TAMIE
Nakaupo ako sa sofa at kumakain ng mani habang nanonood. Nakita ko ang mani sa ibabaw ng mesa kaya tinanong ko kay Manang Susan kung may nagmamay-ari ba nito. Ang sabi naman niya ay wala kaya kinuha ko.
Kasalukuyan akong nasa sala at hinihintay ang pagdating nina Tristan at Kuya Rhann. Katulad ng sinabi ni Kuya Rhann ay sinamahan niya magpa-enroll ang kapatid ko.
Magkahalong excitement at pagkabahala ang nararamdaman ko para sa kapatid ko. Excited dahil makakapag-aral na siya at magkakaroon na ng mga bagong kaibigan. Pagkabahala dahil hindi sa lahat ng oras ay nakikita ko siya. Kinakabahan ako na baka may umaway sa kanya ng hindi ko alam.
“Tamie, nariyan na yata sina Rhann at kapatid mo,” agaw ni Manang Susan sa atensyon ko.
Sinubo ko ang ilang mani na nasa palad ko bago tumayo kaya ngumunguya ako ng lumabas sa pintuan.
Unang bumaba si Kuya Rhann sa kotse. Nang tapunan niya ako ng tingin ay ngumiti ako. Umikot siya sa front seat para pagbuksan ng pintuan si Tristan. Excited na lumapit ako ng lumabas ang kapatid ko.
“Ate!” Niyakap ako ni Tristan.
“Kumusta naman ang kapatid ko, hmm?” malambing na tanomg ko rito.
“Ang galing ko, ate. Pinagbasa ako ni teacher ng, A, B, C, D, E—”
“Wow, talaga?” Pinutol ko na siya dahil tiyak na tatapusin niya iyon.
“Opo. At tsaka, a, ba, ka da, e—-”
“Wow, ang galing naman ng kapatid ko.” Tuwang-tuwa na pumalakpak ako. “O, dapat, habang hindi ka pa pumapasok, tuturuan pa kita magbasa, ha?”
Kapag nasa kwarto kami ay tinuturuan ko ito magbasa para kapag papasok na ay marunong na ito.
“Sige po, ate. Kapag may oras daw po si Kuya Rhann, tuturuan niya rin daw ako.”
Sa puntong iyon ay binalingan ko na si Kuya Rhann na nakamasid sa aming dalawa ni Tristan.
“Salamat, Kuya Rhann,” nakangiting sabi ko rito.
Unti-unti nawala ang ngiti ko ng tumango lang siya sa akin bago pumasok na sa loob. Nagtataka na sinundan ko siya ng tingin. May problema ba ang lalaking iyon? Parang iba yata ang pagiging tahimik niya ngayon?
Niyaya ko na sa loob si Tristan. Tumakbo ito palapit kay Kuya Rhann na nakaupo na sa sofa. Dinampot nito ang isang paper bag at may kung anong kinuha sa loob.
“Kumain na kayo?” tanong ko. Nakatingin ako kay Kuya Rhann na nakatutok ang atensyon sa television. Pasado alas tres na kasi ng hapon.
“Tapos na, ate. Kumain kami ni Kuya Rhann sa paborito kong kainan. ‘Yong sa bida-bida po.” Bakas ang tuwa sa boses ni Tristan. Mahina naman akong natawa sa sinabi nito. Iyon kasi ang tawag niya sa fast food chain na madalas namin puntahan kapag may extra na pera ang magulang namin. “May dala kaming burger at fries, ate. Sabi ko kasi kay Kuya Rhann, favorite mo ito kaya um-order siya.”
“Talaga?” Kaagad kong kinuha ang isang supot na inabot ni Tristan sa akin bago ko binalingan si Kuya Rhann na kanina pa tahimik. “Kuya Rhann, thank you rito, ha,” sabi ko pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Nakasimangot na tumabi ako sa kapatid ko at sinimulang kainin ang burger at fries. Pagkatapos ko kainin ito ay padabog kong kinuha ang mani na nasa mangkok sa ibabaw ng mesa at tinungo ang kusina. Kumuha ako ng tubig sa refrigerator at uminom.
“Problema ba n'ya?” sambit ko.
Paggising ko ay hindi ko na siya naabutan kaninang umaga dahil ayon kay Manang Susan ay pumasok na raw sa opisina. Nang bumalik siya ay kinausap lang niya si Tristan na magbihis na dahil sasamahan niya ito mag-enroll. At ngayong pag-uwi niya ay parang hangin lang ako sa harap niya na parang hindi niya nakikita. Wala naman akong natatandanag ginawang mali sa kanya.
