TAMIE Maaga kami pinalabas ng guro namin sa huling subject. Magpapaalam sana ako kay Kuya Rhann na sasama muna kina Vergie at Keffie na lumabas habang hinihintay siya dahil tiyak akong wala pa ito sa school. Pero hindi ko na nagawa dahil nagkita kami ni Felice sa D’Amico. “Hi, Tamie. Tapos na ang klase n'yo?” nakangiting tanong niya. “Oo. Maaga kami pinalabas.” Binalingan niya ang dalawang kasama ko. “Okay lang ba na hiramin ko si Tamie?” Tumingin sa akin ang dalawa kong kaibigan bago binalingan si Felice saka tumango. Sinabi nila na bukas na lang daw ituloy ang paglabas namin. Nang wala na sila ay hindi na ako nakahuma ng umangkla si Felice sa braso ko na akala mo ay close kaming dalawa. “Saan tayo pupunta?” tanong ko ng nagsimula na kaming maglakad. “Kakain sa labas at mamama

