Kabanata 5

1347 Words
Pagkatapos ng tawag ni Viserra kay Sapphire, hinarap ng dalaga ang laptop nito at tinignan ang sinend ni Victor sa email niya. Tinignan at binasang mabuti ni Viserra ang bawat impormasyon na naka saad sa email niya ay sinaulo, pagkatapos basahin ay tinawagan niya si Victor. “Victor, locate him. Tignan mo kung anong lakad niya mamayang gabi.” sambit ni Viserra sa tawag. “Copy ma'am” sambit ni Victor. “Obrigado, Victor” huling sambit ni Viserra sa tawag bago ito pinatay. Humiga si Viserra sa kama niya at tumulala sa kisame ng condo niya. Ilang sandali pa ay naka tanggap siya ng mensahe kay Victor, naipadala na ang hinihingi niya sa kanyang email. Kinuha ni Viserra ang laptop niya, may pupuntahang birthday party si Deimos sa isang sikat na resto bar sa buong pilipinas, sa huling bahagi ng mensahe ay may imbitasyon. Ngumisi si Viserra. “Good job, Victor.” nakangising sambit ni Viserra sakanyang sarili. Nag hanap ng damit si Viserra na babagay sakanyang katawan. Napili niya ang isang black glittery tube dress, hapit ito sa katawan niya. Nilabas niya ang black heels niya. Pagkatapos niyang ilabas lahat ng gagamitin niya, dumiretso na si Viserra sa bathroom ng kwarto niya maligo. Pagkatapos niyang maligo, lumabas siya na naka roba, sinuot na niya ang damit niya at umupo na sa vanity table niya para ayusan niya ang sarili niya. Dark make up ang napili ni Viserra, maroon ang kulay ng labi niya. Sinuot niya ang heels niya at kinulot ang buhok niya, natural na kulot ang buhok niya pero mas lalo niya itong kinulot para bumagay ito sa suot niya. Nag dala na rin siya ng leather jacket dahil mag momotor lang siya papunta sa venue ng party, dala na rin niya ang invitation na pinrint niya kanina. Nag maneho na si Viserra papunta sa venue ng party na gaganapin, pinakita niya ang imbitasyon sa mga humarang sakanya sa entrance. “Pwede na po kayong pumasok.” sambit nito, tumango si Viserra. Iniwan na niya ang jacket niya sa motor niya, dahil baka maging sagabal pa ito sa gagawin niya mamaya. Pinag aralan niya kanina ang nasa guest list ng party ngayon, saktong kakilala niya ang girlfriend ng birthday birthday celebrant, it's Lexi. Dumiretso siya sa bar area at mag request ng margarita, habang hinihintay ang ni request ni Viserra, nilibot niya ang resto bar, maganda ang resto bar, halatang ito ang pinaka mahal na resto bar sa buong pilipinas. Dala dala ang margarita, pumunta si Viserra sa restaurant at nag request ng pwedeng kainin na matipuhan ng mata niya. Ilang sandali lang nag hintay si Viserra at na serve na sakanya ang pagkain na ni request niya, pamilyar si Viserra sa ibang mga inorder niya, pero sa iba na kuryoso lang talaga siya. Kinuha nito ang tinidor at sinimulang kainin ang sisig fries. “Hm, this taste good.” tumatangong sambit niya at inubos iyon, susunod niyang kinuha ay ang isang overload burger, hinatid din sakanya ang banana milk na ni request niya kanina. Habang kumakain siya, nakita na niya ang birthday celebrant kasama si Lexy. Nakangising inubos ni Viserra ang mga pagkain sa lamesa niya at ang banana milk, dahil ubos na ang margarita niya ay dumiretso siya sa bar counter. “One margarita please.” sambit ni Viserra sa bartender, tumango ito at ginawa na ang inumin na sinabi ni Viserra. Pagka bigay ng margarita kay Viserra, humarap siya sa mga taong nagkaka gulo sa gitna ng bar dahil nandoon ang birthday celebrant, napatingin sakanya ni Lexy, ngumisi si Viserra at tinaas ang margarita na hawak niya. Nakita ni Viserra na kinausap ni Lexy ang boyfriend nito at tumungo ito sakanya, nag request pa ng isang margarita si Viserra. “Vissera” nakangiting sambit ni Lexy at nakipag beso kay Viserra. “Lexy, what a gorgeous woman.” sambit ni Viserra. Namula ang pisnge ni Lexy kaya natawa si Viserra, kinuha ni Viserra ang kakatapos na margarita at ininuman ito. “Come, let me introduce you to my boyfriend.” nakangiting sambit ni Lexy, hindi tumanggi si Viserra dahil nandoon ang sadya niya sa gabing ito. “Sure” sagot ni Viserra at sumunod kay Lexy. “Hey babe” bati ni Lexy sa boyfriend niya. “Oh hey babe, saan ka galing?” tanong nito sa kasintahan. “Oh, I saw my friend here, this is Viserra, Viserra my boyfriend, Dixon.” nakangiting pakilala ni Lexy. “Nice to meet you, Dixon.” sambit ni Viserra at nakipag kamay. “Nice to meet you too, come join us.” nakangiting aya ni Dixon kay Viserra. “If it's okay with you guys? Happy birthday anyway.” nakangiting bati ni Viserra. “Of course it's okay, thank you.” nakangiting sagot nito. Pinili no Viserra ang upuan sa tabi ni Deimos, sinadya niyang bungguin ang babae na nasa harapan niya. Tinignan siya nito ng masama pero ngumisi lang si Viserra. “Hi” Viserra cutely said. “Hello, Viserra.” nakangiting sagot ni Deimos sa babaeng katabi niya, ito ang babaeng nakita ni Deimos sa airport kanina. “Hi, what's your name?” plastik na tanong ni Viserra, kahit alam naman niya ang pangalan nito. “Deimos.” sagot ng lalaki. “Nice to meet you, Deimos.” sambit ni Viserra at humalik sa pisnge ng lalaki. Nag hiyawan ang mga taong naka kita, ngumisi si Lexy sakanya at kumindat. “Guys, let's play truth or dare!” sigaw ni Lexy. Nag sigawan ang mga nasa lamesa, nilagyan nila ng space ang iikutan ng bote para sa laro. “Are you new here, Serra?” tanong ni Deimos sa dalaga. “Yes, kakauwi ko lang here sa pilipinas." sagot ni Viserra. “Are you staying here for good?” “You can say that, maybe?” natatawang sagot ni Viserra nang mapag masdan ang naging dare ng isang babae. Pinaikot ng babae ang bote at tumapat ito kay Viserra. “Truth or dare, Viserra” tanong ng babae sakanya. “Dare” matapang na sambit ni Viserra. Nakakalokong ngumisi si Lexy. “Ako ang mag dedare sa kaibigan ko. I dare you to sit on Deimos’ lap for the rest of the game.” nakangising sambit ni Lexy. “Is it fine with you, Deimos?” tanong ng dalaga sa binata. “Yea, it's fine.” nakangiting sagot nito, ngumiti si Viserra at umupo sa kandungan ni Deimos. Lumapat ang kamay ni Deimos sa bewang hanggang tiyan ni Viserra, hindi naka takas kay Viserra ang ngisi ni Lexy. “Since dalawa kayo, ang ulo ng bote kay Viserra, and yung baba kay Deimos, gets ba?” tanong ni Lexy, tumango ang lahat. Nilagyan ni Viserra ng margarita ang baso niya at uminom siya. “You smell so good.” napapaos ba sambit ni Deimos kay Viserra. “You think so?” tanong ni Viserra sa lalaki. “Yes” bulong nito at pinarte ang buhok ng dalaga at inamoy ang batok ni Viserra. “Nakangising pinanood ni Viserra ang laro, habang si Deimos at patuloy ang pag amoy sa batok niya. “Deimos” sambit ng birthday celebrant nang tumapat sakanila ang bote, inalis ni Deimos ang pagkaka tago ng mukha nito sa ulo ni Viserra, at tamad na tinignan si Dixon. “Truth or dare dude” sambit ni Dixon. “Dare” sambit ni Deimos at pinatong ang baba niya sa balikat ni Viserra. “Kiss Viserra’s neck, leave a hickey.” nakakalokong sambit ni Dixon, nakangising inalis ni Viserra ang buhok nitong naka tabing sa leeg niya. “Permission first, lady.” bulong ni Deimos sa tenga ni Viserra. “Permission granted.” bulong ni Viserra. Tumango si Deimos at nilapit ang mukha sa leeg ni Viserra, gilid ni Viserra ang ulo niya para hindi mahirapan si Deimos. Napa pikit si Viserra nang dumampi ang labi ni Deimos sa balat niya, dinilaan niya ito at sinipsip ng matagal hanggang sa mag iwan ito ng marka. Nag tuloy tuloy ang laro nila hanggang sa magsawa sila at uminom nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD