Chapter 3

1841 Words
TAMIE “Bakit n'yo naman po tinatanong ang birthday ko?” takang tanong ko. “I just want to know. Don't worry, I have no intention of giving you a gift.” Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman ako umaasa na bibigyan niya ako ng regalo, sanay na rin naman ako na walang regalong natatanggap sa tuwing kaarawan ko. Kumpletong pamilya lang ay sapat na sa akin. Bigla akong binalot ng lungkot ng maalala ko ang magulang ko. Nakakalungkot lang isipin na hindi na pala kami kumpleto sa pagsapit ng kaarawan ko. Nagsalubong ang kilay ko ng kumunot ang noo niya habang titig na titig sa akin. Saka ko lang napansin na biglang umulap pala ang mata ko. Pasimple kong kinurap-kurap ang mata ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Nahalata kaya niya na naging emosyonal ako? Tumikhim ako para mawala ang bumara sa lalamunan ko. “Hindi n'yo naman pala ako bibigyan ng gift e, bakit ko pa sasabihin? Saka ko na lang po sasabihin sa ‘yo kapag may regalo kang ibibigay sa ‘kin,” pilyang sabi ko bago siya tinalikuran. “Hey, you, young lady, get back here. Kinakausap pa kita!” tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Tanaw ko na ang sasakyan niya kaya binilisan ko pa ang paglalakad. Naririnig ko pa rin ang pagtawag niya pero hindi ko siya nilingon. Nang malapit na ako ay biglang nanlaki ang mata ko at hindi kaagad ako nakahuma sa aking kinatatayuan ng may biglang umatras na sasakyan. Napasinghap at impit akong tumili ng may humawak sa kamay ko at mabilis na pinulupot ang braso sa baywang ko sabay iniwas ako sa sasakyan. Kumapit ako sa damit nito at sinubsob ang mukha ko bago mariin na pumikit. Parang tumalon ang puso ko sa sobrang kaba ng muntik na akong mabangga ng sasakyan. “Oh my, God! I'm so sorry. Is she alright?” narinig kong sabi ng babae. Bahagya akong nilayo ng nagligtas sa akin kaya nag-angat ako ng mukha para sulyapan ito. “K-Kuya Rhann,” usal ko. Ang bilis ng reflex niya. Hindi ako makapaniwala na parang ang bilis niyang nakarating sa kinaroroonan ko samantalang ang laki ng mga hakbang ko makalayo lang sa kanya. “Are you alright?” Bakas ang pag-aalala sa boses niya. Tumango ako bilang tugon. Bumuntong-hininga siya bago ngumiti na parang nakahinga ng maluwag dahil nasa maayos akong kalagayan. Dinala niya ang isang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa gilid niya. Saka ko napansin ang babae na nasa harapan namin, ito marahil ang muntik ng makabangga sa akin. Muntik ng umawang ang labi ko dahil sa ganda ng babaeng kaharap namin. Nakakasilaw ang kutis nito sa sobrang puti. Ang tangos ng ilong at ang ganda ng kanyang mga mata. Katamtaman lang din ang kapal ng labi nito. Mas lalong lumitaw ang ganda nito dahil sa makeup na nakalagay sa kanyang mukha. “She's fine.” Nagsalubong ang kilay ng babae. Mayamaya lang ay napasinghap ito at tunutop ang bibig. “Rhanndale Saint Zaxton, the youngest, right?” gulat na tanong ng babae. Ang classy ng kilos nito. Maging kung paano ito magsalita, halatang galing sa prominteng pamilya. Tinapunan ko ng tingin si Kuya Rhann. Nagtaka ako dahil lumawak ang ngiti nito na para bang may naglalaro sa utak nito. “Yeah. And you are?” Nilahad ng babae ang kanyang kanang kamay sa harap ni Kuya Rhann. Akma kong tatanggalin ang kamay ko na hawak ni Kuya Rhann ngunit humigpit lang ang hawak niya sa akin. Kaya sa halip na ang ilahad niya ay kanang kamay ay kaliwa ang binigay niya sa babae. Ang siste, ang babae ang nag-adjust para sa kanya. “I'm Amiera Ricardo, Antonio Ricardo's eldest daughter.” Tumango-tango si Kuya Rhann. “Nice meeting you, Amiera.” Binitiwan ni Kuya Rhann ang kamay nito. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa nakita kong reaksyon ng babae na tila ba dismayado ito sa naging sagot ni Kuya Rhann. “I'm sorry, Amiera, but we still have somewhere to go, so we'd better go.” Nagtataka na tinapunan ko ng tingin si Kuya Rhann, wala naman kasi akong natatandaan na may sinabi siyang may pupuntahan pa kaming dalawa. “Oh, wait.” Pigil ni Amiera sa amin ng akmang tatalikuran na siya ni Kuya Rhann. “I hope we can at least have coffee some other time?” Matamis siyang ngumiti sa kasama ko. “Sure. You know where I can be found,” makahulugang tugon ni Kuya Rhann. Kinikilabutan ako sa mga tingin ni Kuya Rhann sa babae. Tumataas mga balahibo ko. Para niya kasing kakainin na hindi ko mawari. Tinungo na namin ang kotse niya. Saka lang niya binitiwan ang kamay ko ng binuksan niya ang pintuan. Nilagay niya ang kamay sa ulo ko para hindi ako mauntog bago inalalayang pumasok sa loob. Ang akala ko ay aalis na siya kapag nakaupo na ako pero siya pa ang nagkabit ng seatbelt sa katawan ko kaya hindi na rin ako nakahuma at nagprotesta pa. Ngayon ko lang napansin, ang bango pala ni Kuya Rhann, parang ang sarap sumiksik sa kanya ng matagal. “What do you think of her?” tanong nito ng tapos na ikabit ang seatbelt sa akin pero ang problema ay hindi pa siya umaalis sa harap ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya nahirapan din akong huminga. Nakakahiya dahil amoy mint ang buga ng hininga niya samantalang ako ay hindi ko alam kung ano ang amoy. “Sino? Si Miss Amiera po ba ang tinutukoy mo? Malawak siyang ngumiti. “Yes.” “Maganda siya.” Totoo naman talaga, gandang-ganda ako sa kanya. Unti-unti naglaho ang ngiti niya sa labi na para bang may biglang pumasok sa kanyang isipan. Titig na titig siya sa akin habang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mata ko at sa ibabang bahagi ng mukha ko. Teka, sa labi ko ba siya tumitingin? “You know what, when you grow older, you're even more beautiful than her. And I'm sure of that, kitten.” Awang ang labi na hindi na ako nakapagsalita lalo na ng hawakan niya ang baba ko at bahagyang pinisil. Nang wala na siya sa harap ko ay saka ako nagpakawala ng hangin na naipon sa baga ko. Para akong kinapusan ng hininga habang nasa harap ko si Kuya Rhann kanina. “Saan po pala tayo pupunta?” tanong ko ng nasa loob na siya ng sasakyan. “The place where I used to have fun when I was a kid.” “E, hindi ka naman na po bata—” Pinanliitan niya ako ng mata nang balingan niya ako kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Alanganin na lamang akong ngumiti at nag-peace sign bago tumingin sa harap ng sasakyan at inayos ang upo. Naging tahimik ang buong biyahe naming dalawa. Kampante akong gugulin ang araw na ito sa pamamasyal na hindi inaalala si Tristan dahil alam kong nag-e-enjoy itong kasama si Kuya Denmark. Isa pa, ngayon ko lang ito nagawa simula ng umalis kami sa poder ng tiyahin ko. Simula ng napunta kami sa kanya, wala na siyang ibang ginawa kundi alilain kami kaya sobrang tuwa ko ng balikan kami ni Kuya Ralphie. Dalawang oras ang ginugol namin sa daan bago narating ang lugar. “Nasaan tayo, Kuya Rhann?” tanong ko habang nililibot ang tingin sa paligid ng bumaba ako sa sasakyan. “We are in Tagaytay and this is our resort.” Napasinghap ako at nanlaki ang mata ko. Talaga bang resort ito? “Ang ganda naman dito, Kuya Rhann. Kapag pumunta tayo ulit dito, dapat kasama na natin si Tristan. Tiyak akong matutuwa iyon kapag nakarating dito,” namamangha na sabi ko. “You like it here?” “Sobra. First-time kong makapunta sa isang resort. Dati, nakikita ko lang ito sa TV pero ngayon…” Tinakpan ko ang bibig ko at impit akong tumili. “Hindi ako makapaniwala na nasa resort na ako ngayon.” “You and Tristan are part of the family now. Kung ano ang mayroon kami ay mayroon din kayo.” Hindi ako sumagot. Sobra ang excitement na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gusto ko libutin ang resort bago kami umuwi, baka kasi matagal ulit kami makabalik dito. Tinanggal ko ang suot kong sneakers at medyas. Pinatong ko naman ang dala kong gamit sa isang puting upuan. May pool pero mas pinili ko maglakad sa buhangin at lumusong sa tubig-dagat. Malamig ang tubig pero hindi ko ito alintana. Para akong bata na kumuha ng kaunting tubig at sinaboy rin ito. Nasa mababaw lang ako pero dahil umaalon ay nabasa ang suot kong pants kaya bahagya ko itong itinupi para hindi mabasa. Nang sinalubong ako ng sariwang hangin ay pumikit ako at dumipa. Ang sarap sa pakiramdam na nasa ganito akong lugar. Parang tinangay lahat ng negative energy ko sa katawan dahil sa lugar na ito. “We also have our own island.” Napamulat ako ng mata. Binaba ko ang dalawang kamay ko at binalingan si Kuya Rhann na nakapamulsang nakatayo sa tabi ko habang nakatingin sa malayo. “Ang dami n'yo naman pag-aari. Hindi n'yo naman po kailangan isa-isahin sa akin ang mga pag-aari n'yo. Parang kasi pinagmamayabang mo na mayaman kayo. Oo na, mayaman na kayo,” nakasimangot na sabi ko. Malutong siyang tumawa. “You are part of the family so you should know that too.” Umismid ako at tumanaw sa malayo. “Bakit? Dadalhin mo rin ba ako roon sa pinagmamalaki mong isla?” Hininatay ko siya sumagot pero ilang segundo na ang nakalipas ay hindi ko pa naririnig na magsalita siya kaya muli ko siyang tinapunan ng tingin. Titig na titig na naman siya sa akin ng sulyapan ko. “It's forbidden.” Bakas ang kaseryosohan sa boses niya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Nakakaintindi ako ng ingles pero hindi malinaw sa akin ang sinabi niya. “Hindi ko maintindihan, Kuya Rhann. May isla kayo pero ipinagbabawal? Ibig sabihin ay walang ibang pwede pumunta roon kundi kayo lang? Gano'n ba ‘yon?” nagugulumihanan na paglilinaw ko sa sinabi niya. “No. We called it Forbidden Island. You can't go to that island yet, Tamie. I can't take you there yet. When you are old enough, I will take you to that island." “E, bakit hindi pa ngayon na 15 years old ako? Kapag pasukan na ay hindi na ako makakapamasyal tulad ng ganito. Magiging busy na ako sa school, Kuya Rhann,” katwiran ko. Biglang nagbago ang timpla ng mukha niya. “f**k. Because I don't want to commit a sin, Tamielina, god damn it!” Awang ang labi na sinundan ko siya ng tingin ng talikuran niya ako. Ngayon ko lang napansin, kung gaano kahirap basahin ang emosyon na pinapakita niya ay gano’n naman kabilis magbago nito. Pero hindi ko maintindihan ang sinabi niya, ang layo kasi ng sagot niya sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD