Chapter 2

2099 Words
TAMIE Kasalukuyang tinatahak namin ang daan patungo sa eskwelahan na papasukan ko at kasama ko ngayon si Kuya Rhann dahil ayon sa sinabi niya ng dumalaw si Ate Tanie sa bahay ay siya ang sasama sa akin kapag magpapa-enrol na ako. Pansamantalang iniwan muna namin si Tristan kay Kuya Denmark na isa sa mga lalaking nagbabantay sa bahay na tinutuluyan namin. Mabuti na lamang ay malapit na si Tristan sa mga lalaki na naroon kaya hindi na mahirap iwanan ang bunso kong kapatid. Napabuntong-hininga ako at tumuwid ng upo. Medyo maninibago siguro ako dahil private ang papasukan ko at tiyak akong mayayaman ang makakasalamuha ko. Sana lang ay makapag-adjust ako kaagad. “What are you thinking?” basag ni Kuya Rhann sa katahimikan. Tinapunan ko siya ng tingin. “Sa public na lang ako mag-aaral, Kuya Rhann. Mas sanay ako sa—” “No,” putol niya kaagad sa sinasabi ko. Sumimangot ako at humalukipkip. Bakit siya ang nagdedesisyon kung saan ako papasok? Hindi porke siya ang sumama sa akin e, siya na ang magde-desisyon para sa akin? “Bakit ayaw mo ako mag-aral sa public e, mas komportable ako roon?” “Private school is better,” mahinahon nitong sabi. “Ilang taon ako nag-aral sa public pero natuto naman ako. Wala naman pinagkaiba ang pagtuturo ng public at private, ‘di ba?” katwiran ko. Hindi niya ako sinagot. Mayamaya lang ay huminto siya sa gilid ng daan. Bumuntong-hininga siya bago ako binalingan. “Exactly, young lady. Pareho lang ng tinuturo ang public at private. I will just remind you that while I am with you, I will make the decision. Do you understand me, Tamielina?” Inirapan ko siya. “Isumbong kaya kita kay Ate Tanie,” bubulong-bulong na sabi ko. “I heard you.” Umismid ako. “Sinadya ko po talaga iparinig sa inyo para aware po kayo,” nakasimangot na sabi ko. Simula ng magkita kaming dalawa, hindi natatapos ang araw na hindi kami nagtatalo. Wala pa akong matandaan na araw na nagkasundo kami. Palagi niya akong kinokontra at pinupuna, parang lahat ng gawin ko sa bahay ay mali sa paningin niya. Katulad na lamang ng pakikipagkwentuhan ko kina Kuya Denmark, sandali pa lang naman akong nakikipag-usap ay pinapasok na niya ako sa bahay at pinagsabihan na huwag daw ako makikipag-usap sa mga tauhan daw niya. Aba, ano na lang ang gagawin ko sa bahay kung pati pakikipag-usap ay bawal din? Hindi ako pinagbabawalan ni Ate Taniella pero kung pagsabihan niya ako ay daig pa ang kapatid ko. “Akala mo ba ay kakampihan ka ni Taniella? Para sabihin ko sa ‘yo ay sa akin ka niya binilin kaya wala kang magagawa kundi sundin ang gusto ko.” Hinawakan niya ako sa braso at pilit na pinipihit paharap sa kanya pero nakipag-matigasan ako. “Look at me when I'm talking to you,” bakas na ang iritasyon sa boses na utos niya. “Ayoko nga,” nakairap na sabi ko at piniksi ang braso ko kaya nabitawan niya ako. “Damn it.” Narinig ko ang paghampas niya sa manibela pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Ano'ng akala niya sa ‘kin, mako-kontrol na lang niya ng basta? Wala siyang nagawa kundi paandarin ang sasakyan niya. Ilang minuto lang ay narating na namin ang D'Amico School, pangalan pa lang ay tunog mayaman na. At nasa loob pa lang ako ng sasakyan pero namangha na ako sa laki ng paaralan. Pumasok ang sasakyan ni Kuya Rhann sa malaking gate na nakabukas at naghanap ito ng parking space para sa kotse nito. Sa sobrang mangha ko ay hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya at napansin ko na lang ng pinagbuksan na niya ako ng pintuan. Nang bumaba ako ay mas lalo ko nakita kung gaano kalaki ang school. Nakaka-excite sana mag-aral dito kaya lang pakiramdam ko ay hindi ako kabilang sa school ng mga mayayaman. “Kapag nag-college ka na, nasa kabila lang ang D'Amico University.” “Kaya pala parang dalawa ang building,” sambit ko. “Yes. Do you already like to study here, hmm?” “Hindi,” mabilis kong sagot. Hindi porke namangha ako ay gusto ko na rito. Kailangan ko rin magpakatotoo sa kanya. “Whether you like it or not, you will study here,” giit nito. Pinaikot ko ang mata ko. “E, bakit nagtanong pa kung ikaw rin naman po pala ang masusunod?” hindi ko napigilang sabihin. “Hindi ka talaga nauubusan ng katwiran, ano?” “Sinasabi ko lang po ang gusto kong sabihin,” sagot ko. Napangiwi ako ng hawakan niya ako sa braso at pinihit paharap sa kanya. Madilim na ang mukha niya at parang gigil na gigil na siya sa akin. Para akong insekto sa paningin niya na gusto niyang tirisin. “I'm older than you, Tamielina so be respectful. Iisipin kong hindi kayo magkapatid ni Taniella dahil magkaibang-magkaiba ang ugali ninyong dalawa.” Hinila niya ako palapit sa kanya. “Masyado kang maldita,” mariin niyang sabi. Natigilan ako hindi dahil sa sinabi niyang maldita ako kundi sa sinabi niyang hindi kami magkapatid ni Ate Taniella. Paano kung sabihin ko sa kanya na hindi ko talaga kapatid si Ate Tanie? Pero ang kabilin-bilinan sa amin ng magulang ko ay huwag kong ipapaalam na hindi ko kapatid si Ate Tanie dahil maging ito ay hindi aware roon dahil hanggang ngayon ay walang matandaan si Ate Taniella sa nakaraan nito. “Sa ‘yo na rin po nanggaling na mas matanda ka sa akin pero bakit ayaw mong tawagin kitang kuya?” Unti-unti lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Wala akong mabanaag na reaksyon mula sa kanya kaya nahihirapan akong basahin kung ano ang emosyon niya sa mga oras na ito. “I just don't like how you call me, kuya. Masakit sa tainga.” Tinalikuran na niya ako at nagsimula na siyang maglakad. Sumunod ako pero sa laki ng mga hakbang niya ay para na akong tumatakbo para lang mahabol siya. Huminto siya sa isang pintuan at binuksan niya ito. Narinig ko ang pagbati sa kanya ng isang boses babae ng pumasok siya. Kaagad akong sumunod at binati ng magalang ang principal dahil iyon ang nakita kong nakasulat sa ibabaw ng table nito. Minuwestra nito ang kamay para maupo kami. “Siya po ba ang mag-e-enroll dito, Mr. Zaxton?” magalang na tanong ng principal. Ayon kay Kuya Rhann ay may tinawagan siya kaya inaasahan na ang pagdating naming dalawa. “Yes. She is Tamielina Quejor I'm talking about.” Binigay ko ang lahat ng mga papel na kailangan para sa pag-transfer ko. Nang hawak na nito ay tumango-tango ito habang tinitingnan isa-isa ang mga records ko. “Huminto ka pala, hija,” sabi nito habang nakatingin sa report card ko. “Opo,” tipid na sagot ko. “Ang taas ng grades mo ng 3rd year ka, a.” Nahihiya na ngumiti lamang ako. Tinapunan ko ng tingin si Kuya Rhann na nasa tapat ko lamang, seryoso itong nakatingin sa akin kaya kaagad ako nag-iwas ng tingin. “Put her in the highest section, Mrs. Trinidad.” Nanlaki ang mata ko ng narinig ko ang sinabi ni Kuya Rhann. Sunod-sunod na mariing iling ang ginawa ko at binalingan ang principal na nakaawang ang bibig, maging ito ay nagulat sa sinabi ni Kuya Rhann. “N-nagbibiro lang po si Kuya Rhann, ma'am. Sa general average naman po binabase iyon, di ba, po?” natataranta na sabi ko. Sa totoo lang ay ayaw ko sa Section A dahil ayoko ma-pressure. Ilagay na ako sa kahit anong section ‘wag lang sa highest section. Binalingan ko si Kuya Rhann, nakataas na ang kilay nito sa akin. “Depende kasi sa average, Kuya Rhann kung anong section ilalagay,” paliwanag ko rito. “I know. Mrs. Trinidad herself said that your grades are high,” katwiran naman nito. “Kaya nga po. Pero hindi po ibig sabihin ay sa Section A na ako ilalagay,” hindi nagpapatalo na sagot ko. “You—” Pinutol nito ang sasabihin at mahinang tumikhim. Parang paraan niya iyon para pakalmahin ang sarili dahil halatang nauubusan na naman siya ng pasensya sa akin. “Ako na po ang bahala, Mr. Zaxton.” Kumunot ang noo ko. Kanina ko pa napapansin na parang masyadong malaking tao ang kausap ng principal dahil kung galangin nito si Kuya Rhann ay parang nakapakahalagang tao ng kasama ko. Tumuwid si Kuya Rhann ng upo. “Is this the uniform here?” Pinakita niya sa principal ang hawak na picture frame na may mga estudyanteng babae. Nagtaka naman ako sa tanong niya, hindi siguro siya nag-aral dito kaya hindi siya aware sa uniform ng school. “Yes, Mr. Zaxton,” nakangiting proud na sagot ng principal. “It's too short.” Binalingan niya ako. “Kapag ito ang sinuot mo, makikita na ang kaluluwa mo,” walang kiyeme nitong saad. Kinuha ko sa kanya ang hawak na frame. Napangiti ako ng makita ko ng malapitan ang suot na uniform ng mga estudyante. “Hindi naman maikli. Ang ganda nga po, e. At saka, depende naman po kung paano gumalaw ang babae. Kung malikot ka, makikitaan talaga,” katwiran ko. Sa totoo lang ay maganda ang uniform, dark blue ang kulay ng palda at white long sleeve na naka-tucked in. Nakadagdag sa ganda nito ang kulay asul na necktie na may guhit na puting linya. Kung sa palda ang pag-uusapan, may sizes naman siguro kaya posibleng hindi aabot sa hita ko ang haba ng palda. “I don't need your opinion, Tamielina.” Muli niyang binalingan ang principal. “I will talk to Tito Ryker, I will tell him to change your uniform,” walang paligoy-ligoy nitong sabi. Ngayon alam ko na kung bakit para siyang tinitingala ng principal, kilala pala nito ang may-ari ng school. “P-pero, Mr. Zaxton—” “And you, young lady, huwag kang papasok hanggat maikli ang palda mo kundi hihilahin kita palabas ng classroom at pauuwiin,” pagbabanta niya sa akin. “Ang advance mo mag-isip, Kuya Rhann. Nagpapa-enroll pa lang po ako, hindi pa papasok.” Tumikhim ito ng ilang beses bago binalingan ang principal. “Remember what I told you, Mrs. Trinidad. Kakausapin ko si Tito Ryker regarding sa school uniform n'yo.” “S-sige po, Mr. Zaxton,” sang-ayon na lamang ng principal. Nagpaalam na siya sa principal. Nang nasa labas na siya ay muli kong binalingan ang principal. “Please po, ma’am, huwag n’yo po susundin si Kuya Rhann. Huwag n’yo po ako ilalagay sa Section A. Thank you po,” pakiusap ko at mabilis na lumabas sa principals office. Habang naglalakad pabalik sa sasakyan niya ay napapansin ko na bawat madaanan namin ay napapatingin kay Kuya Rhann, pero itong kasama ko ay parang hindi aware na may tumitingin sa kanya na halos mabali na ang leeg para lang tingnan siya. Gaano ba kalakas ang appeal niya at parang pumu-puso na ang mata ng mga babaeng nakaka-salubong namin? “Teka lang, Kuya Rhann,” tawag ko sa kanya ng may naalala ako, nasa likuran kasi niya ako. Huminto siya at pumihit paharap sa akin. Hindi na siya nakahuma ng mabilis kong binigay ang phone ko. Nagtatanong na tingin naman ang ipinukol niya sa akin. “Picture-an mo ako. ‘Yong makikita ang name ng school, ha,” puno ng excitement na sabi ko. Mabuti na lamang ay wala pa masyadong tao kaya malakas ang loob ko magpa-picture. “Kuya Rhann, bilis!” Nakapwesto na kasi ako at hinihintay na lang na picture-an niya ako pero nanatili lang siyang nakatayo at nakatitig sa akin. Ilang pose ang ginawa ko para may pagpipilian ako na ipo-post sa social media account ko, matagal na rin kasing hindi napapalitan ang profile picture ko roon. Nang makuntento ay nagmamadali akong lumapit sa kanya at kinuha ang phone ko, excited na kaagad kong tiningnan ang mga kuha niya. Napaawang ang labi ko ng makita ko ang mga kinuha niya na larawan sa akin. In fairness, magaling kumuha si Kuya Rhann. “Thank you, Kuya Rhann.” Nakangiting tumingala ako sa kanya. Unti-unti naglaho ang ngiti ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi ko lang maintindihan pero parang may naglalaro sa isip niya habang nakatingin sa akin. “K-Kuya Rhann, bakit?” May ginawa na naman ba akong mali? Nagpa-picture lang naman ako sa kanya. Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin. “When is your birthday, Tamie?” Umawang ang labi ko sa naging tanong niya. Bakit naman kaya niya tinatanong?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD