Through hardships to the stars.
HANNAH
"What do you think, Han?" baling ni Selene sa akin matapos ilipat-lipat ang atensyon n'ya sa mga sketches na ginawa ni Quilla.
In all fairness, mukhang magaling nga si Kill dahil sa mabilis na sandali ay nakagawa na s'ya ng mga sketches matapos sabihin ni Selene ang mga gusto n'yang kalabasan. She managed to prepare three options for us.
"Maganda naman lahat. Ikaw na ang bahala," I simply said. Wala kasi sa mga pagpipiliang costumes ang atensyon ko. Nasa isip ko pa rin kasi kung ano ang namamagitan kila Carrack at Quilla.
Quilla seems flirty with Carrack. At mukhang ayos lang naman iyon sa lalaki na 'yon. Hindi s'ya nagpapakita ng kahit ano'ng pagtanggi o pagkailang.
Is there something going on between them?
Selene rolled her eyes on me. "Fine," she spat out. Alam ko na naiinis s'ya sa mga ganitong sagot ko. Pero wala ako'ng sapat na atensyon para sa sinasangguni n'ya sa akin sa ngayon. I am occupied with thinking about other things than our matching costumes.
"I suggest you take the Thor and Loki," Kill smirked. "The easiest," she chuckled.
Selene raised a brow. "Sure. Para naman sigurado na matapos mo."
"Of course, I will. Magiging sis-in-law pa kita," Quilla laughed.
Selene smirked. "I don't think so. You're not special enough para pag-awayan ng dalawang Amante."
Bumungisngis si Quilla. "Ganda ko kaya," she smirked.
"Why don't you use that ganda na sinasabi mo kay Aunt Megan?" mapang-asar na sabi ni Selene.
I saw how Quilla made face in which Selene laughed.
"Kapag ba si Tita Tia, big deal ang mga bagay-bagay?"
Selene shook her head. "Nope. Chill lang naman sila ni Dad. We can date whoever we want."
Quilla dramatically rolled her eyes. "Dapat talaga si Carrack na lang..."
Selene giggled. "Should I tell that to Xyz?"
Quilla laughed. "Samahan pa kita," confident na sabi n'ya at ngumisi sa akin.
I may look dumb as of the moment dahil wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Quilla giggled then reached for her glass of soda. Matapos uminom ay muli n'ya akong binalingan. "Kilala mo ba si Megan Nicole Amante-Escarrer?"
I nodded. I know that she's Tito Trav's cousin. Xyz's and Ae's mother.
"Well, she's the only person who can't appreciate me," Quilla laughed.
Selene giggled. "Try mo kasing maging normal. Start mo sa buhok mo."
"Bakit?" High-pitched na tanong ni Quilla. "Girl, kahit naman n'ong brunette pa ko, asim na asim na sa akin 'yong si Madam."
Selene laughed. "Brunette ka pa ba n'ong nahuli kayo na nag-se-s*x ni Xyz?"
I know that my eyes widened. Tinawanan pa nga ni Quilla ang reaksyon ko. "Gulat na gulat lang?"
"Share mo na lang kay Hannah ang wonderful story n'yo ni Aunt Megan," Selene playfully suggested.
"Well... medyo bata pa naman talaga kami nitong ex-jowa ko nang magsimula kaming tamaan ng L," natatawang sabi ni Quilla.
"Linawin mo kung ano'ng L," Selene giggled.
Quilla rolled here eyes. "Ito naman, kunwari nga nahihiya ako!"
"Gaga! Wala kang mauuto dito."
Quilla smirked. "Rosario, alam naman natin na mas madalas na nauuna ang libog kaysa sa love. Kaya libog nga 'yon. Tinamaan kami ni Xyz ng libog. Kaya nanonood kami noon ng porn sa kwarto n'ya tuwing may pagkakataon tapos ginagaya namin. Bihira lang naman 'yon dahil palaging epal si Ae."
Humagalpak ng tawa si Selene. Ako naman ay parang nahihiya na sa mga sinasabi ni Quilla. Nagkakahalo na ng gulat ko na partner pala s'ya ni Xyz at ang gulat sa mga sinasabi n'ya ngayon.
"Tapos itong vowels na 'to, bigla na lang naglayas!," Quilla pouted. Siguro ay si Aeiou ang sinasabi n'ya. "Kaya mas dumami ang pagkakataon namin na mag-explore ng human reproductive system ni Xyz. Tapos iyon na nga... nahuli kami ni Madam."
