TAMIE Para akong nabuhayan ng makita ko siya. Hindi pa man ako nakakawala sa mga lalaking ito, pero sa isiping nandito siya, pakiramdam ko ay ligtas na ako. “Sino ka bang pakiala—” Hindi na natapos ng lalaki ang kanyang sasabihin ng sikmuraan siya ni Kuya Rhann at kinuwelyuhan saka walang kahirap-hirap na pinalabas ng sasakyan. Nakita ko pa nga kung paano siya hinagis nito sa talahiban. Napatili ako at yumuko ng muling may bumasag sa salamin sa bandang gilid ng isang lalaking katabi ko. “Hey, Careful. Nasa loob pa si Tamielina!” pagalit ni Kuya Rhann sa bumasag ng bintana. “Pasensya na, boss!” Hinawakan niya ako at maingat na pinalabas sa sasakyan. Nang nasa labas na ako ay kaagad niya akong niyakap. “K-Kuya Rhann…” garalgal kong sambit habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib

