MSP01-Fiesta
THIRD PERSON POV
Isang malaking pagdiriwang ng p'yesta ang magaganap ngayon sa Ciudad Del Fuego kung saan maraming iba't-ibang mga kaganapan ang mangyayari sa gaganaping pagdaraos ng kapistahan ng Ciudad Del Fuego.
Kada sa isang taon ay ganito na talaga ang nagaganap sa bayan.
Isa sa mga nangungunang naging sponsor sa mga naturang event ang isa sa pamilyang pinakamayaman sa buong bansa. Ang pamilyang Cordero.
Sa dami ng mga taong pumupunta sa plaza upang manood ng mga pinapalabas dito ay hindi magkamaliw ang mga tao.
Paroon at parito kung saan ang gusto nilang panuorin. Isa din sa mga inaabangan ng lahat ang pagpapakilala ng Congressman sa kaniyang nag-iisang anak at taga-pagmana ng lahat ng ari-arian ng mga Cordero.
Halos lahat ng mga kadalagahan ay pumunta upang makita lamang nila ang nag-iisang anak ng mag-asawang Cordero. Ngayon lang kasi ito umuwi sa tagal ng panahon nitong tumira sa Maynila. Bata palang ito ng umalis at sa Maynila na ipinagpatuloy ang pag-aaral nito.
Alas otso palang ng gabi ay sobrang dami na ng mga tao sa loob at labas ng plaza, nag-aabang sa gaganaping pag-anunsyo kung sino-sino ang mga mapapalad na nanalo. At ang higit sa lahat, ang pag-anunsyo na makikita at makikilala na sa kanilang bayan ang anak ng congressman. Samantala palakad-lakad lamang ang isang babaeng baguhan lamang sa bayan.
Hindi naman kasi talaga siya tagaroon. Ipinasya niya na lamang na umupo na muna sa isang seaside dahil masyado na siyang nahihilo sa dami ng taong nakakabangga at nakakasalubong niya. Malakas ang hangin at medyo madilim sa kaniyang kinauupuan. Aninag pa rin naman niya ang mga taong walang kasawaan sa paglalakad kapag bumaling siya sa kaniyang likuran.
Pinakinggan niya na lamang ang hampas ng mga alon at dinama ang malamig na hangin na siyang yumayakap sa kaniya sa dilim ng bahaging kinaroroonan niya.
Biglang naagaw ng atensyon ang dalaga ng may tumikhim sa likuran nito. Napalingon naman doon ang dalaga at nakita niya ang dalawang lalaking nakatayo sa kaniyang likuran lamang.
"Hi? I thought walang tao dito but I guess I'm wrong! Oh! I'm sorry for my distraction." Isang baritonong boses ang narinig naman ng dalaga ng marinig niyang nagsalita ito. Saglit lang naman itong nilingon ng dalaga at muling ibinalik ang tingin sa kaniyang harapan kung saan naaaninag niya ang dagat.
Napabuntong-hininga na lamang ang lalaki at malayang pinagmasdan ang kabuuan ng dalaga habang nakaupo ito sa seaside. Higit na pinakatitigan nito ang mahaba at mabango nitong buhok na dinadala ng malakas na hanging sinasalubong nito.
"Try to talk to me! Oh, I'm sorry ulit kung kinakausap kita." Lumapit pa ito sa dalaga at tumabi ng upo sa kaniya. Samantalang naiwan naman ang isa sa likuran niya at hinayaan lamang na umupo ang kasama nito sa tabi ng dalaga.
"Excuse me Sir? Ako po ba ang kinakausap mo o ang kasama mo?" Turo ng dalaga sa kaniyang sarili at hinintay ang sagot ng lalaking tumabi nalang basta sa kaniya.
"Ikaw ang kinakausap ko." Malumanay naman na sagot ng lalaki habang nakatitig sa mukha ng babaeng lumingon na sa kaniya.
Hindi naman niya napigilang hindi mapahanga ng husto sa kaharap na babae dahil sa maamo nitong mukha at kahit hindi nakangiti ito ay alam niyang may malalim itong dimple sa pisngi na lalong nagbigay ng magandang mukha sa kaniya.
"Ah! I'm sorry, hindi ko alam na ako yung kinakausap mo eh." Hinging paumanhin naman ng babae sa lalaki na ngayon ay hindi na naalis ang tingin sa dalaga.
"Bakit nandito ka? Ayaw mo ba sa loob? Marami pang program ang aabangan doon sa plaza diba?" Friendly namang anas ng lalaki sa babae habang ang kasama nitong isang lalaki ay nananatiling nakatayo sa likuran nila.
"Hindi naman ako mahilig sa gan'yan! Sinamahan ko lang ang pinsan ko dito kasi wala siyang makakasama." Paliwanag naman ng babae sa lalaki habang nakikinig ito sa kaniya.
"Oh? Pareho lang tayo! Hindi rin ako mahilig sa ganito." Bigla naman nabitin ang sasabihin nito at nahalata iyun ng katabi niyang babae.
Tumikhim muna ang babae bago muling itinuon ang mga mata sa malawak na karagatan.
"May sasabihin ka pa ba?" Hindi na napigilang maisatinig ng babae sa lalaki.
"Meron pa, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa rin natin alam ang pangalan ng isa't-isa." Napapangiti nitong saad habang sinusundan ang mahabang buhok na ng katabing babae.
"Ah! oo nga ano?" Napapangiti namang saad ng dalaga sa binata.
"What's your name first?" Hindi na napigilang itanong ng lalaki sa katabi niya ang pangalan nito.
"Margaritte Zalcedo, just call me Margie." Agad namang pakilala ng dalaga sa binata.
"Wow, nice name and I'm pleasure to meet you now Margie! By the way I'm John Matthew Cordero. Just call me the way I know you'll be satisfied!" Agad naman nitong iniabot ang kaniyang kanang kamay sa babaeng nakaawang pa ang mga labi dahil sa pangalan na narinig sa kaharap niyang lalaki. Nag-aalangan pa itong iabot sa kaniya ang kamay nito kaya naman si Matthew na ang kumuha sa kamay nito at kinamayan niya ang dalagang bigla nalang natigilan.
"Ahhh----ahhh--- Wait!" Sabay hila nito sa kamay niya sa lalaki at itinago ito sa kaniyang pagitan ng mga hita. "Nakakahiya namang makipagkamay pa sa'yo sir Matt. Okay na sa akin na nakilala kita." Nakita naman nito ang biglang pagbabago ng hilatsa ng mukha. Kumunot ang noo nito at halatang may ayaw sa kaniyang sinabi.
"Just call me Matt, delete Sir or what! We're friends right?" Mabilis nitong usal kay Margie at pinakatitigan pa ito ng husto sa mukha ang dalaga.
"Pero----," Hindi na naituloy pang sabihin ni Margie ang sasabihin sana sa katabi niyang lalaki ng binulungan na ito ng lalaking lumapit sa katabi niyang si Matt.
"Hayaan mo na sila! Si Dad lang naman ang may nais na gawin iyun at hindi ko gusto yun. I'm staying here!" Sagot naman ni Matt sa lalaking bumulong sa kaniya.
"Pero ikaw nalang ang hinihintay nila! Malalagot din ako sa daddy mo kasi hinahayaan lang kita na hindi mo sila susundin!" Katwiran naman ng lalaking kasama ni Matt sa kaniya.
"Leave it to me! Ako na ang bahalang magpapaliwanag sa kanila." Parang walang pakialam lang naman si Matt sa sinabi ng lalaki sa kaniya.
"You just have to explain to them, 'cause I'm dead if you don't." May diin naman nitong salita habang humakbang muli ng ilang hakbang palayo sa dalawa.
"Hmmm, ano nga ulit ang sinasabi mo sa akin kanina Margie?" Usisa nitong muli ng hindi na sila iniisturbo ng lalaking lumapit dito.
"Sabi ko, hindi kita pwedeng hindi tawagin na Sir o Senyorito, kilala ang angkan mo dito sa buong Ciudad Del Fuego." Muling bigkas ni Margie kay Matt.
"Nah! we're friends! Ayaw ko naman na kaibigan kita tapos ga'nun ang itatawag mo sa akin. Parang hindi maganda pakinggan yun Margie." Ani nito habang napapangiwi pa ang labi nito.
"Hindi pa rin maganda sir Matt, I'm sorry pero hindi ko kayo susundin sa nais niyo, tinitingala po ang pamilya niyo rito kaya dapat lang na igalang ko rin kayo sir Matt."
"Hey Margie! Stop it! Okay? just call me Matt instead." Sabay nitong lahad muli sa kamay niya kay Margie. Hindi naman ito pinagbigyan ni Margie sa nais nito. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga at pagkatapos ay dahan-dahan na siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan.
"Sorry po sir Matt, mauuna na akong umuwi sa inyo at baka hinahanap na rin ako ng aking pinsan." Nagpalinga-linga pa ito sa paligid upang hindi manlang mabigyan ng pansin ang mga matang nakatitig sa kaniya ng husto.
"Tawagin mo muna ako sa pangalan ko ng walang anumang karugtong na 'sir, please?" Pakiusap na nito sa babaeng hinawakan niya ng mahigpit sa kamay upang pigilan ang akma nitong paglalakad na.
"Ha? Ano nalang ang sasabihin ng iba kapag hindi ko kayo ginagalang." Sabat naman ni Margie sa lalaking nakahawak na sa kamay niya.
"Magkaibigan na tayo, bago mo pa ako nakilalang anak ng congressman Margie, for Pete's sake!" Bulalas nito sa harapan na babae.
"Okay! para manahimik at paalisin mo na ako rito. Matt na ang itatawag ko sa'yo." Suko naman ni Margie sa lalaking makulit sa harapan niya at doon niya na unti-unting hinila ang kaniyang kamay.
"Good! Halika na at hanapin na natin ang pinsan mo."
Wala ng nagawa si Margie sa gusto ni Matthew kaya nagpatianod na lamang siya sa dalawang lalaking pinagigitnaan na siya habang paalis sa seaside at patungo na ng plaza.