Kabanata 10

2229 Words
Nakikipagtawanan ako sa Basketball team habang tinatahak namin ang daan palabas ng campus. Masaya silang kasama dahil ang daldal nila, hindi rin nila ako nao-OP. Nagulat ako sa biglang paggalaw ni Marcos at huli na nang marealisa ko dahil iyon sa hampas ng soccer ball sa ulo nya. Ramdam kong napakalakas nang pagkakadapo nun sa kanya dahilan upang mapamura sya. Kaagad rin akong napalapit sa kanya at hinawakan ang ulo nya. Nakahawak sya sa parteng nahampas ng bola habang papikit-pikit. Nainis naman ako kaya kaagad kong binalinan ng tingin ang pinanggalingan ng bola. Nakita kong tumatakbo ang soccer team papunta sa amin maliban kay Ralph na nakatayo lang sa hindi kalayuan. Sino namang bwisit ang sumipa ng bola papunta kay Marcos? E, wala naman kami sa parteng goal ng field. Pinalibutan kami ng soccer at basketball players, lahat sila'y nakatunganga lang sa amin. Nakakainis. "Tulongan nyo ako!" Sigaw ko sa kanila. Kita ko paano pumikit-pikit ang mata ni Marcos, ramdam kong sobrang kumikirot ang ulo nya. "Mabilis lang yan, Thea. Magiging okay rin sya." Wika ng isang basketball player na sinang-ayunan nilang lahat. "Anong magiging okay? He doesn't look fine!" Sabi ko habang nakahawak pa rin sa ulo ni Marcos. Halos manginig ako habang hawak iyon. He looks weak right now. Paano nila nasabing magiging okay rin sya? Ang lakas nang pagkakahampas nun sa ulo nya! "I'm f-fine, Ayet..." Bigkas ni Marcos at dahan-dahang inalis ang kamay ko sa ulo nya. "Okay ka na, Marcs?" At hinawakan sya sa balikat ng isang soccer player na pamilyar sa akin. Uhm, yung morenong gwapo. Tumango naman si Marcos sa kanya. Napabunga ako ng malalim na hininga. "Ikaw pala yan, Thea," sabi nung morenong lalaki sa akin. "Magkakilala kayo?" Sunod nya pang tanong sa amin ni Marcos. "Ah, Oo." Sagot ko sa kanya at tinulungan si Marcos tumayo ng maayos. "Ah, kaya pala. Sige, mauna na kami. Tara na," Sabi nya habang nakangiti at nauna nang tumakbo pabalik sa field na sinundan din ng mga teammates nya. "Punterya ka talaga ni Ralph ngayon, Marcs," sabi ng kasama nya sa team at pinagpatuloy na namin ang paglalakad. "Unethical." Bakas ang pagkainis sa boses ni Marcos. Ang sama rin ng tingin nya sa field. Pinili ko nalang din manahimik at hindi na nag kumento pa. Si Ralph ba talaga sumipa nun? Bakit nya naman gagawin 'yon? May galit ba sya kay Marcos? Oh, well... Nasaksihan ko rin naman ang tension between them nung gabing hinatid ako ni Ralph sa dorm na nahuli kami ni Marcos. They are not in good terms... I wonder why. Hinatid pa rin ako ni Marcos sa dorm kahit na medyo nahihilo pa daw sya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong mainis kay Ralph... "Pahinga ka na agad, ah. Uminom ka rin ng gamot para sa sakit ng ulo mo at lagyan mo ng yelo yan pagdating na pagdating mo sa condo." Pagpapaalala ko sa kanya bago pumasok ng dorm building. Pansin ko sa mga mata nya kanina na hilong hilo na nga sya dulot ng hampas ng bola sa ulo nya. Baka nga't hindi nya na kayaning makauwi sa condo nya kaya medyo nag-aalala ako sa kanya. Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay kaagad ko syang tinawagan upang ma-check kung okay lang ba talaga ito. "Nasan ka na?" Tanong ko kaagad sa kanya. "Malapit na ako sa condo. I feel bad, hindi man lang tayo nakapag-dinner. My head is aching badly talaga." Mahina nyang sabi. Bakas sa boses nya ang panghihina. Kung ako siguro iyong nahampas ng bola kanina sa ulo nang gano'n kalakas ay baka nasa ospital na ako. Sobrang lakas kaya nun, kahit ako ay naramdaman ko ang force ng bola dahil magkatabi kami ni Marcos na naglalakad. "Ano ka ba, okay lang. Magpahinga ka kaagad, ah. Mag dinner ka before taking med." Sabi ko sa kanya at minasahe ang sariling noo ko. Hindi ko gusto ang idea na nasasaktan sya. Nasasaktan na nga sya emotionally, maging sa physical ba naman? Nakakainis. "Okay, Ayet. Ikaw rin, mag dinner ka. Take care. Papasok na ako sa basement." Sabi nya na nag pangiti sa akin. "Okay, Marcos." At binaba ko na ang tawag. Lumabas ako ng kwarto na tangay ang bath stuff ko, tuwalya, damit, at pajama. Mayroon kaming tatlong CR sa palapag na ito, at wala akong sariling CR sa loob ng kwarto kaya kailangan kong lumabas ng kwarto at dito sa labas maligo. Hindi naman siguro ako maiilang dahil puro babae naman kami. Kilala ko na rin naman ang mga dormmates ko kahit papaano. "Kamusta ang first day, Thea?" Nakangiting tanong ng isang dorm mate ko na si Angel. Ngumiti naman ako sa kanya at sumagot "Okay lang naman. Ikaw? Kamusta?" "Unang araw pa lamang at ito ay may assignment na..." Nakangiwi nyang sagot. Medyo napatawa naman ako sa kanya at namaalam na upang pumasok sa cubicle. Ngayon ko lang din naalala na may homework nga rin kami. Kailangan ko pang pumunta sa computer shop upang gumawa at magpa-print nun. Wala kasi akong dalang laptop at printer dito, at restricted din yun sa dorm rules, tanging cellphone charger lang ang maaaring isaksak sa mga socket dito kung hindi ay baka sumabog. Ganoon talaga ang pagkakadesign ng mga socket dito. Pinili ko itong mag dorm kaya kailangan ko ring maki-ayun sa mga gawain ng mga nag do-dorm. I am no exception. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas din kaagad ako ng dorm building tangay ang wallet at phone ko. Naka-jacket at pajamas ako habang naglalakad at naghahanap ng computer shop. Nasan naman kaya ang computer shop dito? Kanina pa ako lakad nang lakad dito, e. Napalingon ako nang may bumusina sa akin na kotse at nakakasilaw din ang headlights ng sasakyan nya. Nakakunot noo ko itong nilingon. "Saan punta mo?" Nagulat ako nang ibaba nya ang window. Si Ralph. Nagdalawang isip ako kung ngi-ngiti ba ako dito o hindi sya papansinin dahil sa ginawa nya kay Marcos kanina. "Computer shop." Matipid kong sagot at ipagpapatuloy na sana ulit ang paglalakad nang mas inilapit nya ang sasakyan sa akin. Hindi ito 'yong sasakyan nya, ha. Mas maganda itong dala nya ngayon. Ferrari ba naman, e. "Sabay ka na sakin, malayo pa iyong shop." Sabi nya pa. Pasimple akong napanguso at lumapit din naman sa pinto ng sasakyan at pumasok sa passenger seat. "Kakatapos lang ng training nyo?" I managed to ask him. Ayoko namang tumahimik nalang dito, ako na nga itong binigyan ng ride. "Yep." Sagot nya. Pansin ko naman iyon dahil naka soccer shorts pa sya. Naka-puting shirt nga lang sya ngayon. Hindi sya amoy-pawis, of course. Gano'n pa rin iyong amoy nya. "It's 7. Hindi ka pa nakakapag-dinner, no?" Saad nya habang nangingiti. Gusto kong mainis sa kanya pero hindi ko magawa dahil sa mga ngiting ginagawa nya ngayon. "I have my laptop at Viex, you can use it." Sabi nya pa. Napaawang nalang talaga ang bibig ko sa kabaitan nya. Okay, I gave up. Hindi nga ako galit sa kanya. "Thanks, Ralph." Nakangiti kong sabi sa kanya na nagpangiti sa kanya ng malapad. His smiles are the purest. Minsan lang kasi sya kung ngumiti, and as I've observed... Sa akin lang sya madalas napapangiti. Pansin ko yun nang magkasama kami no'n, and that really makes my heart flutter. What did I do para itrato ako ng ganito ni Ralph? He never failed to make me feel special kapag magkasama kami. Nang makarating kami sa Viex ay kaagad syang binati ng kanyang mga tauhan na tinanguan nya lamang. Hindi nga kasi talaga sya palangiti sa ibang tao. Pinaupo nya ako sa isang VIP table at sinabing kukunin nya lang daw ang laptop nya sa kanyang office. Lumapit naman ang waiter sa akin upang itanong ang order ko. I just ordered one cup of rice, two pieces of chicken, and a strawberry juice. That combo has a name but it's in french ata, mahirap bigkasin. Bumalik si Ralph na bitbit ang MacBook nya. Inilapag nya iyon sa harap ko at umupo sa aking harapan. "May printer ka dito?" Casual kong tanong habang nag re-research na sa laptop nya. "Oo." Sagot nya, napangiti naman ako. How blessed I am para bigyan ng ganitong kaibigan. Mapapadali 'yong buhay ko dito sa Era dahil kay Ralph, e. Parang inii-spoil nya ako. Nagulat ako nang ang raming inilapag na pagkain sa mesa namin, e, rice at chicken lang naman ang ni-order ko. Tiningnan ko si Ralph na wari ay chini-check ang napakaraming pagkain para sa dalawang tao. H'wag nyang sabihin na may balak syang pakainin ako ng lahat ng 'to. Sira ang katawan ko pag ganun. I set aside the laptop at humarap sa pagkain. "Dami, ah." Suhestyon ko. Tumawa lang sya ng kaonti. Nagsimula na kaagad akong kumain upang maipagpatuloy ko na iyong ginagawa ko sa laptop nya. Labag man sa loob ko ay kumain pa rin ako ng dessert. Nakakahiya naman kasi sa kanya na ganito ka rami iyong ipinalapag nya dito, at kakaonti lang 'yong kakainin ko. "What is it you are doing?" He asked me at bahagyang iniharap nya sa kanya ang laptop. "It's the first day of school for pete's sake." Wika nya nang mabasa ang ginagawa ko sa Word. "Oo nga, e. Hindi ko rin ini-expect na bibigyan kaagad kami ng homework." Sagot ko at sumubo ng chocolate cake. "Too bad... We never had a formal class today." He said and bite at his large vegetable burger. Hindi sya kumain ng kanin. Pansin ko rin ang mga veggies sa lamesa namin. A health conscious monster. "Kaya pala pagala-gala lang kayo ng campus." Sabi ko at tiningnan sya. Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa kanila ni Faith pero nag-aalala ako baka senstive topic iyon sa kanya. "I'm on our office for almost the whole day." Wika nya. "Ano namang ginagawa mo dun?" "Checking names ng mag tr-try out sa soccer for this school year." Sagot nya habang kumakain ng lettuce. Mukhang enjoy na enjoy nya talaga ang veggies. "Ah, kaya pala." Iyon na lamang ang nasabi ko. Gusto kong malaman ang buong storya nila ni Faith pero natatakot akong may matamaan na nerve sa kanya. Iniwan ko pa naman sya kanina at tumakbo kay Marcos. Somehow, I feel bad. Nang matapos ko iyong ginagawa ko ay may inutusan syang impleyado upang i-print iyon sa loob. Feeling prinsesa tuloy ako. Kung totoo ngang ex nya si Faith, ay talaga namang ang swerte ni Faith kay Ralph. I mean, not because he's this rich pero ang bait nya rin kaya. Ako ngang babaeng kaibigan nya lang ay ganito nya itrato, paano nalang kaya kung girlfriend nya na, 'di ba? "Next week's the opening of clubs registration. What do you plan to join?" He asked me. He's looking straight into my eyes and it makes me uncomfortable. Ayokong basahin ang nilalaman ng mata nya. "I am planning to enter dance club or Glee?" I said habang umiiwas ng tingin. "Why don't you try entering the cheerleading of the school?" He said and crossed his arms. Bakit ba ganyan sya makatingin sa akin? "I'll think about it. But for now... Parang gusto ko talagang pumasok sa dance related club." Tumango-tango naman sya sa sagot ko. Dumating iyong inutosan nyang impleyado at ibinigay sa akin ang printed assignment ko. "Salamat." At ngumiti ako sa kanya. "Goodnight, Thea." Wika nya habang nakangiti sa akin. Nasa harap na kami ng dorm building ko. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. "Sorry for what Faith did." He suddenly said na nagpahinto sa akin sa pag re-remove ng seat belt. I didn't expect that he'll open up this topic. "I-it's okay. Uhm, kaano-ano mo ba sya, Ralph?" Tanong ko. He was looking straight into my eyes again. Nakakapanindig balahibo ang mga tingin nya. I shouldn't feel like this but heck, his eyes are giving me no chills. "A friend. Before. There's nothing between us, then and until now." He said. Bakas ang pagkaseryoso sa boses nya. Napalunok ako. Talaga bang magkaibigan lang sila? "Remember this always, If I say something to you.. That will always be the fact. I will never dare lying to you. Don't you ever doubt my words." He seriously said while looking at me. Naramdaman ko kung paano gumapang ang kaba sa katawan ko. His stares are murdering my chills. His words are magical. His eyes tell the sincere story. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nya. Pasimple akong umiwas ng tingin at ini-alis ang nakasuot sa aking seatbelt pero hindi ko iyon maalis. Oh, come on. "Here," and lumapit sya sa akin at inialis ang seat belt. Naiwan akong mahigpit na nakasandal sa upuan. Hindi ko alam pero hindi ako mapakalma. Nini-nerbyos ako nang hindi ko alam bakit. Bakit ba nagiging ganito? Bakit may ibang epekto ang mga sinabi nya sa akin? Nag a-assume ba ako ng meaning mula doon? "You should go now. It's almost 9." Nagising na lamang ako sa sinabi nya. Kaagad akong bumaba nang hindi sya nililingon. Tumakbo kaagad ako papasok ng building. "See you tomorrow." Rinig kong pahabol nyang sabi. Hindi na ako lumingon pa at umakyat na ng hagdan. Pinagpapawisan akong malamig. Ang bilis ng t***k ng puso ko na parang tumakbo ako sa marathon. What was that? Bakit gan'to? Napasandal ako sa pintuan ng aking kwarto nang makapasok ako dito. Hinabol ko kaagad ang hininga ko. Grabe. Nababaliw na ata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD