"Have you heard the news?" William told his twin brothers. Nasa kwarto ni Rick ang magkakapatid dahil ginigising ng dalawa ang huli. May skype call si Don Alvarez mula sa Russia at kailangan silang tatlo sa opisina nito. "Nawawala daw si big boss?"
"Nawawala?" Rick asked in a hoarse voice. Mukhang wala pa ito sa ulirat dahil sa wala sa oras na pagkakagising rito. “Hindi ko alam kung kailangan konng marinig yan ngayon. Mukhang mali ang dating ng reciever ko dahil sa biglang paggising niyo sa akin. Ipinasok ang isang daliri sa tenga at kunwa’y nilinis yun.
William cannot blame his brother. Kaninang umaga paggising ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Fritz. Hindi alam ng magkakapatid ang tungkol sa hinawakang misyon ng black eagle sa Pangasinan. And it didn't went well as per him. Ilang araw na itong nawawala at pinaghahanap ng mga pulis Pangasinan.
"I have the same reaction Rick." Komento ni George na prenteng nakaupo sa king-sized bed ng kapatid. "I mean like, how can that be impossible. We are talking about the Black Eagle's leader, Hans Joseph Monteblanco. Ewan ko lang dito kay William kung tama ba ang narinig na balita." George's eyes flicked to him.
“You must have heard it wrong Will.” Segunda naman ni Rick.
Ang sinabihan ay sumunod ang mata sa nagsalita habang nagbibihis ito. “Fritz will not make a joke out of it. Hindi nila sinabi ng detalye. Sa tingin ko ay ito ang dahilan kaya tayo ipinapatawag ni Don Alvarez. Xander and Westley needed a back-up."
Sandaling huminto sa pagsusuot ng t-shirt si Rick at nilingon siya. "Now I am curious. Si Westley, kailangan ng tulong sa paghahanap?" Umarko ang kilay nito at halatang hindi makapaniwala sa narinig.
Bukod kasi sa kanilang magkakapatid. Si Hans at si Wesley ang dalawa sa myembro na magaling mag-track ng tao.
"Now I am being curious." Pagpapatuloy nito. "Let's go. We don't want that old man waiting!"
Humanda na ang tatlo sa pag-alis nang muling magsalita si William. "And he's engaged!"
Sabay na lumingon sina Rick at George sa kanya. Pareho ang reaksyon ng mukha na parang nakarinig ng isang masamang balita.
"Engaged!” George voice held a shock of condemnation.
“Is that a joke?" Si Rick naman na ang kamay ay nabitin sa tangkang pagbukas ng pintuan ng sariling kwarto.
"Hans wanted to finish the job immediately because he is getting married soon." Pagpapatuloy na pagkwekwento sa mga ito. And he got the interest of both.
"Now that's another story?" George raised one of his eyebrow. Pero halatang nasa mukha parin ang sobrang pagka-gulat.
"Its all getting messed up. No wonder napakatahimik nila lately. Especially big boss." Nagpatiuna ng lumabas ng pintuan si Rick at kasunod nito si George. Si William ang pinakahuli na laman parin ng isip ang mga nalaman.
Hindi na pinagtatakhan ang tungkol sa hindi pagkakaalam na bagay na yun dahil hindi naman talaga sila madalas makipag-communicate sa mga kasamahan.
Well, they do call during special occasions or kung mangungumusta lang. Madalas ay galing kay Hans na hindi nais putulin ang komunikasyon sa kanilang magkakapatid. At ang huling pag-uusap nila nito ay halos mag- iisang taon na rin. Mahirap sa apat na miyembro ang kontakin sila dahil wala namang halos signal sa kinaroroonan. Ganun ka-isolated ang mansion ni Don Alvarez.
Kung hindi lang napupunta sa bayan ang tatlo, malamang ay baka sobrang outdated na ng mga ito. Cellphone are useless on their location kaya madalas ay pinipili nalang huwag gamitin at iwan sa kwarto. Bakit pa mag-aaksayang bitbitin iyun eh wala namang ibang kokontak sa kanila.
"He's getting married and yet hindi man lang niya binanggit sa atin?" Komento ni Rick habang binabaybay ang papunta sa opisina ng Don.
"Fritz said in two months time. Mahaba pa naman ang araw. Imposibleng hindi tayo sasabihan ni Hans. He knew it's not easy for us to leave this place anyways." Depensa niya sa lalaki. Isa sa mga natutunan sa pagiging myembro ng black eagles ay hindi pwede ang balat-sibuyas.
Hindi nagkomento ang dalawang kapatid sa tinuran. Ilang sandali lang ay tuluyang narating ang opisina ni Don Rodrigo Alvarez. Nadatnana doon ang isa sa mga malalapit at tapat na empleyado nito na si Pilo. "Ang tagal ninyo. Kanina pa kayo hinihintay ni boss." Maangas na bungad nito.
Pare-parehong nagtiim ang bagang ng magkakapatid. Hindi nila gusto ang tabas ng dila ng naturang lalaki. Maangas at mayabang ito dahil kasama ito ni Don Alvarez sa Russia. Kapag wala ang matanda ay umaaktong boss sa kanilang lahat ng mga empleyado kapag nauuwi ito sa Zamboanga.At hindi lingid sa kaalaman ng magkakapatid ang pagkadisgusto nito sa kanilang tatlo.
