Chapter 5

2343 Words
TAMIE “Akin na nga ‘yan!” Hinila ko ang wire ng earphone ko kaya natanggal sa tainga niya ang earbuds. “Ang pangit mo ka-bonding. Kantahin mo, ‘wag mong sabihin,” sita ko rito. “What the heck? I don't know the song so how can I sing it?” Akma niyang kukunin sa ‘kin ang earphone ko pero nilayo ko ito sa kanya at umalis sa kama. “Ewan ko sa ‘yo, Kuya Rhann. Subukan mong lumapit, babatuhin kita.” Inamba ko ang phone ko na ibabato sa kanya kaya napaupo ulit siya sa kama ng akma siyang tatayo. Mayamaya lang ay malutong siyang tumawa. Hindi ko siya pinansin at naupo na lang ako sa upuan kung saan siya umupo kanina. “Inatake ka na naman ng kamalditahan mo, Tamielina,” sabi niya pero inirapan ko lang siya at tumanaw sa labas. Malakas pa rin ng ulan kaya ilang minuto pa ako magtitiis kasama si Kuya Rhann. Nilagay ko sa tainga ko ang earbuds at nagpatuloy sa pakikinig ng musika. Makalipas ang ilang sandali ay pasimple kong tinapunan ng tingin si Kuya Rhann, nakahiga na ito at nakapikit. Matutulog na naman ba siya? Sabagay, masarap matulog kapag umuulan. Gusto ko rin humiga dahil bigla akong nakaramdam ng pamimigat ng talukap. Pero hindi kaaya-aya tingnan na magkatabi kaming dalawa kaya nagtiis na lang ako sa upuan at hihintayin na tumila ang ulan. Ilang minuto ang nakalipas simula ng umupo ako ay tumayo na ako, sumasakit na kasi ang pang-upo ko. Tinigil ko na rin ang pakikinig ng music sa phone ko dahil malapit ng ma-drain ang battery nito. Inaantok na talaga ako kaya hindi ako nakatiis ay lumapit ako sa kama. Mukhang nakatulog ulit si Kuya Rhann base na rin sa marahang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito. Puyat ba siya kaya dalawang beses na siyang natutulog habang kasama ako? Pumuwesto ako sa gilid ng kama. Tinanggal ko ang suot kong sapatos at nilagay ang bag sa sahig bago humiga. Tumalikod ako ng higa kay Kuya Rhann. Iidlip lang ako sandali. Bumaluktot ako at niyakap ang sarili ng pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko sinara ang pintuan ng cottage dahil pakikiramdaman ko pa rin ang panahon. Wala naman akong nakitang ibang tao sa resort kundi kami lang ni Kuya Rhann kaya kampante ako na walang papasok. Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang paglalim ng tulog ko dahil nananaginip na ako. Ang sabi ko ay iidlip lang ako pero pakiramdam ko ay nakatulog na ako ng tuluyan. “No. I'll just wait for her to wake up. Hintayin nyo lang kami riyan.” Bahagya akong kumilos ng marinig ko ang pamilyar na boses. Mahilig akong sumandal sa unan kapag natutulog kaya kinapa ko ang unan. Nang mahawakan ko ito ay tumagilid ako ng higa at dinala ko ang unan sa pagitan ng hita ko. Ang bango ng unan kaya inamoy ko ito ng walang humpay habang nanatiling nakapikit. Inaantok pa ako at kung ganito kalambot at kabango ang unan na yakap ko ay mahimbing talaga akong makakatulog. Isang mahabang singhot sa unan ang ginawa ko at ngumiti. “Ang bango,” mahinang usal ko. Naramdaman kong lumundo ang kama. “Thank you, kitten. Ang bango pala ng amoy ko para sa ‘yo.” Kaagad akong nagmulat ng mata ng makilala ko ang pamilyar na boses. Bumungad sa harap ko ang pilyong ngiti ni Kuya Rhann habang matamang nakatitig sa akin. Nakaharap siya sa akin ng higa at nakatukod ang siko sa