Kabanata 4

1316 Words
“Ito ang pangalan ng mga empleyado sa kumpanya, Vis." sambit ni Sapphire pagka bigay kay Viserra ng mga papel. “Take the vp position Sapphire.” sambit ni Viserra, umiling naman si Sapphire. “I can't Vis, ayoko ng stress sa buhay, secretary mo nalang ako.” sambit ni Sapphire, umiling si Viserra at tinignan ang mga empleyado ng kumpanya. “Gumawa ka ng eviction notice para sa dalawang tiyuhin ko, ayoko ng mga peste sa kumpanya ko.” sambit ni Viserra pagkatapos ay lumabas na si Sapphire. Years later... The Adult Viserra. “Vis, naka ready na ang ticket mo pauwi ng pilipinas.” sambit ni Sapphire, tumango si Viserra at tinignan ang pamangkin niya. “Sigurado kang ayaw mo sumama sa'kin sa pilipinas? Mabubulok ka rito sa portugal.” sambit ni Viserra sa ate niya. “Huwag na, masaya na ako rito. Mag iingat ka. Mag hihintay si ate rito sa portugal.” nakangiting sambit ni Sapphire, ngumiti ng tipid si Viserra at niyakap ang ate niya. “Mamimiss kita ate, take care of yourself and Zafi for me okay? babalikan ko kayo.” sambit ni Viserra habang naka yakap sa ate niya. “Hihintayin ko ang pag babalik mo, Vis.” bulong ni Sapphire. Ngumiti si Viserra at nagpaalam na siyang aalis na, nasa office niya rin ang mga gamit niya. Kinuha ni Viserra ang maleta niya at nag paalam na sa mag ina. Nakarating na siya ng airport, at pasakay na siya ng eroplano. Tinignang muli ni Viserra ang lugar na kinalakihan niya, pagkatapos ay pumasok na siya sa eroplano. Tulog buong flight si Viserra, nagigising lamang siya kapag may flight attendant na nag hahatid ng pagkain niya. Pagka labas palang niya ng airport, naramdaman na niya ang init ng araw na dumadampi sa katawan niya. Ang hindi niya alam ay may isang lalaking nakatulala sakanya, ito ay si Deimos. “Man! bakit ka tulala gago?” tanong ng kaibigan ni Deimos sakanya. “Nothing, may nakita lang ako, akala ko kilala ko.” balewalang sambit ni Deimos sakanyang kaibigan. “Who?” tanong ni Finn, na siyang kaibigan ni Deimos na sinadya niya sa airport. “It’s nothing, stupid.” sambit ni Deimos at inirapan ang kaibigan. Nakita na ni Viserra ang susundo sakanya, bukod sa plano niyang pag patay sa pumatay sa mga magulang niya ay balak niya ring magpa tayo ng kumpanya rito sa pinas. “Magandang umaga, senyorita Viserra.” sambit ng sumundo sakanya. “Magandang umaga, Victoria.” sambit ni Viserra at inabot ni Viserra ang maleta niya sa babae. “Tara na po, senyorita.” sambit ni Victoria, tumango si Viserra at pumasok na sa sasakyan. Tinignan ni Viserra si Victor na siyang driver niya ngayon. “Any updates, Victor?” malamig na tanong ni Viserra. “Isa po siyang ceo ng malaking kumpanya rito sa pinas, siya po ang batang nakita mo sa mansyon sa araw na pagkamatay ng iyong mga magulang.” sambit ni Victor at pinaandar na ang sasakyan. “Victoria, arranged a meeting with that ceo, and tell him, I will invest on his company. Siguraduhin mo na iyon ang magiging trabaho ko rito, kailangang malapit ako sakanya.” sambit ni Viserra at sinandal ang katawan sa upuan ng sasakyan. “Copy madame.” sagot ni Victoria at sinimulan na ang pinapagawa ni Viserra. “Magbabayad siya sa ginawa niya sa mga magulang ko.” bulong nito at tuluyan na siyang hinila ng antok. Nagising lamang si Viserra nang tumigil ang sasakyan. “Nandito na po tayo sa condo niyo madame.” sambit ni Victoria. “Salamat Victoria, tawagan mo ako kapag ayos na ang pinapagawa ko.” sambit ni Viserra habang inaayos ang buhok niya. “Copy madame” tuma tangong sambit ni Victoria. “Victor, iuwi mo rito ang big bike ko. Iyon ang gagamitin ko habang nag lalagi ako rito sa pinas, patuloy kang mag hanap ng mga