CHAPTER 1: Missed Calls

3379 Words
NAALIMPUNGATAN si Shanfiel nang tumunog ang alarm clock niya sa eksaktong alas-singko ng umaga. Mabilis siyang bumangon at nagtungo ng banyo para maghilamos at pagkatapos ay sinuklay niya ang kanyang maikling buhok. Nagmadali siyang nagbihis ng pang-jogging na outfit at isinoot ang jogging shoes na iniregalo sa kanya ni Aleli Diaz noong isang araw nang magdiwang siya ng kanyang ika-labinlimang kaarawan. Si Shanfiel ay napaka-maalaga sa kanyang katawan, kaya sa edad na kinse anyos ay hubog na hubog na ang katawan niya na parang ganap ng dalaga. Napaka-seksi niya at may tangkad na 5’3” at malamang ay may itatangkad pa siya. Habang tumatakbo ay nakikinig din siya ng mga kanta na on-shuffle sa playlist niya gamit ang wireless earphones na iniregalo naman sa kanya ng mga kaibigan dahil alam ng mga ito kung gaano niya kahilig sa pakikinig sa mga musika. Pero ang musika ay tila wala yatang hilig sa kanya dahil isa siya sa mga pinaka-sintonadong tao sa mundo. Pero nabawi niya naman ito sa galing niya sa pagsasayaw. Medyo hinihingal siya ng konti nang biglang nahinto ang kanta, hinayaan niya na lamang ito at pagkatapos ng sixty seconds ay tumugtog na ulit, tapos ay nahinto na naman at sixty seconds ang lumipas ay tumugtog na naman ulit. Sandali siyang huminto at kinuha ang cellphone sa kanyang waist bag at nakita na may unregistered number na tumawag sa kanya, naka silent pala ang cellphone niya. Sino kaya iyon at ang aga-aga ay tinatawagan siya. She called back the number habang naglalakad na lang. Ang kanyang pawis ay lumalandas mula sa gilid ng kanyang ulo pababa sa leeg. Ngunit hindi naman ito sumasagot. Tatlong beses niya itong tinawagan pabalik ngunit hindi naman siya nito sinasagot. Naisip niya na baka scam lang ito at nagpatuloy na lamang siya sa pagtakbo. “WHAT the hell is wrong with this girl, Ate Len? She wasn’t answering my calls. When I come back, I’m gonna choke her to death.” Gigil na gigil si Arclight habang kausap si Len sa kabilang linya. “Tawagan mo ulit. Baka naka-silent ang cellphone niya,” sagot ni Len mula sa kabilang linya. “Ate, please paki-puntahan. Kapag nalaman ni Daddy na nakakuha ako ng cellphone rito, I’m sure hindi ako makakauwi. Sayang naman ‘yong tiniis ko na ilang taon na walang cellphone.” “Bahala kayo ng Ate Natty mo na managot kay Sir Frusto,” sagot ni Len. Ang naging kasunduan kasi nila ng Daddy niya ay he wouldn’t be allowed to possess a cellphone or borrow others’ cellphone and his Dad would make sure he could go home after he turned fifteen. Ayaw kasi ni Mr. Diaz na na-eestorbo siya sa kanyang pag-aaral sa New York dahil kapag may cellphone siya, kahit saan at kahit kailan ay matatawagan siya ng Mommy niya na bawat segundo ay na-mimiss siya at baka palagi lang siya nitong kukumbinsihin na umuwi na, and Frusto thought that if his son would be convinced by his mother, he could turn out to be rebellious. At ito namang si Natty ay pinagbawalan ding magkaroon ng cellphone. But he turned 15 last month and he hated the fact that hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakukuha ang signal ni Frusto na maaari na siyang makauwi. He missed all the people he left at home, his mom, dad, grandparents, Ate Len, and of course his one and only best friend. He was excited to see how much Shanfiel has changed over the years. Did she grow taller than him? Did she grow pretty? He doesn’t know her face. He doesn’t know social media. He never had any SNS account. “Ate Len, I need to stop using this phone. If Dad learns about this, I might stay here forever. Also Ate Natty.” He glanced at Natty who was folding his clothes on the bed. “Bahala ka. Uuwi ako, iiwan kita rito. Itapon mo na ‘yang cellphone at baka pati si Ate Len mo ay madamay pa. 6 years