“Damn you!” sigaw niya kay Juancho. “Anong problema mo, Delaser! Pumunta ka ba rito para manggulo, ha! Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo! Ang tanda mo na para manggulo rito!” sigaw ni Juancho. Inalalayan ko itong makatayo, kaya naman lalong nag–init ang ulo ni Krypton. “Sa ‘yo ba ang restaurant na ito, ha! Kapal ng mukha mo para i–date ang bodyguard ko!” asik ni Krypton. “Anong date, Boss? Hindi ito date. Gutom na ako kaya ako sumama kay Juancho, “ pahayag ko. “Wow! Tinawag mo lang siya sa pangalan niya, samantalang hindi nagpatatawag ang gagø na ‘yan sa pangalan lang! Saka, kailan pa kayo naging close? Kagabi lang kayo nagkakilala, ‘di ba! Pero, kung makasubo siya sa ‘yo, ‘kala mo naman kung ang tagal n’yo nang magkakilalang dalawa!” singhal niya. “Guard! Guard!” tawag ni Jua

