Chapter 6: Welcome To Titanic II

1252 Words
Naroon parin ang mga luha sa mata ni Rose. Nakatayo sya sa likuran ng mga taong kasalukuyang kumakaway sa mga mahal sa buhay na ngayon ay nakasakay na sa barko. Patuloy parin ang pagdating ng mga pasahero. Natanaw nya ang sasakyang nakita nyang gamit ni Jack kanina, kung si Jack nga talaga ang nakita nya. Muli syang nakaramdam ng kaba at tuwa, tsaka nya inilipat sa barko ang tingin. 'Welcome to TITANIC II' Iyon ang nakasulat sa malaking papel na nasa entrada ng barko. May kung anong tuwa sa pakiramdam nya. Unti-unting bumabalik ang ala-ala ng Titanic sa isip nya. Huminga sya ng malalim tsaka lumingon sa paligid, napakaraming nagdadatingan. Nakaramdam sya ng kaba, wala syang pera upang bumili ng ticket. "May isang oras pa tayo para kumain, hindi pa naman aalis ang barko." Narinig nya ang reklamo ng isang bata habang nakaharap sa isang may edad na lalaki, mukhang ama n'ya ito. May isang oras pa... Inilibot nya ang tingin sa buong paligid. Pilit inaalam kung paano makakasakay sa barko. Kung pupwede lang ay ibenta nya ang kwintas na nasa kanya ngayon ay gagawin nya, ngunit walang bibili nito dito dahil masyadong malaki ang halaga ng kwintas. Napa-pikit sya sa kawalan ng pag-asa. Natanaw nya ang mga establisyemento na nasa likuran nya. Isa sa mga ito ay kainan, ang isa ay bilihan ng alak, at ang isa ay may mga lamesa kung saan makikita ang mga lalaking may hawak na braha. "Ang pagkapanalo ko sa ticket na 'yon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko... kase dahil don, nakilala kita..." Hindi na sya nagsayang ng oras. Agad syang nagpunta doon dala ang maleta. Halos ang lahat ay mapalingon pa sa kanya, sya lamang ang babaeng nandoon. Nilingon nya ang buong paligid, doon nya natanaw ang mga lalaking hindi pa nagsisimulang maglaro, mukhang nagtatalo pa kung sino ang maglalaban-laban. Nilapitan nya ang mga iyon, nilingon naman sya ng mga ito. Humugot muna sya ng malalim na hininga tsaka tiningnan ng matalim ang mga lalaki. "Pasahero kayo ng barko?" tanong nya sa mga ito. "Oo, bakit?" "Maglaro tayo, pustahan." Nagulat pa ang mga lalaki sa sinabi ni Rose. Gusto pang matawa ng mga ito ngunit nang makita ang matalim na tingin ni Rose sa kanila ay nameke nalang sila ng ubo. Mukhang hindi Amerikano ang ilan sa mga kaharap nya. "Ano namang ipupusta mo maliban sa mamahalin mong maleta?" nilingon ng lalaki ang maleta ni Rose na gawa pa sa balat ng buwaya. "Ang babaw ng kaligayahan mo kung magkakaroong ka ng interes sa maleta ko." seryosong sagot nya sa lalaki. "Eh ano ngang ipupusta mo? may pera ka ba?" Lumunok muna si Rose tsaka kinuha ang dyamanteng kwintas mula sa gilid ng dibdib nya. "Kapag kayo ang nanalo ay inyo na ang kwintas na ito, at kung ako naman ang manalo ay sa akin na ang mga ticket ninyo." kampante nyang hamon. Nagkatinginan muna ang mga lalaki, mukhang nasisilaw sa ganda ng dyamanteng kwintas. At kasabay non ay ang nang-iinsultong tingin kay Rose. Napangisi lang si Rose nang tumango ang mga ito, tsaka sya naupo. Sinimulang balasahin ng lalaki ang braha, tatlo silang magkakalaban. "Ito na naman tayo, kapag natalo tayo ay malilintikan ka ulit sakin." "Kalma, Sven." Narinig nya pa ang pag-uusap ng dalawang lalaki. Sinimulan nila ang paglalaro. Mabuti na lamang at may nalalaman si Rose sa ganitong laro. Nakita nya itong nilalaro noon sa ibabang bahagi ng Titanic ng mga kasama ni Jack. Nagpatuloy sila sa paglalaro. Inilapag na ng mga lalaki ang kanya-kanyang braha. Hindi pa inilapag ni Rose ang kanya, nakakaramdam sya ng matinding kaba habang tinitingnan ang braha ng dalawa, lalo pa't hindi basta-basta ang ipinusta nya, para nya nang isinugal ang buong buhay nya. "Mukhang, talo ka, Miss." natatawang sabi ng isa. Napangisi si Rose sa sinabi nito, doon nawala ang tuwa sa mukha ng mga lalaki. Ibinaba nya ang braha, doon nanlaki ang mata ng isa sa kanila. Tsaka nya kinuha ang lahat ng pera sa lamesa, pati narin ang mga ticket nito. Ang ticket ng dalawang nakalaban nya ang kinuha nya. Nakagat nya ang ibabang labi sa tuwa tsaka sinimulang buhatin ang bagahe. Narinig nya pa ang sigawan ng dalawang nakalaban nya. Wala na syang nagawa kundi ang matawa sa tuwa. Doon ay nasisilaw nya pang iniangat ang tingin sa barko, gayang-gaya nito ang disenyo ng titanic bagaman may mga nabago. Napapikit sya sa malakas na hangin na sumalubong sa kanya. Tsaka nya inilibot ang tingin sa mga taong kasalukoyang kumakaway sa mga taong nasa ibaba. Hindi nya namalayang humigit kalahating oras ang ginugol nya sa paglalaro. Agad syang tumakbo upang magmadali, ngunit naagaw ng isang babae ang atensyon nya. Nakatingin ito sa barko habang malungkot ang mga mata. Agad nya itong nilapitan. "Gusto mong sumakay?" tanong niya rito. Agad namang nagningning ang mata ng dalaga, mukhang ka-edad nya lamang ito. Ngumiti ito sa kanya tsaka tumango, ngunit muling lumungkot ang itsura. "Sa lahat ng barkong babyahe ay parati akong narito, wala akong pera kaya hindi ako pwedeng makasakay." "Ngunit bakit dala mo ang mga damit mo?" "Pinalayas ako ng tiyahin ko, pabigat lamang daw ako sa kanya." Nakaramdam ng awa si Rose, bagay na hindi nya inaasahang mararamdaman nya. Lumaki syang matigas ang puso, manhid at madalas na hindi binibigyang pansin ang bagay-bagay sa mundo. Ngumiti sya sa dalagang kaharap tsaka ito hinawakan sa bisig. "Tara?" nakangiti nyang anyaya dito. Hindi nya na ito hinintay na makasagot. Nakangiti nya itong hinila habang nakikipagsiksikan sa mga tao. Papatakbo nilang tinahak ang nagsisilbing tulay patungo sa entrada ng barko. Sinalubong sila ng nagbabantay doon. "M-Miss, Rose Dewitt Bukater." yumuko ito sa kanya. Hindi nya inasahang kilala sya nito, ngunit hindi nya na pinansin. Ngumiti sya dito tsaka inabot ang dalawang ticket, kinuha nya ang bahagi nito nang iabot iyon ng taga bantay. "Dawson... Rose Dawson." pagtatama nya tsaka tuloyang pumasok. Dumiretso sila sa pinaka-itaas na bahagi ng barko. Doon ay nagpunta sila sa dulong bahagi at tinanaw ang mga tao sa ibaba. Nagtatakang napalingon ang babae kay Rose nang kumaway sya sa mga taong nasa ibaba, natatawa nyang nilingon ang dalaga. "Ang swerte mo naman, may pamilya ka na naghatid sayo dito." malungkot na sabi ng babae. "Wala, nakiki-kaway lang hehe, Paalam!" Muling kumaway si Rose, hindi na napigilan ng babae ang matawa rin at maki-kaway na mas magiliw pa kesa sa pagkaka-kaway ni Rose. Nakakaramdam ng tuwa si Rose bagaman nakakaramdam ng takot sa maaring mangyari habang sakay ng barko. Kumaway sya sa mga taong nasa ibaba, napakalaki ng barko. Hila nya parin sa bisig ang babae habang hinahanap ang kwarto nila. Hindi nya maipaliwanag ang tuwang nararamdaman, ngayon ay nasa third class na sya nabibilang. Nang mahanap ang kwarto ay agad silang pumasok dito, walang tao sa loob non. "Anong pangalan mo?" tanong ni Rose habang isinasara ang pinto at inilalapag ang bagahe. "Ako si Lucent McGregy, masaya akong makilala ka." magiliw na pagpapakilala nito. "Rose Dawson." nakakaramdam parin ng tuwa si Rose habang binabanggit ang apilyido. "Ang ganda ng pangalan mo, kasing ganda mo." sambit ni Lucent habang nakangiti, napangiti rin si Rose. "Sana ay napasaya kita sa simpleng pagsama ko sayo dito sa barko." "Oo naman! napakasaya ko." Pareho silang natawa. Tumanaw sa bintana si Rose, nakikita nya ang pag-andar ng barko. Hindi nya maipaliwanag ang kaba, maging ang takot na hinaluan ng tuwa. Hindi nya alam kung alin sa mga nararamdaman ang nangingibabaw. Ang tanging gusto lamang nya ay ang makita rito si Jack, iyon lang. ________ ©The Movie 'TITANIC'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD