“Lasing ka lang, Boss, kaya gan’yan ka kung makapagsalita. Itulog mo na lang ‘yan dahil baka mamaya ay bigla na lang susulpot ang mga kalaban,” pahayag ko kay Krypton. Ayaw ko siyang patulan dahil nakainom siya. At saka, pulos sigaw na lang naririnig ko sa kanya. Hindi ba siya makapagsalita ng mahinahon? Iyong kami lang ang makarinig, hindi iyong buong subdivision. “Then, sumugod sila at ratratin nila ako ngayon para mawala itong lintik na nararamdaman ko!” muling sigaw niya sa akin. Umiling lang ako at pinulot ko ang nabasag na bote nang sumulpot si Manang Treny. “Ako na riyan, Ineng at asikasuhin mo na lang si Sir Krypton dahil kanina pa ‘yan umiinom,” saad nito sa akin at winalis ang nagkapira–pirasong bote. “Ayaw ko hong kausapin ang taong mahirap paliwanagan, Manang dahil bak

