TAMIE Sa kalagitnaan ng klase ay tinawag ako ni Sir Max. “Ms. Quejor, come here and answer this problem.” “P-po?” maang na tanong ko. “Sagutan mo raw ‘yong problem. Go na, girl. Pagkakataon mo na ito para magpakitang gilas sa guardian mo,” bulong ni Keffie sa akin. Gusto ko s'ya sabunutan dahil nasa likod lang namin si Kuya Rhann at posibleng narinig ang sinabi niya. Tumayo ako. Inayos ko muna ang palda ko dahil sigurado ako na hindi magugustuhan ni Kuya Rhann kapag nakita niyang hindi maayos ang palda ko. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang sinabi niya tungkol sa uniform namin na kulang na lang ay makitaan na kami sa ikli nito. Naglakad ako sa unahan. Kinuha ko ang marker na inabot sa akin ni Sir Max at sinimulan ng sagutan ang pinapasagot niya sa akin. Mabuti na lang ay naki

