TAMIE
"Isa…" Nagsimula ng magbilang ang kapatid ko. Kailangan ko na maghanap ng matataguan. "Dalawa…" Nagpalinga-linga ako. Kung dito ako sa loob ay mabilis lang niya ako mahahanap. Kailangan ko lumabas. "Tatlo."
Ngunit napahinto ako ng tatakbo na sana ako sa pintuan para lumabas. May mga lalaki nga pala sa labas. Sa totoo lang ay wala akong ideya kung bakit may mga tao sa labas at nagbabantay sa amin. Pero kalaunan ay kinumbinsi ko ang sarili na mabait sila lalo na at kilala sila ni Kuya Ralphie.
Nagpapasalamat ako dahil binalikan niya kami. Kung hindi siguro ay baka sobra pa ang pang-aapi na ginawa ng tiyahin ko sa amin ng bunso kong kapatid. Mabuti na lang ay nakawala na kami ni Tristan sa kanya. Ang swerte ni Ate Taniella sa napangasawa niya.
"Anim…" Nanlaki ang mata ko. Anim na pala pero hindi pa ako nakakapagtago.
Mabilis kong tinakbo ang pintuan. Agad ko itong binuksan. Lumingon ako sa kapatid ko na hindi alintana na may makakasalubong ako kaya pagharap ko ay hindi ko inaasahan na babangga ako sa matigas na bagay. Muntik na akong mawala sa balanse sa lakas ng impact kung hindi lang ako nahawakan sa braso ng nakabangga ko.
"Watch out."
Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha ng marinig ko ang malaking boses. Muntik ng umawang ang labi ko ng tumambad sa harap ko ang malalago at salubong na kilay habang titig na titig ito sa akin. Saka ko lang napagtanto na hapit pala nito ang maliit kong baywang.
"Sampu! Huli ka, Ate Tamie!" Saka lang ako bumalik sa aking katinuan ng marinig ko ang boses ni Tristan.
Agad akong lumayo sa lalaking nasa harap ko. Sa tangkad nito ay kailangan ko pang tumingala para sulyapan ito at katulad kanina ay titig na titig pa rin ito sa akin.
"So, you are Taniella siblings, right?" tanong ng lalaki na hindi inaalis ang mata sa akin. Bakit parang kahawig yata niya si Kuya Ralphie?
Kumapit sa damit ko si Tristan at tinitigan ang lalaking bagong dating. "Sino s'ya, ate?" tanong nito. Ako na ngayon lang nakita ang lalaki? Sino nga ba ang lalaking nasa harap namin ng bunso kong kapatid?
"Oh, by the way, I'm Rhann, Kuya Ralphie's younger brother."
Kaya pala magkahawig sila.
Humakbang siya palapit sa amin pero napaatras ako. Halatang natigilan siya kaya muling nagsalubong ang kilay niya.
"Bakit nandito ka?" matapang kong tanong.
Napapalatak ito. "Dahil ililipat ko na kayo sa bago ninyong bahay."
Kumunot ang noo ko. Alam kaya ni Kuya Ralphie at Ate Taniella? Kahit kapatid siya ni Kuya Ralphie, hindi dapat kami magtiwala sa kanya.
"Bakit? Sinabi ba nila Kuya Ralphie at Ate Tanie na lilipat na kami? Wala silang nabanggit na may kukuha sa amin dito."
"Do I look untrustworthy?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Tristan.
Hindi ko siya sinagot. Aminado akong gwapo siya pero hindi dahilan ito para pagkatiwalaan ko siya. Fifteen years old lang ako pero aware ako na hindi dapat sumasama sa hindi pa kilala ng lubusan. Mahirap magtiwala lalo na kung ngayon ko lang siya nakita.
"I can't believe this." Frustrated na napahilamos siya sa mukha at may kung anong hinugot sa bulsa ng pantalon niya. "Para maniwala ka, tatawagan ko ang kapatid ko at si Taniella. Happy?" sabi nito ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay.
Napapailing na tinalikuran niya kami. Mayamaya lang ay may kausap na siya.
"Kuya Ralphie, nandito ako sa villa." Ilang segundo itong natahimik. "Oh, hi, Tanie. Walang tiwala sa akin ang kapatid mo kaya ayaw sumama sa akin. Oh, sure." Lumapit siya sa akin at inabot ang phone niya.
Kinuha ko ang phone at lumayo ng bahagya. Tumango-tango na lang ako habang pinakikinggan ang sinasabi ni Ate Taniella. Pagkatapos namin mag-usap ay bumalik ako sa kinaroroonan nito para ibigay ang phone. Pero kahit ginalang ko na nga siya dahil kuya ang tinawag ko ay ayaw naman niya. Napapaisip pa rin ako kung kapatid ba talaga ni Kuya Ralphie ang lalaking ito. Bakit parang ang bait ni Kuya Ralphie kaysa sa kaharap ko?
"So, ano? Sasama na ba kayo sa akin?" paniniguro niya.
"Kakausapin ko muna si Tristan."
Tila frustrated na napahilamos na naman ito sa mukha bago kami tinalikuran. Lumabas ito at nakita ko ang pagkuha niya ng isang kaha ng sigarilyo sa likod ng bulsa ng kanyang pantalon. Sinindihan ang sigarilyo at nagsimulang humithit. Tinungo ko ang pintuan at masama na tingin ang ipinukol ko rito.
"May bata po sa loob. Hindi n'yo po ba alam na mas delikado ang second-hand smoker?"
Napahinto ito sa paghithit ng sigarilyo. Tumingin naman sa kanya ang dalawang lalaking bantay na agad nag-iwas ng tingin ng tapunan niya ng masamang tingin. Inirapan ko siya bago sinara ang pintuan. Mukha namang nakuha niya ang sinabi ko.
"Sasama tayo sa kanya, ate?" tanong ni Tristan ng bumalik ako.
"Oo, Tris. Si Ate Taniella na rin naman ang nagsabi kaya sasama tayo sa kanya."
Muling bumukas ang pintuan. Nagbuga ito ng hangin bago humakbang palapit sa amin.
"So, pwede na ba tayo umalis? Hindi tayo pwedeng gabihin sa daan," walang kangiti-ngiti na sabi niya. Tumango lang ako bilang tugon.
Nakatulog si Tristan habang nasa byahe kami. Nakaunan naman ang ulo nito sa hita ko. Ako naman ay inabala ang sarili sa pagtingin sa mga tanawin na nakikita ko.
"Tamielina, right?" basag ni Kuya Rhann sa katahimikan. Nagtagpo ang mga mata namin sa rear-view mirror ng sasakyan. Ito kasi ang nagmamaneho ng sasakyan.
"Opo."
"How old are you, Tamie?"
"Fifteen po," sagot ko.
"Hmm, I see." Tumango-tango siya habang tinatambol-tambol ang mga daliri sa manibela.
"Kayo po?" tanong na lumabas sa bibig ko.
Tumikhim ito bago muli akong sinulyapan sa rear-view mirror.
"Twenty-five."
"Tama lang po pala na tawagin ko kayong, kuya," nakangiti ng sabi ko.
Hindi ito sumagot. Mukhang sang-ayon naman na siya sa sinabi ko.
Ilang oras lang ay narating na namin ang bahay. Binuhat ni Kuya Rhann si Tristan dahil tulog pa ito. Habang papasok sa bahay ay hindi ko maiwasang mapanganga. Medyo nanibago ako dahil kumpara sa villa na tinuluyan namin ay 'di hamak na mas malaki ang bahay na ito. Dito ba talaga kami titira? Parang napakalaki nito para sa aming dalawa ni Tristan.
Umakyat kami sa ikalawang palapag. Binuksan ni Kuya Rhann ang isang pintuan. Nagising na rin si Tristan na ngayon ay nakatingin na sa loob ng malaking kwarto.
"Here's your room, Tristan," sabi ni Kuya Rhann.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito. "P-po? Mag-isa lang si Tristan sa kwarto?"
"Yes. Why? Do you have a problem with that? Malaki na si Tristan kaya pwede na siya mag-isa sa silid," paliwanag niya.
"Tanungin n'yo muna kaya si Tristan kung kaya n'ya ng mag-isa sa kwarto. Nasanay kasi kami na magkatabi matulog kaya baka hindi kaya ni Tristan na walang kasama," dahilan ko.
