bangayan
isang fictional lang na kwento, kung saan matutupad ang araw araw wish ni Trina na bumalik sa year 2010 kung saan hinde sana sya unang unang nakipag s*x sa asawa nya. :)
present:
Trina: Dear God,! alam ko masama ang dalangin ko at isang kahangalan na sayo ko to hilingin , pero sana naman po please lang, nagsasawa na po ako sa nararamdaman kong lungkot, sa pain na ako lang ang nakakaalam, sa pagod, sa luha na dinadaan kona lang sa panonood ng Koreanovela dahil sa bukod sa nakakaiyak talaga ang eksena ang ganda pa ng background music kahit hinde ko maintindihan , kasi hinde ko na rin naman talaga naiintindihan kung ano nararamadaman ko at kung bakit bigla na lang ako naiiyak ng todo, siguro totoong alam ko pero di ko alam kung paano ko uumpisahan kaya sayo na lang ako nagsasalita at iiyak, at alam ko po na hinde mo ako huhusgahan dahil sa mga maling salita na sasabihin ko dahil alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa pagod, puyat at sakripisyo na nadarama ko sa pang araw araw na buhay, panginoon nilalamon ako ng poot pero di ko maipakita sa taong nagbibigay ng bigat sa dibdib ko, dahil natatakot ako na baka sa maling desisyon ko hinde ko mapanindigan ang lahat, paano na po ang mga anak namin, sana maging maayos na po ang lahat magkaron ng magic mawala na po ang galit sa dibdib ko or please sana di na lang ako nakipag date sa kanya noon sana tinupad ko na lang ang pangarap ko muna . ang Landi at ang rupok ko kasi, hayysss" .
Sabay malalim na buntong hininga ni trina habang nakatulala sa kawalan, ng biglang sumigaw ang asawa nyang si Rome.
Rome:Mommy!!! si ate (sa panganay nikang anak) kinukuha yung remote ng laruan sa ibabaw ng cabinet baka mahulog tulungan mo nga. ano ba kasing ginagawa mo dyan?
trina:ano ka ba naman ang lapit mo na lang kay ate sisigaw ka pa? (ang sakit sa tenga ng boses mong bwiset ka sa isip nito)
Rome:Nagpapahinga ako eh, day-off ko kaya nagpapahinga ako.
sinunod na lang ni Trina ang utos ni Rome para wala ng pagtatalo na magaganap, sabay punta sa kayang laptop dahil nag oonline selling to, habang nag aayos ng item umiiyak ang bunso nitong anak.
o na alaga ko si bunso.
bumuntong hininga si trina pumunta sa banyo
Trina:(sa isip nya kahit naman wala kang hinagawa dyan di mo naman to gagawin dami mong dada!) may ginagawa ako. pero!
pumunta pa rin to sa banyo
trina:anak bakit naabutan ka ng poopoo sa panty mo?:) nakangiti ka pa dyan paluin kita eehh.
nakangiting tanong sa bunso sabay palo ng palambing sa pwet ng anak.
trixie: maaaammmmeeeeee!!
ngitng sabi ng anak nya,
trixie:sorry mommmy
sabay hawak sa pisnge ng mommy nya, nawala na ang init ng ulo ni Trina,pagkatapos nito hugasan si trixie, nakita nyang nagkakalat ng pagkain ang bunso kaya kinuha nya ito at nilinis ang kalat sa lapag at saka pinaliguan na rin ang bunso.
habang ginagawa ni trina ang pagpapaligo sa anak, iniisip na nya kung ano ang susunod nyang gagawin maglalaba!. "aha! maglalaba ang nauna nyang naisip na gagawin magsasalang sa washing machine, habang nagsasalang, maghuhugas ng mga plato at magsasaing at magluluto, marami masyadong gagawin for today,kaya naisip nito na mgaluto na lang ng tocino at itlog na maalat na may kamatis, pero wait tapusin ko muna pagpapaligo sa napa cute na bata na to,"
Trina:hi baby bunsoy ang cute na bunsoy ko mahal na mahal ka ng mommy mo alam mo ba yun ikaw ang prinsesita ng buhay ko.. uu ikaw at ikaw si ate ang ate prinsesita at ikaw ang bunsoy prinsesita,
habang nakayukong pinapaliguan ang bunsoy biglang nag ring ang kanyang cp,.
rome:mommt!!! phone mo nag riring.
trina:pakisagot please baka yan yung inaantay kong buyer whole sale yan kung bumili.
rome: wag na ikaw na baka mamaya kung sino pa yan tapos pag sagot ko bagsakan lang ako ng telepono pag narinig boses ko.
trina;hayyssss ano ba!!!! (sa isip nito putang ina mo!!!!).
kinarga nito ang bunsong anak at kinuha ang cp. number lang at hinde na nya nasagot ang tawag, ng sinubukan na nyang tawagan ito nag ring lang ng tatlong beses at hinde na natuloy pa,
rome:sino yan?
trina:ewan ko di na makontak eh.
rome:sus!!
trina:halah! eh di tawagan natin sa cp mo.
rome:wag na baka mamaya tatawag din yan sayo.
trina:di ko nga kilala baka buyer lang .
rome:ok sabi mo eh.(sabay simangot )
trina:anong problema mo ,?
rome:wala, ikaw nagbibigay ng malisya eh, ganyan talaga kapag madaming sikretong tinatago, kinakabahan kapag mahuhuli na, wag kang praning wala akong pakialam sayo.
nasaktan si trina sa sinabi ng asawa pero bumuntong hininga na lang to at binihisan ang bunsong anak, nagsalang ng labada, nahsaing at nagpakulo ng tocino, habang nagpapakulo ng tocino biglang may nag chat sa kanyang buyer at nanghihinge ng mga pictures.
