"Pinilit ko naman syang cottage nalang ang kunin dahil iilang oras lang naman tayo dito and I'm expecting na fully booked ang lahat ng rooms pero ayun, hindi ko alam paano nya nakuha 'tong villa." Mahabang litanya ni Eliza habang naiiling. Nakarinig ako ng sunod-sunod na mura galing kay Yshane habang amaze na amaze sa napakalaking villa na kinuha nga ni Ralph na may apat na rooms. Napailing na lamang ako. Gusto ko sanang mag worry tungkol sa malaking pera na halaga neto pero naalala kong multi-billionaire pala 'tong kasama namin, born with a royal blood, raised in a golden spoon. "Where is he?" I asked Eliza at nilibot ang tingin upang hanapin si Ralph ngunit hindi sya masagap ng mata ko. Nasa'n naman yun ngayon? "Tumunog 'yong phone nya kanina at ayun nga nag excuse upang sagotin iyon,

