TAMIE Pagdating sa villa ay nakita ko nga si Kuya Denmark, abala na ito makipag–usap kay Kuya Vermont habang tumatahol na sinalubong naman kami ni Sakari. Dumiretso kami sa silid. Si Rhann ay sa banyo ang diretso para maligo, mamaya na ako pagkatapos niya. Binisita ko ang phone ko at nagpadala ng mensahe sa mga kaibigan ko sa group chat. Tinanong ko kung nakauwi na ba sila at kaagad naman silang sumagot sa akin. Si Vergie ay nasa biyahe na pabalik sa probinsya nito at si Keffie naman ay nasa bahay na. Himala nga at tahimik ito sa group chat namin, siguro ay hindi pa maka-move on ng hinalikan siya ni Lekaio. Napatingin ako sa phone ni Rhann na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Tumunog ang message alert tone nito. Nagdadalawang-isip ako kung babasahin ko ba o hayaan ko na lang. Ng

