"Sumama ka na sa amin, Thea. Minsan lang naman, next week ay busy na tayo dahil review week na," pamimilit ni Emy sa akin. Halos buong linggo nya na ako pinipilit para sumama sa outing ng section namin, which is not supported by our school, sariling responsibility lang namin.
Sa dalawang buwan kong pag-aaral dito sa Era, I can say... Everything is going fine naman but there are things na hindi ko pa rin maintindihan na tungkol kay Marcos at Ralph. Sa dalawang b'wan ay mas nakilala ko si Marcos, habang si Ralph naman... Hindi pa dumadating galing Europa. Oo, halos dalawang b'wan na rin sya doon. Nakakailang man'g sabihin pero miss na miss ko na sya. Araw-araw syang tumatawag sa Skype at chat nang chat sa akin sa f*******:. Halos alam ko na nga ang daily routine nya sa Europa. Sobrang miss ko na rin sya... Hindi man ganoon ka rami ang pagsasama namin, pero in the short period of time, naging malapit na rin naman ako sa kanya.
For the past two months, nasa responsibilidad pa rin ako ni Marcos. Nandyaan pa rin sya palagi para sa akin. For the first month ay sya iyong kasama ko palagi sa lahat-lahat pero nang mag simula na ang proper practice nila sa basketball ay naging busy na sya. Si Emy na iyong palagi kong kasama.
"Gustong-gusto kong sumama pero feeling ko talaga hindi ako papayagan ng tatay ko, eh," sagot ko sa kanya habang inaayos ang gamit ko sa bag. Thank God, it's friday.
"Bakit naman? Papayag 'yon. Na sige na!" at inalog-alog nya pa ang aking braso. Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil hindi ko maayos ng mabuti ang bag ko.
"Papayag lang 'yon kung..." napahinto ako sa pagsasalita nang may makita akong lalaki na nasa b****a ng room namin. Natigilan ako for a moment... Ayokong maniwala. Hindi ako makapaniwala. Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko. He is smiling widely at me habang nakasandal sa pintuan ng aming silid.
"Uy! Ano na!" Bulyaw ni Emy sa akin nang mapansin ang aking pagkakatulala, kaagad akong tumayo nang hinampas nya ako at mabilis na naglakad papalapit sa lalaki.
"N-nandito ka na," sambit ko. Hindi maalis ang tingin ko sa kanyang mukha. I can't stop myself from smiling like an idiot.
"Yep." Nakangisi nyang sagot. Hindi ko alam pero pakiramdam ko naiiyak ako... Hindi ko alam pero pakiramdam ko nagdidiwang ang loob ko. It's good to see him again. It's good to see Ralph again...
"Can I hug you?" Diretso kong tanong. This is my immediate action, this is the real response of my body. It orders me to hug him right now.
"That's pretty unusual of you, but yes." As I heard the magic word, bigla ko na lamang syang niyakap. I missed him so damn much to the point I don't know what to call this anymore.
Sa mga panahong naririnig ko ang boses nya sa telepono, ang kanyang mahinahon at malambing na boses sa tuwing kinakausap nya ako... It means a lot. The way he sentme lunch from Viex at pinapahatid sa empleyado nya sa classroom ko... It makes me feel special. All his selfies that he sent me, na sobrang nagpapasaya sa akin dahil hindi naman talaga sya nag se-selfie as I stalked his social media accounts...
I treasure them all. He slay things. He ace everything.
Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko ngayon. This unexplainable happiness I feel right now is foreign. For now, I just wanna hug him, feel him. It just feels good.
"What are your plans after this?" tanong nya habang hinahayaan nya akong yakapin sya. Mas ibinaon ko ang ilong ko sa dibdib nya, ang bango-bango nya.
"To stay here. Hug you here," sagot ko at mas hinigpitan ang yakap. Sabik na sabik ako sa kanya. Narinig ko ang mahinang tawa nya. "Miss na miss mo talaga ako, 'no?"
Kaagad naman akong tumango bilang tugon. "'I know right. But Thea, everyone's staring at us..." Pabulong nyang sabi. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap sa kanya kahit labag iyon sa loob ko. Ibinalin ko ang aking tingin sa mga natitira kong mga kaklase sa loob ng room... They are looking at us. Ang ilan ay mukhang nagulat at ang ilan ay parang kinikilig pa dahil sa tamis ng mga ngiti neto.
Dumayo ako sa aking upuan at kinuha ang aking bag. "Seriously, Thea?" Sambit ni Emy na wari ay wala sa sarili habang nakatingin sa akin. "Mauna na ako, Emy. Bye." Nakangiti kong sabi sa kanya at lumapit na ulit sa pintuan, kay Ralph.
Nauna na akong maglakad at sumunod naman sa likod ko si Ralph. Nang makalayo-layo kami sa classroom ay sumabay kaagad ako sa paglalakad nya.
"Akala ko ba next week pa ang dating mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na sya. Nasanay na rin kasi akong naririnig ko na lamang ang boses nya sa telepono. Nakikita ko na lamang ang mukha nya sa cellphone. Everything feels new, and at the same time... It feels right.
