TAMIE
Maya't maya ang sulyap ko kay Kuya Rhann na kanina pang tahimik na prenteng nakaupo sa puting upuan. Nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan ng upuan at nakasuot ng sunglasses kaya hindi ako sigurado kung natutulog ba ito o hindi, hindi ko kasi napapansin na kumikilos ito kaya baka nakatulog na ito.
Simula ng huli naming pag-uusap ay hindi na ako nito kinausap kaya iginalang ko ang pananahimik nito. Baka kapag kinausap ko ito ay humantong na naman kami sa pagtatalo.
Inabala ko ang sarili ko sa pagkuha ng larawan sa bawat sulok ng resort. Hindi naman ako lumalayo kay Kuya Rhann dahil kapag nagising ito at napansin na wala ako ay hanapin ako at tiyak na sermon na naman mula sa kanya ang aabutin ko.
Isa-isa ko tiningnan ang mga kuha ko sa phone ko. Magaganda naman pero iba pa rin ang pagkuha ni Kuya Rhann ng larawan sa school. Gusto ko sana ay siya ulit ang kumuha ng larawan sa akin pero tulog naman siya.
Napabuntong-hininga ako at tumingala. Kumunot ang noo ko dahil biglang dumilim ang kalangitan na para bang nagbabadya ito ng pagbuhos ng ulan.
Nilagay ko na sa bag ko ang phone ko. Mayamaya lang ay napaigtad ako at tumili ng biglang kumulog ng malakas. Tumakbo ako palapit kay Kuya Rhann na ngayon ay nakatuwid na ng upo habang palinga-linga sa paligid, marahil ay ako ang hinahanap nito. Nang napansin niya akong palapit sa kanya ay agad siyang tumayo.
“Parang uulan, Kuya Rhann. Umuwi na tayo,” sabi ko ng nasa harap na niya ako at kinuha ang bag ko na nakapatong sa upuan at kaagad na sinukbit sa balikat ko.
“Okay. Let's go.”
Akma niya akong hahawakan ng bahagya akong lumayo sa kanya. Masyado naman yata na namimihasa siya sa kakahawak sa ‘kin. Tama na ‘yong hinawakan niya ako kanina sa school.
Huminga siya ng malalim at nakapamulsang hinarap ako. “I won't do anything bad to you, Tamielina. Tell me, are you afraid of me, hmm?”
“Hindi po ako natatakot sa ‘yo. Hindi na po kasi ako bata para hawakan n'yo. Pinagbigyan ko lang kayo kanina kasi sinagip n'yo ako,” dahilan ko.
Umiling-iling siya sabay pagak na tumawa. “Are you sure that you are not a kid anymore?”
Nagsalubong ang kilay ko. Bakit pakiramdam ko ay may kahulugan ang tanong niya?
“Opo. Bata pa po ba sa paningin n'yo ang 15 years old e, kaya ko na nga maglakad mag-isa?” Bakas ang sarkasmo sa boses ko.
“Seriously?”
Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Naiinis ako kung paano niya iparating sa akin na parang bata pa ako sa paningin niya.
“Oo. Hindi na ako bata. Teenager ako. Teenager!” inis na sabi ko. In-emphasized ko ang salitang teenager para iparating sa kanya ang pagkakaiba ng bata sa teenager.
Inisang hakbang niya ang kinaroroonan ko kaya hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sa tangkad niya ay mabilis nangawit ang leeg ko dahil nakatingala ako sa kanya. Pero dahil malakas ang loob ko na salubungin ang mga titig niya ay hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko.
Ngunit bahagya akong napaatras ng yumukod siya, pero kaagad na pumulupot ang kamay niya sa baywang ko kaya napigilan niya ang akma ko pang pag-atras. Dahil sa ginawa niya ay bahagya akong napatingkayad. Sa lapit naming dalawa ay mas lalo siyang tumangkad sa paningin ko.
“Do you think you're not a kid anymore because you're insisting that you are a teenager? Is that what you mean, huh? So if you think you are not a kid anymore, well, then, prove it that you are not a kid, young lady.”
Nagsalubong ang kilay ko. “Prove? Anong prove ang gusto mong gawin ko?” maang na tanong ko.
Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya at tumingin na naman sa ibabang bahagi ng mukha ko. Matagal at parang may kakaiba ang tingin niya sa bahaging iyon pero nanatili lang siya nakatingin doon ng ilang segundo bago muling nag-angat ng mukha para sulyapan ako.
“Just grow up fast and then I’ll tell you what I'm talking about.” Marahan niya akong binitiwan. Hinawi niya ang takas kong buhok at inipit sa tainga ko bago dinala ang kamay niya sa baba ko. “But for now, enjoy being young first, okay?” Pinisil niya ang baba ko bago lumayo ng bahagya sa akin at tumuwid ng tayo. “I can wait,” mahinang sabi niya ng talikuran ako.
Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palayo sa akin. Minsan ay naguguluhan ako sa pinapakita niya sa harap ko. At may mga sinasabi siya na hindi ko maintindihan.
Napakislot ako ng maramdaman ko ang tila patak sa mukha ko. Tinapunan ko ng tingin si Kuya Rhann, huminto ito sa paglalakad at tumingala sa kalangitan ng ilang segundo na parang pinapakiramdaman ang panahon. Mayamaya lang ay humarap siya sa akin ng sunod-sunod na pumatak ang tubig ulan.
“Get inside!” Tinuro niya ang tila malaking cottage.
Mabilis akong tumakbo para hindi ako abutan ng malakas na ulan. Saktong pagtapak ko sa cottage kasabay si Kuya Rhann ay bumuhos na ang malakas na ulan.
Pinunasan ko ang nabasa kong balat. Mabuti na lamang ay malapit kami dito dahil kung hindi ay baka nabasa pati ang phone ko. Regalo pa sa akin ito ni tatay no'ng nakaraang taon ng sumapit ang kaarawan ko kaya ingat na ingat ako sa phone ko.
Mayamaya lang ay napasinghap ako ng hilahin ako ni Kuya Rhann sa loob ng cottage. Gusto ko sana itong pagsabihan sa ginawa nito pero biglang umurong ang dila ko ng makita ko ang loob ng cottage. Hindi lang pala ito ordinaryong kubo dahil sa ganda ng loob nito. Iyon nga lang ay kwarto lang ito dahil sa kama na nakita ko at isang pintuan na nakasara. Hindi ba parang nakaka-asiwa na kami lang dalawa ang narito?
“Hindi pa ba tayo uuwi, Kuya Rhann?”
“It's too dangerous if we leave now. Madulas ang daan. Isa pa, malakas ang buhos ng ulan, wala tayong payong na dala. Kapag tumila na ay saka tayo aalis.” Sinipat niya ang pambisig na relo. “f**k. Alas kuwatro na pala. Hindi tayo pwede maabutan ng gabi sa daan.” Bakas ang pagkabahala sa boses nito.
“Baka umiyak si Tristan kapag gabi na ay wala pa tayo, Kuya Rhann. Hindi iyon sanay na hindi ako katabi matulog,” nag-aalala na sabi ko.
Blangko ang ekspresyon niya ng balingan ako. Mayamaya lang ay dinukot niya ang phone sa bulsa ng kanyang pantalon at may tinawagan.
“Magpapatila lang kami ng ulan. Aalis tayo kahit abutin tayo ng gabi,” may awtoridad nitong sabi.
Nagtaka naman ako dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin ay hindi lang kami ang narito? Pero bakit wala man lang akong nakitang nakabuntot sa amin kanina habang papunta rito? At saka, sino ba ang kausap niya?
“Magpahinga ka muna. Sasabihin ko na lang sa ‘yo kapag pwede na tayong umalis.”
Binuksan niya ang nakasarang pintuan at pumasok sa loob. Ilang segundo lang ay lumabas na rin siya. May hawak siyang tuwalya habang naglalakad palapit sa akin. Inabot niya ito sa akin. Pero ng akma kong kukunin ay kaagad niya itong nilagay sa ulo ko. Wala na akong nagawa ng siya na ang nagpunas sa buhok ko na bahagyang nabasa ng tubig.
“Sakitin ka ba?” tanong niya habang pinupunasan ang buhok ko.
“Hindi po. Isang beses lang ako magkasakit sa isang taon. Pero sa isang beses na iyon ay sabay-sabay ang lagnat, ubo, at sipon ko,” sagot ko.
Ilang segundo napuno ng katahimikan ang apat na sulok ng cottage. Hindi ko siya makita dahil nakatabing sa mukha ko ang tuwalya na nasa ulo ko.
Huminto siya sa pagpupunas ng buhok ko ngunit nanatiling nakapatong sa ulo ko ang tuwalya. Akma kong tatanggalin ang tuwalya ng pigilan niya ang kamay ko.
“Wala akong makita, Kuya Rhann,” reklamo ko rito.
“So what's the difference? Maldita ka pa rin naman kahit wala kang nakikita.”
