TAMIE Nang humupa ang emosyon ko ay isa-isa ko na nilagay sa maleta ang mga gamit ko. Aalis na ako dito dahil hindi ko na kayang harapin si Rhann pagkatapos ng mga nalaman ko. Para pa rin pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit sa tuwing naaalala ko ang totoo mismo sa bibig niya. Wala siya sa silid ng mag-angat ako ng mukha. Siguro ay hindi rin niya ako kayang harapin dahil sa paglilihim niya sa ‘kin. Pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko ay kinuha ko ang phone sa bag ko. Tatawagan ko si Lolo Ernel at sasabihin na babalik na ako. Hindi naman ako mahihirapan sa byahe dahil private plane ang sasakyan ko. Kailangan ko lang siya i-inform na babalik na ako. Tumikhim ako para linisin ang nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko pa nakakausap si Lolo Ernel ay nangangatal na ang labi ko at nagsisim

