TAMIE “H-hindi totoo ‘yan.” “Of course, it's true, Tamielina. Kaya ‘yong sinasabi mong pinapakita sa ‘yo ni Rhanny na walang halong pagkukunwari, it's a big lie. Siguro sa ngayon ay sweet s'ya dahil nandito ka pero once na bumalik ka sa Turkey ay babalik ulit kami sa dati. Come on, Tamieliana, open your eyes. Ako ang mas higit na nakakakilala sa kanya. Alam na alam ko na ang likaw ng bituka niya. Lahat ng pinakita niya sa ‘yo ay puro pagkukunwari lang.” Parang hiniwa ng punyal ang puso ko sa huling sinabi nito. Wala akong makitang kahit na anong butas para isipin na hindi totoo lahat ng pinakita sa akin ni Rhann. “S-stop lying, Felice. H-hindi mo magagawang siraan si Rhann sa akin. You're too desperate para maibalik lang ang atensyon niya sa ‘yo kaya gagawa ka ng paraan para masira a

