Simula nang marinig ni Shanfiel mula kay Len na uuwi na ang best friend niya bukas ay hindi na matanggal-tanggal sa mukha niya ang ngiti. Para siyang idinuduyan sa ulap. Nangingibabaw ang excitement sa lahat ng emosyong pwede niyang maramdaman.
“Nay, gusto mong tulungan kita bukas sa pagluluto? Anong lulutuin mo bukas, Nay? Paborito ni Arky ‘yong adobong manok, Nay eh. Na maraming sili green. Tsaka gustong-gusto niya rin ang mango float.” Patuloy siya sa pang-eestorbo sa kanyang ina habang naghahanda ito ng lamesa para sa hapunan nila.
“Sus, ang dalaga ko sobrang excited na.” Eva smiled as she returned to the kitchen to get the utensils.
Sumunod naman siya sa ina. “Syempre naman, Nay. Six yeas, Nay. Six years ko siyang hinintay. Magiging proud kaya siya sa akin, Nay? Na lumaki akong maganda, matalino, seksi.”
Hindi napigilan ni Eva ang mapatawa. “Ang cute mo, Nak. Pero may pasok ka bukas.”
“Nay, absent muna ako bukas please. Gusto kong salubungin si Arky bukas.” Pinagdaop niya ang kanyang mga palad sa paghingi ng pahintulot sa ina.
“Hindi pwede no. Mag-aral ka ng mabuti.” Dala-dala ang mga kubyertos ay tumungo na sa hapag kainan ang mag-ina.
Naupo na si Shanfiel sa harap ng lamesa, naka-busangot. “Sus, kahit anong talino ko naman hindi pa rin ako napagbibigyan ng pagkakataong makapag-compete kahit sa regionals, eh. Paano ba naman, lahat na lang galing sa Summit Class, palagi namang talo sa nationals.” Just Shanfiel exposing her school.
Naupo na rin sa tabi niya ang kanyang ina na biglang nalungkot ang mukha.
Napatitig siya sa ina. “Nay, bakit?”
Bumuntong hininga ito. “Pasensya ka na, Nak, ha. Hindi tayo mayaman kaya hindi mo naranasang mapabilang sa Summit Class.”
“OA mo naman, Nanay. ‘Wag na ngang mag-drama. Kain na tayo. Tomorrow is a special day.” Buhay na buhay ang dugo niya ngayon kadalasan ay mahilig din siyang mag senti.
KINALABIT si Shanfiel ng kaibigang si Rodulfo na nakaupo sa likuran niya, katabi nito si Honey. “Hoy, girl. Makinig ka naman kay, ma’am. Bakit tingin ka ng tingin sa orasan mo?”
Hindi na siya nag-abalang lingunin ang kaibigan at baka mapagalitan sila ng terror teacher nila sa Math. Panay pa rin ang tingin niya sa wrist watch niya. Limang minuto na lang ay matatapos na ang klase ngayong araw.
Binabantayan niya bawat pag-ikot ng malaking kamay ng orasan. Hanggang sa mag alas-kuwatro na nga ng hapon. Uwian na.
Mabilis niyang niligpit ang mga gamit at isinoot ang pack bag niya.
Pero hindi pa sila tuluyang makakalabas ng classroom dahil kailangan pa nilang hintayin si Miss Georgia, ang adviser nila para sa mga announcement nito.
“Bakit ang tagal ni Miss Georgia?” Hindi siya mapakali.
Lumabas siya ng classroom at hinintay sa pintuan si Miss Georgia. Nang makita niya itong parating na ay napangiti siya ng labas ang mga pantay-pantay niyang ngipin at mabilis siyang bumalik sa loob ng classroom.
“Nandyan na si Miss.” She informed the class.
She silently prayed in her mind na sana ay konti lang ang sasabihin ni Miss Georgia sa klase. Pero hindi niya inaasahan na ang mga sunod-sunod na tanong ng mga kaklase niya ang magpapahaba ng discussion.
It’s already 4:30 p.m.. Siguro ay kanina pa nag-hihintay si Arclight sa kanya sa mansiyon.
“Okay, any more question?” ani Miss Georgia.
Magtataas pa sana ng kamay ang katabi niya nang bigla niya itong pinigilan.
“Bakit, Shanfiel? Magtatanong ako,” naguguluhang anito.
Pinandilatan niya ng mata ang kaklase. “’Pag nag tanong ka pa mamalasin ka sige.”
Inirapan na lang siya ng seatmate ngunit may nagtaas na naman ng kamay sa kabilang row. Marahas na lang siyang napakamot ng ulo. She felt very frustrated. Inub-ob niya ang ulo sa desk habang nanginginig ang mga binti at hinintay na matapos ang discussion.
“Okay. That’s all for today. Have a very fun weekend.” Niligpit ni Miss Georgia ang mga gamit nito at lumabas na ng classroom.
Malapad na ngiti sa mukha ay mabilis siyang tumayo at nagmadali ng umalis. Sa wakas ay makakauwi na rin siya, nang pinigilan siya ng isa sa mga kaklase niya.
“Hoy, Shanfiel! Cleaners tayo ngayon no? Maglinis ka.” Inabutan siya nito ng walis paypay.
Napailing na lang siya at hinubad ang pack bag at nagsimulang magwalis ng mabilis.
Naka-busangot siya buong time na nagwawalis siya. Sampung minuto lang ay natapos din niyang gampanan ang pagiging cleaner ngayong araw.
“Oh, ano? Meron pa ba? May ipapagawa pa ba kayo? Papapuwiin niyo na ba ako?” Namaywang siya.
Tinawanan lang siya ng mga kasamahang cleaners dahil hindi naman nila alam kung bakit siya nagkakagano’n.
“Char lang, guys. Una na ako sa inyo.” She smiled at mabilis ng lumakad.
Habang naglalakad siya sa hallway ay naiisip niya na paano kaya kung hindi na nakatiis si Arclight sa paghihintay sa kanya sa mansiyon at nasa labas na ito ngayon ng campus. Namula ang pisngi niya sa naisip. Ang excitement na nadarama niya ay nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso.
Nang makalabas siya ng campus ay luminga-linga muna siya sa paligid ngunit hindi niya nakita si Arclight. Na-disappoit siya ng konti.
“Ah, baka sa bahay namin naghihintay,” aniya sa sarili.
Maya-maya ay dumating na ang sasakyang sumusundo sa kanya. Mabilis siyang sumakay roon.
“Mano po, Tay.”
“Kaawaan ka ng diyos, Anak,” ani Antolin.
Tuwing umaga at hapon ay sinusundo siya ng ama na minamaneho ang iba’t-ibang mamahaling sasakyan na pagmamay-ari ng mga Diaz.
“Tay, baka sabihin nila ang yaman ko kasi iba-iba ang sasakyang sumusundo sa akin araw-araw.” Nagbibiro lamang siya sa ama.
“Hayaan mo sila sa mga gusto nilang isipin, Nak. Ang importante mabuti kang tao.”
“Si Tatay napaka-seryoso naman.” She smiled.
Napahagikhik si Antolin sa kabibohan ng anak. Pinaandar at pinatakbo na nito ang sasakyan.
“Tay, dumating na po ba si Arky?” tanong niya nang nakatingin sa daan.
Nagkibit balikat ang ama. “Hindi ko alam, Nak, eh. Hindi pa ako umuuwi ng bahay, kagagaling ko lang sa kabilang probinsiya. May pinaasikaso si Sir Frusto.”
She pouted. “Ah, gano’n ba, Tay?”
“Pero hindi ba’t ngayon ang uwi ni Sir Arclight?”
“Ngayon daw, Tay, eh. Kaya pwede paki-bilisan.” She blinked.
“Aysus. Masusunod, mahal na prinsesa.”
Si Shanfiel ay may magandang relasyon sa mga magulang. Napaka-sweet niyang anak at siya ang nagbibigay ligaya at lakas sa mga magulang niya. Lalo pa at nag-iisa siyang anak.
Pagkarating nila ng compound ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo patungo sa mansiyon.
“Anak, dahan-dahan lang.” Antolin shook his head sa kakulitan ng anak.
Pag pasok niya ng mansiyon ay napaka-tahimik doon.
“Bakit kaya ang tahimik?” Bigla siyang nalungkot dahil naisip niya na baka hindi pa nakakauwi si Arclight. Na baka hindi na naman ito pinayagan ng ama na makauwi.
Bumagsak ang balikat niya at biglang nawala ang excitement niya. Para siyang laruan na tinanggalan ng baterya. Tumingin siya sa mataas na ceiling and admired the beauty of the chandelier.
Pag lingon niya ay nabunggo siya sa isang matigas na dibdib.
Pag-angat niya ng tingin ay napa-nganga siya sa nakita. Isang ubod ng guwapong binata. Nang huli niya itong nakita ay magkasingtangkad lang sila, ngayon ay hanggang balikat na lang siya nito.
Gusto niya man itong yakapin ay hindi niya magawa dahil masama ang tingin nito na nagpakaba sa kanya. Umatras siya ng konti. “Arky?” She smiled.
Hindi na kaya siya nito nakikilala? Masungit kasi ang mukha nito.
Tinuro niya ang sarili. “Arky, ako ‘to. Si Shanfiel.”
Pero hindi siya nito pinansin at ang mas nagpabigat sa loob niya ay namulsa lang ito at tinalikuran siya at umakyat na ng hagdanan.
Iiniwan siya nito roon ng kahit walang isang salita at itinuring siyang parang hangin.
Natulala siya sa kawalan. Hindi makapaniwala sa nangyari. Pakiramdam niya ay napahiya siya sa sarili.
Tulala siyang lumabas ng mansiyon nang sinalubong siya ng paparating na si Len kasama si Natty.
“Shanfiel! Ikaw na ba ‘yan? Napaka-ganda mo naman. Para kang model. Dalagang-dalaga ka na nga.” Ang naging puna ni Natty sa kanya.
“Ate Natty, kumusta ka na?” Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng kabigatan ng loob niya.
Hinawakan siya sa magkabilang braso ni Natty. “Okay lang syempre. Nagkita na kayo ni Arclight? Naku, excited ‘yong makita ka.”
“Ano? Nagkita na kayo?” Mukhang excited din si Len.
Napakamot siya ng ulo. “Ah, opo, Te. Kaso bakit gano’n, hindi niya ako pinansin?”
“Huh? Hindi ka pinansin?” Natty frowned and shook her head.
“Ate Nat, nagpakilala naman ako, eh. Ayaw niya na ba akong kaibigan?” Mangiyak-ngiyak na ang mga mata niya.
Nilapitan siya ni Len at inakbayan. “Alam mo ‘wag kang mag-alala. Kakausapin namin ng Ate Natty mo. Nag-iinarte lang ‘yon.”
Pinilit niyang ngumiti ngunit sa loob-loob niya ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa ni Arclight. Miss na miss niya ito at kanina ay gustong gusto niya na itong yakapin at makausap ng matagal. Namimiss niya ng marinig ang boses nito na hindi man lang niya nagawang marinig kanina.
“ARKY! My dear son!” Abot-abot ang tuwa ni Aleli nang muling makasama ang anak pagkalipas ng anim na taon.
Mahigpit niya itong niyakap.
“I miss you too, Mom”
Nang maghiwalay sila mula sa madamdaming pagyayakapan ay tinitigang mabuti ni Aleli ang anak.
“Oh my God! You’ve grown so tall. You are more handsome in person. I’m sorry I wasn’t able to pick you up at the airport. You know I just arrived from my out-of-town business.”
“Don’t worry, Mom. Let’s eat.” Tumuloy na sila sa dining area kung saan maraming menu ang nakahanda na sa lamesa.
“Ate Natty, Ate Len. Eat with us.” Tinawag at inanyayahan ni Arclight ang mga personal nanny sa hapunan.
Mabilis namang naupo sina Natty at Len.
“Go. Kain lang kayo. Actually, Len here is always the only one eating with me in this long dining table.” Inabot ni Aleli ang plato ng beef steak kay Len.
“Thank you, ma’am.” Tinanggap naman ni Len ang plato at kumuha ng ulam doon.
“How about Dad?” seryosong tanong ni Arclight.
Aleli shrugged her shoulders. “I don’t know. Nagkita na ba kayo?”
“Yeah. Sinundo niya ako kanina sa airport. Then he left.” Sumubo siya ng paborito niyang adobong manok.
Lately ay mas lalong lumala lang ang alitan ng mag-asawa. Palagi na lang nahuhuli ni Aleli na may kalandiang babae si Frusto and she didn’t give a d*mn. Even though it pained her through the bones because nawawalan na siya ng halaga. She tried her best not to care and to leave him alone.
“Dad is home.” Frusto came at pa-gewang-gewang ang paglalakad nito.
He was obviously drunk. He looked so messy, his bow tie was untied.
Biglang uminit ang ulo ni Aleli. “Look at yourself! Your son just came home and you let him see you like that!”
“What? What like that? I’m perfectly fine, Son! Aren’t you proud of your Dad?” Malapit na itong matumba sa kalasingan.
Arclight flashed a disappointing look as he stood up. “Manang, please assist Dad to go upstairs.”
Mabilis na sanang dadaluhan ng dalawang kasambahay ang Sir Frusto nila nang pinigilan sila ni Aleli.
“No! I’ll do it. Pabigat pa sa mga kasambahay.”
Aleli immediately went to him at inalalayan ito. Napakabigat ng matipunong si Frusto. Ngunit buong lakas siyang binuhat ni Aleli.
“Mom, I’ll help. Ako na.” Inagaw ni Arky ang Daddy niya.
“No. Finish your dinner. Go!”
Iginiya ni Aleli ang asawa paakyat ng kuwarto nila with all her force.
This was actually the first time she did that for him.
Pa-gewang-gewang sila sa pglalakad ng hagdanan hanggang sa makaabot sila ng kuwarto nila.
“I hate you so much!” Ibinagsak ni Aleli ang asawa sa kama nila ngunit sa bigat nito ay pati siya ay bumagsak na rin sa ibabaw nito.
Tatayo na sana siya nang bigla siyang hinugot pabalik ng asawa at mahigpit na niyakap.
Nagpumiglas siya. “Frusto, ano ba!”
“I’m your husband. But you’ve stopped doing your duties as a wife more than a decade ago.”
Nahimigan niya ang kakaibang lungkot sa tono ng pananalita nito.
“You don’t love me!” She frowned at inangat ang tingin sa mukha ng asawa. Halos magdikit na ang tungki ng ilong nila.
That’s the hundredth times Aleli had realized how handsome her husband was.
“I didn’t love you. You never asked.” He almost whispered.
“What are you talking about, drunk man?”
“You don’t love me.” Frusto’s tears fell.
Aleli lost her emotions at the sight of his tearing eyes and kissed him. They passionately kissed hanggang sa nakatulog si Frusto sa kalasingan.
Natulala siya sa nangyari. Naupo lang siya sa kama habang tinititigan ang guwapong mukha ng asawa. Nararamdaman pa rin niya ang init ng halik ni Frusto sa kanyang mga labi. How could they kiss with so much emotions? How could she want that kiss again?
ARCLIGHT wasn’t able to finish his dinner. He was very sad about his parents. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ng mga ito magawang mahalin ang isa’t-isa. Like, why get married if not in love with each other? That’s what he thought.
Naglakad lakad siya sa labas ng mansiyon. He went to the basketball court and played there alone. Doon niya binuhos ang disappointment niya sa mga magulang. Nang mag-shoot siya ay nakapasok ito sa ring at may narinig siyang malakas na palakpak.
“Whoooo! 3 points!”
Nang lumingon siya ay, it was his best friend’s loud voice. Gumaan agad ang pakiramdam niya at the sight of her. She was always the one who could make him feel better whenever he felt sad about his parents bickering all the time.
Pero hindi niya na naman ito pinansin. Umasta siyang parang walang narinig at walang nakita at nag-dribble ulit ng bola.
“Hoy, Arclight Diaz! Bakit hindi mo ako pinapansin?” Shanfiel crossed her arms as she stood beside him.
He didn’t shoot the ball. He threw it away. Nilingon ito at sandaling tinitigan sa mukha. Napakunot naman ito ng noo at sandaling nahiya. Tinalikuran niya ito.
“Arclight! Pag hindi ka lumingon friendship over na tayo!” she shouted.
Ngunit sandali lang siyang tumigil at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
“Aray…” she screamed.
Nabahala siya agad at mabilis itong nilingon. Nakaupo ito sa sahig ng basketball court at hinihilot-hilot nito ang sariling paa habang pasimpleng nakatingin sa kanya. He knew she was just acting. He couldn’t help but smile. She was his best friend indeed. Gustong-gusto na niya itong lapitan at guluhin ang buhok nito but he missed pranking her more. Kaya for now, he would keep pranking her hanggang sa magsawa siya.
“Tatanga-tanga kasi. Clumsy!” He told her.
He was expecting her to pout na parang batang nagtatampo kapag binubully niya noong mga bata pa sila. But he caught her smile.
“Ang ganda ng boses mo, Arky!” anito as she stared at him adorably.
He frowned to stop himself from smiling but his cheeks cheated on him, they blushed. He immediately walked away.
“Arky!” Tinatawag pa rin siya nito but he didn’t dare to look back.
Papaiyakin niya muna ito bago pansinin. It would be more fun. After all, he had to make her pay for not showing up in his life for six years.