"Nasisiyahan ka bang makita ang ganda ng paligid?" nakangiting tanong ni Ruth sa anak habang pababa ng kalesa.
Tipid na ngumiti si Rose tsaka tumango. Muli nyang iniangat ang tingin sa mga gusali. Maraming tao, at masaya ang maingay na paligid. Sariwa ang hangin at talagang nakakapanibago. Sinundan nalang nya ang Ina nang magsimula itong maglakad. Muli nyang inilibot ang tingin sa paligid, ngunit may hindi inaasahang tindig ang pumukaw sa natutulog nyang kaba. Naglalakad ito habang maya't-mayang nahaharangan ng mga naglalakad na tao.
"Jack?" wala sa sarili nyang nasabi.
Tsaka sya bahagyang umabante upang habulin iyon ng tingin. Nang hindi makatingin ay napansin nya ang sarili na naglalakad papunta sa direksyon na iyon.
"Rose saan ka pupunta?"
Tsaka unti-unting bumilis ang paglalakad ni Rose. Hindi nya nilingon ang Ina nang tawagin sya nito. Gusto nyang maluha sa kakaibang pakiramdam na iyon ngunit kailangan nyang makasiguro. Malayo ang agwat nilang dalawa kaya hindi nya ito mahabol, marami ding estranghero ang naglalakad paroon at parito.
"Jack!" sigaw nya.
Hindi parin ito lumingon. Nagulat na lamang sya sa biglaang pagbangga nya sa kung sino tsaka sya padapang bumagsak sa sahig. Tuloyan syang naluha nang hindi nya na ito matanaw. Hindi nya pinansin ang paghingi ng paumanhin ng lalaking nakabangga sa kanya, matamlay syang tumayo at tumalikod. Wala na si Jack... Rose, wala na sya. Paulit-ulit nya iyong sinabi sa isip.
Bumalik sya kay Ruth, nag-aalala ang tingin nito sa kanya. Huninga sya ng malalim tsaka muling ngumiti, iyon naman parati ang isinasagot nya sa bawat nagtatanong na tingin ng Ina. Sya na ang nanguna sa paglalakad, hindi alintana ang mga taong nakakasalubong, kusang tumulo ang mga luha n'ya.
"Rose, ayos ka lang ba?"
"Ayos lang ako, Mama."
Hindi nya nilingon ang Ina nang isagot nya iyon. Tsaka na sya nagpatuloy sa paglalakad. Hindi nya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, ngayon nya lang ito naramdaman. Paulit-ulit na pumapasok sa isip nyang buhay si Jack simula nang makita nyang buhay si Fabrizio.
Ilang minuto pa ay narating nila ang bahay na sinasabi ni Ruth. Malaki nga iyon. Kumatok ang Ina sa pinto, tsaka lumabas doon ang isang matandang babae. Nakangiti nitong sinalubong si Ruth at si Rose. Naroon na naman ang tipid na ngiti ni Rose.
"Masaya akong nakarating kayo." sabi ng matanda tsaka niyakap si Rose, "Tuloy kayo."
Tumango ang mag-Ina. Tsaka binuhat ang bagahe. Bago pa man pumasok sa loob si Rose ay muli n'yang nilingon ang lugar kung saan nya nakita ang inaakala n'yang si Jack, tsaka sya nagiwas ng tingin at tuloyang pumasok.
Maganda ang bahay, maganda ang disenyo nito maging ang pagkakaukit ng mga kahot sa kisame. Mas namangha pa sya nang makita ang napakaraming paintings na nakasabit sa pader. Isa-isa n'ya iyong tiningnan. Napangiti s'ya sa ganda ng mga iyon. Isang mahabang pasilyo ang kailangan n'yang tahakin bago makarating sa mismong loob ng bahay, at sa magkabilang pader sa bawat gilid n'ya ay may nakakabit na paintings. Nasa kalagitnaan pa lamang sya ng pasikyo, nalilibang sa nakikitang obra maestro.
Nang marating n'ya ang dulong bahagi ng pasilyo ay muli s'yang natigilan sa nakita. Isang malaking painting kung saan ipininta ang dulo ng barko na kung saan papalubog na ang araw. Isang babae at lalaki ang nasa dulo no'n. Nakalahad ang dalawang kamay ng babae, habang nakahawak sa bewang nito ang dalawang kamay ng lalaki.
Hindi sya agad naka-kilos. Paulit-ulit ang paglunok nya. Naibaba nya ang tingin sa pinakadulo nito, doon nakalagay ang JD, at ang petsa kung kailan ito ipininta. Napahawak s'ya sa dibdib. Hindi n'ya alam kung ano ang dapat maramdaman.
"Iyan ay nabili ko sa halagang isang daang dolyar." sumulpot ang matanda sa tabi n'ya.
Isang daang dolyar? Hindi parin s'ya nagsalita. Hinayaan nya ang sarili na aralin ang bawat sulok ng painting. Gusto nyang tumakbo agad palabas at hanapin si Jack saan mang sulok ng mundo. Imposibleng ibang tao ang nagpinta nito, walang sino man ang makakapag-isip na ipinta pangyayaring eksakto sa kung anong nangyari noon, lalo pa't dalawang tao lang ang narito, at silang dalawa iyon ni Jack.
"S-Sino ang nagpinta nito?"
"Hindi ko alam, ngunit ipinagbili sa akin iyan ng isang lalaki, kahapon lang."
Muli s'yang natigilan. Gusto nya pang magtanong ng marami ngunit alam nyang hindi tama iyon lalo pa't hindi nya lubosang kilala ang matanda. Huminga nalang sya ng malalim nang maramdaman n'ya ang pagtutubig ng mga mata n'ya.