kama habang sapo ang kabilang pisngi. Bumaba ang tingin ko sa yakap kong unan. Saka ko lang napagtanto na wala pala ako sa kwarto kundi nasa cottage kami. Bumalikwas ako ng bangon at nilayo ang unan na yakap ko. Patay-malisya na sinuot ko ang sapatos at sinukbit ang bag sa balikat ko bago tumayo saka tinungo ang pintuan. Nakahinga ako ng maluwag dahil tumila na ang ulan. Iyon nga lang ay madilim na sa buong paligid. “Tumila na pala ang ulan, Kuya Rhann. Umuwi na tayo. Baka hinahanap na ako ni Tristan.” Napahawak ako sa aking tiyan, bigla kasi kumalam ang sikmura ko. “Are you hungry?” Alanganin akong ngumiti bago tumango bilang tugon. Totoo, nagugutom na ako. “Anong oras na po ba?” Sinipat niya ang kanyang pambisig na relo. “It's seven in the evening.” Napasinghap ako. Tatlong oras din pala akong nakatulog. Kaya pala nagugutom na ako. “Don't worry about, Tristan. Tumawag na ako sa bahay habang natutulog ka. Sinabi ko na pauwi na tayo.” Tumango-tango ako. Hindi na ako sumagot at nauna ng lumabas ng pintuan. Pero hindi pa nga ako nakakahakbang ay hinawakan niya ako sa kamay. Akma kong babawiin ang kamay ko ngunit humigpit lang ang hawak niya sa akin. “Just for tonight, Tamielina. Hindi ka pwede humiwalay sa akin habang naglalakad tayo palabas ng resort.” Bakas ang pag-aalala sa boses niya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Pagkatapos niyang i-turned off ang ilaw at sinara ang pintuan ng cottage ay wala na akong nagawa ng magkahawak kamay na naglakad kami palabas ng resort. Kapag nakipagtalo pa ako ay baka matagal bago kami makauwi na dalawa. “Bukas ay si Tristan naman ang sasamahan ko mag-enroll. Papasok muna ako sa opisina. After that, the day after tomorrow ay bibili na tayo ng school supplies n'yong dalawa.” “Sasama rin ako bukas—” “No. Magpahinga ka na lang sa bahay,” putol niya sa sinasabi ko. Nakasimangot na hindi ako nagsalita. Hindi ko s'ya kokontrahin ngayon. Kahit paano ay malaki ang tulong ni Kuya Rhann sa aming dalawa ni Tristan. Parang siya ang pansamantalang tumatayong nakakatandang kapatid namin ng bunso kong kapatid. “Salamat, Kuya Rhann,” hindi ko napigilang sabihin. Huminto siya at dahan-dahang pumihit paharap sa akin. Nanlaki ang mata ko at napasinghap ako ng hilahin niya ako palapit sa kanya dahilan para magdikit ang aming mga katawan. “B-bakit?” maang na tanong ko. “Stay close to me, kitten.” Awang ang labi na hindi ako nakapagsalita. Hindi naman ako malayo. Isa pa, hawak niya ang kamay ko kaya hindi rin ako makakalayo sa kanya. Ang ilang segundong katahimikan ay napalitan ng tunog ng phone niya. Kaagad naman niya itong sinagot. “Palabas na kami.” Pagkatapos niya makipag-usap ay muli kami naglakad palabas ng resort. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang ilang sasakyan na nakahinto at mga lalaking nakatayo na para bang may hinihintay. “S-sino sila?” tanong ko na humarap sa akin si Kuya Rhann. “Don't worry, they are my men.” Nanlalaki ang mata na napasinghap ako at natutop ang bibig ko. Gwapong-gwapo s'ya sa sarili niya pero lalaki pala ang type niya. “Mga lalaki mo, Kuya Rhann? Bakla ka?” hindi makapaniwalang usal ko. Medyo napalakas pa nga pagkakasabi ko kaya sigurado akong narinig ng mga lalaki ang sinabi ko. Wala akong problema sa mga binabae pero hindi lang ako makapaniwala na sa gandang lalaki ni Kuya Rhann ay paminta pala ito. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko hanggang sa tuluyan na niya itong binitiwan. Nakita ko naman kung paano pigil ang tawa ng mga lalaki na nakatayo hindi kalayuan sa amin. “What did you just say?” Madilim sa paligid at tanging ilaw ng mga sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa paligid kaya hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdilim ng mukha ni Kuya Rhann. “Pakiulit nga ang sinabi mo, Tamielina.” Mariin ang bawat bigkas niya sa mga salita na para bang dito niya dinaan ang gigil sa akin. “Ang Alin? Na bakla ka?” walang kiyeme na ulit ko sa sinabi kanina. Nagtagisan ang bagang niya. Nagtataka naman ako dahil sinunod ko lang ang sinabi niya kaya bakit parang nanggigigil siya na kulang na lang ay tirisin ako ng pino. Binalingan niya ang mga lalaki at minuwestra ang kamay. Parang nakuha ng mga lalaki ang nais ipahiwatig ni Kuya Rhann kaya tumalikod ang mga ito sa amin. Bigla naman akong nagtaka sa ginawa ng mga lalaki. Bakit sila tumalikod? Muli akong hinarap ni Kuya Rhann. Akma akong aatras ng mabilis niya akong hinawakan sa kamay at hinila palapit sa kanya at agad na pinulupot ang kamay sa baywang ko. “You called me gay?” Yumukod siya kaya mas lalong lumapit ang mukha niya sa akin. “A-ang sabi mo kasi ay men mo sila. Ibig sabihin ay mga lalaki mo sila,” paglilinaw ko. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Mayamaya lang ay malutong na naman siyang tumawa. Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo na naman ang buhok ko. “For god sake, Tamielina. You really don't understand yet.” Sumimangot ako at yumuko. Napahiya yata ako. Mali yata ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Hindi ko na narinig ang tawa niya pero nanatili akong nakayuko. Gusto ko sabihin na ipaliwanag niya sa akin pero parang gusto ko na lang muna magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan. Baka kaya gusto tumawa ng mga lalaki dahil mali ang interpretasyon ko sa sinabi ni Kuya Rhann. Mayamaya lang ay hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko dahilan para magkasalubong ang mga mata naming dalawa. “I'm not gay, kitten.” Nilapit niya ang mukha sa akin. “Do you want me to prove to you that I'm not gay, hmm?” Nagpalipat-lipat na naman ang tingin niya sa mata at labi ko. Hindi ko man maintindihan kung ano ang patunay na sinasabi niya ay sunod-sunod na iling ang ginawa ko. “H-hindi na.” Malawak na ngiti ang sumilay sa labi niya. “Good answer dahil baka kapag ginawa ko ay hindi na kita tantanan.” Binitiwan na niya ako at tinungo ang kanyang sasakyan. Nang nasa loob na ako ay kinausap muna niya ang mga lalaki na nasa labas. Makalipas ang ilang segundong pakikipag-usap ay pumasok na siya sa sasakyan at tahimik na binuhay ang makina. Tahimik kami habang tinatahak namin ang daan pabalik sa bahay. Nabitin ang tulog ko kanina kaya nakakaramdam na naman ako ng antok pero pinigilan ko. Ilang minuto lang ay narating na namin ang bahay. Pagpasok pa lang ay sinalubong na ako ng yakap ni Tristan. Sinuklay ko ng daliri ang buhok nito. “Sorry kung ginabi na kami ni Kuya Rhann. Kumain ka na ba?” “Tapos na po, ate.” “Nakapagluto na ako. Kumain na kayong dalawa,” bungad na sabi ng may edad na babae. Ngayon ko lang ito nakita. “Manang Susan, si Tamielina, kapatid ni Tanie,” pakilala ni Kuya Rhann sa akin sa bagong dating. “Magkapatid nga kayong dalawa, pareho kayong maganda,” puri ni Manang Susan. Nahihiya na ngumiti ako. “Kinagagalak ko po kayo makilala, Manang Susan.” “O sige na, kumain na kayong dalawa. Ako na muna ang bahala kay Tristan.” Hinawakan nito si Tristan at naupo silang dalawa sa sofa. Dahil nagugutom na ako ay mabilis akong pumunta sa dining area. Natakam ako sa pagkain na nakita ko sa ibabaw ng mesa kaya kaagad akong umupo. Kukuha na sana ako ng pagkain ng maalala ko si Kuya Rhann. Paglingon ko ay wala ito sa likuran ko kaya hindi na ako nag-abala na hintayin ito. Baka hindi pa ito nagugutom. Marami rin akong kinain kaya busog na busog ako. Pagkatapos ko kumain ay tinakpan ko ang tirang ulam at hinugasan ang pinagkainan ko. Paglabas ko ay abala sa panonood ang kapatid ko at si Manang Susan. Mukhang nakapaglinis na ng katawan si Tristan dahil nakasuot na ito ng pajama kaya hindi ko na ito tinanong. “Si Kuya Rhann po, manang? Hindi pa po s'ya kumakain, e.” “Nasa kwarto niya. Masanay ka na sa batang iyon, hindi iyon kumakain sa gabi. Kakain man iyon ay bihira lang.” Tumango-tango ako. Nagpaalam muna ako sa mga ito. Dumiretso ako sa kwarto namin ni Tristan at nagligo. Pagkatapos ko magbihis ay kinuha ko ang phone ko para i-charge. Bumulaga sa harap ko ang seryosong mukha ni Kuya Rhann. Tama siya, magandang bungad hindi lang sa umaga ang mukha niya. Gwapo naman talaga siya pero hindi ko iyon pwede sabihin sa kanya dahil baka mas lalo lang siyang yumabang. Bigla kong naalala ang nangyari sa resort ng sabihan ko siyang bakla. Hindi pa pala ako humihingi ng sorry sa kanya. Lumabas ako sa silid at naglakad patungo sa kwarto niya. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. “Kuya Rhann, tulog ka na ba? May sasabihin lang sana ako,” sabi ko ng ilang beses na ako kumakatok ay hindi pa niya binubuksan ang pintuan. Kakatok sana ulit ako ng bumukas ang pintuan. Pinigilan kong pumikit ng nanuot sa ilong ko ang preskong amoy niya. Baka kaya hindi niya ako sinasagot ay dahil nasa banyo siya. Pero sana ay nag-abala naman siyang magsuot ng damit. Kitang-kita ko ang ilang tattoo niya sa katawan at ang sinasabi ng ilan na parang pandesal. Ganito pala ito sa malapitan e, hindi naman pandesal ang tingin ko. Bakit ba tinawag nilang pandesal? Bakit hindi na lang abs e, iyon namam ang tawag sa nakikita ko sa mga oras na ito? “What is it?” tanong niya na nagpabalik sa akin sa katinuan. “Hindi pa ako humihingi ng sorry sa ‘yo. Sorry sa sinabi ko.” Nakangiting nag-peace sign ako sa harap niya. “It's okay. But I wish you said it again so I can prove to you that I'm not gay,” makahulugang sabi niya. Mayamaya lang ay biglang naging seryoso ang mukha niya. “I think I made a mistake in staying here. Next time, don't come to me when you've just taken a bath. f**k, magkakasala ako ng wala sa oras,” sabi niya sabay sara sa pintuan. Awang ang labi na nakatingin lamang ako sa nakasarang pintuan. Anong problema kung bagong ligo ako ng lumapit sa kanya? At saka, bakit siya magkakasala? Bakit ba ang gulo niya minsan kausap?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD