Chapter 7: Memories

1042 Words
"Rose?" Nilingon ni Rose si Lucent nang tawagin sya nito. Hapon na ngunit tirik parin ang araw. "Ano iyon?" "Gusto mo bang magsaya kasama ng ibang mga tao dito sa ibaba ng barko?" Saglit pa muna nyang tiningnan si Lucent. Tsaka sya ngumiti nang ngumiti rin ito. Mukhang magkakasundo sila ni Lucent sa lahat. Agad syang napatalon mula sa higaan. Binuksan nila ang pinto tsaka tinakbo ang pasilyo patungo sa kung saan, naalala nya noong sila ni Jack ang tumatakbo sa pasilyo ng naunang Titanic, pilit tinatakasan ang guwardiya n'ya. Nang marating ang pinaka-ibabang bahagi ay doon n'ya narinig ang ingay. Para syang ibinalik ng panahon sa nakaraan. Ang napakagandang musika na talagang nakaka-indak. At ang maliit na entablado sa gitna na napapalibutan ng mga magkakaibigan at pamilyang masayang nagkukwentuhan, kumakain at nagiinuman. Agad syang hinila ni Lucent at inabutan ng basong naglalaman ng alak na kagaya nang ininom niya noon sa ganitong lugar rin ng Titanic. Tinungga nya iyon tsaka natatawang naki-indak sa musika. Ang lahat ay nagsasaya. Magulo ang masayang paligid, kabilaan ang mga asaran at larong pang-lamesa. "Rose!" Nilingon nya ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita nyang papalapit sa kanya si Fabrizio na may hawak ring baso, kasama ang lalaking may parehong tindig ng kay Jack, maging ang buhok ay kuhang-kuha, at hulma ng mukha. "F-Fabrizio." salubong ni Rose dito. "Nandito ka, astig! masaya akong makita ka dito yeeha! hahaha!" natatawang sabi nito tsaka itinuro si Lucent, "Ikaw yung masungit na babae kanina sa daungan ng barko." kunto noong sabi nito habang nakay Lucent ang tingin. "Ano ngayon sayo kung masungit ako?" "Masungit ka parin." Napailing si Rose tsaka inawat silang dalawa. "Magkakilala kayo?" tanong ni Rose sa kanila ngunit sabay lang na napangiwi ang dalawa. "Hindi, at hindi ko nanaisin na makilala sya." pagpaparinig ni Lucent kay Fabrizio. "Magiging sinungaling ako masyado kung sasabihin kong hindi ko rin nanaising makilala ka." sagot ni Fabrizio sa dalaga. "Tse, tara na nga Rose." Hinila sya ni Lucent, wala nang nagawa si Rose kundi ang matawa sa dalawa. Mukhang bagay ang dalawa kaya hindi na sya nagsalita pa. Natatawa ring nagpaalam sa kanila si Fabrizio kasama ang lalaking kamukha ni Jack. Hindi nya maialis ang tingin dito hanggang sa hindi n'ya na ito matanaw. Masaya silang nakihalubilo sa lahat. Nanood sila sa bawat nilalaro ng mga lalaking nasa kanya-kanyang lamesa. Nakikisigaw si Rose at Lucent sa kanila, at natutuwa sa oras na manalo ang pambato sa sino mang naglalaban. Paulit-ulit na tumungga ng alak ang dalawa tsaka natatawang nag-ikot sa buong lugar, napapaindak sa sa tugtogin. Pinanood nila ang mga estranghero na walang tigil sa pag-indak. Ang sayang tingnan ng mga ito, maging ang mga bata ay sumasayaw rin sa tugtogin. "Sayaw tayo!" anyaya ni Lucent tsaka umindak. Napatango si Rose habang nakangiti tsaka sinimulang sumayaw. Natuwa si Lucent sa mga galaw nya, maging ang ibang estranghero sa lugar na iyon ay nakatingin sa kanya at aliw na aliw sa panonood. Ngunit hindi inaasahang nawalan sya ng balanse at agad na natumba, hindi pa man sya bumabagsak sa sahig ay nasalo na sya ng kung sino. "Mag-ingat ka sa susunod." sambit nito tsaka sya itinayo. Doon nya nakita ang lalaking may hawig sa tindig ni Jack, ngunit hindi nya ito gaanong kamukha. Mas bata itong tingnan sa kanya kaya nasisigurado syang mas matanda sya dito ng ilang taon. "Salamat." walang emosyong sambit ni Rose tsaka nag-iwas ng tingin. "Tungkulin kong gawin 'yon, huwag kang magpasalamat." itinuran nito tsaka naglakad palayo. Nagtataka pa itong sinundan ng tingin ni Rose. Hindi nya makuha ang nais nitong sabihin. Para bang may naka-kubling kahulogan ang mga binitawan nyang salita. Paano nito naging tungkolin na iligtas sya kung hindi sya nito kilala? Nakakapagtaka ang ikinilos ng binata para kay Rose. Doon ay natanaw nya si Fabrizio na nakatingin sa gawi nya, itinaas nito ang baso tsaka ngumiti, nag-iwas nalang ng tingin si Rose dahil sa pagkalito. "Panaginip lang ba 'to? oh baka ito na ang epekto sa akin ng alak?" nasabi nya sa sarili tsaka hinilot ang sentido. Nilingon nya si Lucent na kasalukoyang nakikisigaw sa pustahan ng mga lalaking nasa isang lamesa. Nilapitan nya ito at hinawakan sa balikat. "May pupuntahan lamang ako." paalam nya kay Lucent. "Sige, hihintayin kita." nakangiting sambit ni Lucent. Agad nang naglakad si Rose palabas. Tinahak nya ang daan patungo sa balkonahe ng barko. Nailapat nya ang dalawang siko doon tsaka tinanaw ang karagatan. Papalubog na ang araw, nakaramdam sya ng takot, hindi nya maiwasang isipin na baka ito na ulit ang huling paglubog ng araw na masasaksihan nya sa unang pagsakay sa ikalawang bersyon ng barkong Titanic. Nakangiti nyang tinanaw ang mga ibon na kasalukoyang nagliliparan at sinasabayan ang pag-andar ng barko, hindi ganoon kabilis ang takbo ng barko kaya hindi sya gaanong nakaramdam ng takot. Huminga sya ng malalim tsaka nagpunas ng luha na agad tumulo sa mga mata nya, hindi nya maiwasang isipin ulit ang binatang hindi inaasahang nagpatibok ng puso nya noon. "Balita ko ay isa ka sa sakay ng naunang Titanic." Naroon na naman ang mga boses na yon. Nakita nya ang lalaking sumalo sa kanya kanina na nasa tabi nya at ginaya ang posisyon nya. Nag-iwas sya ng tingin dito, tumango lang sya bilang sagot. "Ako si Jacob, at alam kong ikaw si Rose." sambit nito, agad naman syang nilingon ni Rose. "Hindi ko inasahang kilala mo ako." "Maganda ka, maraming magkaka-interes sa pangalan mo, at isa pa... nabanggit na sa akin ni Fabrizio kung sino ka." Napatango nalang si Rose sa sinabi ni Jacob. Tsaka sya muling naglipat ng tingin sa dagat at langit, unti-unti nang dumidilim. Ngayon ay gusto nyang hanapin si Jack sa loob ng barko, ngunit alam nyang hindi nya magagawa iyon sa isang araw lang, inisip nyang magsimula bukas, dahil naninibago pa sya sa barkong ito ngayon. "Mauna na muna ako sayo, papunta talaga ako sa kwarto ko, pero nakita kita dito kaya nilapitan kita saglit." saad ni Jacob tsaka ngumiti at nakapamulsang tumalikod. Kung narito sa ikalawang palapag ang kwarto nya ay mukhang may kaya sya sa buhay, iyon ang nasa isip ni Rose. Nag-iwas nalang sya ng tingin at tsaka muling tiningnan ang langit, tanaw nya na ang buwan at mga bituin. _______ ©The Movie 'TITANIC'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD