TAMIE
Nakatulog na si Tristan sa balikat ni Kuya Rhann habang karga niya ang kapatid ko. Ilang minuto na ring nakatayo si Kuya Rhann at maya't maya na pabalik-balik sa loob ng silid habang marahang tinatapik-tapik ang likod ni Tristan. Ako naman ay nililibang ang sarili sa phone ko pero may pagkakataon na napapatingin ako sa kanilang dalawa.
Nang pumasok kami sa kwarto ay tinanong ni Kuya Rhann si Tristan kung bakit umiiyak pero hindi rin sumagot ang kapatid ko. Saka lang tumigil sa pag-iyak si Tristan ng kargahin ito ni Kuya Rhann.
“You better go to sleep, Tamie. I will take care of Tristan,” sabi niya ng napansin na humikab ako.
“Sige, Kuya Rhann. Kapag inaantok ka na, gisingin mo na lang ako para palitan kita.”
Hindi niya ako sinagot. Nang tumalikod siya ay saka ako humiga. Mabilis naman akong nakatulog. Nang magising ako ay madilim na sa loob ng silid. Kaagad kong binuksan ang lampshade at kukurap-kurap ang mata na nilibot ang tingin sa silid. Mayamaya lang ay nahagip ng mata ko si Kuya Rhann na nakaupo sa sofa, nakasandal ang likod at ulo habang nakaunan ang ulo ng kapatid ko sa hita nito. Nakatulog na pala ito sa sofa.
Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa. Bigla akong naawa kay Kuya Rhann dahil pagod na siya ay puyat pa dahil kay Tristan.
Dahan-dahan kong binuhat si Tristan para hindi ito magising bago inilipat sa kama. Pagkatapos kong masiguro na komportable na ito ay binalikan ko si Kuya Rhann. Yumukod ako at marahang niyugyog ito sa balikat. Mukhang tulog na tulog siya dahil maging pagkuha ko kay Tristan ay hindi niya namalayan.
“Kuya Rhann,” mahinang tawag ko sa kanya habang niyuyugyog sa balikat.
“Hmm…” mahinang ungol niya.
“Lumipat ka na sa kwarto mo. Baka sumakit ang likod mo riyan,” dagdag ko pa.
Napasinghap ako ng hinawakan niya ang kamay ko at hinila dahilan para mapaupo ako sa tabi niya. Hindi ko na nagawang makagalaw ng ihinilig niya ang ulo sa balikat ko.
“Stay, bebeğim.”
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Anong salita iyon?
“Dito ka na lang ba matutulog?”
Bumuntong-hininga siya at binaon ang mukha sa leeg ko. Nakiliti ako ng maramdaman ko ang buga ng mainit na hangin na nagmula sa ilong niya, parang nagtaasan ang balahibo ko sa batok paakyat sa ulo ko.
“Yes, please,” namamaos niyang sabi.
“Sige, pero dito ka sa sofa, ha.”
“No problem. Just stay here for a moment, hmm?”
Huminga ako ng malalim at hindi na sumagot. Sinandal ko na lamang ang ulo ko sa sofa at pumikit, inaantok pa kasi ako.
Nakatulog ako na nakahilig pa rin sa balikat ko ang ulo ni Kuya Rhann. Napakislot ako ng marinig ko ang palahaw na iyak ni Tristan. Mabilis akong napabalikwas ngunit napadaing ng may tumama sa ulo ko. Mariin akong pumikit habang sapo ang ulo kong kumikirot. Pagmulat ko ng mata ay nakita kong nakatayo si Kuya Rhann sa harap ko habang sapo ang ulo nito. Saka ko lang napagtanto na ulo pala ni Kuya Rhann ang tumama sa ulo ko. Marahil ay nataranta rin ito ng marinig ang iyak ni Tristan.
“Hey, are you alright?” Marahan niyang hinaplos ang ulo ko.
Tumango lamang ako at binalingan ang kapatid kong umiiyak na nakaupo sa kama habang sapo ang pisngi nito.
Bago pa man ako tumayo para lumapit sa kapatid ko ay malaki na ang hakbang ni Kuya Rhann palapit kay Tristan. Kaagad niyang kinarga ang kapatid ko.
“What's wrong, Tris? Come on. Tell to, kuya.”
Tumayo ako at lumapit sa dalawa. Kumunot ang noo ko ng napansin ko na tila namamaga ang kabilang pisngi ng kapatid ko.
“Masakit ba ang ngipin mo, Tris?” tanong ko.
Hindi ito sumagot. Tumigil na rin ito sa pag-iyak at muling hinilig ang ulo sa balikat ni Kuya Rhann bago pumikit.
Masama ang tingin na binalingan ko si Kuya Rhann.
“Why are you staring at me like that?” maang na tanong nito na para bang wala itong kinalaman kung bakit sumakit ang ngipin ni Tristan.
“Kasalanan mo ‘to, Kuya Rhann,” paninisi ko rito.
“What?” mahina ngunit mariin niyang sambit. “Ano naman ang kasalanang ginawa ko?”
“Nagmamaang-maangan ka pa. Dahil sa candy na binili mo kay Tristan kaya sumakit ang ngipin niya,” paalala ko rito.
“How can you be sure that his tooth hurts? He didn't say anything, remember?” katwiran nito.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi pa ba obvious ang pamamaga ng pisngi niya? Isusumbong talaga kita kay Ate Tanie at Kuya Ralphie,” pagbabanta ko.
Pasimple niyang sinilip si Tristan. Mayamaya lang ay tinalikuran niya ako.
“Oh, God. I don't want to start my day arguing with her. Save me from her.”
Pumalatak ako. “Hindi porke may Saint sa pangalan mo ay priority ka na po ni Lord? Mas marami pa ang humihiling sa Kanya ng mas mabigat kaysa sa hiling mo kaya ‘wag ka ng sumingit, Kuya Rhann. Akala ko ba it's more fun arguing with me? Bakit parang sumusuko ka na agad?” paalala ko sa sinabi niya ng unang nagkasagutan kaming dalawa.
Pumihit siya paharap sa akin. “I'll just make it clear to you, young lady. What I mean is that I don't want to argue with you now because of Tristan's condition. And the fun I'm talking about is not the fun that first comes to your mind. You're too young for the fun I want, Tamielina. At kapag hindi ako nakapagtimpi dahil sa kasasagot mo sa ‘kin, kakalimutan kong binilin ka sa ‘kin ni Taniella,” may pagbabanta niyang sabi. Bigla rin sumeryoso ang mukha niya.
Bigla kong itinikom ang bibig ko. Hindi ko man masyadong maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin ay bigla akong binalot ng pagkabahala. Pakiramdam ko kasi, kapag sinagot ko pa siya ay tototohanin niya ang kanyang banta.
Maliwanag na sa labas kaya binuksan ko ang balkonahe. Sinalubong ako ng sariwang hangin kaya pumikit ako. Kahit paano ay parang nakatulong ito na gumaan ang sitwasyon sa pagitan namin ni Kuya Rhann. Siguro kung wala siya sa bahay ay baka mas magiging matiwasay ang buong araw ko.
Bigla akong nagmulat ng mata ng may naalala ako. Oo nga pala, may pasok siya ngayon sa opisina. Pumihit ako paharap sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.
“May pasok ka po pala ngayon, Kuya Rhann. Ako na ang bahala kay Tristan.”
“Hindi ako papasok,” mabilis niyang sagot.
“Pero—”
“Stop arguing with me, Tamielina,” may awtoridad niyang sabi.
Wala akong nagawa kundi tumahimik. Bumaba na lang ako para kumuha ng almusal nilang dalawa ni Tristan. Pipilitin kong kumain ang kapatid ko dahil kaunti lang ang kinain nitong hapunan.
“Manang, magdadala po ako ng almusal nina Kuya Rhann at Tristan sa kwarto. Iyak nang iyak po si Tristan kagabi kaya sa kwarto na po natulog si Kuya Rhann,” bungad ko kay Manang Susan ng nadatnan ko ito sa kusina.
“Tamang-Tama, nakapag-luto na ako ng almusal. Sandali at magtitimpla ako ng kape ni Rhann. Ikaw ba, gusto mo ba ng kape?”
“Mamaya na lang po. Paka-kainin ko po muna ang kapatid ko.”
“Ano ba nangyari sa kapatid mo? Masigla naman iyon kahapon ng umuwi,” tanong ni manang habang nagtitimpla ng kape. Ako naman ay kumuha na ng pagkain ng dalawa at nilagay sa tray.
“Masakit po yata ang ngipin. Namamaga po kasi ang kabilang pisngi niya.” Kasalanan talaga ‘to ni Kuya Rhann.
“Painumin mo ng pain reliever na gamot.” Nilagay ni manang ang tasa na may kape sa tray. “Kukuha ako ng gamot sa storage room,” presenta nito.
“Salamat po.”
Nagtimpla ako ng gatas ni Tristan para kapag hindi ito kumain ay may laman pa rin ang tiyan nito. Mayamaya lang ay dumating na si Manang Susan dala ang gamot.
Dinala ko ang tray na may lamang pagkain sa balkonahe nang nasa loob na ako ng silid.
“Kuya Rhann, kumain ka na ng almusal. Paka-kainin ko na rin si Tristan.” Lumapit ako at hinawakan si Tristan para kargahin ito.
“You know what, you look more beautiful, especially in the morning.”
Hindi ako nakahuma sa kinatatayuan ko. Parang biglang hindi nag-function ang utak ko sa sinabi nito lalo na at ilang layo lang ang mukha ko sa mukha niya. First time na may nagsabi sa akin na maganda ako sa umaga kahit sabog ang buhok ko. Seryoso ba talaga siya o baka pampalubag loob lang niya iyon? Nagi-guilty siguro dahil siya ang dahilan kung bakit sumakit ang ngipin ng kapatid ko.
Nang makabawi ay umarte akong nahihiya na ngumiti bago inipit ang ilang takas kong buhok sa likod ng tainga ko. “Talaga, Kuya Rhann?”
Malawak siyang ngumiti. Akala siguro niya ay madadala niya ako sa pangbobola niya. Mayamaya lang ay unti-unting naglaho ang ngiti ko sa labi at tinaasan siya ng kilay.
“Huwag mo akong binobola, Kuya Rhann dahil isusumbong pa rin kita,” nakairap na sabi ko bago kinuha si Tristan.
Pumunta ako sa balkonahe. Pinaupo ko muna si Tristan bago ako umupo. Nasa harapan ko na rin si Kuya Rhann.
“Tris, kumain ka kahit kaunti lang,” pakiusap ko sa kapatid ko na ayaw ibuka ang bibig kahit nasa harap na niya ang kutsara na may lamang kanin at hotdog.
Umiling-iling si Tristan at iniwas ang bibig sa pagkain. Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang timplang gatas.
“Ito na lang na gatas ang inumin mo para may laman pa rin ang tiyan mo.” Binigay ko ang baso sa kanya. Nagliwanag ang mukha ko ng kunin niya ang baso.
Nakangiting ginulo ko ang buhok niya bago kinuha ang pagkain na para sa kanya, ito na lang ang kakainin ko.
Tahimik kaming kumain. Hindi ko tinatapunan ng tingin si Kuya Rhann kahit napapansin kong maya't maya ang tingin niya sa akin. Ewan ko ba sa lalaking ito kung ano ang mayroon sa akin dahil palagi na lang niya ako tinititigan.
“Ate, ayaw ko na po.” Pinatong ni Tristan ang baso sa mesa. Kalahati lang ang ininom nitong gatas.
“Saan ka pupunta?” tanong ko ng umalis siya sa upuan.
Tinuro lang niya ang kama bago kami tinalikuran. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kapatid ko. Nang humiga ito ay saka ko muling tinuon ang atensyon sa pagkain.
Hindi na ako gumamit ng tinidor at basta na lang kinuha ang hotdog. Sinubo ko ito at kumagat. Hindi sinasadyang nagkasalubong ang mga mata naming dalawa ni Kuya Rhann.
Nagsalubong ang kilay ko habang ngumunguya, titig na titig na naman kasi siya sa akin. Ilang sandali lang ay hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtaas at pagbaba ng adam's apple niya.
Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin at kinuha ang baso para inumin ang natitirang gatas. Nang maubos ay napatingin ulit ako kay Kuya Rhann.
“Bakit?” takang tanong ko saka pinasadahan ng dila ang labi ko bago muling kumagat ng hotdog.
“Fuck.”
Napahinto ako sa pagnguya ng biglang magmura si Kuya Rhann. Sinandal nito ang likod sa sandalan ng upuan. Blangko ang mukha nito habang nanatiling nakatitig sa akin.
“M-may problema ba?” maang na tanong ko.
Dumilim ang mukha niya. Tiningala ko siya ng tumayo siya at lumapit sa akin. Yumukod siya at awtomatikong dinala ang kanyang isang kamay sa pisngi ko.
“I hate seeing you f*****g eating a hotdog in front of me, Tamielina. I also didn't like you licking your lips in front of me either. I can't stop thinking wildly while you're in front of me. You are too f*****g innocent, bebeğim. Huwag mo sirain ang pagtitimpi ko, for pete’s sake!”
Napaawang na lang ang labi ko ng pasadahan ng hinlalaki niya ang gilid ng labi ko bago dinala sa bibig niya at sinipsip.
“Huwag mo na ako yayayain kumain. If you want to eat, eat without me. I don't want to eat with you.” Tinalikuran niya ako. “f**k. I need to take a shower. It's too f*****g hot here,” narinig ko pang sambit niya.
Napapailing na muli kong tinuon ang atensyon sa pagkain. Nang magsabog ng magulo ang utak ang taas, sinalo lahat iyon ni Kuya Rhann. Hindi ko talaga minsan maintindihan ang mga sinasabi niya.