.
"Red, I need to change my shirt." Nag-aalinlangan kong sabi.
"Tomorrow will do." Mas lalo niya akong ikinulong sa kanyang bisig at nagkumot. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko magawang magprotesta sa ginawa niya. I feel like being possessed by his dark eyes.
"Pero—"
"Shhh." Napatikom agad ako ng bibig ko sa kamay nilang humawak dito.
"Bukas na." inaantok niyang sabi. Bahagya siyang gumalaw at inabot ang lamp. Pinatay niya ang ilaw at bumalot agad ang kadiliman. Napasiksik ako lalo sa kanyang bisig.
Ayaw na ayaw ko sa madilim na kwarto. Kahit si Manuela laging nagrereklamo sa akin tuwing natutulog kaming bukas ang mga ilaw. Ayaw na ayaw ko talaga sa madidilim.
"We still have plenty of time tomorrow to get dress. Let's just sleep for now." Napapikit ako sa sobrang seryoso ng boses niya.
Gusto na atang maglayas ng puso ko sa sobrang kabog nito and I bet, ramdam niya ang puso ko ngayon.
Ang saya-saya ng nararamdaman ko. Kahit wala siyang sinabi, I can feel his sweet gestures. Pinigilan kong mag-assume dahil baka ngayon lang ito at hindi na mauulit pa.
At dahil alam kong minsan lang ito, ginalaw ko ang kamay ko at hinawakan ko din ang beywang niya. Mas sumiksik ako at palihim na napangiti. Hindi ko na ata maiwala ang ngiti sa labi ko.
**
Kalaunan, nagising akong wala na si Red sa tabi ko. May parte sa puso ko ang medyo gumuho pero hindi ko nalang inintindi ng lubusan. Maybe, maybe I could not mind it.
Medyo may kadiliman pa ang loob ng kuwarto namin at medyo maginaw. Napatingin ako sa orasan at napabangon ako agad. It's already 9 minutes after 1 in the afternoon! Bakit hindi nila ako ginising? Kaya pala wala si Red sa tabi ko kasi hapon na.
Nagmamadali akong naligo at nagbihis.
Bumaba ako at dumiretsong kusina. Walang kahit isang maid ang nakita ko. Naalala ko ang sinabi ni Red sa kanila kagabi. Na wake late.
Pero gutom na ako! Lumapit ako sa malaking dining table at inisa-isa kong buksan ang mga food bowl sa gitna. Wala akong nakita kahit isa makakain. Puro walang laman ang mga food bowl. Binuksan ko ang fridge, may mga raw food akong nakita. Wala bang ready-to-eat si Red dito? And where are the people here?
"Hi Ma'am." May hindi ko kilalang maid ang lumapit sa akin at may dala itong isang baso ng gatas. "Para po sa inyo. Mahigpit pong ipinagbilin ni Sir Red na alagaan po kayo at asikasasuhin." Nakangiti siya at parang ang bata-bata pa niya para maging maid.
"Where is he?" tanong ko.
"Umalis po siya Ma'am. Hahanapin daw nila si Ma'am Jullian. Ang asawa ni Sir Mike at may meeting din daw po siya ngayong hapon sa kompanya niya." Napataas ang kilay ko.
"Bakit saan pumunta ang asawa ni Mike?" nanatiling nakataas ang isang kilay ko. Mike? Iyong best friend niya?
"Naglayas po daw. Ihahanda ko na ba ang kakainin niyo Ma'am?"
"No. Wala akong gana." Gusto kong makita si Red.
Napabalik ako sa aming silid. Hindi ko kayang tanggapin na may gana pa siyang maghanap ng asawa ng ibang tao tapos hindi man lang niya ako hinanap nung ako ang naglayas? Napaka naman talaga niya!
Wala na ba talaga ako saiyo Red?
Mas mabigat ba sa puso mo ang asawa ni Mike kaysa sa sarili mong asawa?
Napaismid ako at nagtalukbong ng kumot. Ang bigat ng puso ko.
"Ma'am, ihahanda ko na po ang kakainin niyo. Lagpas ala-una na po kasi baka pagalitan ako ni Sir Red." Napakunot ang noo ko nang biglang pumasok ang maid at may takot sa mukha nito.
"Well, sabihin mo sa Sir Red mo na hindi ako kakain. Siya ang asawa ko, tapos iba ang mag-aalaga sa akin? Tell him I hate him!" napasigaw nalang ako sa sikip ng puso ko. Hindi ko matanggap ang rason niya kung bakit siya umalis. Hinanap ang asawa ni Mike dahil naglayas? At ang kompanya na naman?! Hanggang ngayon ba makikihati pa din ako sa kompanya niya?
Kung sana nandito lang si Manuela , may mapapagsabihan ako sa aking niloloob. Tama! Pupuntahan ko na lang si Manuela at doon na lang ako kakain. Kakamustahin ko siya at dito ko ulit siya ipapatira sa bahay. Wala akong pakialam kahit nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom. Sanay na ako dito.
Naglilinis na naman ang lahat ng Maid niya pagkababa ko. Gusto kong magtanong kung saan sila kanina at bakit hindi ko sila nakita pero mukhang hindi nila ako mapapansin sa kanilang ginagawa. Pumunta akong Drivers quarter at una kong nakita iyong Driver niya kagabi.
"Ma'am?"
"Pwede mo ba akong ihatid sa ospital? Gusto kong puntahan si Manuela." Nakita ko ang pagkatakot sa mukha niya at napakunot noo ako.
"P-pero Ma'am, wala pa po kayong kain."
"Paano mo nalaman?"
"Basta Ma'am. Hindi ka po pwedeng umalis na walang kain at baka kami ang ipaalis ni Sir Red."
"What is wrong with your Sir Red?! Bakit ba kayo takot na takot sa kanya?!" Naiinis kong sabi. Hindi ko mapigilang mapasigaw. May tatlong kalalakihan ang napatayo sa lakas ng boses ko. Hindi ko sila kilala pero para silang mga gardener at chef.
"Ma'am, kasi... iyon po ang bilin niya sa ami—"
"Pwes sabihin niyo sa kanya na hindi ako gutom. Kung natatakot kayo, ako nalang ang aalis."
"Ma'am Huwag!" sabay nilang sabi.
"Ihahatid na lang po kita Ma'am." Nakayukong sabi ng driver. Nakaramdam ako agad ng awa. "Baka po kasi ipaalis niya ako kapag hindi nangyari ang inutos niya Ma'am. Pero kung gusto niyo pong umalis, okay lang. Ihahatid ko nalang po kayo. Magpapaliwanag nalang ako mamaya."
Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko sa boses niya.
"Bakit ba kayo takot na takot sa Sir Red niyo?" mahinang sabi ko.
"Isang mali lang po kasi namin Ma'am, ipapaalis na niya kami." What? Hindi naman ganyan kasama si Red ah.
"Bakit bigla siyang naging ganyan?"
"Dahil po sainyo Ma'am. Umalis po kasi kayo." What?
Ako ang dahilan? Seryoso sila?
"Talaga?" Bulong ko sa aking sarili. I can't believe this! At bakit naman ang pag-alis ko ang naging dahilan? Gusto ko nang paliwanag.
"Saan ka pupunta?" sabay nagsilakihan ang mga mata namin ng may boses ng lalaking kilalang-kilala ko ang biglang sumingit. Nakita kong sabay na yumuko ang apat na lalaki sa harapan ko at napalunok ako.
Dahan-dahan ko siyang nilingon at una kong nakita ang necktie niyang kulay maroon. Naka three piece suit siya. May dala siyang attaché case at gwapong-gwapo ang mukha niya.
Napaatras akong maikailang ang lapit niya sa akin. Naamoy ko din ang pabango niya.
I composed myself. At tumayo ng maayos sa harapan niya. Naiinis ako. Inis na inis ako sa trabaho niya.
"Aalis ako at pupuntahan ko si Manuela. Doon ako kakain at tatambay. Busy kasi ang asawa ko sa paghahanap ng asawa ng ibang tao at sa kompanya niya. Doon, hindi busy si Manuela. Makakausap ko siya na ang buong oras niya ay nasa akin lang." Hindi ko napigilan ang paglabas damdamin ko.
Mabuti na din at nasabi ko at nang malaman niya ang nasa utak ko ngayon.
Wala siyang imik. Wala din akong emosyong nababasa sa mukha niya. Fine! Alam ko namang gusto din niyang umalis ako eh para maasikaso niya ng mabuti ang kompanya niya. Nakakainis!
Lumapit siya sa akin at napaatras ako pero una niyang nakuha ang kamay ko. Nagsimula siyang maglakad at napasunod ako. Lahat ng mata ng maid niya ay nasa amin nakatingin. Ang kalabog ng puso ko, hindi ko na maintindihan. Ang makita ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay palihim na ikinasasaya ng puso ko pero para siyang galit.
Ibinigay niya sa isang maid ang dala niya at hinawakan niya ang magkabilang beywang ko. Iniangat ako at ipinaupo sa kitchen counter. Hindi ko alam ang gagawin niya. Bumalik ang mata niya sa mata ko. Ang lapit niya sa akin at hindi ako makahinga.
Niluwagan niya ang kanyang neck tie at humarap sa fridge. Nakita kong inilabas niya ng isang baso ng fresh milk at ibinigay sa akin. Hindi ko iyon tinanggap. Tinaguan ko ang kamay ko. Naiinis pa din ako.
Narinig ko siyang napabuntong hininga at inilapag ang baso sa tabi ko. Humarap na naman siya fridge at naglabas ng isang tray ng itlog.
"Sir, ako na po ang magluluto." Biglang sumingit ang maid niyang may katandaan. Napaigting panga ako. So ganun? Lulutuan niya ako? Dahil lamang sa reklamo ko kanina?
"Red!" napasigaw ako sa kanya. Tumahimik ang paligid namin at nakita ng dalawa kong mata ang pagkahulog ng dalawang itlog sa kamay niya.
"Pwede mo ba akong ibaba dito?" nagtitimpi kong sabi.
Humarap siya sa akin at lumapit. Ibinaba niya ako nakita kong napalunok siya.
"Gusto kong puntahan si Manue—"
"At bakit mo siya pupuntahan?" kalmadong tanong niya.
"Red, I understand you are busy. You cannot give me your time because of your stupid company. I understand it, Red. Aalis na lang ako, mamayang gabi na lang ulit ako uuwi."
"Damn it! Umuwi ako dito para alagaan ka tapos aalis ka lang pala?" aniya at namilog ang mata ko sa sinabi niya.
"Talaga Red? Bakit nagising akong wala ka sa tabi ko? At bakit nagising akong ang maid ang naghanda ng makakain ko?" gusto kong magwala sa harapan niya. Ang tigas niya! Ang manhid! Nakakainis.
"Tinulungan ko si Mi—"
"Tinulungan mo si Mike at noong ako ang nawala hindi mo ako hinanap? Ang unfair mo." Hindi ko na napigilan ang luha ko. "Ako ang asawa mo at kailangan kita. Hindi ang mga maid dito. Hindi ako bumalik dito para ipagbilin mo lang sa mga maid mo Red. I hate you." Dahan-dahan kong naramdaman ang bisig niya sa aking katawan. Niyakap niya ako at mas lalong naiyak. Alam na alam kong nanonood lahat ng kasambahay niya dito pero wala na akong pakialam. Subukan lang nilang sumali at ako mismo ang mag-aalis sa kanila.
"Sorry." Narinig kong sabi niya.
"Gusto kong matulog ulit." Bulong ko. Naramdaman kong tumango siya at nagsimula kaming lumakad.
Nakita ko ang maid na lumapit sa akin kanina at huminto ako sa harapan niya. Napahinto din si Red at nakita ko ang paglaki ng mata ng maid at takot na takot.
"Can you bring me a cup of coffee upstairs? I want hotcakes too at maraming fries at saka mayonnaise." Tumango siya at umalis ako sa harapan nila. Narinig ko ang sunod-sunod na buntong hininga ng mga maid niya. I think they feel relieve.
Pumasok kaming kuwarto. Dinala niya ako sa may couch na kaharap ang malaking plasma TV at ipinaupo sa gitna ng hita niya. Napalunok ako pero hinding-hindi ako magrereklamo nito.