CHAPTER 6: Not Alone

1710 Words
HINDI makatulog si Shanfiel. Panay lang ang balikwas niya sa kama. Paulit-ulit niyang naririnig sa isip niya ang sinabi ni Arclight na she was a Sunshine to him. Sa tuwing naiisip niya ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Bumangon siya ng kama upang tingnan ang oras. Alas-onse na ng gabi at gising pa rin siya. Maya-maya ay nag-vibrate ang phone niya. Lumitaw ang agad ang mensahe mula kay Arky. “Sabay tayong pumasok ng school bukas.” Binasa niya ang text nito. Lumapad na naman ang ngiti niya. Hindi niya alam kung ano ang ire-reply. Sa huli ay hindi na lang niya ito ni-replyan at hayaan na lang itong isipin na maaga siyang natulog. Kinabukasan ay maaga siyang nagising kahit alas-dose na siya ng madaling araw nakatulog. Alas-singko pa lang ay gising na siya upang mag-ayos. Gano’ng oras ay gising na rin ang mga magulang niya. “Anak, ang aga mong nagising.” Nagsasaing ang ina niya sa kusina. “Gusto ko kasing mag-basa ng libro sa library, Nay.” She smiled. Ngumiti ang ina niya at tumango-tango. Pumasok na siya ng banyo upang maligo. Bandang alas-sais ay nag-uumagahan na siya. Hindi pa siya tapos kumain ay sunod-sunod na katok ang narinig niya mula sa pinto nila. Nagkatinginan sila ng ina na kasama niya sa lamesa. Pinanliitan siya nito ng mata. “Parang kilala ko kung sino ‘yang kumakatok.” Ngumiti ito. She smiled at agad ng tumayo. Tumungo siya sa pinto at bumungad sa kanya si Arky na naka-soot na ng uniporme ng Cassomo. Ang pogi nito sa kulay lila na uniporme. Isang strap lang ng itim na backpack ang nakasoot sa kaliwang balikat nito. His hair was still wet. “Ba’t ang aga mo?” She frowned. “Dito ako mag-aalmusal, dahil miss ko na ang luto ni Nanay Eva.” HInawi siya nito patabi at muntik na siyang matumba. “Wala ka talagang manners.” She frowned. “Nanay Eva!” Niyakap nito ang ina niya. She smiled as she watched them. “Kaya pala ang aga nagising ni Shan, Arc. Susunduin mo pala.” Sumungaw ang mapanuksong ngiti sa mga labi ng ina. Napalunok siya. “Hindi, Nay, ha. Maaga talaga akong nagigising.” Bumalik siya sa lamesa upang ubusin ang agahan. Napapitlag siya nang hinawi nito ang takas niyang buhok at inipit sa likod ng kanyang tenga. “Ikaw, ha. Excited kang makita ako.” Ngumisi ito. “Sige, managinip ka pa. Kulang ka sa tulog?” She rolled her eyes. “Nay, oh. Ba’t lumaking maldita ‘tong anak niyo po? Hindi naman ‘yan ganyan dati.” He shook his head. Hindi niya ito pinansin at patuloy lang siya sa pagsubo para matapos na siya agad sa pagkain. Naupo si Arky sa tabi niya. Nilagyan ng kanin at ulam ng Nanay Eva niya ang plato nito. “Kumain ka ng marami, anak.” Hinubad ni Arky ang backpack at nilapag sa sahig. “Syempre naman, Nay. Kailangan ko ng lakas para labanan si Shanfiel. Balita ko matalino raw.” Tiningnan siya nito at ginawaran ng malapad na ngiti. She smiled back. “Nakakahiya naman. Sapat lang po, hindi kasing talino mo.” She patted his back. “Pero balita ko rin, Nay, may nanliligaw na raw po. ‘Wag niyo munang payagan, Nay, ha. Kawawa naman ‘yong nanliligaw.” Sumubo ito ng kanin. Inapakan niya ang paa nito sa ilalim ng mesa. “Aray!” He glared at her. “Nananakit, Shanfiel?” She rolled her eyes at niligpit na ang pinagkainan. Dinala niya sa kusina ang pinagkainan. “FRUSTO! Can we talk?” Inabutan ni Aleli ang asawa sa kusina habang nagbi-blend ito ng paboritong healthy shake. “What is it, my dear wife?” Abala pa rin ito sa ginagawa at hindi man lang siya nito binalingan ng tingin. “Could you please stop what you are doing and face me?” Nagtaas siya ng kilay habang nakahalukipkip at nakatayo sa likod ng asawa. Frusto turned off the blender and face her. She gasped at her husband’s handsomeness. “What?” He frowned. She swallowed. Hindi niya alam pero para siyang kinakain ng presensya nito. Parang hindi niya kaya ang makipagtitigan dito even just for a minute. “Mr. and Mrs. Carlito Rodriguez wants to have dinner with us tonight. If you don’t remember them, they are Arky’s godparents and my friends from Canada. They’ve been away for like 8 years. Help me act like my marriage is the best in the world.” She took a deep breath. Frusto smirked and caressed her hair but she stepped back. “Why are you so afraid of me, Ally? Ni minsan ba nagawa kitang pagbuhatan ng kamay?” He shook his head as he put his hands inside his pocket and stood straight. “The emotional damages you’ve caused me are enough to traumatize me.” Tumaas ang boses niya. “Ally, how about you? Have you ever considered whether you have never caused me emotional harm?” He moved closer and pinned her against the table's side edge. She tried to push his chest but he was strong enough not to move an inch. “What’s your problem?” She frowned. Halos magdikit na ang mga tungki ng ilong nilang dalawa at halos hindi na siya makahinga. “Ally, you really are impossible. Blaming me for your mental distress when you don't realize that you only seek me when you have a concern.” He smirked. “You built a wall between us.” She pushed him harder. Frusto took a deep breath. “When are we meeting them?” “Tomorrow night.” She looked at him but he wasn’t looking. “Are you really tired of me?” Nag-angat ito ng tingin sa kanya. She swallowed. Wala siyang masabi. She was indeed tired, but she couldn’t say it to him. “Ally, malaki na si Arclight, he’ll understand if you decide to divorce me.” Nag-iwas ito ng tingin. “I love my son.” She turned her back. While walking up the stairway, she became unsteady. Napaupo siya sa hagdan. Natulala siya sa kawalan. She was in pain, but her tears wouldn’t fall. Her chest is filling with anguish, suffocating her. ARCLIGHT was bored in his class. There’s still one hour left before lunch time. Hinihintay na lang niyang mag-lunch time para makasama na naman si Shanfiel para asarin ito. He’s never bored with Shanfiel beside him. He was staring out the window and watching the view outside. He wasn’t talking with anyone in the class. Even boys didn’t dare to approach him because he was always frowning. Hindi niya naramdaman na may nakalapit na pala sa kanya. Tiningnan niya lang ang magandang kaklase. “What do you need?” He frowned. Bakante ang upuan sa tabi niya kaya naupo roon ang kaklase. Patuloy pa rin sa pagsasalita ang guro nila sa History sa harap. “My name is Gleci. I am just worried kasi you’re being a loner.” Sa harap ito nakatingin. “I’m fine. Go back to your seat.” Ibinalik niya ang tingin sa bintana. “This is my original seat,” sagot nito. He looked at her again. “I don’t want a seatmate.” Pero hindi siya nito sinagot. Hindi rin ito umaalis sa tabi niya. Hinayaan na lang niya ang kaklase. He respects women anyhow. Hindi naman masama ang ugali ni Gleci. Sa totoo lang ay kilala na niya ito dahil noong unang araw niya sa Cassomo ay palagi niyang naririnig ang mga kaklase nilang lalaki na pinag-uusapan si Gleci. Maganda ito at mabait, parang anghel ang tingin ng mga kaklase niya rito. Ideal girl ng lahat kumbaga. “Why are you being a loner? Makihalubilo ka naman sa amin para hindi ka nag-iisa. Tuloy iniisip ng lahat na suplado at boastful ka.” Gleci sighed. “I don’t care. I’m not a loner. I have friends. In another section.” He looked in front. “Really? That’s good then.” She smiled. He looked at her and her smile was like magic. She was indeed an angel. Her smile made his heart beat irregularly. “Are you aware you have a nice smile?” He narrowed his eyes. “Yeah, I know. Thanks!” She beamed another brilliant smile. Napaiwas siya ng tingin. Nagagandahan siya rito, and it made him a little shy. Maya-maya ay nag-end na rin ang last period nila sa umaga. They stood and bowed to their teacher. “Do you want to join me for lunch?” ani Gleci. “No, thanks. My best friend’s waiting for me.” He smiled. “Oh, okay. See you.” Tinalikuran na siya nito. He didn’t feel sorry. He’s sure marami itong kaibigan na makakasama sa pagkain kaya ayaw niyang samahan ito dahil he wasn’t that friendly. Agad na siyang tumungo sa classroom ni Shanfiel. He was excited to tease her. Pero inabutan niyang may kausap itong lalaki sa may pintuan. She was smiling while talking to the man, Hindi niya gusto na ngumiti si Shanfiel ng gano’n kaganda sa ibang lalaki. It made him uncomfortable. Nang makita siya ni Shanfiel ay nagpaalam na ito sa kausap at tumakbo papunta sa kanya. Ginulo niya ang buhok nito. “Look at you smiling sweetly at some guy.” He smiled. Shanfiel frowned. “Kaklase namin ‘yon.” “Akala ko nanliligaw sa’yo, kawawa naman siya.” He laughed. Tiningnan siya nito ng masama. “Alam mo, Arky, kapag may nagustuhan akong lalaki, hindi ko sasabihin sa’yo kasi baka siraan mo ‘ko sa kanya.” She shook her head. He scrunched his nose. “Oh, shut up! Hindi na kita kailangang siraan, Shany. Mukha mo pa lang sira na.” He was just bullying her. It wasn’t true. She’s the most beautiful to her. “Ah, gano’n?” Bigla siya nitong kinurot sa tagiliran at nakaramdam siya ng sakit na may kiliti kaya tumakbo siya palayo sa kaibigan pero hinabol pa rin siya nito hanggang sa isang guro ang sumuway sa kanila. They were both laughing after they listened to the teacher’s scolding. Swear, they become different people when they are together, they become more of themselves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD