William II: Save me!

1493 Words
"Matulog ka ng maaga Shinna. Huwag mong ugaliing natutulog ka ng late at hindi maganda sa balat mo.” Bilin ni Eva pagkatapos ng dalawang oras na one on one session niya sa foreign language tutor. “Lagi kang nagpupuyat but you still looked young." Sagot niya rito. Eva at thirty, looked stunning. Hindi niya ito kailanman nakitang wala sa ayos. Laging nakapustura at naka-make up. And she really likes her long black hair. "Maaga akong umuuwi dahil may asawa ako. Anong nagpupuyat ang sinasabi mo." Pagmamaang-maangan nito. Really! Umuuwi ng maaga? Hindi niya isinatinig ang sa tuwinang pagkakasalip niyang pakikipagtagpo nito sa lalaking kahawig ng lalaking lagi niyang tinatanaw mula sa binata. Hindi niya matiyak kung ano ang tawag sa ginagawa nito pero madalas ay nakikita niyang magakalapat ang katawan at labi nito at ng lalaki. One time pa nga ay nakita niyang halos hubot-hubad na ang dalawa. At hindi niya matiyak kung tama ba ang ginagawa ni Eva gayung ang sabi ng babae ay may asawa na ito. “Uuwi kana ba? Why don't you stay the night?" She offered for a hundredth times now. Sandaling itong natigilan. Ilang beses na niyang sinubukang mapalapit dito pero she's always aloof. At times ay ramdam niya ang simpatya nito sa kanya. Especially during the early days nang ikulong siya sa lugar na kinaroroonan. It was her worse nightmare. She couldn't remember anything at first. Para siyang nagising nang araw na iyun mula sa isang malalim na pagkakaatulog. Madalas ay nagwawala siya, and Eva ended up hugging her out of sympathy. Na nang tumagal ay dumalang na ng dumalang. Nang tuluyan siyang magdalaga ay bigla nalang itong nanlamig sa pakikitungo sa kanya. Sinubukan niya ring tanungin ang babae tungkol sa kasalukuyang sitwasyon pero nanatiling tikom ang labi nito. Natutunan ni Eva ang bigyang preno ang bibig tungkol sa maraming bagay. Kahit ang mga nagtuturo sa kanya ay tinangka niya ring lapitan pero lahat ay maingat sa mga salitang lumalabas sa labi. “Hindi ako pwedeng manatili. Hahanapin ako ng asawa ko," sagot nito sa wakas. “Okay.” Tanging sagot at tipid na ngumiti. “You take care, Eva.” “Pag-alis ko ay matulog kana.” Nag-iwas ito ng mata. Dinampot ang bag sa tokador at pinatay nito ang ilaw saka nagtungo sa pinto. Binalot ng kadilim ang buong silid. Nang tuluyang lumapat ang pinto ay parang may sariling isip ang mga paa na naglakad papunta sa isang panig ng silid kung saan naroon ang binata. Hinawi niya ang kurtina ng bahagya at sumilip. Hindi siya nagkamali. Nakita niyang nakatayo doon ang isang lalaki. Sa una, inakala ni Shinna na iisang tao lang ang nagbabantay doon. But eventually ay napansin niya ang pagkakaiba ng mga ito. She always see three different personalities. Ang lalaking nakabantay sa umaga ay mahilig ngumiti. Ang nakikita niyang kasama lagi ni Eva. Ang pangalawa na hindi niya madalas masilip dahil mahigpit na ipinagbabawal ni Eva ang paglapit niya sa bintana kapag naroon ito, ay laging seryoso ang mukha. At ang pang-gabi naman na siyang nakapukaw sa atensyon niya ay parang combination ng dalawang lalaki. They almost have the same faces pero iba ang epekto ng lalaking nakatalaga doon sa gabi. O dahil sa tatlo ay tanging ito ang tumitingala sa kinaroroonan niya. Sa kabila ng distansya ay kapansin-pansin ang kuryusidad sa mga mata nito. Alam nitong sumisilip siya sa ganuong oras dahil nanatiling nakatingala rin ito sa kanya na parang naghihintay na ipakita rito ang sarili.. Tumaas ang kamay ni Shinna at hinawakan ang kurtina. Kahit kailan ay hindi iyun pinangahasang buksan. Sa kabila ng dilim na kinaroroonan ay hindi inalis ng lalaki ang mata sa direksyon ng kinatatayuan niya. Maliwanag ang sinag ng buwan at tumatanglaw iyun sa silid na kinaroroonan niya. Huminga siya ng malalim at sa unang pagkakataon ay tuluyang hinawi ang kurtina.  Hindi matiyak kung nakikita ba siya ng lalaki. Nanatili siya doon at hinawak ang palad sa salaming bintana. Umaasang maaninag nito ang kabuuan niya. And he did eventually! Halata iyun sa bahagyang pagkakatigagal nito at panlalaki ng mata.  