NAKAAKBAY si Arky kay Shanfiel habang naglalakad silang dalawa papunta sa cafeteria. Papunta roon ay nadaanan nila ang Summit cafeteria at napahinto sila sa harap nito.
“Dito ka na. Sus, kung ako ikaw I will enjoy the foods here,” ani Shanfiel.
Napatingin siya sa loob at ang unang umagaw ng atensyon niya ay si Gleci. Mag-isa itong kumakain sa loob. Walang kasama.
He frowned. He was looking at Gleci eating alone. He smirked, so she was the one who was alone, not him.
He turned to Shanfiel. “Shan? Rod and Honey were waiting at the cafeteria, right? Do you mind if I don't grab lunch with you today?” He took a deep breath.
Shanfiel nodded. “Oo naman. You know what, we don’t always need to eat together during lunch. You get to eat more food here. Sige, I’ll get going.” She tapped his shoulder.
He smiled. “Thanks, Shan.”
Pumasok na siya sa loob ng Summit cafeteria. Students were all eyes on him. He ignored them and walked straight to Gleci’s table who wasn’t paying attention to anyone. Bago pa siya makalapit kay Gleci ay may tatlong lalaki ang pumalibot dito.
He paused and frowned. Gleci looked so uncomfortable.
“Hey, pakipot ka pa kasi. Sagutin mo na kasi ako,” sabi ng isa sa mga lalaki. The two other guys were laughing.
Bigla siyang nagliyab. How could they disrespect a woman like that? He was imagining if that was Shanfiel, he would kill them.
Tumuloy siya sa table ni Gleci. ”Leave her alone,” he said with a cold voice.
Nakita niya ang biglang pagliwanag ng mukha ni Gleci.
The guys faced him. “Who are you?” ani ng lalaking mukhang nanliligaw kay Gleci.
“I don’t feel like introducing myself to you. But, I’m Gleci's classmate and we’re going to eat together. So, if you don't mind.” He narrowed his eyes.
“You’re arrogant!” Masyado ng matalas ang tingin ng lalaki sa kanya.
Base sa tindig nito ay senior nila ito.
“Just leave.” Mahinahon ang tono ni Gleci pero nakatayo na ito.
The man smirked. “I’ll see you outside.” He was threatening him.
Umalis na ang tatlong seniors nila. Malamang ay natatakot din ang tatlong ‘yon na gumawa ng gulo sa loob ng eskwelahan.
He smiled at her. “Can I join you?”
Gleci smiled back at him. “Thank you, Arc.”
He sat on the vacant seat opposite her.
“Are you afraid of them?” He narrowed his eyes.
“I am.” She looked down.
“Then, report them! Bakit mo sila hinahayaan na bastusin ka? Gleci, I bet you’re from a rich family too. Tell your parents.” He shook his head. He was kind of annoyed that Gleci was not fighting. To him, she only knew how to struggle.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. She frowned. “Why do you seem to be angry with me. Arclight, you don’t know about me.”
He gulped. “I’m sorry, simply said, if this were to happen to my best friend, who is a girl your age, I might lose my cool.”
“I understand.” She smiled.
He nodded. “I’ll just get food.”
He went to get food and went back to their table. They started eating.
“Arc, let’s report to the principal that those guys were threatening you.” She looked worried.
Umiling siya. “Don’t bother, Glez! They can’t do anything to me. Bakit hindi mo sila I-report sa pambabastos sa'yo.” He continued eating.
“Kahit na. Sabay na tayong umuwi mamaya so that I can make sure you’re safe,” ani Gleci.
Natawa siya. “Make sure I’m safe? You ensure your safety.”
SHANFIEL didn’t eat much for lunch. Nilapag na niya ang kutsara at tinidor sa plato niya.
“Oh, bakit parang ang konti naman ng kinain mo?” puna ni Honey.
“Kasi, hindi niya kasabay ‘yong pampagana niya.” Rodulfo chuckled.
“Issue. Hindi ba pwedeng busog lang ako? Tsaka taga-Summit class si Arky, so dapat lang na sa Summit cafeteria siya kumakan.” She rolled her eyes.
“Halata po kasi sa itsura mo na wala kang kagana-gana.” Honey folded her arms.
Huminga siya ng malalim. “Ganito kasi ‘yon, no’ng napadaan kami sa harap ng Summit cafeteria, sinabihan ko siya na do’n na lang siya kumain kasi mas maraming pagkain do’n. Like, tingin niyo ba feeling niya no’n ayaw ko siyang kasama? I did not mean like that.” The corners of her lips pulled down.
“Ay, totoo nga sinasabi nila. Na ang mga babae daw mahilig mag-overthink.” Rodulfo sighed as he shook his head.
“You don’t get it,” ani Honey kay Rod.
Tinapik-tapik ni Rodulfo ang braso ni Honey. “Buti na lang hindi ka babae.”
Sinabunutan ni Honey si Rodulfo na mabilis naman nitong tinanggal ang kamay ni Honey sa ulo nito.
“Ano ka ba? Sinabing don’t touch my hair! Kapag ako nakasabunot sa’yo, tanggal pati ‘yang anit mo.” Pinitik ni Rodulfo ang kamay ni Honey.
Sanay na siya na ang bonding ng dalawa niyang mga kaibigan ay pisikalan.
Tumayo na siya. “Ewan ko sa inyo. Tara na, bumalik na tayo sa classroom.” Lumakad na siya palabas doon. Mabilis naman na sumunod sa kanya sina Honey at Rodulfo.
Diri-diritso sila pabalik sa classroom nila. Nang makarating doon ay agad niyang nilabas ang libro niya sa Math at nag-aral.
Hindi na karaniwan sa mga kaibigan niya ang makita siyang nag-aaral dahil noon pa man talaga ay mahilig na siyang mag-isa at mag-aral. Kung hindi lang dumating sa buhay niya sina Rodulfo at Honey ay wala talaga siyang ibang ginagawa kundi magbasa at mag-aral lang.
Sampung minuto bago ang oras ng first period nila sa hapon ay nilapitan siya nina Honey at Rodulfo.
“Girl, nandiyan si Arclight,” ani Honey.
Sinundan niya ng tingin ang mga mata nina Honey at Rodulfo.
She took her time to stare at him. Her thoughts were taking in the fact that that fine man, who is tall and attractive, standing at the entrance was there for her. She was lucky to have him as a best friend. She could not ask for more.
Tinapik ni Rodulfo ang braso niya. “Girl, hinihintay ka sa labas!” anito.
“Alam ko,” sabi niya kay Rodulfo sabay humagikhik.
Tumayo na siya at pumunta kay Arclight.
“Arky, ano ‘yon?” She frowned.
Namulsa ito at tumayo ng matuwid. “Wala bang mga lalaking nambabastos sa’yo dito? Baka mamaya meron tapos takot ka lang magsumbong.” Pinanliitan siya nito ng mata.
She smiled and shook her head. “Wala. Ako pa ba? Takot sa’kin mga lalaki dito.”
He nodded. “Sure?”
She nodded while smiling. “Sure.”
“Sige, pasok ka na do’n sa loob.” Hinawakan siya nito sa balikat at inikot paharap sa loob ng silid-aralan.
Nilingon pa niya ito pero lumakad na rin si Arky pabalik ng classroom nito.
He was random. Ano na naman kayang narinig no’n kung kaya’t ang pinunta lang sa kanya ay upang tanungin ang gano’ng bagay. She was so sure he discovered related matter do’n sa sinadya nito sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya at bumalik na sa upuan niya.
“BINGI ka ba? Paulit-ulit, Wifey?” Frusto was sitting in his office chair, nakahalukipkip.
“Alam mo kahit kailan, wala ka talagang isang salita! I hate you!” She threw her bag onto the couch.
She went to school, diritso sa opisina ni Frusto dahil nakatanggap lamang siya ng text mula rito na hindi ito makakapunta sa meet up nila with her couple friends. Wala man lang kahit anong paliwanag nito sa text kung bakit hindi ito makakapunta.
“Gaano ba kahalaga sa’yo ‘yang meet-up na ‘yan? Sabihin mo na busy ako, may meeting. Maliit na butas pinapalaki kasi!” Umigting ang panga nito.
Sinundan niya ito ng tingin nang tumayo ito upang abutin ang ashtray at dinala sa mesa nito. Nagsindi ito ng sigarilyo at muling naupo.
Naiiyak na naman siya. Hindi na sana siya nag-expect pa mula rito. He kept disappointing her anyway.
Bumuga ito ng usok mula sa hinihiphip na sigarilyo.
“Stop smoking, will you?” Tinalikuran niya ito.
Aalis na lang sana siya para hindi na mas lumalim pa ang awayan nila at para makaiwas na rin siya sa sakit pero nagsalita ito, “Don’t act in front of your friends. Hindi ka artista, Wifey.” He’s been using the word wifey like an insult, pero hindi niya ito sinasaway because it made her heart pound whenever she heard that from him.
Hinarap niya ito. “Napaka-manhid mo! You must stop questioning me if you have never shown any interest to learn about me.” She frowned.
He smirked.
“Gusto mong marinig? Because that friend of mine has been convincing me for years to divorce you because she believed na hindi ka na magbabago sa’kin. Tonight, I want you to come because I want to show her that there’s still hope. Pero parang wala na nga talaga!” Her tears fall pero agad niya itong pinahid gamit ang likod ng palad niya at tsaka nag-iwas ng tingin.
“What do you mean? Ally?” Tumayo ito at nilapitan siya.
Hinarap niya ito at noon lang niya napagtanto na masyado palang malapit ang mukha nila sa isa’t-isa. He looked so handsome even if he’s frowning.
“Anong ibig mong sabihin, Ally?” anito.
“Listen. You don’t actually have to know. Just be mindful of your actions. Kung mambababae ka, make sure na sa hotel mo papapakin ang babae mo. Not in public!” Tumaas ang boses niya at halos tumalsik na ang laway niya sa mukha ng asawa. She wiped her tears again.
Tinalikuran niya ito at tuloy-tuloy siya palabas ng opisinia nito. Kaya iniiwasan niya ang makipag-usap, makisuyo, makipagtalo sa sariling asawa because each time she did it, the pain was too much. Kung pwede lang na ‘wag na lang niya itong kausapin even if they are together ay gagawin niya. Pero hindi niya kaya, because if she stopped hearing his voice, she would miss him.
“UWIAN na.” Tinapik si Shany ni Rodulfo sa likod habang nagliligpit siya ng mga gamit.
Napatingin siya sa labas. Walang ni anino ni Arclight ang nakatayo roon. Bumalik siya sa pagliligpit ng mga gamit.
“Bilisan mo na, Shan,” sabi ni Honey. Nagmamadali kasi ito.
“Mauna na kayo ni Rufs,” aniya.
“Bahala ka.” Ipinulupot ni Rodulfo ang braso nito sa braso ni Honey at lumakad na ang dalawa.
Muli siyang tumingin sa labas pero wala pa rin si Arky. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ito pero nag-ri-ring lang ang telepono nito ngunit hindi naman sumasagot.
Limang minuto pa. Maghihintay pa siya ng limang minuto pa rito. Baka kasi cleaner ito ngayong araw. Pero ang Prinsipe ng Cassomo pag-lilinisin? Malabong maglinis ‘yon. Ang tamad-tamad no’n.
“Shan, hindi ka pa uuwi?” tanong ng kaklase niyang nagwawalis.
“Hindi ka naman cleaner today, ha,” sabi ng isa pa niyang kaklase na nagpupunas ng bintana.
“Mag-linis na lang kayo. Ang dami niyong tanong.” She smiled at them.
Humalukipkip siya habang ang tingin ay nanatili sa labas ng classroom, hinihintay si Arky.