"Nah, I had to go home earlier. I can't wait to see you." Diretso nyang sabi nang hindi man lang kumukurap. How can he do it? How can he say it nang wala man lang bakas nang pag-aalinlangan? How can't he be aware na nagkabuhol-buhol ang sistema ko dahil sa sinabi nya? He's always like this, in calls and video calls but it is still affects me big time.
"C-corny," sabat ko at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay biglang umakyat sa mukha ko ang lahat ng dugo ko. Bigla na lamang nag-init ito.
"You're blushing. Namumula ka." Sabi nya na nagpabilis sa akin sa paglalakad. Kaagad nya naman akong hinabol. His tagalog accent is so cute. Naapektohan ata ang accent nya dahil sa dalawang buwang pag stay sa Europe.
"Nagugutom ako. Tara sa Viex cafe." Iyon na lamang ang nasabi ko upang maibalin sa iba ang topic. "Tara," at nagulat ako nang kunin nya ang aking backpack. Isinuot nya kaagad iyon sa kaliwang braso nya. Hindi na ako nakapag-react pa.
Nauna syang naglakad sa akin habang napahintu naman ako. Dahan-dahan kong hinawakan ang aking dibdib. Bakit ba ako nagkakaganito? Pinagpatuloy ko ang paglalakad habang nakatanaw sa malapad na likod ni Ralph. Dahil lang ba ito sa pagkaka-miss ko sa kanya o ano?
Sa pagpasok namin sa cafe ay kaagad na sinalubong kami ni Celine nang nakangiti. Si Celine ang naghahatid ng kape o lunch sa akin sa classroom palagi kaya naging malapit na rin ako sa kanya.
"May pasok ka pa?" Tanong ko sa kanya nang makaupo na ako sa inihain nyang upuan sa amin.
"Later at 6PM. So what do you want?" Nakangiti nyang sabi sa akin. Palagi akong nandito sa Viex Cafe, tuwing gumagawa ng assignments tuwing hapon at kapag nag sk-skype kami ni Ralph. Gusto nya kasing nakikita ako sa pagmamay-ari nya raw. Sounds weird, right?
"Just same and a strawberry cake," sagot ko. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Ralph na diretsong nakatingin sa akin. Wrong move, Ayet. Wrong move. Pasimple akong umiwas ulit ng tingin. Gosh, this is crazy.
"Sir?" Baling ni Celine kay Ralph. Hindi makubli sa mga mata ni Celine ang saya habang nakatingin sa boss nya. Na miss nya din ata ito. Che. Kainis, ah---Wait! What am I thinking?! Why am I getting annoyed all of the sudden? Shet.
"Amerikano and a burger for her," sabi nya at itinuro ako. "I know you like burgers so much." Dugtong pa neto. Napaawang ang bibig ko. That is what am exactly thinking... Pero nahihiya lamang akong i-order iyon dahil feeling ko magmumukha akong childish... WHAT THE HECK. BAKIT HINDI KO NGA BA IYON INORDER? What am I thinking?!
"Sige po." Magalang na sabi ni Celine at yumuko pa rito bago pumuntang counter.
Napabaling ako ng tingin sa hindi kalayuang table mula sa amin. Group of girls na kung makatingin kay Ralph ay kulang nalang hubadan nila ito. Pansin ko rin ang iilan pang istudyanteng nandito na nakatingin kay Ralph. I rolled my eyes at them nang tumingin ang mga ito sa akin. Kung pwede lang bigyan ng midfing sign ay kanina pa kumakaway ang kamay ko sa kanila. Nakakainis, e! Ang lalandi!
Sinamaan ko ng tingin si Ralph nang mapansing nasa akin pa rin ang tingin nya. "May scarf ka ba d'yan?" Tanong ko sa kanya. Nakakainis pagmasdan ang mukha nya. Ang sarap nyang itago sa bulsa ko. Bakit ba kasi ganyan sya ka gwapo? Nahihirapan tuloy ako.
"What? Aanhin ko ang scarf?" Nakakunot noon'g aniya. Bumuntong hininga ako at binuksan ang aking backpack. Kinuha ko doon ang aking mask, hindi ko pa ito nagagamit. Ibinigay ko iyon sa kanya.
"Paki-takip sa mukha mo bago pa ako mainis at maupakan iyong mga nakatingin sayo." Madiin kong sabi na nagpalaki ng mata nya. Maya-maya pa ay dahan-dahan itong tumawa.
"Ano? Isuot mo na!" Naiinis kong bulyaw sa kanya. Unti-unting nawala ang tawa nya at isinuot iyong mask. "Better," sambit ko at tiningnan ulit ang mga babae sa kabilang table. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha nila nang makitang tinakpan ni Ralph ang kalahating mukha neto. Napangisi naman ako.
"Buti nga sa inyo." Mahina kong sabi at ibinalik ang tingin sa harap, kay Ralph. Mapapansin na nakangiti ito habang nakatingin sa akin. His eyes are smiling and bakat ang bibig nya sa mask.
"Why're you smiling?" Tanong ko sa kanya. "You are so possessive." Aniya na mapapansin ang pagtawa sa pagitan ng mga salita nya. Tumikhim ako at inaayos ang pagkakaupo.
"I am not possessive, okay? Nakakainis lang talaga sila makatingin." At tinaasan ko pa sya ng kilay. Bakit naman ako magiging possessive, 'di ba? At hindi iyon pagiging possessive! It is just... Uhm...
"Okay okay." natatawang sagot ni Ralph. "You'll go tomorrow?" Tanong nito. I'm sure he is referring to the outing of my class. "San mo naman yan nasagap?"
"I overheard earlier. Why wouldn't you come?" Aniya na hindi masyadong klaro dahil sa mask pero naintindihan ko naman, kesa naman alisin nya iyon.
"Baka hindi ako payagan ni Papa." At napangiti ako nang dumating na ang aking burger! Ang sarap ng burger dito!
"Try to ask him." He said. Tumango naman ako.
"Wow! Ang ganda dito!" Masayang sambit ni Emy at umikot-ikot pa sa buhanginan. Napatawa naman ako. "Grabe talaga si kuya Ralph!" Sigaw nya pa. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aming cottage.
"Anong Ralph?" At lumapit ako sa kanya. "Anong connect ni Ralph dito?" Dugtong ko.
"H-ha? Wala, ah. Sabi ko ang gwapo ni kuya Ralph..." Nauutal nyang sabi at nakangisi pa ito sa akin. There is something I am not aware.
"H'wag mo nga akong lokohin, Emy. Ano na? May connection ba si Ralph tungkol sa outing natin?" Naniningkit ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Napa buntong-hininga naman ito.
"Bakit ba kasi ang daldal ko..." Bulong nya sa kanyang sarili habang nakakamot sa kanyang ulo. "Sponsored nya ito. Okay na?" Naiinis nitong sabi. Nanlaki naman ang mata ko.
Kaya pala ang biglaan ng outing na ito at dito po talaga sa sinasabi kong gusto kong puntahan. Kaya pala free ang lahat, ang buong akala ko ay isa sa mga kaklase ko ang sumagot sa lahat. Iyon pala sya...
"Asan sya?" Tanong ko kay Emy.
"A-anong asan sya? Aba, ewan ko." Aniya at umiwas ng tingin. "Sasapakin na talaga kita, Emy. Nasan sya?" Seryoso kong sabi.
"Bakit mo ba ako ginaganito?! Makikita mo rin sya mamaya." Naiinis nitong tugon. Tinalikuran ko naman kaagad sya.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti... Again, he slays it. He is born to slay everything he's doing.
Kung si Marcos ay unconsciously perfect without even trying... Well Ralph know how to slay everything he touches, and I think that's beautiful.
"Thea, si Marcos." Sabi sa akin ni Gella, ang aking kaklase habang nakaturo sa hindi kalayuan. Napatingin naman ako doon. There... There I saw Marcos, standing there with... Zarrah?
"I heard na nagkabalikan na daw sila ni ate Zarrah?" Tanong nya pa sa akin. Hindi ko sya nilingon. Kung meron man'g taong unang makakaalam niyon ay ako. I am always with Marcos. But yes, nagkabalikan na nga sila. Matagal na. Tanggap ko na rin na hindi kami pwede ni Marcos. Isang batang kapatid lang ang tingin nya sa akin. Yes, I cried a lot. Pagkatapos kong masaktan ay natutunan kong bigyan ng pansin ang ibang bagay, ang ibang tao.
Tumango ako kay Gella bilang tugon. Tumango-tango naman ito at iniwan ako sa loob ng cottage. They look happy and contented. I love watching Marcos this happy nang walang bakas na pagkalungkot sa kanyang mata. Iyong totong saya.
"Why are you here? Aren't you supposedly be grilling pork?" Nagsitindigan ang aking balahibo nang marinig ang boses na iyon. Kaagad akong lumingon. Napangiti ako ng malapad sa kanya.
"Ayoko. Ayoko sa usok." Nakangiti kong sagot sa kanya. Napanguso sya nang paloko at ginulo ang buhok ko. "What are you wearing?" Aniya na diretsong nakatingin lamang sa mukha ko. Ni ayaw nyang tingnan ako pababa. Ang cute nya.
"Hello, beach kaya ito, Ralph. Wala ba 'to sa bundok nyo?" Pang-iinis ko sa kanya. Tumawa na lamang ito. "Just change..." Pagpupumilit nito.
"Ano bang masama sa suot ko? Bikini top and a shorts! Shorts, Ralph!"
"Kahit na. Sige na. Iikot tayo sa isla, ayokong nakaganyan ka." Seryoso nyang saad. Napatawa na lamang ako sa tagalog nya. Trying hard.
Baka sya itong dapat tawaging possessive, e.