Kung tutuusin ay hindi sila ganuong useful para sa matandang amo. Bukod sa mga misyong hinahawakan nila bilang miyembro ng black eagles ay ganoon lang ang trabaho meron sila. Ang magbantay ng mansion ng matanda. Pero magkagayunman ay itinuturing silang isa sa mga mahahalagang tauhan ni Don Alvarez.
They were untouchables. Iyon ang term ng mga kasamahan nila. At labis-labis na ipinagmamalaki ng matanda sa mga business partners ang pagpaparoon nilang tatlo. As if may mga ginagawa silang trabaho na sobrang ipinagpapasalamat nito.
Nakita niya ang pagkadisgusto sa parehong mukha ng mga kapatid dahil sa paraan ng pakikipag-usap sa kanila ni Pilo kaya inunahan niya ang mga ito. "Tungkol saan ang tawag na to? Hindi pa ba siya babalik dito?"
"Wala kang karapatan para tanungin or i-kwestyon kung kailan ang balik niya dito. Bakit hindi mo na lang hintayin ang sasabihin niya." Sarkastikong tugon ni Pilo.
Napatiim ng bagang si William at nakuyom ng mariin ang kamao. Pero pinanatili ang pagiging kalmado. Alam niyang naghahamon ito ng away. At napagkasunduan nilang magkakapatid na hinding-hindi ito papatulan. "Kung ganun ay pwede mo na siyang sabihan at narito na kami." Maotoridad na utos rito. Hindi alintana ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kanila.
Tumalima ito. Nanatili ang tatlong lalaking nakatayo sa isang panig ng opisina. Hinintay ang pagbukas ng malaking screen sa naturang opisina. Doon nila madalas makausap ang Don kapag nasa Russia ito at may nais sabihin sa kanila.
Ilang sandali lang ay bumungad ang mukha nito sa malaking screen. Magiliw itong bumati sa kanila. At kitang-kita nilang magkakapatid ang labis ng pagkadisgusto sa mukha ni Pilo. At lalong nagdilim ang mukha nito nang sabihin ng Don na kailangan nitong lumabas ng opisina.
"Serves you right." Bulong ni George na silang magkakapatid lang ang nakarinig nang mapadaan ito sa tapat nila.
Tinapunan naman ito ni Rick ng nakakalokong ngiti bago ito lumabas.
Hindi na nais pang gatungan ni William ang pinagagagawa ng magkakapatid kaya hindi nalang pinansin ang masakit na tinging iniwan ng lalaki sa kanila.
Ilang sandali pa ay nilalahad na ni Don Alvarez ang mensahe nito para sa kanila. At iyon ay tungkol sa pinag uusapan ng magkakapatid bago magtungo roon.
"I have booked you a ticket to Manila," saad ng Don. "Si General Guillermo na ang magsasabi kung ano ang magiging misyon ninyo doon. I want you to finish the job immediately. After a few weeks ay babalik ako diyan at gusto ko kayong makausap ng personal. Mayroon akong bagong misyon para sa inyo.
"Just the three of us?" Tanong Rick na hindi nagbago ang paraan ng pakikipag-usap kahit na amo nito ang kaharap.
Nagpatuloy ang may edad na don. “Ilalahad ko sa inyo kung ano ang magiging misyon ninyo. Inihahanda ko na ang ticket ninyo papuntang France. Sa ngayon ay hanggang diyan lang muna ang masasabi ko."
Nakakaintinding tumango ang magkakapatid. Sandaling humaba ang pakikipag-usap rito dahil hindi matapos-tapos ang matanda sa bilin nito.
"And now he is planning to send us again to somewhere else." May bahid ng galit ang tining na bulong ni Rick habang nas pasilyo ang magkakapatid palabas ng opisina.
"What's wrong? Hindi ba't mas maganda yung kaysa naman nai-stuck tayo rito." Komento naman ni George.
"You know I don't trust him. Lately ay marami akong nalalaman tungkol sa kanya..."
"At kanino mo naman nalaman?" Curious na tanong ni William na pinutol ang litanya ng kapatid. Binigyan ng makahulugang tingin si George na nanatiling blanko ang mukha. "I am not sure what you are up to Rick. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pinag-iinitan mo si Don Alvarez."
"I am not going to tell you unless I am sure twin brother. Kung ako sa inyo ay hindi ko siya pagkakatiwalaan." Pagbibigay nito ng babala.
Nagkatinginan muli sina Will at George.
"We will not do that unless you tell us what is happening." Katwiran niya. "Hindi ko gustong isipin na nilalason ng babae mo ang utak mo. I am telling you, do not put us in danger" May bahid ng warning ang binitawang salita. Don Alvarez may have some weird business na wala silang pakialam. Pero ito ang taong nagpalaki at kumupkop sa kanila.
