The day has come kung saan ay manganganak na si Wommie. Katawagan ni Aru ngayon si Clark, na siyang nag-aasikaso sa MGC habang wala siya. Alam ni Clark kung nasaan si Wommie ngayon at kung bakit kailangan ilihim ni Aru ito sa kanila kahit sa pamilya niya. “Ako na bahala kina mommy at kay Clarissa pati na ng kumpanya. Isipin mo nalang muna si Wommie diyan.” “Salamat Clarky,” nag-alalang sabi ni Aru. “No problem, Aru. Just call me kung may kailangan ka.” Kasama ngayon ni Aru si Amelie pati na si Wommin, na siyang kasama niya sa paglipad nito papuntang Cyprus. Kakarating lang nila kanina at naisugod na sa hospital si Wommie. Kaya hinihintay nalang nila na maipanganak ni Wommie ang anak nila. “Pa, tatawag na ba tayo ng magaling na doctor?” tanong ni Aru kay Wommin. Hindi pa kasi niya nak

