"Ma, ayos lang po ba si Aru? Tumawag na kaya tayo ng doctor?" nag-aalalang tanong ni Wommie sa ina niya. Nang tumambad si Aru sa kanila kanina, bigla rin itong nahimatay sa pintuan. "Na check na siya ng nurse anak. Sobra lang talaga siyang pagod. Hayaan na muna natin siyang magpahinga." Napabuntong hininga si Wommie. Imbes siya ang dapat na kailangan ng pahinga dahil bagong panganak, iba ang nangyari. Si Aru pa ang nadala si ER. "Naku apo, nakakatuwa talaga ang papa mo." Natatawang saad ni Amelie na kanina pa nilalaro ang apo niyang tulog naman. "Ma, puntahan ko kaya si Aru?" "Huwag na muna. Magpahinga ka na muna diyan. Yun naman ang bilin ng doctor mo sa'yo." "Pero kasi mama, nag-alala ako sa kaniya e. Sabi ko naman sa kaniya na huwag na siyang pumunta dito." Napapailing nalang t