Umupo ako at sa inis ko ay sunod-sunod akong sumubo ng mani. Tumigil lang ako ng puno na ang bibig ko. Sa sobrang dami ng nasa bibig ko ay nahirapan ako ngumuya.
“What are you eating?”
Muntik ko ng maibuga ang mga mani na nasa bibig ko ng bigla ko marinig ang malaki niyang boses. At sa halip na sumagot ay inirapan ko siya.
“Can I—” Akma siyang kukuha ng mani ng mabilis ko kinuha ang mangkok.
“Mani ko ‘to,” pairap na sabi ko.
Nagusot ang ilong niya. “f**k. What's that smell? Did you eat garlic?” Winasiwas niya ang kamay na parang sa pamamagitan nito ay mawawala ang amoy.
“Ang arte mo naman. Bakit, hindi ka ba kumakain ng mani?” mataray kong tanong.
“No. Ibang mani ang kinakain ko.”
Kumunot ang noo ko. “Anong ibang mani e, iisa lang naman ang mani sa mundo?”
Malutong siyang tumawa. “You don't understand me, Tamielina. Sige na, pahingi ako ng mani mo.” Humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako at tinalikuran siya habang mahigpit na yakap ang mangkok na para bang ano mang oras ay may aagaw sa akin nito.
“Pagkatapos mo akong hindi pansinin kanina tapos ngayon, hihingi ka ng mani ko? No, way!” Hindi ko napigilan magreklamo sa kanya. Para siyang babae na mabilis magbago ang mood swing. Ang hirap initindihin ng ugali niya.
“Okay, I'm sorry. I'm just tired.” Bakas nga ang pagod sa boses niya. Sino ba naman ang hindi mapapagod e, galing pa siya sa opisina bago sinamahan si Tristan. Bigla tuloy akong na-guilty sa pagtataray ko.
Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya. Bumuntong-hininga ako at pinatong ang mangkok sa mesa.
“Kumuha ka na. Huwag mong uubusin, ha.”
Nagliwanag ang mukha niya at sumilay ang malawak na ngiti sa labi. “Yes, baby.”
Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para malutong na naman siyang tumawa. Iniinis na naman niya ako. Pasalamat siya dahil may konsensya ako, kung wala ay hindi ko siya bibigyan ng mani.
“Hmm… ang sarap pala ng mani mo,” sabi niya habang ngumunguya.
Pasimple akong napangiwi. Bakit parang ang pangit pakinggan kapag si Kuya Rhann ang nagsabi?
Tinapik ko ang kamay niya ng marami siyang kinuhang mani kaya napahinto siya. “Tama na ‘yan. May balak ka yatang ubusin e,” reklamo ko at nilayo sa kanya ang mangkok.
Sumimangot siya. “Ang damot mo naman sa mani mo.”
“Tumigil ka na nga sa kakasabi ng mani ko!” Kinuha ko ang mangkok at iniwan siya na may pilyo ang ngiti sa labi. Pakiramdam ko kasi ay may kung anong tumatakbo sa isipan niya.
Nang dumaan ako sa sala ay napansin kong may kinakain si Tristan kaya nilapitan ko ito.
“O, bakit kumakain ka ng candy? ‘Di ba, sabi ni Ate Tanie ay huwag kang kakain ng candy?” Nang sulyapan ko ang mesa ay marami ng walang laman na supot ng candy. “Sino nagbigay sa ‘yo nito?”
“Binili po ni Kuya Rhann para sa ‘kin,” mabilis na sagot nito.
Saktong lumabas si Kuya Rhann mula sa kusina at lumapit sa aming magkapatid.
“What's wrong?”
“Bawal po ang candy kay Tristan, Kuya Rhann. Baka sumakit ang ngipin niya.”
“Gano'n ba? I thought it was okay so I bought it,” katwiran nito.
Hindi na ako sumagot. Niligpit ko ang mga kalat ni Tristan bago ito pinatayo. Kailangan ma-toothbrush-an ko na ito dahil tiyak akong sasakit ang ngipin ng batang ito.
Akma kong tatalikuran si Kuya Rhann ng may naalala ako kaya hinarap ko siya
“Gusto mo pa ba ng mani?”
Kaagad na lumawak ang ngiti niya sa labi sabay tango.
“Sa ‘yo na ‘yang mani ko.” Nakita ko kung paano sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya.
Umakyat na kami ni Tristan sa kwarto at kaagad itong pinag-toothbrush. Pinalitan ko na rin ito ng pambahay dahil amoy pawis na ito. Humiga ito sa kama at pumikit. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Mayamaya lang ay nakaramdam na ako ng antok.
Nagising ako pasado ala sais ng gabi kaya iniwan ko muna si Tristan na mahimbing na natutulog at bumaba para tulungan si Manang Susan sa pagluluto ng hapunan. Pero hindi na pala kailangan dahil tapos na ito magluto. Isa pa, ayaw rin niya ako pinapatulong sa gawaing bahay dahil ayon dito ay bilin daw ni Kuya Rhann.
“Tawagin mo na ‘yong dalawa para makakain na ng hapunan,” utos ni Manang Susan.
Umakyat ako. Una kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Rhann.
“Kuya Rhann, kakain na raw po,” tawag ko rito mula sa labas ng silid nito.
Ilang segundo ang nakalipas ay binuksan niya ang pintuan. “Hindi ako kumakain sa…” Napahinto siya sa pagsasalita ng sumimangot ako. “Okay, let's eat.” Sabay gulo sa buhok ko.
Tinalikuran ko siya ngunit napahinto ako ng hawakan na naman niya ako sa kamay kaya nagtatakang binalingan ko siya.
“Do you know that you're different, hmm? Nagagawa ko kasing sumunod sa ‘yo kahit wala kang sinasabi. God, what did you do to me, Tamielina?”
Parang kasalanan ko pa na sumusunod siya sa akin. Pero sa kabilang banda ay natutuwa ako dahil napapasunod ko siya katulad ngayon. Hindi naman kasi maganda na nagluto si Manang Susan para sa amin tapos hindi siya kakain.
Pinaikot ko ang mata ko. “Nakakain ka lang ng mani, Kuya Rhann kaya sinasabi mo iyan sa akin,” may bahid ng pagbibiro na sabi ko.
Binitiwan niya ako kaya tinalikuran ko na siya. Hindi ko napigilang tumawa ng marinig ko ang malutong na tawa ni Kuya Rhann. Wala akong ideya kung bakit tawang-tawa siya pero mas gusto kong tumatawa siya kaysa sa mukha siyang seryoso katulad kanina.
Ginising ko na si Tristan. Kaagad naman itong bumangon. Pagdating namin sa dining area ay nakaupo na si Kuya Rhann.
“Ate, kaunti lang po,” sabi ni Tristan ng nilagyan ko ng kanin ang pinggan nito.
Sinunod ko naman ito. Pero nakapagtataka dahil kahit ang kaunting pagkain na nasa pinggan nito ay kaunti lang ang kinain niya. Hindi naman kasi ito ganito kumain lalo na at masarap pa ang ulam. Bakit kaya?
“Ayaw mo na?” takang tanong ko dahil hindi na niya ginagalaw ang pagkain sa pinggan.
“What do you want to eat, Tris? Bibilhin ni kuya para sa ‘yo,” kausap ni Kuya Rhann sa kapatid ko. Ngunit iling lang ang naging tugon nito kaya hindi ko na pinilit na kumain.
Pagkatapos kumain ay nagyaya na si Tristan umakyat. Nag-toothbrush lang ito at humiga na sa kama. Pakiramdam ko ay may nararamdaman ito pero hindi lang nito sinasabi sa ‘kin.
Hindi pa ako inaantok kaya nilibang ko muna ang sarili. Mayamaya lang ay sinulyapan ko ang kapatid ko dahil hindi ito mapakali sa higaan. Ilang sandali lang ay narinig ko ang ungol nito. Hanggang sa pumalahaw ito ng iyak.
“Bakit, Tris? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Kahit anong gawin ko para pahintuin siya ay hindi siya humihinto. Ayaw naman niyang sabihin sa akin kung ano ang masakit sa kanya kaya nahihirapan akong intindihin siya. Kapag ganito ang kapatid ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
“W-wait lang, Tris, ha. P-pupuntahan ko lang si Kuya Rhann.” Hindi ko napigilang gumaralgal ang boses ko. Naiiyak na ako sa sitwasyon ng kapatid ko.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at tinungo ang silid ni Kuya Rhann saka sunod-sunod ang ginawa kong pagkatok.
“What the?” Bakas ang iritasyon sa mukha ni Kuya Rhann ng buksan niya ang pintuan. Ngunit kaagad rin napalitan ng pag-aalala ng napansin na may nagbabadyang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Lumabas siya at lumapit sa akin. Awtomatikong dumapo ang dalawang kamay niya sa pisngi ko. Puno ng pag-aalala ang nabanaag ko sa kanyang mata habang nakatitig sa akin.
“What happened? Who the hell hurt you, baby? Come on, tell me, hmm? Because I wouldn't hesitate to f*****g kill them all!”
“K-Kuya Rhann, ang OA mo.” Hindi ko na napigilan tumulo ang luha ko. “S-si Tristan, kanina pa umiiyak.”
“What?”