"May mas lalala pa ba sa kalagayan natin ngayon William. Aren't you getting tired of being here?Kung binalik nalang niya tayo sa Navy Seal at ipinadala tayo ulit sa Afghanistan or Syria ay wala akong masasabi. Napapagod na ako dito. We have to find a way out." He protested. Ang tinig ay punong-puno ng pagkabagot.
Galit na nilapitan ito. "You are putting us in trouble Frederick." Pasimpleng iginala ang mata sa paligid. Naniniwala siyang kahit walang nakikita ngayon ay may mga mata at tenga ang mga pader. Hindi makakatulong sa kanilang magkakapatid kapag nakarating kay Don Alvarez ang mga pinagsasabi nito.
"Why are you scared of him William?" Nagsigalawan ang muscle sa mukha nito.
And he knew for sure that he will look the same kung sakaling galit din siya. William is more identical to George than to Frederick. Para sa tuwing nagagalit ay halos magkakamukha lang silang tatlo. Pero kung ano ang pagkakapareho nila ng mukha ng ay siyang pagkakaiba ng mga ugali at personalidad ng bawat isa.
"It's not about being so scared. Pero kapag umalis tayo sa poder niya. Saan tayo pupulutin? Even our passports are with him." Pagbibigay katwiran ni William.
Siguro nga partly ay natatakot siya. They had never settled anywhere aside from US kung saan sila nag-serve sa army, sa ilang mga bansang may mga gyera kung saan sandaling nadestino ang tatlo. At recently at ang pinakamahaba ay dito sa Pilipinas na kung bibilangin ang pagpapabali-balik nila sa mismong bahay upang gawin ang nakababagot na trabahong natoka sa kanila ay humigit-kumulang sa sampung taon na.
"And you are scared because of that?" Patutsyada ni Rick sa kanya.
"Ang sabihin mo William ay hindi mo gustong umalis sa poder niya? Why, is it because of that girl? Ni hindi mo pa nga siya nakikita ng harapan."
"Wait who's that girl?" Nalilitong tanong ni George at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Rick.
Hindi sumagot ang magkapatid. Nagsukatan ng titig na halatang nagkakainitan na.
"Hey you guys! Stop that!" Suway ni George sa kanila. Nilapitan ang dalawa at sabay pinisil ang mga balikat upang parehong kalmahin. "Why don't we just go back to our own room and fix our things. We will be heading to Manila tomorrow."
"If I were you William ay uumpisahan ko ng putulin ang attachment ko sa matandang iyon. Aalamin ko ang lahat ng baho niya at sasabihin ko sayo lahat. Baka ikaw pa ang unang mag-ayang umalis tayo dito kung sakali." Matabang na turan ni Rick bago ito naunang maglakad palayo.
Napatitig na lang si William sa likuran nito at nasundan ito ng tingin.
"What is wrong with you guys. Talagang nagtatalo pa kayo sa kalagayan ngayon." Paninita ni George.
"He's not being reasonable." Katwiran niya.
"But that is not a reason for you to answer him like that."
Hindi siya agad nakasagot. Minsan ay kinaiinisan ni William ang pagiging bossy ni Rick. Masyado nitong pinapairal ang pagiging panganay nito.
Feederick is the eldest. George being the middle child, at siya naman ang itinuturing na bunso kahit kung tutuusin ay minuto lang ang tanda ng dalawa sa kanya. They are rude and savages. Pero mahigpit na sinusunod nilang magkakapatid ang pagkakasunod-sunod ng kapanganakan.
Though most of the time ay talagang napapatunayan naman talaga ni Frederick ang pagiging panganay sa ilang beses nitong pagsalo ng balang para sa kanila ni George. And he salute and respect him for that.
They only had a vivid memory about their childhood. Minsan ay napapanaginipan ni William ang mga iyon. May mga eksenang sinasabihan siya ng isang babae kung paano tratuhin ang mas panganay sa kanya. One time. He mention the story to Rick and George. At napatunayang ang babaeng yun ay ang ina.
"Do you agree on him?" He asked George.
Nagkibit-balikat ito. "He knows what he's doing. Huwag mo na lang siyang pakialaman sa gusto niyang gawin. Ang gusto kong malaman ay kung sino itong sinasabi niyang babae?" George gave him a teasing look.
William throwed him a blank expression. "Huwag mong pinapaniwalaan ang lahat ng sinasabi ni Rick." Paalala sa kapatid at sinabi rito ang tungkol sa pagkahumaling nito kay Eva. “It will cause him a problem in the future.”
"You're being too serious twin brother." Inakbayan siya nito at iginiya palabas ng bahay. "Hayaan mong mag-enjoy si Rick. Matatauhan rin siya isa sa mga araw na ito. Bakit hindi ka nalang sumama sa akin tutal naka-day off ako at mamayang gabi pa anng duty mo."
"Kung sa beerhouse sa bayan ang punta mo ay huwag nalang."
"Come on William. Hindi magandang nagbuburyo ka sa buhay mo."
"Hindi ako nagbuburyo," tanggi niya sa akusasyon nito. "Hindi ko lang gustong pumunta sa bayan para lang kumuha ng babae." Inalis ang kamay nito sa pagkaka-akbay sa kanya at nagpatiuna pabalik sa sariling kwarto.