impormasyon sakanya. Isend mo sa email ko ang pangalan, at picture niya. At iba pang mga impormasyon tungkol sakanya.” sambit ni Viserra kay Victor. “Opo ma'am” sagot ni Victor. Tumango si Viserra at lumabas na ng sasakyan, hindi na siya muling lumingon. Dumiretso siya sa front desk para itanong ang condo niya. “Good day ma'am, what can I do for you?” nakangiting tanong ng babae sa front desk. “Uh, miss santos. I just want to ask my newly bought condo.” sambit ni Viserra pagkatapos tignan ang nameplate ng babae. “Can I have the name, ma'am?” tanong nito at hinarap ang computer nito. “Viserra Marlowe” tipid na sambit ni Viserra. “8th floor, may pangalan po na naka lagay sa room niya, right side, this is the key po.” inabot ng babae kay Viserra ang susi, kinuha ito ni Viserra at tumalikod na para makapag pahinga na sa condo niya. Dala dala ang maleta niyang pumasok siya sa elevator at pinindot ang 8th floor button. Lumabas na si Viserra nang mabuksan ang elevator, nag tungo siya sa bandang right side, mabilis niyang nakita ang condo niya, may kasama nang card ang binigay na susi kaya sinwipe na niya ang card na hawak. “Sapphire really knows how to choose a right home.” bulong ni Viserra nang mapagmasdan ang kabuuan ng condo, hindi ito gaanong kalakihan, sakto lang sa dalawang o tatatlong tao. Humiga si Viserra sa kama at tinawagan si Sapphire via video call. “Hi, auntie Erra!” nakangiting sambit ni Zafirra nang makita ang tiyahin sa video call. “Hi Zafi! where's your mommy?” tanong ni Viserra sa bata. Tinapat ng bata ang camera kay Sapphire, nag luluto ito. “Nag luluto po si mommy auntie.” nakangiting sagot ni Zafi. “Give the phone muna sakanya, kainin mo mga chocolates sa ref, baka ubusin ng mommy mo ’yan.” pang uuto ni Viserra sa bata. Dali daling binigay ng bata ang cellphone sa ina nito kaya natawa siya. “Any news, Sapphire?” tanong ni Viserra. “Nag punta ang dalawang tiyuhin mo, gustong kunin sa'kin ang pag hawak sa kumpanya mo, hindi pa rin sila sumusuko." naiiling na sambit ni Sapphire. “Hindi sila susuko, lalo na alam nilang umalis ako, hindi nalang siya ma kuntento kung anong meron sila sa kumpanya nila, mga sakim.” nanggigigil na sambit ni Viserra. “Hindi nila matanggap na nahigitan mo pa ang mga magulang mo sa pag hawak ng kumpanya, you're a genius Vis. Butt hurt din siguro sakanila na mas matalino ka sa mga anak nila.” sambit ni Sapphire habang hinahalo ang niluluto nito. “Kasalanan ko bang nagpa laki sila ng mga inutil na anak? balita ko buntis na ang magaling kong pinsan diyan.” sambit ni Viserra, natatawa namang umiling si Sapphire. “Oo, hindi niya raw alam kung sinong ama dahil lasing siya noong may mangyari sakanila, pabaya talaga mga pinsan mo.” sambit ni Sapphire. “It's a disgrace to be associated with them, buti hindi ko dala ang apelyido nila, ours is much better than them.” sagot ni Viserra. “Mga gahaman sila sa pera, pero hindi naman gumawa ng paraan para lumago ang kumpanya nila. Buti hindi nakuha ni mommy ugali ng mga kapatid niya.” naiiling na sambit ni Sapphire. “Ipapa putol ko ang daliri ko Sapphire kung nabubuhay man si mommy ngayon, hinding hindi siya gagaya sa mga kapatid niyang alipin ng salapi.” nakangising sambit ni Viserra. “I’m glad our parents raised you beautiful strong, Vis.” nakangiting sambit ni Sapphire pagkatapos sumandal sa lababo. “It’s you who raised this woman in front of you Sapphire. They must be part of it, but don't give to them the credits that is really for you.” seryosong sambit ni Viserra. “Gone the spoiled brat, Viserra.” nakangising sambit ni Sapphire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD