Panay ang tawag ni Grey kay Wommie pero hindi iyon sinagot ni Wommie. Hindi pa rin niya makalimutan na idiniin siya ni Grey at Rem sa harapan ng pamilya niya. Kung wala si Serina ay baka nalagay na siya sa mental hospital. Humingi naman ng tawad ang mga kapatid ni Wommie sa kaniya at lahat ng kapatid niya ay naging overprotective na sa kaniya. Bumabawi talaga ang tatlo at halos ay ini-spoil na siya. Bagay na hindi inaasahan ni Wommie dahil kahit noon pa man, hindi ganoon ka showy ang mga kapatid niya sa kaniya.. Kaya siguro naiinggit siya kay Grey dahil nakakabiruan ni Grey ang mga kuya niya bagay na hindi niya naranasan. She's distant to them hanggang sa lumaki siya. Gaya nalang ngayon, kakarating lang ni Woxis sa trabaho niya at agad niyang hinanap si Wommie na nasa sala at nanonood

