Chapter 5: Is It You?

1168 Words
Natagpuan ni Rose ang sarili na tinatakbo ang madilim na tulay sa itaas ng dagat. Umiiyak sya habang tinatakbo iyon, umaasang makikita nya ang mga sagot oras na marating nya ang dulo. "Jack!" sigaw nya sa paligid. Ngunit tanging malakas na ihip ng hangin lamang ang sumasagot sa bawat pagtawag nya sa pangalan ng binata. "Jack! Jack nasaan ka!" muli nyang sigaw. "Rose!" "Jack!?" Agad nyang tinakbo ang napakahabang tulay nang marinig nya ang boses ni Jack sa dulo non. Mas bumugso ang tuwa, pagmamahal at pananabik sa puso nya, tumulo ang mga luha nya. Tsaka nya nakita ang binata na tumatakbo papunta sa gawi nya. Agad nyang niyakap si Jack, ganoon rin ito sa kanya. Humagulgol sya dahil sa pananabik, hindi nya inasahang muli nya itong mayayakap. "Mahal na mahal kita." umiiyak na bigkas ni Rose habang nakayakap parin sa binata. "Mas mahal na mahal kita Rose, mahal na mahal kita." paulit-ulit syang hinalikan ni Jack sa noo at ibang parte ng mukha nya. "Mahal din kita, Rose." Napahawak ng mahigpit si Rose sa kamay ni Jack nang marinig nila ang pamilyar na boses na yon, tsaka nya nilingon ang likuran ni Jack. Nandoon si Caledon habang hawak ang isang b***l, nakatutok iyon kay Jack, umusbong ang takot sa puso ni Rose. Iniharang nya ang katawan kay Jack ngunit hinila sya ni Jack patungo sa likod nito, agad na ipinutok ni Caledon ang b***l, kasabay ng biglang pagbangon ni Rose mula sa pagkakahiga. "Rose?" Narinig nya ang boses ng Ina habang kumakatok ito sa pinto ng kwarto nya. Napahilamos sya sa mukha habang tagaktak ang pawis sa katawan. Labis ang kaba na kanyang nararamdaman. Huminga muna sya ng malalim tsaka pumikit at ikinalma ang puso't isipan, nagpapasalamat na hindi totoo ang napanaginipan. Tsaka sya tumayo at inayos ang kumot at unan. Binuksan nya ang pinto at doon tumambad ang Ina na hawak ang tray na naglalaman ng kanyang agahan. Ngumiti si Rose at hinayaang ilapag ng Ina ang tray sa kanyang higaan. "Nag-abala pa kayo." sambit ni Rose sa Ina. "Ngayon ko nalang ulit ito nagawa." "Salamat." "Masama ba ang pakiramdam mo? tagaktak ang iyong pawis." "Ayos lang ako, Mama." Wala nang nagawa si Ruth kundi ang tumango at ngumiti. Hinayaan nyang kainin ng anak ang inihanda nya para dito. Nakakatuwang nagawa nya ulit na hatiran ng agahan si Rose, huli nya itong ginawa noong bata pa ito. Ngumiti sya nang makitang wala ng laman ang mga plato, nasimot na ni Rose ang lahat ng inihain nya. Hinayaan nya ang anak na pumasok sa banyo at maligo. Nanatili sya sa labas at naupo sa upoan doon. Minsan lamang nyang makasama ang anak, at hindi nya akalain na mababago ang ugali nya nang kawalan ng pera, tsaka lang rin nya napagtanto na may magandang naidudulot ang kahirapan sa kanya. Natanaw nyang palabas si Rose sa banyo. Hinayaan nya itong magbihis, nasa bintana ang tingin nya. Nang maramdamang bihis na ang anak ay nilingon nya ito. "Laman ng dyaryo ngayon ang isa na namang barko na maglalayag muli sa eksaktong ruta na tinahak ng Titanic noon." Doon ay nilingon ni Rose ang Ina. Pilit na inalam kung tama ba ang narinig. Naisip nyang napakalakas ng loob nang kung sino man ang nakaisip na gumawa ng barko at tahakin ang eksaktong ruta na tinahak ng Titanic. "Kailan daw babyahe ang barko?" tanong nya habang inaayos ang suot nyang damit. "Ngayong araw, hindi ko alam ang eksaktong oras, nais mo bang sumakay doon?" tanong ng Ina sa kanya, natigil nya ang ginagawa. "Hindi na ulit ako sasakay ng barko, Mama." "Napakaganda mo sa iyong