CHAPTER 4: Just A Prank

2208 Words
WALA ng choice si Shanfiel kundi maging ka-partner si Arclight. Sa totoo lang ay gustong-gusto nga niya itong maging ka-partner dahil wala sa mga kaklase niya ang naglakas-loob na maging ka-partner nito dahil napaka-unapproachable kasi nito at hindi rin ngumingiti. Gusto niya na ‘wag naman itong mag-isa dahil at least siya, nauunawaan niya ang pag-uugali ni Arclight. “Ikaw na mauna sa curl-ups.” Malamig ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya na parang bago lang sila nagkita. “Ba’t ganyan ka sa akin?” She frowned. “What do you mean?” Humalukipkip si Arclight. “’Yang ganyan! Kung kausapin mo ako parang hindi tayo magkakilala. Hello! Arky, ako ‘to oh! Si Shanfiel, best friend mo simula pagkabata.” She shook her head as she sighed. Arky looked straight into her eyes. “Who’s Shanfiel?” He frowned. Parang piniga ang puso niya. Nagbabadya ang luha niyang pumatak but she sniffled to stop them. “Fine! You don’t know me? Hindi na rin kita kilala.” Tiningnan niya ito ng masama. “Mr. Diaz, Ms. Castillo!” The teacher called their attention. “Wala pa rin kayong nagagawa? Look at your classmates. Maya-maya ay lalabas na tayo sa field for the one mile run. Bilisan niyo na.” Napailing na lang ang guro nila. “Yes, sir,” sagot niya. Nag-umpisa na siyang humiga sa sahig ng gymnasium. Kung gymnasium lang iyon sana ng mga taga-Summit class ay naka rubber flooring iyon. ‘Yong sa kanila ay purong semento lang na maalikabok pa. She lied on the floor with her back straight and her feet bent. “Stay there,” walang emosyong anito. She frowned. “Where are you going?” Hindi na siya nito sinagot at tinalikuran na lang. Napaupo siya at sinundan ito ng tingin. Pumasok ito sa opisina sa loob ng gym at paglabas nito ay may dala-dala na itong mat. Nang makalapit ito sa kanya ay binuklat na nito ang mat sa sahig. “I didn’t get this for you. I got this for myself. Who wanted to lay down on a dirty floor?” He smirked. Napangiti siya. She still knew Arclight. He was still that caring and thoughtful person she knew. Ito pa rin ‘yong tao na hindi pinapahalata that he cared. Arclight was always like that and he didn’t actually change at all, and only Shanfiel could say that. “Why are you smiling?” Tiningnan siya nito ng masama. “Bakit? Do you own my smile?” She kept smiling. “Humiga ka na. Let’s do this fast!” He was glaring at her. She crossed her arms over her chest as her eyes widened. “Arky?” “Shany!” He frowned. She laughed. “Joke lang. Well, at least, you still recognize me. Sabi mo kanina, who’s Shanfiel?” Nahiga na siya sa mat habang inaalalayan ni Arclight ang mga binti niya para magawa niya ang curl-ups ng maayos. Shanfiel was able to perform 30 curl-ups in less than 3-minutes. Kung hindi lang todo titig si Arky sa kanya habang ginagawa niya ang activity ay baka nahigitan pa niya ang bilang na 'yon. Arclight was fascinated but he was not showing it. Mahilig kasi siyang mag-work out kaya sisiw lang sa kanya ang physical activities. “Kaya mo ‘yon?” She smirked. “Shut up! That was just a piece of cake.” Nahiga na rin ito sa mat. Inalalayan niya ang mga binti nito at nag-umpisa na itong mag-curl-up. She started counting. To her amusement, Nalagpasan nito ang record niya ng sampung curl-ups in less than 3 minutes. “Angas, Arky, ha!” Namula ang pisngi nito. “Parang gano’n lang na-fall ka na agad sa’kin.” She laughed. “Pumunta ka lang ng New York, naging assuming ka na. Sabagay bata palang tayo mahilig ka ng mag-isip ng hindi naman totoo.” She rolled her eyes. He glared at her. “Don’t talk to me.” She crossed her arms. “Edi ‘wag.” “You two. Are you done?” Hindi nila namalayan na nakalapit na pala ang teacher nila sa kanila. Napaangat sila ng tingin sa guro. “Hey, guys. Look around you. Kayo na lang ang tao sa gym. Your classmates are already running at the field. Hurry up. I’ll go now.” Iniwan na sila ng guro. “Mauna ka na,” anito. Nauna na siyang mag-push up at ang count ay umabot ng 25 push-ups in less than 2 