Trina: haysssss nakuuuu@!!!!! actual picture na nga naka post with complete details ang naka post , bakit naghahanap pa ng actual pucture at presyo ang mga tao?
rome:ginusto mo yan diba? edi panindigan mo.
trina:sayang kasi dagdag income din , (sa isip nito nakakahiya naman kasi sa panunumbat mo)
rome:bakit kasi ano para may maibigay ka nanaman sa tatay mo?
trina:wala namang masama saka galing naman yun sakin.
rome:so kapag pera mo, pera mo? wow ang galing mo din eh no?
trina:hinde naman sa ganu. saka teka lang ano pinagsasabi mo ?, natulong ako sayo sa gastusin ah.
rome:ang yabang mo naman nanunumbat ka pa. ang liit liit lang ng kinikita mo kumpara sa kinikita ko pero lahat napupunta sa inyo. sa akin wala
trina:(anong wala kakabili mo nga lang ng bagong laruan mo . Siraulo ka sa isip nito)
Halah! Eh ikaw ang mas na bblessed ayaw mo ba nun nagagampanan mo yung obligasyon mo bilang ama,
Naninikip na ang dibdib nito sa galit at gustong sumigaw pero mas malakas ang amoy ng nasusunog na tocino, kaya tumakbo to papunta sa kusina at .
Trina : s**t! s**t!!
Nanginginig nanaman sya, at sa isip nito ay puputak nanaman ang kanyang asawang putakero, at ayun sumigaw nga nanaman
Rome:Trina!!!! yung anak mo tumae hugasan mo baka magka rushes to oh.
Bumuntong hiniga si trina ng malalim at
Trina;(putang ina mong hayooppppp ka!!!!! sa isip nito). saglit lang kasi yung ulam ayusin ko lang.
Rome: ano ba naman yan tocino na lang napabyaan mo pa ano ba yan trina hinde ko pinupulot pambili ng ulam,Ano ba nangyayare sayo aligaga ka,
Trina:natataranta kasi ako sayo, wait lang kalma ka lang muna huh!
Rome;alam ko palpak kang tao pero hinde pwede yung ganyan ka palagi na palpak walang mangyayare sayo nyan, dapat naka focus ka
Trina:(tang ina mo malapit ka na sakin sa isipp nito)
Naka tulala ng 1 second si trina at bumuntong hininga na lang .
Trina:(isa na lang trina, wag mo nang patulan, para namang di ka pa sanay, mapapagod din yan kakaputak,)
Naninikip nanaman ang dibdib nito na parang kumain ng isang malaking tinapay na minadaling ubusin at na stock sa dibdib ng ganyang dibdib,inayos na lang nya ang tocino at hinugasan ang bunsong anak, kakain na sila pero mabigat ang awra sa hapag kainan halatang bwiset sa kanya si rome at bwiset naman din saya dito, nagkkwentong nakakatawang nangyare sa kanilang zoom class si trixie, ngumiti lang si trina at sumagiot sa anak, nakipag kwentuhan sya dito, na parang walang inis na dinadala dahil ayaw nya naman na madamay ang kanyang anak,pero sadyang ayaw pa tapusin ni rome ang kanilang napputol na pinagtatalunan kanina kaya naman ng nakahanap ng tyemppo ay sumingit to sa usapan ng mag ina,
Trixie: di ba that’s bad yung nagdadamot ka.
Trina:yes baby that’s bad wag mo yun gagawin kasi bibigat ang pasok ng blessings
Rome:tignan mo yang mommy mo ang damot! Pero sa family nya ang bigay ng nbigay.
Trina:rome!ano ba pati sa anak mo idadamay mo? Nababaliw ka na ba talaga? Wala ka ng pinipiling oras ?ano ba nirerelamo mo dahil di kita pinayagan bilhin yung latest na play station?di bilhen mo!! ng matahimik ka na.
Rome:anong problema mo bakit ka nakasigaw dyan?
Trina:nakakpagod ka na kasi! Alam mo yon? Para kang bata na kapag di nakuha nag gusto nagwawala nag tatantrums, talo mo pa yung mga anak mo.umayos ka naman ng tama.
Rome: ako pa talaga ang dapat umayos ah . eh ikaw nga yun sinong tanga ang nakaskunog ng tocino?
Trina: tocino lang yun rome! Anong problema mo? (sigaw nito).
Bilhen mo na yungplaystation mo ng matahimik ka na nakakasawa ang ingay mo ang sakit mo sa tenga.
Rome:kapal ng mukha mo palabasin na nagtatantrums ako dahil lang sa play station, siraulo ka, eh! Kayang kaya ko yung bilhen kung gugugstuhin ko no. Kaso mas iniiisip ko ipapakain ko sa inyo, kung gagastos ako saan kayo pupulutin sa kangkungan? Puro ka yabang wala ka namang narating?
Trina:gago! Kasi mas pinipili ko alagaan mga anak ko!
Rome:palusot ka pa sabihin mo palpak ka lang talaga sa buhay.
Trina: oo ikaw nga pinaka malaking pagkakamali ko.
*may karugtong*
*
Sabay punta sa working station nya. Nagipindot na lang to,
Trina:baby trixie after mo kumain punta ka na lang sa room. You can have your gadgets time in advance since you are a good girl.
Dahil handa na tong makipag sabong ng away kay rome.