Maya-maya'y nagsalubong ang kilay habang nanatiling nakatingala sa kanya. Their eyes met for a very long moment. Help me please! Save me! Sigaw ng utak. Napansin niya ang isang lalaking palapit rito kaya agad niyang isinarang muli ang kurtina. Dali-dali siyang humakbang papunta sa kama at nagtalukbong ng kumot. Pagkatapos ay inilagay ang kamay sa tapat ng dibdib. Ang bilis ng pintig nun. Pakiramdam niya ay gusto nung lumabas mula sa dibdib. Pumikit siya at pinilit ang sariling matulog. Naging lamang ng isip ang estrangherong lalaki hanggang sa panaginip. Samantala, sa baba ay hindi maipaliwanag ni William ang nasaksihan. Alam ng binata na sisilip muli ang kung sinumang naninirahan sa kwartong iyun. Pero hindi inaasahang bubuksan nito ang bintana nang ganuon at ipapakita ang sarili sa kanya. Ito rin ang babaeng nakita niya sa kabila ng salamin. And she was more beautiful when the moon shone dimly on her. She was magnificent! Ang batang anak ng dalawang taong nagtaksil kay Don Alvarez. Halos mag-isang linya ang kilay sa pagkaka-isip sa matanda. Ayun dito ay pinadala nito ang bata sa isang bahay-ampunan nang mahanap ito.The child was saved by some local fisherman twelve years ago after she and her father fell off the cliff. And due to shocked of falling, her memory was lost. Sinurrender ito kay Don Alvarez at sinabi nito kay Gen. Guillermo na noon ay Col. palang na ipauubaya nito ang pagpapalaki sa bata sa isang bahay-ampuanan upang makalimutan nito ang mga nangyari. All the Black Eagle members were there, and everybody is very much convinced. Including him. Kaya naman nakakagulat ang nalaman ngayong gabi. Confidential ang identity ng naninirahan sa kwartong iyun para sa lahat at hindi rin naman sila interesadong alamin iyun. Though aminadong naku-curious siyang alamin kung sino ang nasa likod ng kurtinang halatang sumisilip sa kinaroroonan sa eksaktong oras ng pagbabantay. Paanong sa tagal ng panahon ay naitago ni Don Alvarez ang tungkol doon? Lalo at minsan ay bumibisita ang mag-anak nito sa mansyon. “Bakit ka natitigilan, Will. You looked like someone dead had appeared in front of you” Biro ni Rick sa kapatid nang abutan itong namumutla ang mukha. Mula sa tinitingala ay bumaling siya sa kapatid. Nagpatuloy si Rick. “Pupunta ako sa bayan baka ma-late ako. I'm already telling you in advance.” Lumampas ang tingin niya rito at nakita si Eva. Nag-dilim ang mukha niya.  “If I were you ay ititigil ko na ang ginagawa ko. That woman was already married Rick! Tama na ang minsang tinikman mo siya." Prangkang sabi niya rito. “Before you gets her pregnant.” Tumaas ang kilay nito. “Nag-iingat ako twin brother. Hindi ako gumagamit ng babae ng walang proteksyon alam mo yan. And as per the married thing, I don't think she mind.” May pagka-aliw sa tinig na sabi nito. "Hindi ko gustong isiping nauubusan kana ng babae kaya nagta-tyaga ka sa kanya." “Nagta-tyaga? Believe me, brother; I am not. She is more than what you think of her. I can f****d her as hard as I can at hindi ko siya nakaringgan ng kahit isang complain. Mas nag-eenjoy pa nga siya. And you know I'm not really patient with women. Bukod pa sa hindi ako nahihirapang pasukin siya. I'm sure you know what I mean dahil hindi lang tayo sa mukha magkakapareho ni George.” "You have a vulgar mouth Frederick!" Sita ni William sa kapatid na ipinagkibit-balikat nito. "Siguraduhin mo lang na hindi ka maiipit sa gulo ng dahil sa isang babae." “You should be telling that to yourself, twin brother.” Pagbabalik nito sa kanya. “Oh bakit ako na naman?” Maang na tanong rito. “Tigilan mo ang pagtanaw sa bintana sa taas. She's off-limits.” Nagsalubong ang kilay niya. “How did you know that it's a she?” takang tanong niya. Ibig sabihin lang ay alam ng kapatid ang tungkol sa babae. Imwenestra nito ang babaeng naghihintay sa likuran. Kung gaano na sila katagal na pumirmi sa Pilipinas at nagbabantay sa mansyon ay siyang tagal na rin ng babae sa pagpunta roon. Kung anong purpose nito ay walang nakakaalam. “What are you trying to do Rick?" Curious na tanong dito. “I told you, I don't trust him. At interesante ang mga impormasyong nakukuha ko kay Eva.” “Just take care! She could be a trap.” Tumaas nag kilay nito. “Wala kabang bilib sa akin?” Mayabang na bulalas nito. “Just don't involve your heart.” “My heart! Do we even have one?" Binuntunan nito iyun ng marahang tawa. "Sige na at hinihintay na ako ni Eva.” Pagpapaalam nito. Tumalikod at itinaas ang isang kamay saka kumaway. Napapailing nalang siya. “Huwag kang lalampas ng isang oras Rick!” Habol niya rito. Hindi ito lumingon pero nag-thumbs up at inakbayan si Eva nang tuluyang malapitan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD