Lumipas ang ilan pang oras, masayang nagtawanan ang tatlo hanggang sa naisip ng umuwe ni Rome, dahil oras na ng uwian nya, habang nasa byahe sila ni Jack, sinabi nito kung ano ang nangyare sa kanyang kaibigan .
Jack:ako pala may kasalanan, dapat pala di muna ako dumating? Haha. Nabitin ba? Pasensya na haha.
Rome:OK lang haha pero medyo hinde din hahaha.
Habang naglalakad pauwe di mawala sa isip ni Rome kung ano yung ginawa ni Arlene sabay napasipa sya sa isang lata at sabi ng “sayang” pero sa pagsipa nya sa lata tumama to sa pader at bumalik sa noo nya, nasaktan sya at nagulat, “bwiset talaga!” sabi nito sa isip nya kaya napa sipa naman sa isang nakaumbok na bato na inakala nya lang maliit pero sa katangahan yung gater ang nasipa nya kaya sarili nya pa rin ang nasaktan nya.
Rome: bwiset ka talaga! Trina! Ang ganda ng babaeng pinapakawalan ko dahil sayo. Hoo kapikon. (bakit banaman kasi eto pa nangyayare sa buhay ko , di ko na natupad ang pangarap ko, haysss)
Naalala nya na mag aaral na sana sya bilang doctor subalit nabuntis si Trina kaya mas pinili na lang nya na panindigan to, at hinde na din sya pinag aral ng kanyang magulang, hinde man aminin si Trina ang sinisisi nya sa buhay nya.
Pagkauwe.
Rome:ano kamusta na si baby? Nandyan pa sila ate?
Trina:wala na umalis na,
Rome:may dala akong food pasalubong ko sayo, pauwe kasi naabutan kong bukas pa yung nagtitinda ng milk tea , at eto para sa mga bata.
Trina:salamat.
Rome:ano ba kasing nangyare kay baby? Binabantayan mo ba maigi? Or puro ka lang i********: dyan ?
Trina:wag ka naman ganyan. Di naman biro ginagawa ko.
Rome:hinde lang ikaw ang pagod at maraming bitbet sa dibdib mo.
Sabay napa s**t si Rome at nasabi na
Rome: sayang anu?
Trina:bakit?
Rome:nabaliw ako sa ex gf ko bago ikaw.
Trina:bakit?
Rome:ang pangit nya kasi sana hinde ako nabaliw sa kanya para ang dami ko pa sanang natikman na magagandang babae.
Trina:huh? (okay ka lang ba asawa mo ko pero sakin ka nagsasalita ng ganyan? Siraulo ka ba?) pabayaan mo na tapos na yun, di na yun babalik.
Rome:haysssss (sayang talaga si Arlene sa isip nito)
Trina:may babayaran tayo
At ang dami nanaman nilang napag usapan na bayarin.
Rome:hinde ko na alam saan kukuha ng pera pambayad.
Trina:kaya natin to , d naman satin to bibigay kung di natin kakayanin.
Rome: oo (palibhasa hinde ikaw ang magababayad).
Naging normal ang magdamag habang nagtatrabaho si Trina, naisip nya na malapit na ang anniversary nila, at palagi syang nag oover time at todo benta dahil nais nyang bilhan si Rome ng regalo , susurpresahin nya to, nakausap na din sya ng buyer at idedeliver ito sa bahay nila sa susunod na araw. Nagkaron nanaman ng pagtatalo ang mag asawa hinde pa natatapos ang araw. Binuksan ni Trina nag email nya at naisipan nanaman ang mangalikot ng email at binuksan nya ang history ng location ng cp ni Rome may nakita syang isang lugar na bago sa history ni Rome. “pero dapat nasa opisina sya ng mga gantong oras huh” naisip nya na baka hinde lang accurate si google loc. history pero hinde sya mapakali, kaya nanahimik na lang muna sya, sinubukan nyang kunin ang CP ni Rome, naka lock to at fingerprints ni Rome ang nakalagay subalit hinde alam ni Rome na ni register din ni Trina ang fingerprints nya sa cp ni Rome at nagpapanggap lang to na hinde alam ang password ng cp ni Rome para sa panahong kakailanganin at maging kampante si Rome na di alam ni trina ang passcode nya. Binuksan nya ang cp ni Rome, wala naman syang nakita na kakaiba , mga girls na ni la like nagalit na sya dati nag away lang sila kaya di na nya inintindi pa. Pero meron pa ring bumabagabag kay Trina di sya talaga mapakali di rin sya makatulog, naiisip nya ng lagyan ng secret spy yung cp ni Rome pero natatakot sya na baka may mabuking nanaman sya kaya wag na lang, natulog na lang sya. Lumipas ang ilang araw, nagpunta si jack sa bahay nila .
Jack: tinawagan ako ni Arlene, bakit daw di ka na nagpaparamdam?
Rome:saka na muna kasi baka makahalata si Trina,
Jack:ok na kayo? Buti naman kung ganun para di kawawa mga bata.
Rome: peram akong cellphone mo,
At tinext ni Rome si Arlene .
Rome:balita rome to.
Arlene:buhay ka pa pala?
Rome:sorry,
Arlene:bakit nagaway nanaman kayo kaya naka alala ka?
Rome:kita tayo bukas, daanan kita after shift mo?
Arlene:ok sige game chill tayo , inum tayo after shift?
Rome:kaw bahala, pero usap tayo:)
Arlene:ok.