CHAPTER ONE
Rejected.
“Naveah? Bakit mo naman sinapak?” tanong ko sa anak kong nakasimangot.
Pinatawag kasi ako sa Principal kanina dahil may sinapak daw na kaklase itong si Naveah. Tumawag ang Teacher ni Naveah sa office ko at binalita sa akin ang ginawa ng anak ko. Kaya naman ay kahit busy ako sa trabaho ay pumunta ako para makipag usap sa Principal at Teacher nito.
Naloloka ako sa batang ito. Hindi naman siya ganito dati. She suddenly changed after she met her father. I don’t know why.
Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib. “Sabi niya kasi wala akong Daddy eh! Meron kaya akong Daddy! Hindi nga lang ako tanggap!” nakasimangot na usal Naveah.
Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa narinig mula sa anak.
Tumikhim ako. “Anak, don’t say that,” saway ko rito.
Ngumuso ito. “Totoo naman po, Mommy. Bakit po hindi siya pumunta no’ng birthday ko?” Puno ng pagtatampong tanong nito sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot. Birthday niya last week. Inantay niya ang Daddy niya pero... hindi ito dumating sa kaarawan niya.
Saksi ako kung paano nasaktan at umiyak anak ko no’ng kaarawan niya. Sinubukan kong tawagan si Tyrion no’n kaso hindi nito sinasagot ang tawag ko.
“B-Baka busy lang anak...” pagpapalusot ko. Nilapitan ko ito at hinaplos sa pisngi.
Kita kong nanubig ang mga mata nito. Naawa ako sa anak ko. She’s hurt because of her father’s treatment of her. Binuhat ko si Naveah kahit na sobrang bigat na niya. Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya na nakatakip sa mukha niya.
“M-My ibang family po siya... buti pa si Rowen mahal niya po... same po kami ng birthday... nando’n po si Daddy. Nakita ko po sa post nila sa i********:,” she mumbled.
Nasasaktang tiningnan ko ito. “Anak, mahal ka ng daddy mo, wag mong isipin na hindi ka mahal ng daddy mo,” I said gently.
“H-Hindi naman po iyon totoo... hindi ako mahal ng Daddy ko.” Basag na boses na sabi niya sa kin.
“Paano mo naman nasabi yan anak?” I bit my lower lip. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak sa harap ng anak ko.
“Kasi Mommy... hindi niya ako magawang tingnan— s-sakit po.” Sobrang sakit sa akin marinig ang mga salitang iyon galing sa anak.
“Saan masakit anak?” naramdaman kong may luhang tumulo sa pisngi ko.
“Dito po,” sabi niya sabay turo sa bandang dibdib niya.
Napatakip ako sa bibig. “S-Sorry anak ha?” I said while stopping my sob.
“Gusto mo e kiss ni Mommy para mawala ang sakit?”
“H-Hindi naman po mawawala ang sakit kahit e kiss mo, Mommy,” sagot nito. “Kaya ko po sinapak ang kaklase ko kasi binubully nila ako. Na wala daw akong Daddy.”
I wiped my wet cheeks. “Sa susunod anak, wag mo na lang patulan ha? Susubukan kong kausapin ang Daddy mo. Wag ka na sad.” Hinaplos ko ang pisngi nito at hinalikan sa noo. She hugged me and buried her face in my chest.
“Gaga ka kasi, ginulat mo ba naman!” Biglang sulpot ni Harvey.
Kunot-noo ko itong tiningnan. Lumapit ito sa amin at kinuha mula sa akin si Naveah at siya na mismo ang bumuhat. Ininat-inat ko naman ang mga nangangalay na braso ko.
Ang laki na talaga ng princess ko. Ang bigat-bigat na.
Harvey kissed Naveah’s cheeks. Gamit ang kamay ay pinunasan ni Harvey ang luha sa pisngi ng anak ko.
“Andito naman ako, kaya wag ka ng maghanap ng daddy!” sabi niya sabay kiliti ng anak ko.
Naveah giggled. “Stop it, Tito Harvey!” natatawang sigaw nito sabay sampal kay Harvey nang malakas.
Nalaglag ang panga ko. Natigil sa pag kiliti si Harvey kay Naveah. Habang si Naveah naman ay nanlalaking mga matang napatingin sa pisngi ng Tito Harvey niya. Bakat na bakat ang kamay ng anak ko sa pisngi ni Harvey.
Humagalpak ako ng tawa habang tinuturo ko ang mapulang pisngi ni Harvey.
“Ayan kasi...” Napahawak ako sa tiyan ko kakatawa.
Nanggigil namang binaba ni Harvey si Naveah.
Maarte itong tumili. “Ouchy! Bakit mo ako sinampal na bubwit ka!?” gigil na untag nito kay Naveah.
“Ikaw po kasi eh!” sagot ni Naveah kay Harvey.
“Anong ako?”
“Ang pangit mo po kasi! Sabing ayaw kitang maging Daddy ko!” sigaw ni Naveah.
“Aba! Kasalanan ko pa?! Lumapit ka nga ritong bata ka ng masabunotan kita!” nangangalaiting sigaw ni Harvey sa anak ko.
Mabilis na nagtago sa likod ko si Naveah.
“Huy Harvey! Tumigil ka nga!” saway ko kay Harvey.
Baklang to talaga. Pati anak ko pinapatulan!
Nagpapasalamat ako na nandito si Harvey. Napapasaya niya kaming mag ina. I don’t know what to do without him. Siya ang karamay ko at tumulong sa akin sa pagpapalaki kay Naveah. Alam ko kahit hindi man sabihin ni Naveah kay Harvey. She treated him like her own father.
Trip lang talaga asarin ni Naveah si Harvey. Kaya lagi silang nag-aaway dalawa.
Kahit bakla ka, hindi ibig sabihin na wala kang karapatang maging ama, iba mag alaga ng anak ang mga bakla. Kahit hindi pa nila totoong anak iyang batang yan basta napamahal na sa kanila, talagang ituturing nila itong parang tunay na anak.
“Ma’am?” Napatigil ako sa pag tawa at napalingon ako sa sekretarya kong kakapasok lang sa office ko.
Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. “Alam mo ba ang salitang katok bago pasok?” mataray na sabi ko rito.
Napayuko ito. “Kumatok naman po ako, hindi mo lang ata narinig,” sagot nito sa magalang na boses.
I sighed. “Ano ba ang sasabihin mo?”
“May gusto po kasing makipag-usap sa iyo, Ma’am.”
Tumaas ang isang kilay ko sa narinig.
“Sino?” tanong ko.
“Ako.” Napatingin ako sa taong kakapasok lang.
Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita ko kung sino ang gustong makipag-usap sa akin.
“What brings you here, Angie?” Imbes na sagutin ang tanong ko ay malakas na sinampal ako nito dahilan kung bakit napabaling ang mukha ko sa ibang direksyon.
Napahawak ako sa nasaktang pisngi ko.
“Hey! Don’t hurt my Mommy!” rinig kong galit na sigaw ng anak ko.
“Your mom deserves a slap! Because she’s seducing my husband! Your mom is a b***h!” She angrily shouted.
“My Mom isn’t like that!” Naveah exclaimed.
“Huy babae, maghinay-hinay ka sa sinasabi mo. Baka makalimutan kong bakla ako at masapak kita diyan.” Humarang sa akin si Harvey para protektahan ako.
“Pagsabihan mo iyang malandi na iyan! Nilalandi niya ang asawa ko! Sinisira niya ang pamilya ko!”
“Ano ba ang pinagsasabi mo?!” Harvey scowled.
Mabilis akong tinuro ni Angie. “Ask that b***h,” she said while glaring at me.
Napalingon sila Harvey at Navaeh sa akin.
“Marguerite?”
“Mommy?”
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila.
“Hindi ka makasagot kasi tama ako! Nilalandi mo ang asawa ko! Isa kang puta!”
I looked at Angie. “You have no proof,” mariing sabi ko.
May kinuha ito mula sa bitbit na bag. Walang sabing tinapon nito sa mukha ko ang mga litrato. Kinuha ko ito at tiningnan.
It's a picture of me and Tyrion. Nasa isang bar kami nito. Ito iyong time na sinundan ko si Tyrion at pilit na kinakausap para pumunta siya sa party ng anak ko. Nagmumukha kaming naghahalikan dahil sa angulo ng pagkakuha ng litrato sa amin.
Humigpit ang hawak ko sa litrato.
“Anong klaseng babae ka at pumapatol ka sa lalaking kasal na?! Malandi ka talaga!” umiiyak na sigaw ni Angie.
Akmang sasabunotan ako nito ng maunahan siya ni Harvey.
My eyes widened in shock. “Sabing maghinay-hinay ka sa sinasabi mo!”
“Go Tito Harvey!” My daughter cheered.
“Aww! Let me go!”
Hindi ko alam ang gagawin ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko habang tulalang nakatingin kay Harvey na sinabunutan si Angie.
Hinarap sa akin ni Harvey si Angie na maraming kalmot sa mukha.
I looked at Harvey. “Stop it, Harvey...” mahinang sabi ko.
“Payag ka na pagsalitaan ka ng gano’n ng babaeng ito? Kala ko pa naman mabait to!” gigil na sambit nito.
Masama ang tingin nito kay Angie.
“Pinagtatanggol mo pa talaga iyang kabit mong kaibigan!” sigaw ni Angie habang pilit na kumakawala sa higpit ng hawak ni Harvey sa buhok niya.
Nagpakawala ako ng isang mabigat na buntong-hininga. “O-Okay lang ako, bitawan mo na siya, Harvey.”
Walang nagawa si Harvey at binitawan na si Angie. Maraming kalmot ang mukha at braso ni Angie.
Naawa ako rito kaya naman ay mabilis ko itong nilapitan at tutulungan na sana ng hindi ko inaasahang tinulak ako nito. Dahilan kung bakit napaupo ako sa sahig.
“Tanginang babae talaga oh!” sigaw ni Harvey.
“Harvey!” sigaw ko sa pangalan ni Harvey na malakas na tinulak nito si Angie.
Nag-aalalang nilapitan ako ni Harvey. Tinulungan ako nitong tumayo. “Are you okay?” He worriedly asked me.
I nodded. “Oo,” sagot ko.
“H-Help…” Napatingin ako kay Angie na ngayo’y dumudugo ang noo.
Nanlaki ang mga mata ko.
“A-Angie…” tanging naiusal ko.
Bumukas ang pintuan at niluwa no’n si Tyrion. Para akong binuhosan ng malamig na tubig ng magtagpo ang tingin namin. Bahagya akong napaatras sa takot dahil sa madilim nitong ekspresyon.
Nilibot nito ang paningin sa loob ng opisina ko at huminto ito sa direksyon ni Angie. Malalaking mga hakbang na nilapitan niya ang asawa.
Nakita ko kung paano mas dumilim ang mga mata nito ng makitang dumudugo ang noo ng asawa.
I gulped.
“What did you do? Marga?” His piercing gaze narrowed at me.
“She slapped Mommy first! It’s her fault!” Pagtatanggol ng anak ko sa akin.
“I-I-I…” tulirong sabi ko.
“P-Pinagtulungan nila ako...” hikbing sumbong ni Angie kay Tyrion.
“H-Hindi... T-Tyrion...” nauutal na tawag ko kay Tyrion.
“Huy impakta! Ikaw ang nanugod dito!” gigil na sigaw ni Harvey kay Angie.
“G-Gusto ko lang naman sanang pakiusapan si Marga n-na wag sirain ang pamilya natin. P-Pero sinampal niya ako bigla!”
“L-Liar!!” sigaw ko kay Angie.
Siya ang unang nanampal. Ang kapal ng mukha niyang baliktarin ang kwento.
“Shut up!” napaigik ako sa sakit ng bigla na lang higitin ni Tyrion ang braso ko.
“Tyrion, l-let me go...” nasasaktang sabi ko at pilit na tinatanggal ang hawak niya sa braso ko pero nabigo ako sa higpit ng hawak niya.
Walang emosyon ako nitong tiningnan. His lips were tightly pressed together. “Kung ano man ang pinaplano mo, Marga, itigil mo na iyan. I have a family for pete sake! Wag mo kaming sirain!” sigaw nito.
Napahinto ako sa pagpupumiglas at tiningnan ito.
“P-Paano na lang ang anak natin, Tyrion? She needs you too!”
“She’s not my child, Marga,” he firmly said while clenching his jaw repeatedly.
“W-What?” gulat na untag ko.
Nangilid ang mga luha ko sa narinig ko.
“Wala akong anak sa iyo at kung meron man. Hindi ko tatanggapin.” Tiim bagang na saad nito.
Narinig kong humikbi ang anak ko. Agad na kumulo ang dugo ko at walang sabing sinampal ko ng malakas sa pisngi si Tyrion.
Napabitaw ito sa akin.
“Pagsisisihan mo ang sinabi mo, Tyrion! Sisirain ko ang pamilya niyo! Wala akong pakialam sa anak niyo na masasaktan sa gagawin ko!” naluluhang sigaw ko.
Matapang ko itong tiningnan sa mga mata at ngumisi.
“Mommy, s-stop it na po... k-kung ayaw ni D-Daddy sa akin... a-ayaw ko na rin po sa kanya.” Napatingin ako sa anak ko ng nagsalita ito habang humihikbi.
Tangina naman. Mabilis akong umiling-iling.
“No. Hindi ako papayag. Anak ka rin ng Daddy mo kaya nararapat lang na kilalanin ka niya bilang anak at hindi lang ang Rowen na iyon ang magiging anak niya!” I furiously shouted.
“Tanggapin mo na lang ang katotohanan, Marguerite. Matagal na tayong tapos. For f**k sake! Stop it! Wala kang mapapala sa akin! Stop being pathetic! b***h!” galit na sabi nito. Inanalalayan nito ang asawa na tumayo. Lumabas na sila ng hindi man lang kami binibigyan ng tingin ni Tyrion.
My fist clenched tightly. How dare you hurt my daughter, Tyrion? All I wanted was for you to accept my daughter and love her. But what did you do? You hurt her. Hindi lang kami ang dapat magdusa. I swear, Tyrion. Pagsisihan mong binalewala mo kami ng anak mo.