Inis na ginamit ko ang bakanteng kamay ko para tanggalin ang tuwalya sa buhok ko. Ang siste ay gumulo ang buhok ko at napunta sa mukha ko ang ilang hibla nito. Marahas na hinipan ko ang buhok na nasa mukha ko at ng makita ko ang pilyong ngiti sa labi niya ay sinamaan ko siya ng tingin.
Binato ko sa kanya ang tuwalyang hawak ko na agad niyang nasalo bago padabog na tinungo ang kama. Pasalampak akong naupo at kinuha ang earphone sa bag ko, nilagay ko ito sa tainga ko at naghanap ng music sa music application. Kailangan ko maglibang at pawiin ang inis ko kay Kuya Rhann habang hinihintay na tumila ang ulan.
Sa gilid ng mata ko ay nakatayo pa rin siya habang nakatingin sa akin. Mayamaya lang ay kumuha siya ng upuan at nilagay sa bungad ng pintuan. Tahimik siyang umupo roon habang nakatingin sa labas. Tinapunan ko siya ng tingin. Kaya pala tahimik ay dahil humihithit ng sigarilyo.
Hindi ko namalayan na ilang segundo rin pala ako nakatitig sa kanya. Sa totoo lang ay ayaw ko talaga nakakakita ng naninigarilyo pero bakit kapag si Kuya Rhann ang gumagawa, iba ang dating sa akin? Parang ang astig sa paningin ko kung paanong prente siyang nakaupo habang hinihithit ang sigarilyo, na kahit naninigarilyo ay hindi kumakapit ang amoy nito sa kanya. Hindi nakaka-irita ang pagiging astig niyang lalaki. Parang ang disente pa rin niya tingnan kahit may mga tattoo rin akong nakikita sa braso niya.
Natagpuan ko ang sarili ko na kinukuhanan siya ng larawan. Namalayan ko na lang na napapangiti ako sa ginagawa ko. Mayamaya lang ay humarap siya sa akin kaya hindi ko napaghandaan dahilan para mahuli niya ako. Saktong pagharap niya ay pinindot ko ang camera bago patay-malisya na binaba ang phone ko na parang hindi niya ako nahuli.
Nakagat ko ang labi ko ng tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Nanlaki ang mata ko ng basta na lang niya kinuha ang phone ko ng nasa harapan ko na siya. Umupo siya at kahit hindi ko tingnan kung ano ang ginagawa niya ay isa-isa niya tinitingnan ang mga larawan niya.
“Hmm, I think this one is better,” aniya bago matamis ang ngiti na binigay sa akin ang phone ko.
“Gusto mo ipasa ko sa ‘yo…” Unti-unti humina ang boses ko ng makita ko ang wallpaper ng phone ko. Awang ang labi na nag-angat ako ng mukha para sulyapan siya. “Bakit mukha mo naman ang nandito sa screen ng phone ko?” maang na tanong ko.
“Do you have a problem with my face?”
Wala akong problema sa mukha niya pero baka kapag nakita ito ni Ate Tanie ay isipin nito na may crush ako kay Kuya Rhann.
“Magandang bungad sa umaga ang mukha ko, Tamie. And you will see my handsome face every day even if I'm not at home.” Sumilay ang malawak niyang ngiti sa labi bago ako kininditan.
Pinaikot ko ang mata ko. Ang taas din ng bilib niya sa kanyang sarili, akala mo naman talaga ang gwapo-gwapo niya.
“Are you listening to music?”
Hindi ko na nagawang sumagot ng kunin niya ang isang earbuds sa tainga ko at nilagay sa tainga niya. Umusog siya ng upo palapit sa akin para hindi matanggal sa tainga ko ang earbuds dahil nahihila niya ang wire.
“What's the title of this song?” tanong niya ng marinig ang kasalukuyang pinakikinggan ko.
“At my worst.”
Tumango-tango siya. “Can you repeat the song?” malumanay niyang utos.
Dahil medyo nawala na ang inis ko sa kanya ay sinunod ko siya. Nang magsimula na ang kanta ay tumingin siya sa akin.
“Can I call you, baby?” Ito ang unang lyrics sa kanta. Nauna lang ang kanta bago niya sinabi.
Yes, literal na sinabi lang niya at hindi inawit. Pakiramdam ko tuloy ay tinanong niya ako kaya parang nablangko ang utak ko at hindi malaman ang aking sasabihin. Para akong natuliro lalo na at hindi niya inaalis ang tingin sa akin.