suot, Anak." "Salamat." Nakangiting tumayo si Ruth mula sa pagkaka-upo. Tsaka nilapitan ang anak, hinaplos nya ang mga pisngi nito. Nais nyang sabihin ang lahat ng magagandang bagay na nakikita nya sa anak para gumaan ang loob nito, ngunit hindi nya magawa. Nanatili lamang ang kanyang tingin kay Rose. "Ikaw ang pinaka-magandang regalo na dumating sa akin Rose, ngayon ay hindi na ako manghihimasok sa kung ano man ang mga desisyon mo..." sambit nya tsaka hinalikan sa noo ang anak, "Mahal kita." Namasa ang mga mata ni Rose, agad syang napayakap sa Ina. Nang kumalas ito sa pagkakayakap nya ay muli sya nitong hinalikan sa noo tsaka lumabas ng kwarto nya. Wala sa sarili syang napangiti sa katotohanang mahal sya ng Ina at hinahayaan na sya nitong maging malaya. Naupo sya sa upoan na nasa tapat ng salamin. Dalawang taon na simula nang huling malapatan ng kulay ang mga labi nya, kinuha nya ang pulang lipstick tsaka iyon inilagay. Ngumiti sya tsaka tinitigan ang sarili sa salamin. Lumabas sya ng kwarto tsaka lumabas ng bahay. Nais nyang makalanghap ng sariwang hangin. Sinalubong sya ng sikat ng araw, tsaka sya marahan na naglakad habang nasa likuran ang dalawang kamay. Bahagya syang tumabi mula sa kalsada nang marinig ang yabag ng mga paa ng kabayo, ang mga kalesa. Nilingon nya ang mga iyon, magkakasunod ang mga ito habang tinatahak ang daan. Nahahati iyon sa dalawang hanay ng kalsada. Seryoso syang nakatingin sa mga iyon, hanggang sa matanaw nya muli nya ang kung sino. "Jack?" sa muling pagkakataon ay tinawag nya ang pangalan nito. Nasa ikalawang bahagi ito ng kalsada habang nakasakay sa sasakyan. Hindi nya natanaw ang mukha, ngunit nakita nya ang kamay nito na nakahawak sa manubela. Maging ang buhok nito. Agad syang napatakbo upang dumiretso sa mga kalesang mabagal na tinatahak ang daan. "Paumanhin, may nais lamang akong itanong." aniya habang hinahabol ang mabagal na pagtakbo ng isang kalesa. "Ano iyon, Miss?" "Saan kayo patungo?" "Isang malaking barko ang muling maglalayag ngayong araw, maghahatid kami ng mga pasahero." Huminto na sya sa paghabol doon at hinayaan itong lagpasan sya. Tsaka nya tinanaw ang pinakadulo ng mga ito. Marami pang kalesa ang dadaan kaya kailangan nyang bilisan ang kilos, kailangan nyang maabutan ang huling kalesa at makasakay dito. Hintayin mo ako Jack. Tumakbo sya tsaka pumasok sa kwarto. Inilagay nya ang mga damit sa isang maleta, nanginginig ang buong katawan nya habang ginagawa iyon. Narinig nyang bumukas ang pinto, nang lingonin iyon ay naroon ang kanyang Ina. Nagpatuloy sya sa ginagawa hanggang sa matapos at maisara ang mga maleta. Tsaka sya tumakbo papunta sa Ina. "Mama--" "Sundin mo ang puso mo, Rose." nakangiting salubong sa kanya ng Ina, "Sige na." sambit nito. "Mahal kita, Mama." Agad na niyakap ni Rose ang Ina tsaka tumakbo palabas. Natigil muna sya at tiningnan ang painting na nasa dulong bahagi ng pasilyo. Malalaman ko rin kung ikaw ba talaga ang nagpinta nito. Nang makalabas sa pinto ay sakto lang ang pagpantay sa kanya ng kalesa. Agad syang tumakbo papunta dito. "Maari bang sumakay?" habol nya rito. Huminto ang kalesa at hinayaan syang sumakay. Ngumiti sya tsaka nagpatuloy sa pagtakbo ang kalesa. Bumabagal ang oras para sa kanya, unti-unti syang inilalapit ng mundo sa katotohanan. Hindi nya mapagilan ang pananabik, agad na tumulo ang luha nya habang inililinga ang paningin sa bawat madadaanan. Sana ay tama ang kutob ko... ________ ©The Movie 'TITANIC'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD