"So saan ka galing no'ng nakaraang linggo?" takang tanong ni Trooper. "Nagbakasyon nga ako," saad naman ni Wommie habang kumakain ng spaghetti. "Nagmo-nove on?" tumingin si Trooper sa reaction ni Wommie. "Hindi noh. May bago na akong crush ngayon," nakangiting sagot ni Wommie sa kaniya. Nalukot ang noo ni Trooper. "Sino?" curious na tanong niya sabay punas ng sauce na nasa labi niya. "Secret." Sagot ni Wommie sabay kindat. Sumandal si Trooper sa inuupuan niya at tinignan ni Wommie. "Kung iba na crush mo ngayon, hindi ka na galit sa boss natin?" alam ni Trooper ang dahilan bakit galit si Wommie sa boss nila. Lahat yata ng sama ng loob ni Wommie ay sinasabi sa kaniya. "Hindi naman dapat ako magalit sa kaniya hindi ba kasi kahit naman hindi ako aamin kay Rem, kung ako ang gusto niya hi