"So, what are you trying to say? Na magkasama na lang kayo sa isang silid, ganon ba?" Halata ang iritable sa boses niya.
"Parang gan'on na nga. Hindi ba, Tristan?" Nakangiting bumaling ako kay Tristan na agad na tumango bilang pagsang-ayon.
"You know what, Tamielina?" He paused for a moment. Nang balingan ko siya ay parang gusto niyang tumiris ng insekto kung tumingin sa akin. Naiinis na kaya siya sa akin dahil palagi ko siyang kinokontra? "f**k. Fine. Sige na, pumasok na kayo sa loob. Tatawagin ko na lang kayo kapag maghahapunan na," sabi niya at binaba ang kapatid ko.
Malawak ang ngiti na umupo ako sa malambot na kama. Nang balingan ko si Tristan ay nakahiga na ito. Mayamaya lang ay pinikit na nito ang mata. Mukhang inaantok pa ito kaya hinayaan kong matulog ulit.
Inayos ko sa pagkakahiga si Tristan. Nang sigurado akong tulog na ito ay umalis ako sa kama at tinungo ang pintuan para lumabas at bumaba, kukunin ko ang mga laruan ni Tristan, baka hanapin niya mamaya paggising niya.
Pagbaba ko ay hinanap ko si Kuya Rhann. Masyadong malaki ang bahay kaya parang ang hirap niyang hagilapin. Napansin ko rin na wala pang masyadong gamit dito. Mukhang bago lang ito at biglaan ang paglipat namin ng kapatid ko.
"Where are you going?" Parang nag-echo ang malaking boses ni Kuya Rhann sa loob ng bahay.
"Kukunin ko sana ang mga laruan ni Tristan. Baka hanapin niya paggising," nakangiting sabi ko.
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay humakbang siya palapit habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.
"M-may problema po ba, Kuya Rhann?" Bigla akong nautal. Medyo na-we-weirduhan ako sa kanya. O talagang ganito lang siya kumilos?
"I said stop calling me, kuya, Tamielina. And please don't smile in front of me," walang emosyon niyang sabi.
Agad nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi niya. Ano ba ang problema sa pagtawag ko ng kuya sa kanya? Natural lang naman na tawagin ko siyang kuya dahil mas matanda siya sa 'kin. At ano ang problema sa ngiti ko? Ang dami naman niyang problema sa 'kin.
Hindi ko napigilan ang sarili na irapan siya bago talikuran. Pero bago pa man ako humakbang ay hinawakan niya ako sa braso kaya pumihit ako paharap sa kanya.
Mula sa kamay niya na nakahawak sa braso ko ay nag-angat ako ng mukha para sulyapan siya at nagtatanong na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Ngunit kahit tinaasan ko na siya ng kilay ay hinila pa niya ako palapit sa kanya.
"Habang narito ako sa bahay at ako ang kasama mo, kailangan mo sundin ang rules ko. Naiintindihan mo ba ako, Tamielina?"
"Hindi po ako na-inform na may rules pala rito sa bahay kapag narito ka?" Napapalatak ako at ngumisi. "Ihahatid mo lang po kami, hindi po ba? So pwede ka na po siguro umalis dahil narito na kami," pang-iinis ko.
Dumilim ang mukha niya. Bahagya akong napangiwi ng tila humigpit ang hawak niya sa braso ko.
"At hindi ako na-inform na maldita pala ang kapatid ni Taniella samantalang mabait naman ang ate mo." Niluwagan niya ang pagkakawak sa akin. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa dahil hinapit niya ako sa baywang na labis kong ikinagulat. "But it's fine with me." Sumilay ang makahulugang ngiti sa labi niya bago yumukod at nilapit ang mukha sa akin dahilan para kaunting espasyo na lang ang nasa pagitan ng aming mga mukha. "It's more fun, thrilling, and exciting arguing with you, Tamielina." And a smirk appeared on his lips.
Awang ang labi na hindi ko na nagawang makapagsalita ng bitiwan na niya ako at tiningnan na lamang ang pag-alis niya sa harap ko. Napabuntong-hininga na lang ako at piniling bumalik sa kwarto. Mukhang hindi ko makakasundo ang kapatid ni Kuya Ralphie, hindi ko gusto ang presensya niya dito sa bahay.