RHANNDALE SAINT Para akong nanigas ng inihilig niya ang ulo sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga at pilit na may kinokontrol na bahagi ng katawan ko para hindi tuluyang magising dahil oras na maging alerto ito ay baka hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pinakiramdaman ko siya. Hindi pa rin siya gumagalaw. Nangangalay na ako, baka nakatulog na ang malditang ito. “Tamie, ihahatid na kita sa kwarto mo. Baka hindi ka makapasok sa—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng yakapin niya ako at parang inayos niya ang sarili para maging komportable ang puwesto niya. Bumuntong-hininga ako. Umusog ako ng kaunti para isandal ang likod sa armrest ng sofa bago ko pinaikot ang braso ko sa manipis niyang katawan. “Are you sleeping?” “Hmm…” “Okay, go to sleep. Ililipat na lang kita mama