"Ano'ng posisyon?" mapang-asar na tanong ni Selene.
"Reverse cowgirl," natatawang sagot ni Quilla.
"Hanggang ngayon ba issue pa rin 'yon?"
"Ewan ko ba? Mag-iisang dekada na nga 'yon at nakabalik na si Aeiou at lahat-lahat pero 'di maka-move on si Madam.
"Umayos ka kasi," pang-aasar pa rin ni Selene.
"Hoy! Maayos naman ako. Si Xyz nga lang ang nakaka-chukchakan ko sa talang buhay ko. Ikaw nga d'yan... wala kang maloloko na 'di ka nagalaw ni Caspian. Itsura n'yo pa lang dalawa, pareho nang malibog."
Tumawa nang malakas si Selene at binato si Quilla ng nilamukos na tissue paper. "Umayos ka, Quilla Alexis Piñon! Nakakahiya sa totoong magiging sister-in-law ko."
"Ay, sorry naman. Virgin ka pa ba? Hindi ka sanay sa mga bastusang usapan?"
Nahihiyang ngumiti lang ako.
Quilla giggled. "Akala ko sanay ka na since kaibigan mo 'tong sobrang banal na babae na 'to."
Selene flipped her hair. "Well.."
Nag-irapan lang silang dalawa at sabay na tumawa.
"Kaya pala nababaliw ang isang kakilala ko..." makahulugan na sabi ni Quilla. Nagtanong si Selene kung ano ang ibig n'yang sabihin pero hindi na s'ya nagkumento pa at ibinalik na sa ipapagawa naming damit ang usapan.
Nang matapos kami at mapagkasunduan na ang lahat ng mga bagay tungkol sa mga costumes, nagyaya na si Selene sa opisina ni Carrack. Naabutan namin doon sila Carrack at Rayleigh na umiinom habang naglalaro sa game console.
"Kuya, hatid mo naman kami ni Hannah," Selene said in a sweet manner. Sa sobrang sweet ay hindi na natural.
Pakiramdam ko ay tumigil ang t***k ng puso ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Carrack. I got this sense of relief nang malaman ko na walang sila ni Quilla. Pakiramdam ko gusto ko na namang umasa.
"Ay, hindi ka tatanggihan n'yan," Rile chuckled. "Bro, magpatalo ka na. Alis na kayo."
Walang lipat-sandali ay binitiwan na ni Carrack ang controller at tumayo. Dinampot n'ya ang cellphone at susi ng kotse n'ya sa lamesa at lumapit na sa amin ni Selene. "Let's go."
"'Di ba... ang bilis," Rile laughed. Tumayo na rin s'ya at tinapos ang laro. Nakita ko na sinigurado n'ya muna na K.O. ang player ni Carrack kanina. Mabilis na lumapit s'ya sa amin at nagulat ako nang yakapin n'ya ako. "Long time no see, Hannah."
Mabilis na hinila s'ya ni Carrack palayo. Dalawa sila ni Selene na mukhang nainis sa ginawa ni Rile.
"What?" natatawang sabi ni Rayleigh. "We're friends. It's normal for friends to have friendly hugs."
"Ulol!" sabi ni Carrack at humawak sa braso ko.
"Hannah don't act like that around men, Rile," sabi naman ni Selene.
Nagtatalo pa sila Selene at Rayleigh nang hilahin ako ni Carrack palabas ng opisina n'ya.
Sa ilang hakbang na ginawa namin ay parang sasabog na ako sa mga emosyon. Pero ang nangingibabaw sa lahat ay pananabik ko kay Carrack. I miss him so bad.
Nang muling magtama ang mga mata namin ni Carrack ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. His eyes widened. Bumalatay sa mukha n'ya ang matinding pag-aalala.
"H-Han..." he gently called me.
"B-Bakit..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil lumapit na si Selene at niyakap ako.
Lumapit din si Rile at humingi ng tawad.
"No. It's alright," sabi ko dahil ayos lang naman talaga.
"I'm sorry," seryosong sabi ni Rayleigh.
Para matigil na s'ya ay lumapit ako at niyakap s'ya nang mapatunayan na walang kaso sa akin ang ginawa n'yang friendly hug.
"Tara na," deklara ni Carrack at nauna nang humakbang papuntang elevator lobby.
Hinatid kami ni Rile hanggang sa elevator ay nag-sorry pa ulit. Nakatikim lang s'ya ng irap mula kay Selene at matalim na tingin mula kay Carrack.
"Ang possessive nitong magkapatid na 'to," nakangusong sabi ni Rile at tumalikod na bago pa sumara ang pinto ng elevator na sinasakyan namin.
Hinatid lang namin si Selene sa restaurant kung nasaan naka-park ang sasakyan n'ya. May mga sinasabi si Selene sa maiksing byahe pero hindi ko naman masyadong naintindi. Panay tango lang ako sa kanya at pilit na ngiti.
Nang mapag-isa kami ni Carrack sa loob ng sasakyan n'ya ay bigla akong kinabahan.
"Are you alright?" Seryosong tanong ni Carrack. Hindi pa kami umaalis sa pagkaka-park n'ya sa tabi ng sasakyan ni Selene. Napansin ko na umatras na ang sasakyan ni Selene at bumusina na.
Carrack sighed then he maneuvered his car out of the parking space.
Matagal na binalot kami ng katahimikan. Hindi mapakali na nilalaro ko na lang ang mga daliri ko.
"Hannah, are you alright?" Ulit ni Carrack sa tanong n'ya. Nasa pamilyar na daan na kami pauwi sa bahay. Dahil alas dos pa lang ng hapon ay wala pang traffic sa kahabaan ng EDSA.
"No," matapang na sagot ko pero agad na nangilid ang luha ko.
"Sorry about what Rayleigh did-"
"It's not about what Rile did. It's about what you did," putol ko sa sinasabi n'ya.
Nang lingunin ko si Carrack ay nanlalaki ang mga mata n'ya sa gulat.
"Eyes on the road!" nagawa ko pang ipaalala kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha.
"f**k," mahina ngunit mariin na mura ni Carrack.
Imbes na lumiko na sa Ortigas Ave. ay lumiko si Carrack papasok sa parking area ng isang mall. Wala kaming imikan hanggang sa makakita s'ya ng bakanteng slot sa loob ng parking space.
Dahil sa tagal ng paghahanap ng bakante ay nakalma ko na ang sarili ko. Si Carrack naman ang mukhang hindi mapakali nang sa wakas ay maihinto na n'ya ang sasakyan n'ya. Naaaninag ko sa mukha n'ya ang kaba nang bumaling s'ya sa akin matapos hilahin ang handbrake.
"What did I do?" halos paanas na tanong ni Carrack.
Bigla na lang akong napahikbi at naluhang muli. I feel so vulnerable with him.
"Ba- I mean..." he cleared his throat. "Hannah, please tell me what's wrong? What did I do?"
I sobbed. "Y-You... suddenly," I covered my face with my hands. " Ignored me," pabulong na patuloy ko.
I heard him gasp then he breathed a curse. "Fuck."
Naramdaman ko ang pagkalas n'ya sa seatbelt ko at ang paghila n'ya sa akin. He wrapped his arms around me.
"I'm sorry, baby. I thought you don't want me any longer," he gently said then he kissed my temple.
"I thought you got tired of waiting for me," I sobbed.
"No, baby. I'm sorry. Akala ko lang kasi... f**k! Sorry, baby."
Tinanggal ko na ang mga kamay ko sa mukha ko at yumakap kay Carrack. It took us time before I finally calmed myself.
"Bakit mo naman naisip na ayoko na? We promised that we'll wait for each other, right?" naisipan kong itanong nang paalis na kami ng mall.
"I'm sorry," bukod tanging sagot ni Carrack.
"Akala ko tuloy na-turn off ka na sa akin," nahihiyang pag-amin ko.
"Bakit naman?"
"Because the last time we saw each other, I got angry at Marron over petty things." I feel so small.
"Petty things?" I can't describe his expression while asking that.
I bit my lip then nodded. "I thought you're thinking that I was mad at her because her brother rejected me years ago..." napakunot ang noo ko.
"What's wrong, baby?" nag-aalalang tanong ni Carrack.
I shook my head. Napahawak ako sa ulo ko dahil bahagyang sumakit iyon. "I can't remember why I was mad at her. Ang alam ko lang ay nagalit ako nang sobra sa kanya," naguguluhang sabi ko.
Carrack's mouth formed an O.
"Bakit hindi ko maalala?"
"Baka dahil sa nangyari sa kanila ni Frigate," he suggested.
"B-Baka..." kumunot ang noo ko. "Bakit ba sila hindi nagkatuluyan?"
Carrack sighed. "She chose Trey."
I nodded my head. Pero naguguluhan ako kung bakit hindi malinaw sa akin ang mga pangyayari. Parang may kulang na parte na hindi ko maisip.
"Kailangan mo na bang umuwi? Bakasyon mo na. 'di ba?"
"Yup."
"You wanna go somewhere else?"
I smiled at him.
"I miss you, baby," malambing na sabi ni Carrack at inabot ang kamay ko. He brought it to his face then kissed the back of it. "I'm sorry if I got scared that you no longer wants me."
I pouted. "Bakit mo ba kasi naisip 'yon?"
He shook his head. "I was stupid."
I let the issue slip. I just want to put my trust in him. Hindi naman siguro s'ya nakakita ng ibang babae kaya bigla s'yang hindi nagparamdam sa akin. Masyado ko s'yang na-miss para pagdudahan pa sa mga bagay-bagay.
And Carrack is an honest, dignified man.
We went in a museum of desserts and I can't deny the fact that I enjoyed it. We took photos and ate lots of sweets.
"So..." Carrack started while we're walking back to his car. "Pwede na ba akong manligaw?"
I gasped then I bit my bottom lip. I nodded. "But... can we keep things between us for now?"
Actually, sa tingin ko nga ay hindi na n'ya kailangan pang manligaw. He already won me over.
Mukhang hindi s'ya natuwa sa sagot ko pero pilit na ngumiti lang s'ya at tumango.
Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Kuya is planning to surprise Selene with a wedding before the year ends. I just don't want any attention to be taken from them," I explained.
He sighed then nodded. "I understand."
I smiled at him. "And I don't think that it's still necessary."
Carrack chuckled. "Of course it is. You deserve all the best. And you deserve to be wooed."
Bakit nakakakilig?
Tumuloy na kami sa sasakyan n'ya at niyaya n'ya pa ako na mag-dinner na muna bago ihatid sa bahay.
"Galit ka kay Rile?" tanong ko nang mapansin na kanina n'ya pa kina-cancel ang tawag ng kaibigan n'ya at nakasimangot s'ya sa tuwing gagawin iyon.
"He get what he asked for."
"Huh?"
"Niyakap ka n'ya kanina dahil nang-iinis s'ya."
"Bakit naman?"
Carrack gave me a stare as if asking if I'm dumb. "Hannah, you have no idea how crazy I've been the past days. Akala ko nakalimutan mo na ako, at ayaw mo na sa akin. And the fuckers are making the time of their lives making fun of my mood."
My lips parted.
"Muntik pa nga kaming magkasuntukan ni Xyz dahil sa pagbibirong landi ni Kill."
Napasimangot ako. "Biro ba 'yon?"
Carrack's eyes widened at first then he smirked. "Is my baby jealous?"
Hindi ko napigilan na irapan s'ya.
He chuckled. "You're so lovely."
Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan namin na maglakad-lakad na muna sa garden ng hotel kung nasaan ang restaurant na kinainan namin. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita namin si Marron at isang babae na hindi ko kilala. Dahil hindi naman nila kami nakita ay hindi na namin nilapitan.
"Are you alright?" Carrack asked.
I nodded. "Pero iniisip ko kung dapat ba akong mag-sorry sa kanya."
"No need, baby." mariing sabi ni Carrack at iginiya na ako papunta sa sasakyan n'ya.
"Are you happy?" Carrack asked after stopping his car in front of our house.
I smiled at him then nodded. Now that he's back, I feel that my heart is full.
"Good. Because you worked hard for that happiness," Carrack gave me a warm smile. "Can I kiss you?"
Biglang sumipa ang puso ko. My lips parted. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga dahil titig na titig si Carrack sa labi ko.
"O-Okay..." mahinang sagot ko.
It felt like the world stand still as he slowly leaned closer. And I don't know why I felt disappointed when his lips touched my forehead.
"Good night, Hannah," he murmured then he withdrew himself a little. I held my breath as pinched my chin with his fingers. He slightly tilted my head upward. We held each other's gaze until he decided to finally claim my lips.
I can picture fireworks in my head while he rewarded my lips with his gentle kisses.
Mas matamis pa 'to kaysa sa museum na pinuntahan namin kanina.
Oh, Carrack, you really have your way to make the butterflies in my tummy flutter.