minutes. “’Yon na ‘yon, Shan?” He smirked. “I’m not competing with you. This is a physical fitness test.” She rolled her eyes. “Bakit ang hilig mong mag-maldita? Tusukin ko ‘yang mata mo, eh!” He attempted to poke her eyes with his two fingers. She shoved his hand away. He smirked. Tiningnan niya lang ito ng masama. Isip-bata pa rin talaga si Arky. Napaka-immature nito. “Kapag nahigitan ko ang time record mo sa one-mile run, may hihilingin ako sa’yo,” anito. “Ano?” She frowned. “’Wag mo na akong kakausapin,” anito. Nagkatinginan silang dalawa. Parang pinipiga ang puso niya. “Ano bang problema mo?” Hindi na niya maiwasan ang pagtaas ng boses. “Just do it!” He frowned. “Kung ayaw mo na akong maging kaibigan, sabihin mo lang. Hindi na idadaan mo pa sa ganitong immature mo na pamamaraan. Grow up, Arky! At tsaka ‘wag kang mag-alala, kahit hindi mo mahigitan ang record ko, hindi na kita kakausapin!” She fumed, totally exasperated. Tumayo siya at iniwan doon si Arky. Habang lumalakad siya palabas ng gym ay tumutulo ang luha niya. Pagdating niya sa field ay nag-umpisa na agad siyang tumakbo. Kakausapin pa sana siya ng guro upang siguro ay tanungin sa kanya kung nasaan ang partner niya. Mabilis ang pagtakbo niya. Nahabol siya ni Rodulfo. “Shan, umiiyak ka ba?” She wiped her tears at mas binilisan pa ang pagtakbo. “Shan!” Tinawag pa siya ni Rodulfo pero hindi na siya nito nahabol. Paikot sa field ang pagtakbo nila, sa unang ikot niya ay nakaramdam na siya ng matinding pagod. It was very unusual kasi sanay siyang tumakbo. Siguro ay pagod lang ang emosyon niya. Medyo bumagal ang pagtakbo niya dahil napapagod na siya kaya nahabol siya ni Arclight. “Shan.” He attempted to talk to her while they are running. “Leave me alone.” She was breathing heavily. “If you’re already tired, just walk.” She smirked. “Don’t try hard, Arky! Okay lang kahit mahigitan mo ang record ko, I won’t talk to you anymore.” “D*mn it! I was just kidding!” He yelled and stopped running. Napahinto rin siya sa pagtakbo and she started crying. She was so embarrassed. Everyone at the field was looking at her. Hindi niya naramdaman na nakalapit na pala si Arky sa kanya at niyakap siya nito. “I’m sorry! I was just pranking you all this time. I told myself not to stop until you cry.” He laughed. He pushed her chest. “Ang sama mo!” He laughed and hugged her again. “Sorry, Shany! It’s just that, I just love to tease you. Gusto ko lang paiyakin at patahanin ka.” He kissed her head. “I miss you so much!” They heard their classmates cheering kaya agad silang bumitaw sa pagyayakapan. Nang matapos ang activity ay nagtipon silang magkaklase sa bench. She was drinking water when her classmates kept asking about her relationship with Arky. Nakatingin siya kay Arky na nasa hindi kalayuan mula sa kanila at kausap ang guro nila. “So, mag-ano nga kayo?” tanong ng isa sa mga kaklase niya. “Guys, magkaibigan kami ni Arclight. Since we were young. Ang mga magulang ko ay nagtatrabaho para sa kanila. Gano’n kami. Okay na kayo?” She shook her head, smiling. “Sana all,” sabat ng isa sa mga babae niyang kaklase na natutuliro kay Arclight. “Mga marites kayo. Tantanan niyo na nga si Shanfiel. Ang totoo boyfriend ko talaga si Arclight,” ani Rodulfo na agad namang nakatanggap ng batok mula kay Honey. Nagtawanan silang lahat. Maya-maya ay lumapit na sa kanila ang guro. “Okay, class you may go back to the classroom.” Agad siyang nagpalinga-linga sa paligid. “Sir, nasa’n na po si Arclight?” “Ms. Shanfiel, hindi niyo kaklase si Arclight. He went back to Summit class.” Tinalikuran na sila ng guro. Oo nga pala. Pero bakit nalungkot siya na hindi na naman niya kasama si Arclight? All she wanted was to be in his presence. Like how they used to be in the past. Bumalik na sila ng mga kaklase sa classroom nila. Limang minuto na lamang bago mag lunch time. Gusto niya sanang ayain si Arclight na samahan siyang mag lunch kaso naalala niya na iba nga pala ang cafeteria ng mga taga Summit class sa kanila. Sosyal at maraming mga pagkain ang inihahanda roon, samantalang ‘yong sa kanila ay iilang lutong bahay lang. “Halika na, Shan. Kain na tayo.” “Okay.” Tumayo na siya. Inakbayan siya ni Honey habang sa kabilang side niya ay ipinulupot naman ni Rodulfo ang braso nito sa braso niya. “Oh, bakit mukha kang malungkot?” Sumungaw ang mapunuksong ngiti sa mga labi ni Honey. “’Wag mong sabihin na iba na gusto mong kasama kumain,” anito. She smiled. “Issue ka. Syempre namimiss ko lang ‘yong kaibigan ko. Matagal kaming hindi nagkita, Hon. Ilang years. Gusto ko siyang makausap ng matagal. Alamin ‘yong mga bagay na nangyari sa kanya no’ng hindi kami magkasama.” “Bakit? Required?” Rodulfo frowned. “Ruf, required ‘yon sa mga magkaibigan. So that we won’t grow apart.” She smiled. Nagkibit-balikat lang si Rodulfo. “Sabi mo, eh. But, let’s go na.” Lumakad na silang tatlo patungo sa cafeteria. On their way to their cafeteria ay madadaanan muna nila ang mala-restaurant building na cafeteria ng mga taga Summit class. Napahinto silang tatlo at napatingin doon. Ang Summit class cafeteria ay may glass walls at makikita mo ang interior sa loob mula sa labas. Siguro sinadya ‘yon para painggitin ang mga katulad nilang hindi kabilang. Halos lahat ng furniture sa loob ay kulay puti at maaliwalas tingnan. Berdeng-berde ang mga halamang nakapalibot sa cafeteria. Binangga ni Honey ng balikat nito ang balikat niya. “Gusto mong pumasok diyan no?” Hinarap niya si Honey. “Sus, kung talino lang ang labanan. Tayo dapat ang nandiyan.” “Wow, sorry, girls, ha. Hindi ako kasing talino niyo,” sabat ni Rodulfo. “Pero ikaw naman ang pinaka-talented. Singer, dancer, magaling mag-drawing, magaling mag-paint. Lugi talaga kami sa ‘yo,” aniya. Napangiti naman ang kaibigan. “Mabuti ka pa, Shan, pinapagaan mo loob ko. Si Honey pinapainit niya ulo ko kahit wala pa siyang ginagawa.” Tiningnan nito ng masama si Honey. “Sabunutan kita!” Honey glared at Rodulfo. “Stop!” She laughed. Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Pagdating nila sa cafeteria ay may pinapalibutan ang iilang mga estudyanteng babae roon at mukhang nagpapa-picture. “May artista?” excited na ani Honey. Tumakbo sina Honey at Rodulfo doon sa mga estudyanteng nagkukumpulan. Maya-maya ay unti-unting nagsialisan na ang iba hanggang sa hindi na natabunan ang pinag kukumpulan ng mga ito and her eyes widened when she saw Arclight. Nang nakita siya nito ay ngumiti ito ng malapad. “Shan!” He ignored the other girls who were asking for a photo op and started towards her. “Anong ginagawa mo rito?” She frowned. Pero sa totoo lang ay abot-abot ang tuwa niya. “Let’s eat together.” He beamed another brilliant smile. “Dito? Hindi maganda ang place dito. Konti lang din ang pagkain.” Nagkibig-balikat siya. “Shan, nakalimutan mo na ba ang favorite food ko? Adobong baboy na marmaing sili green. Walang gano’n sa Summit cafeteria. Dito meron. Favorite food ko pinunta ko rito, hindi ikaw.” He laughed. Marahan niya itong hinampas niya ito sa braso. “Bakit sinabi ko bang ako?” Ginulo nito ang buhok niya at agad naman niyang tinapik ang kamay nito. “Arky! Matagal kong inayos ‘yong buhok ko, ano ka ba.” “Next time ‘wag mo ng ayusin. It’s just that, you look too good.” Nag-iwas ito ng tingin. She blushed. “Uhum, excuse us.” Nakalapit na pala sa kanila sina Rodulfo at Honey. “Alam niyo, para kayong may sariling mundo. Pinagtitinginan kasi ‘yong kaibigan namin ng mga babae rito. Hindi lang basta-basta tingin. Masasamang tingin.” Honey shook his head. “Sorry. Inaaway ka ba nila dahil close ka sa’kin?” Arclight frowned. She smiled. “Bakit? Iiwasan mo ‘ko para hindi nila ako awayin?” Sa totoo lang. She didn’t give a d*mn. Marami naman talagang insecure sa kanya sa school kasi maraming nagkakagusto sa kanya. Karamihan pa ay mula sa Summit class. Arclight licked his lips and placed his arm over his shoulders. Nilapit nito ang bibig sa tenga niya. “No. Para mas awayin ka pa nila.” He smirked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD