“Pakiulit nga sinabi mo dahil hindi ko masyadong narinig,” saad ni Krypton sa akin. Marahil sa lakas ng tugtog sa loob ay hindi niya siguro narinig lalo na at mahina lang pagkasasabi ko niyon. “Ang sabi ko, mahal kita,” nahihiya na sambit ko. “Hindi ko narinig, kaya ulitin mo,” muling utos niya. “Mahal kita, Krypton! Mahal kita!” bulalas ko upang marinig niyang mabuti ang sinabi ko. Lumapit siya sa akin. “Pakiulit mo ulit dahil parang nabingi na ako.” “Nakakainis ka! Ang bingi–bingi mo pa!” inis ko. “Sa hindi ko nga narinig, eh. Kaya, pakiulit mo.” “Tsk! Ang sabi ko, mahal kita,” mahinang sambit ko. “Mahal din naman kita, eh. Mahal na mahal kita, Pepper,” tugon niya at siniil niya ako nang halik. Kaya, naman tinugon ko agad ito. Shīt! Namis ko ang halik ng lalaking ito at