ka na ngang naghintay tapos narinig mo lang na may nanliligaw kay Shanfiel, nakalimutan mo na agad ‘yong anim na taon mo na pinaghirapan,” ani Natty nang hindi nakatingin sa kanya kundi naka-focus sa ginagawa nito. “Kasalanan ko ‘to, eh. Sana ‘di ko na sinabi sa ‘yo na lumaking napaka gandang dalaga ng best friend mo,” ani Len. He acted puking. “Maganda? Yucks! I’m sure mukhang unggoy pa rin ‘yon. I’m just worried sa mga lalaking mabubudol niya. Ate Len, bantayan mo, ha. I’m gonna convince Dad to let us go back.” Then he hung up the phone. Natty paused from folding his clothes and looked at him with those narrow eyes. “Alam mo, bebeboy, selos lang ‘yan. Bakit kasi hindi mo aminin na ayaw mong may ibang umaaligid na lalaki kay Shanfiel. Ano ka ba niya? Kaibigan ka lang ‘di ba?” “Ate Natty, unang-una sa lahat, hindi ako nagseselos sa kahit kanino. Sa mukhang ‘to? Ang gwapo-gwapo ko. Pangalawa, hindi ako kaibigan lang, I was her first best friend and the only one.” He folded his arms as he confidently locked eyes with Natty. “Only one? Funny! Marami ng best friend ‘yon ngayon. 6 years na ang lumipas. Baka nakakalimutan mo.” Natty smirked, nanunuyo sa iritasyon ng alaga. “Diyan ka magaling, Ate Natty, eh! Kung alam ko lang na ang panget ng ugali mo, si Ate Len na lang sana sinama ko rito.” Nagbibiruan lamang sila. Natty laughed. Deep inside, He could feel how much his Ate Natty was cheering for him. He knew, she was always on his side. “SHANY!” Ang malakas na boses ni Len ang narinig ni Shanfiel na may kasabay na malalakas na katok sa pintuan ng maid’s quarter kung saan sila kasalukuyang tumutuloy. Ang maid’s quarter na iyon na pinatutuluyan sa kanilang maliit na pamilya ay parang isang maliit na bahay na may sariling sala, kusina, dalawang kuwarto, at banyo na nakatayo sa loob ng Diaz’s compound. Kararating lang niya galing sa pagjo-jogging. Mag-isa lang siya ngayon sa bahay. Ang kanyang ama ay maagang umalis upang ipagmaneho si Frusto Diaz sa out-of-town na lakad nito at ang kanyang ina naman ay ipinagluluto ng almusal ang pamilya Diaz sa mansiyon. Binuksan niya ang pinto at bumungad ang humihingal pa na si Len. “Ate, may emergency ba?” “Oo, emergency. ‘Yong unregistered number na tumatawag sa ‘yo. ‘Wag kang maingay, si Arclight ‘yon.” Nanlaki ang mga mata niya at agad na kumaripas papunta ng kuwarto niya at agad na hinanap ang cellphone. Mabilis niyang tinawagan ang numero ni Arky na ngayon ay cannot be reached na. Paglingon niya ay naroon na si Len at nakahilig sa hamba ng pintuan ng kuwarto. “Hay, kawawang bata. HIndi mo na ’yan mako-contact. Kasi tinapon na nila ‘yong cellphone dahil kapag nagtagal ay baka mapag-alaman ni Sir Frusto at hindi na makauwi si Arclight dito. Alam mo naman, maraming mata si Sir Frusto kahit sa New York.” Nanlambot ang tuhod niya at napaupo na lang siya sa sahig. “Hoy!” Agad siyang dinaluhan ni Len. “Okay ka lang?” Len held her both arms. “Nakakainis naman, Ate Len, eh! Bakit kasi ni-silent ko ‘yong cellphone ko?” Bumuntong hininga siya. Hinagod ni Len ang likod niya. “Ano ka ba? Okay lang ‘yan. Sinubukan lang naman ni Arky, eh. Konting tiis na lang, magkikita na rin kayo.” “Miss na miss ko na si Arky, Ate.” Bakas ang labis na panlulumbay sa kanyang mukha. She couldn’t express how much she missed her. Minsan ng sumagi sa isip niya na kung hindi papauwiin si Arky ng ama nito sa Pilipinas ay mag-aaral siya ng mabuti upang makakuha ng magandang trabaho at makapunta siya ng New York balang araw. “GOOD MORNING, Cassomo!” Buhay na buhay na bati ni Shanfiel sa eskwelahang pinapasukan niya. “Good morning, Shanfiel!” Masayang bati ng mga guard ng eskwelahan sa kanya. “Magandang umaga, mga boss!” She gave her salute. “Basta naririnig namin ang boses mo sa umaga, gumaganda na ang araw namin,” ani ng isa sa mga guwardiya. “I know right, boss. Pasok na ‘ko.” Palundag-lundag pa siya sa paglakad papasok ng Cassomo School. Ang Cassomo School ay nahahati sa apat na departamento: Pre-School, Elementary, Junior High School, at Senior High School. Ito ay ang pinakamalaking eskwelahan sa buong bansa na itinayo noong dekada otsenta na kilala na pinamumunuan ni Don. Diaz, ang lolo ni Arclight Diaz. Ngayon ay nasa third year junior high school na si Shanfiel at tatlong buwan na lang ay magsa-summer na at sa susunod na school year ay mag fo-fourth year na siya. Masaya siyang lumilinga-linga sa paligid habang palundag-lundag na lumalakad nang biglang may naka-bangga siya. “OMG! Look where you’re going, slap soil,” ani Lilia, isang fourth year junior high school na kabilang sa Summit Class. May kasama pa itong dalawang alipores, na katulad nito ay pawang mga matapobre rin. Nginitian niya ito ng napakalapad. “Magandang umaga, mga binibini. Ipagpaumanhin po ninyo ang aking hindi pagtingin sa aking dinaraanan, nawa’y mapatawad po ninyo ako.” She bowed at them. “What is she saying?” ani ng isa sa mga alipores ni Lilia. Nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib. “Ako po ay isa sa mga tagahanga ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal na minsang nagsabi na ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.” Nanlaki ang mga mata ni Lilia at umuusok na ang ilong nito. “So you’re saying, we are malansang isda?” Sinambit nito ang mga tagalog na kataga sa pambanyagang punto o accent. “Whut? I didn’t shey that.” Ginaya niya ang accent ni Lilia na mas lalong nagpa-irita rito. Nagdabog si Lillia. “Ugh, let’s go, girls!” Naglakad na lang ang mga ito palayo at naiwan siya. She burst out in laughter. “Slap soil your face.” She screamed at them pero hindi na siya narinig ng mga ito. “Shanyyyyy!” Napalingon siya sa tumawag. Papalapit na sa kanya ang mga kaibigan/kaklase niyang sina Honey Prieto at Rudolfo Guson. “Ano ‘yon, girl?” ani Rudolfo. “Syempre, ‘yong mga reyna daw kuno ng Cassomo School, Rudolfo,” sagot niya. “Ay ay, it’s Ruffa.” “Rudolfo!” Pang-iirita pa niya. Ruffa naman talaga ang tawag niya rito but for the sake of panunukso, Rudolfo ang tinatawag niya rito. Inirapan lang siya ni Rudolfo. “’Wag mo na lang pansinin ‘yong mga ‘yon, Shany. Gano’n talaga ang lahat ng mga taga Summit Class, matataas ang tingin sa sarili akala mo naman matatalino, eh nakapasok lang naman dahil sa pera.” Honey disappointedly shook her head. “Tama naman kasi sila, eh. Slap soil nga ako,” aniya. “Hay, nag self-pity na naman ang Ate niyo.” Rodulfo put his hand on her shoulder. “’Wag mo ngang isapuso ang mga sinasabi nila. Ang importante maganda tayo,” pampalubag loob na ani Honey. “Excuse me. Kami lang ni Shany ang maganda.” Panunukso ni Rudolfo kay Honey. Inirapan ni Honey si Rudolfo. “Bw*sit ka!” “Bw*sit ka rin!” “Hep-hep! Tama na nga ‘yan. Rinding-rindi na ako sa inyong dalawa. Segu-segundo na lahat nag-aaway kayo. Sana magkatuluyan kayo.” “Eeeeeeew! Shany, I pray for your soul. Makasalanan ka.” Nanginginig pa si Rodulfo sa pag-iinarte. “Ang OA mo. As if naman gusto ko.” Nangamot pa si Honey sa kanyang braso na parang bigla itong nagka-allergy. She extended both her arms. “Hep hep, Stop!” Inirapan lang ni Rudolfo si Honey. Shanfiel has been friends with Rudolfo and Honey for almost three years now. Naging magkakaklase sila since first year high school hanggang sa kasalukuyan. Si Rudolfo ay magtatatlong taon na rin mula nang lumipat ito around their neighborhood mula sa probinsiya nito. Kaya palagi silang nagkikitang dalawa dahil magkapitbahay lamang sila. Itong si Honey naman ay may kaya sa buhay. Sa totoo lang ay kabilang ito sa Summit Class sa buong elementary days nito at siguro ay hanggang high-school kung hindi lang sana bumagsak ang stocks ng kompanya ng pamilya nito. Sa Cassomo School, pangarap ng lahat ng mga estudyante na mapabilang sa tinatawag na Class of Elites or Summit Class. Bawat grade level sa elementarya at high school ay may Summit Class na noon ay tinatawag na Section Fast. Noon, ang mga kabilang sa Section Fast ay ang mga pinaka-matatalinong estudyante ng Cassomo na unti-unting nagbago ang sistema nang mamuno na si Frusto Diaz bilang bagong administrator ng eskwelahan. It had a fair institutionalized system before Frusto Diaz took over the administrative position. Ang noo’y pantay-pantay na prebilihiyo para sa lahat ng mga estudyante ay naging prebilihiyo na lamang ng mga kabilang sa Summit Class. Hindi na pantay-pantay ang karapatan ng bawat estudyante sa Cassomo. Hindi na sigurado ang mga estudyante kung iisang eskwelahan lang ba ang pinapasukan nila o magkaiba na. Sapagkat ang mga bago at magagandang pasilidad sa eskwelahan ay tanging ang mga taga Summit Class lang ang pwedeng makinabang katulad ng mala-hotel restaurant na cafeteria kung saan ipinaghahain sila ng pambanyagang cuisine katulad ng Italian, Japanese, at iba pa. May sarili ring napakalawak na gymnasium at swimming pool facilities ang mga ito. Ang lockers ng mga ito ay may sariling kuwarto at ang classroom ay napaka-gara at maraming high-tech na gamit. Samantalang ang mga hindi kabilang sa Summit Class ay nagtitiis lamang sa kung anong pagkain ang meron sa canteen at ang swimming pool na ginagamit ay hindi pa nagagawang palitan ng tubig sa limang buwan. Ang gymnasium din kung saan sila nagpa-practice ng laro ay maraming nakatambak na mga lumang gamit at ang basketball ring at volleyball net ay butas-butas pa. Sabagay, kapiranggot lang naman kasi ng binabayad nila sa Cassomo ang binabayad ng mga magulang ng mga taga Summit Class. “MGA minamahal kong estudyante. Kumusta naman kayo? May taga Summit Class na naman bang nang away sa inyo?” sabi ni Miss Georgia Lao, ang adviser sa klase nina Shanfiel. Napabaling ito kay Shanfiel. “Oh, Shany? Bakit ka yumuyuko? Guilty tayo?” Nag-angat siya ng tingin at napakamot ng ulo. Biglang may kumatok sa pinto at bumungad si Mr. Yulo Abuel. “Excuse me! Magandang umaga sa inyo.” Biglang namula ang pisngi ni Miss Georgia. Si Mr. Yulo kasi ay P.E teacher ng mga taga Summit Class. Napaka-matipuno ng pangangatawan nito at ubod pa ng gwapo. Nagtilian ang mga kaklase niya. “Ser, dito ka na lang sa amin please,” ani ng isa sa mga kaklase niya. Ngumiti lang si Mr. Yulo at bumaling kay Miss. Georgia na mas lalo lang ikunapula ng pisngi nito. “Si ma’am talaga ang obvious.” Shanfiel whispered to her seatmate na hindi siya pinansin dahil sobrang tahimik nito. Her seatmate was an introvert. “Miss Georgia, pinapatawag kayo sa Principal’s office ng estudyante mong si Shanfiel Castillo.” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at napalunok na lang siya nang tingnan siya ng masama ni Miss Georgia. “AYAN na pala sila.” Inirapan ni Miss Kaira, ang adviser ng third year Summit Class si Miss Georgia. Kapapasok lang nila ng guro sa principal’s office at nananaksak na mga tingin na agad ang bumungad sa kanila. She saw Lili there, her adviser, and the principal. Naupo sila sa opposite na sofa. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Miss Georgia. Lili here was bullied by your student.” Kalmado pero nakakatakot ang tono ng principal na si Mrs. Helen Gamboa. “With all due repect, Madam Principal. Hindi po ako gano’ng klase ng tao. I don’t bully anyone. Aren’t you accusing me without proof? Napaka one sided niyo naman po.” Shanfiel defended herself. Nanlaki naman ang mga mata ng principal sa sinabi niya. “Madam Principal, I am Shanfiel’s adviser, and I think I know her better than anyone else in this room.” Matapang naman na nagpahayag si Miss Georgia. “So you're saying that my student is lying?” Miss Kaira appealed. “Wala akong sinasabing sinungaling ang estudyante mo, Miss Kaira.” Pinandilatan ng mata ni Miss Georgia si Miss Kaira. “Enough. Lili here told me that Shanfiel told her a malansang isda and that is bullying.” Mrs. Helen insisted. Hinarap siya ng guro at kalmadong tinitigan sa mata. “Did you really say that, Shanfiel?” “No, ma’am. Hindi po totoo ‘yon. I was speaking about the famous quote by Jose Rizal. I didn’t intend to offend anyone. If she was offended, it was because she thought it was about her.” She shrugged her shoulders. “Heard that, Ma’am? She grew up in the slums that’s why. Poor people are less educated,” ani Miss Kaira na nagpabagting sa tenga ni Miss Georgia. Sasabat na sana siya nang biglang nagsalita si Miss Gergia. “How could you offend a student in front of a principal? I am sure, Miss Kaira, that my student here did not bully anyone like you just did. I am poor. I am not rich. But I will never say that you rich people are smarter than I. Because I can survive through hardships with my education and you entered this school because of your connection.” Ang kaninang naka-tuwid na balikat ni Miss Kaira ay nangalay at bumagsak. She looked very insulted and was speechless. Even the principal could not say anything for a moment. “Shanfiel told me that Lili called her a slap soil just because she accidentally bumped into her. My student was the one who got bullied here. I have to defend her.” Miss Georgia held her hand. Parang natutunaw ang puso ni Shanfiel sa ginagawang pagtanggol sa kanya ng napaka-tapang at napaka-competitive niyang guro. “You’re getting personal with Miss Kaira here, Miss Georgia. Is that a good attribute of a professional teacher? Still, Shanfiel indirectly insulted Lili. She will be punished to clean the Summit pool facility.” Walang katarungan ang naging husga ng principal. Sa Cassomo, hindi lang ang karapatan sa paggamit ng mga pasilidad ang hindi pantay-pantay kundi pati na rin ang treatment ng mga admin sa mga guro at estudyante. Ang mga taga Class of Elites ay may mga guro na tinatawag nilang mas high calibre kaysa sa mga guro ng mga nasa mas mababang sections. But Shanfiel believed that her adviser was way better than the adviser of Summit Class third year junior high. Kapag kasi estudyante ka ng Summit Class, kahit ikaw pa ang may kasalanan at kahit ikaw pa ang trouble maker, ikaw pa rin ang kakampihan. Kapag naman hindi ka kabilang sa Summit Class, kahit gaano ka pa ka mas matalino at kahit ikaw pa ang nasa tama, sa kahit anong laban kontra Summit Class ay talo ka pa rin. Gano’n ka-unfair na ang sistema ng Cassomo School na nagsimula sa pamumuno ni Frusto Diaz. “ALAM mo, Nay, hanga ako kay Miss Georgia talaga, eh. Napaka-tapang niya at tsaka, matalino pa. So far, she’s the best sa mga naging teacher ko,” sabi ni Shanfiel sa kanyang ina. Kararating lang niya galing eskwela at hindi pa siya nakakapagpalit ng school uniform. Dumiritso siya agad sa kusina ng mansiyon kung saan naghahanda ng hapunan ang ina. Sandaling huminto sa paghalo ng niluluto si Eva at nilingon ang anak. “’Wag kang maingay rito kapag tungkol sa eskwelahan. Kapag ikaw narinig ni Sir Frusto.” “Wala naman akong sinasabi, Nay, eh. Na unfair ang school, tapos kaming mga walang pera, walang karapatang maipagtanggol, at tsaka--” “Tumigil ka!” Eva cut her off. She just rolled her eyes. Sabay silang napalingon nang biglang bumukas ang pinto ng dirty kitchen at iniluwa no’n si Len. “Oh, Ate Len? Parang hinihingal ka yata?” She frowned. Len was smiling widely nang hinuli nito ang mga kamay niya at pinisil. “Uuwi na si Arkyyyyyyyyyyy….”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD