Kinaumagahan ay maagang nagising si Shanfiel dahil may pasok siya sa eskwela. Ipinagtimpla siya ng tsokolate ng inang si Eva. Pagkatapos niyang mag-almusal ay agad na siyang nagsoot ng medyas at itim na school shoes. Pagkatapos ay dinampot ang backpack.
“Nay, alis na po ako.” Sigaw niya sapagkat nasa loob ng kusina ang ina at nagmamadali na siya.
Sa labas ng gate ng mansyon ay naghihintay ang kanyang ama sa loob ng sasakyan na maghahatid sa kanya sa eskwelahan.
Pagkatapos ng dalawampung-minutong byahe ay nakarating na rin sila sa Cassomo.
Naghihintay sa kanya sa gate ang dalawa niyang kaibigan na inabutan pa niyang nagtatalo.
“’Wag ako, Rodulfo. Alam kong ikaw nagtago ng ballpen ko, ilabas mo na.” Pinanlalakihan ng mata ni Honey si Rodulfo.
“Bakit may ebidensya ka ba? Nambibintang ka, Honey!” Singhal naman ni Rodulfo.
“Ano ba kayo? Ang aga-aga nagbabangayan na naman kayo. Wala na talaga akong katahimikan sa inyo.” Irap niya.
“Girl, do’n ka sa library may katahimikan do’n,” sagot ni Rodulfo.
Inirapan lang niya ito. “Ewan ko sa’yo, ang maldita mo.”
“Hindi naman kagandahan.” Honey rolled her eyes.
“Bakit ikaw? Mas pangit ka!” Halos tumalsik ang laway ni Rodulfo sa mukha ni Honey.
“Rodulfo!” Honey shouted.
Tumakbo si Rodulfo at hinabol ito ni Honey.
Napatawa na lang siya sa dalawa.
Naglalakad siya ng walang kasabay sa hallway nang biglang may sadyang bumunggo sa balikat niya. Nilingon niya ang mga ito. Those were mean girls from 4th-year Summit class, her seniors.
“Sorry, I slightly mean it.” Tumawa ang tatlong maaarteng mga babae na masyadong nahila pataas ang mga soot nilang palda.
“Skirts in this school are supposed to be worn at least 2-inches above the knee.” She scrunched her nose, expressing disgust.
“How dare you! What do you care?” Tiningnan siya ng masama ng pinakamatangkad sa tatlong mga babae.
“Girls!” Sabay silang lahat napatingin sa hallway sa kaliwa. Isang may edad na na babaeng guro ang nakasimangot ang mukha habang papalapit sa kanila. May hawak hawak pa itong isang metrong stick.
“You girls, pull your skirts lower.” Namaywang ang guro.
Pinigilan niya ang sariling matawa habang pinapanood ang mga senior niya na mabilis na inayos ang kanya-kanyang soot na palda.
“Next time, you wear your skirts properly.” Tumaas ang kilay ng guro, pagkatapos ay lumakad na ito.
“I told you, mga Ate. Although seniors may know more than juniors, juniors take instructions more effectively.” She bowed to them while sporting a satisfied grin. Pagkatapos ay mabilis na siyang lumakad palayo sa mga ito at baka masabunutan pa siya.
“How dare you!” One of the girls shouted behind her pero hindi na niya nilingon ang mga ito.
Sanay na sanay na siya sa totoo lang sa mga mean girl at bully sa school. Laganap ang mga gano’ng klase ng estudyanteng spoiled brat sa eskwelahan. Karamihan ay ang mga kabilang sa Summit class sections. Alam na alam niya rin kung papaano pakikitunguhan ang mga gano’ng klase na nakakabangga niya. At wala pa ni isa ang nanalo sa kanya. She’s the most savage that students in the school could encounter. Gayunpaman, never pa siyang nasangkot sa physical fights with anyone. Iniiwasan niya kasi ang mga gano'n because she was never into violence.
Pagkarating niya sa classroom nila ay napatigil siya sa pintuan nang hindi niya sinasadyang narinig ang usapan ng dalawa sa mga kaklase niya na nakatambay roon.
“Girl, nakita mo na ‘yong bagong transfer? Balita ko nag-iisang anak daw ‘yon ng may-ari ng school. Ang gwapo niya, kaso syempre taga Summit class.” Bumuntong hininga ang kaklase niya.
“Excuse me, classmates? Matanong ko lang, sino ‘yong pinag-uusapan niyo?” She smiled at them.
“Si Arclight Diaz, Shan,” sagot ng kaklase niya.
Nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya at huminga ng malalim. Hindi siya makapaniwala sa narinig na nag-aaral na si Arky sa Cassomo, ibig sabihin hindi na ito babalik ng New York?
Mabilis siyang tumakbo papunta sa itaas na floor kung saan matatagpuan ang Summit class ng parehong baitang upang makumpirma niya kung totoo ang narinig.
Abot-abot ang tuwa niya nang nakita si Arclight na pinapalibutan ng mga kaklase nito sa loob ng Summit class classroom. Ilang beses na niyang nakita ang Summit class classroom ngunit palagi pa rin siyang namamangha sa malinis at organisadong silid-aralan na may high-tech na mga gamit sa loob.
Nang napatingin si Arclight sa nakasarang transparent glass window ay nakita siya nito at nagtama ang mga mata nilang dalawa. Nginitian niya ito ng malapad at kinawayan ngunit hindi ito nagpakita ng galaw o kahit anong ekspresyon sa mukha bilang pagtugon sa kanya.
Sinimangutan niya ito. Sumusobra na talaga si Arky sa kanya. Ano ba ang nagawa niyang kasalanan dito? Simula nang makauwi ito galing New York ay itinuring na siya nitong ibang tao. Hindi siya sigurado kung seryoso ba ito o niloloko lamang siya.
Nagkibit-balikat na lamang siya at bumaba na patungo sa sariling silid-aralan. She was so disappointed. Pero kapag ipinagpatuloy pa rin nito ang pambabalewala sa kanya ay baka mapektusan na niya ito sa apdo. Palalampasin na lang niya muna ito sa ngayon sapagkat malakas ang pakiramdam niya na iniinis lang siya ni Arky.
Pagdating niya sa classroom nila ay agad siyang sinalubong nina Honey at Rodulfo.
“Totoo ba? ‘Yong best friend mo dito na nag-aaral?” Nanlalaki ang mga mata ni Honey sa pagtatanong.
Dahan-dahan siyang tumango-tango. Sabay napatili sina Honey at Rodulfo at inalog-alog siya.
“Girl, ipakilala mo naman kami sa kanya. Balita namin nakapaligo raw ng kaguwapuhan. Totoo ba?” Roodulfo blinked his yes.
“Ewan ko. Sa susunod na lang. Hindi pa kasi niya ako pinapansin, eh.” Nilampasan niya ang dalawa at dumiritso na sa kanyang upuan.
Sumunod naman ang dalawa sa kanya.
Naupo siya ng matuwid at humalukipkip.
Nag-squat si Rodulfo sa harap niya habang naupo naman sa arm ng armchair niya si Honey.
“Hoy, bakit hindi ka pa rin niya pinapansin? Hambog na ba? Hindi ka na ba niya itinuturing na kaibigan?” Rodulfo frowned.
She sighed. “Ewan ko sa kanya. Siguro marami na ‘yong naging kaibigan sa abroad kaya kinalimutan na ako.” Nasasaktan siya sa sariling sinasabi.
Hinagod-hagod ni Honey ang likod niya. “Hindi totoo ‘yon, Shany. Kasi ang tao hindi nakakalimot ng kaibigan, pero kayang talikuran ang kabigan. Kaya ‘wag mong sabihing kinalimutan ka na, sabihin mo na lang na tinalikuran ka na,” ani Honey.
“So anong nakaka-motivate do’n sa sinabi mo?” Rodulfo frowned as he looked at Honey.
“Isa pa kinalimutan o tinalikuran, used in the same context, magkapareha lang ‘yon ng ibig-sabihin. Gumamit ka nga ng utak mo.” Rodulfo rolled her eyes.
“Bakit ba nangingialam ka?” Honey fixed Rodulfo an angry stare.
“Guys, ano ba? Kailan ba kayo titigil sa pag-aaway? Please lang, bumalik na kayo sa mga upuan ninyo. Okay lang ako.” She shook her head and sighed.
Nag-tinginan pa ng masama ang dalawa niyang mga kaibigan bago bumalik sa kanya-kanya nitong upuan.
Maya-maya ay dumating na ang guro nila sa Physical Education.
Pagkatapos nilang batiin ang guro ay naupo na sila upang makinig sa klase nito.
Binigyan muna sila ng oras ng guro for them to put on their P.E. uniforms dahil may Physical Fitness test sila ngayon. Pagkatapos ay bumalik na agad sila sa mga sariling upuan makinig sa instruction ng guro.
“We will be having a Physical Fitness test today,” ani ng guro na nakatayo sa harap nila.
Maya-maya ay may pumasok sa pinto at diri-diritso itong naglakad papunta sa harap. Halos sumabog ang puso niya nang nakita na si Arclight ‘yon. Tumili ang mga kaklase niyang babae.
“Quiet, class!” Saway ng guro sa kanila.
“Arclight Diaz is a transferee and he belongs to Summit class. As you all know, Summit class is already done with their Physical Fitness Test. That’s why Arclight is joining us.” The teacher informed.
She frowned nang nagtaas ng kamay ang seatmate niyang nerd at sobrang tahimik pero matalino.
“Yes, Ms. Ejercito?”
“He belongs from Summit class, sir. Pwedeng-pwede siyang mag-undertake ng Physical Fitness test one-on-one with his P.E teacher. Why join us?” Caroline Ejercito frowned.
“Why do you care?” Arclight fixed an angry stare with her seatmate.
“Arky!” she yelled. Bigla siyang ginapangan ng konting inis para sa kababata.
Noon pa man talaga ay pikon at suplado na si Arky pero nakasanayan na niya kasi na winawasto noon ang pag-uugali nito.
Lahat ng mga kaklase niya ay napatingin sa kanya at tahimik ang lahat.
She saw Arky just shaking his head, then he turned to the teacher. “If nobody here wants me to join, It’s fine, sir,” anito.
“No, Mr. Diaz. You’re joining us,” sagot ng guro rito.
Ibinalik muli ng guro ang atensyon nito sa kanilang lahat. “Class, to the field now. Let's check if the weather is good first.”
Lahat sila ay pumaroon na sa field. Malawak ang field at maganda rin ngayon ang panahon dahil hindi mainit at hindi rin nagbabadya ang ulan.
Her heart sank when she observed that none of her classmates dared to approach Arclight. He was stretching alone at walang kumakausap dito ngunit maraming nakatingin. Gusto niya mang lapitan ang kaibigan and to keep him company, but she was hesitant at the same time because he was treating her like a stranger.
Pumalakpak ang guro nila at lumapit silang lahat dito.
“Okay, find a partner and help each other when you do Curl Ups. Take turns when your partner is doing push up, you count how many times they do it, as well as in other Fitness tests, okay?” sabi ng guro.
“Okay, sir,” sagot nila.
Nagsihanap na ang mga kaklase niya ng partner. Lumapit siya kina Rodulfo at Honey.
“Ay, sorry. Partner na kami.” Ipinulupot ni Rodulfo ang braso nito sa braso ni Honey.
Nagtaas siya ng kilay. “’Wag na, baka mag-away pa kayo. Patner na lang kami ni Honey,” aniya.
Hinigit ni Rodulfo si Honey palayo sa kanya. Honey was just laughing.
Ang damot talaga ni Rodulfo basta pagdating kay Honey. Kahit away bati ang dalawang ‘yon ay hindi naman mapaghiwalay.
“Okay, sino pa ang walang partner?” tanong ng guro nila.
Nagtaas siya ng kamay. Nakita niya na nakataas din ng kamay si Arclight at silang dalawa na lang ang walang kapares para sa acitivity.
“Okay, you two, Arclight and Shanfiel, be partners,” sabi ng guro.
“No!” Isang malutong na pagtanggi mula kay Arclight.
She smirked. Hindi niya talaga mainitindihan kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Arclight. Sa isip niya ay baka ikinakahiya na siya ng sariling kaibigan.
“Sir, ‘wag na lang po nating piltin ang may ayaw.” She sighed.
“Why Ms. Castillo? Are you the teacher?” Pinandilatan siya ng tingin ng guro.
She gulped at napayuko. “No, Sir. Sorry po.”
Bumaling ang guro kay Arclight. “Ikaw, Mr. Diaz, hindi ba’t you were the one to ask me to insert you in my class?”
“I don’t want her to be my partner, sir!” Magkasalubong ang kilay ni Arclight.
She frowned at nagtaas ng tingin sa supladong kaibigan. “Ano bang problema mo?” she almost yelled.
“The two of you! Sinasayang niyo ang oras. Mag-partner na kayo! That’s final. Kung ayaw niyo umalis kayo sa klase ko. Everyone, to the gym now!” Lumakad na ang guro nila patungo sa gym.
“Sir? Bakit sa gym? Akala ko dito po tayo sa field?” Napakamot si Honey ng ulo.
Nilingon sila ng guro. “Oh, Ms. Honey, diyan ka mag-curl ups sa damuhan. Tingnan natin hindi mangati likod mo.”
Nagtawanan sila.
Napatingin siya kay Arclight at napatingin din ito sa kanya.
When she caught him smirking at her, her eyes widened.
Nauna na itong lumakad, habang siya naman ay nabato sa kanyang kinatatayuan habang nakakuyom ang isa niyang kamay. Naiinis na talaga siya kay Arky.
Pagkarating niya ng gym ay nag-uumpisa na ang mga kaklase niya kasama ang kani-kanilang mga kapares. Nakita niya si Arky na nakatayo sa tabi ng guro niya at nakapamulsa habang nanonood sa mga kaklase niya.
Maya-maya ay tinawag siya ng guro. “Shanfiel, ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan? Hinihintay ka na ng partner mo,” anito.