CHAPTER 3—SEDUCING TYRION

1552 Words
CHAPTER THREE Seduce. "Anak, did you enjoy shopping?" I asked my daughter while sipping my red wine. Nakasandal ang likod ko sa sandalan ng upuan habang naka de-kwatro. Masayang tumango-tango si Naveah habang nakatingin sa maraming paper bags na may tatak ng mga mamahaling brand. Marami kaming mga nabili since medyo matagal-tagal na rin no'ng huling shopping namin- last month I think? Nasa loob na kami ng private plane ngayon. We're now heading to Italy to have dinner there. I already booked a reservation at an expensive and famous restaurant there. "Mommy, thank you po!" Naveah said, smiling. Puno ng pagmamahal na nginitian ko ang anak ko. "You are welcome, anak," I lovingly replied to my daughter. Masaya ako kahit mag-isa lang ako ay kaya kong ibigay sa anak ko ang mga gusto niya at napapasaya ko siya. After we got off the private plane, one of my men approached and led us to a vehicle waiting for us. He opened the door for us. Una kong pinapasok ang anak ko bago ako pumasok. Isinara na niya ang pinto ng sasakyan at tinungo ang sasakyan sa harap namin. Ang ibang guards naman ay pumasok na rin sa isang sasakyan sa likod. Nagsimula nang umandar ang sinasakyan namin. Kinuha ko mula sa bag ko ang cellphone ko at nag s-scroll sa Twitter. Pinost ko ang picture ni Naveah na natutulog kanina sa plane. Napangiti ako habang nakatitig sa larawan ng anak ko. She's so cute. She's pouting in the picture. I chuckled and type a caption to my post. My tressure. In just a few seconds, it immediately garnered a lot of likes and many tweeted to my tweet. Habang nag s-scroll ako sa Twitter ko ay biglang may isang message ang nag pop-up sa notification ko. Binasa ko ito. From: Unknown You're too enjoying, dear. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Mabilis ko itong binura. "Mommy," tawag ng anak ko sa akin kaya nilingon ko ito. Binalik ko na ulit sa loob ng bag ko ang cellphone. "Hmmm?" Tinitigan ako nito ng ilang sandali bago umiling-iling. Parang may gusto itong itanong sa akin pero pinipigalan niya lang ang sarili na magtanong. "W-Wala po, Mommy..." Umiwas ito ng tingin sa akin. I let out a heavy sigh. I know she wants to ask about her Dad. "Naveah, is it about your Dad?" marahang tanong ko sa anak. Napatingin ito sa akin. I stared into her eyes. There's longing and sadness in her eyes. She slowly nodded her head. Hindi ito makatingin sa akin. "Mommy, kahit sobrang sakit po ng mga sinabi ni Daddy sa akin. I still love him po kahit hindi niya ako love, kasi Daddy ko pa rin siya. P-Pero Mommy... h-hindi ko na lang po ipipilit ang sarili ko sa kanya. Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko na rin po siyang maging Daddy ko. Ayaw ko na pong masaktan. Napalaki niyo nga po akong walang Daddy siguro naman po kakayanin kong wala siya sa buhay ko." As she said those words, tears started to pool in her eyes. I was speechless. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa anak ko. "N-Naveah..." hindi ko alam ang sasabihin ko. "Mommy, I don't need a Daddy because you're already enough for me." Sinandal niya ang ulo sa balikat ko. "R-Really?" garalgal na boses na sabi ko. Naramdaman kong may luhang tumulo sa pisngi ko. Naveah looked at me. She kissed my cheeks. Gamit ang kamay niya ay pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi ko. "Ayaw ko na po kay Daddy, pinapaiyak niya tayo. Kay Tito Harvey na lang ako. Pangit ka bonding ni Daddy. Buti pa si Tito Harvey kahit bakla po siya willing siyang maging Daddy ko." Nakangusong sambit ni Naveah. I chuckled. Niyakap ko ito at hinalikan sa ulo. Pagod na binagsak ko ang katawan sa malambot kong higaan. Kakauwi lang namin. Bandang alas tres na nang madaling araw nang sulyapan ko ang orasan. I sighed as I stared at the chandelier in my room. Nakakapagod. Pinikit ko na ang mga mata ko. Dala rin siguro ng sobrang pagod ay nakatulog agad ako ng hindi pa nakakapag bihis at ligo. Bukas na lang ako magbibihis at maliligo. Sa ngayon kailangan ko ng magpahinga. *** "Bye, anak." Hinalikan ko ang anak ko sa pisngi nang maihatid ko ito sa skwelahan niya. "Bye po, Mommy, I love you!" Naveah said, which made me smile. "Anak, iyong inhaler mo, wag mong kalimutan ha? Wag magpakapagod para hindi ka hingalin," paalala ko sa kanya. "Opo!" "Sige na, aalis n-" Naputol ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa isang sasakyan na huminto sa harapan namin at lumabas ang taong hindi ko inaasahang makikita rito kasama ang kanyang asawa at anak. I cleared my throat. "Ihahatid na kita sa room mo, anak." I changed my mind. "Po?" gulat na napatingin ang anak ko sa akin. Hindi ko na sinagot ang anak ko at bumaba sa kotse ko at pinagbuksan ng pinto ang anak ko sa passenger seat. Inalalayan ko itong makababa. Hinawakan ko sa kamay si Naveah at naglakad na kami. Napangisi ako ng makita kong nakaharang sa daanan namin si Angie kaya naman ay binunggo ko ito sa balikat nang malakas. Muntik na itong matumba. I chuckled. "What the..." Napatingin si Angie sa akin hawak-hawak ang balikat. Masama ako nitong tiningnan. I faked a gasp. "Ay ikaw pala iyan, sorry hindi kita nakita." Hindi sincere na pagpapaumanhin ko. "Anong hindi nakita?! Bulag ka ba?!" galit na sigaw niya sa akin. "Ano sa tingin mo?" Lumapit ito sa akin at akmang sasabunotan ako kaya naman ay mabilis kong pinalayo ang anak ko para hindi ito madamay at tinulak nang malakas si Angie. Kung hindi lang siya nahawakan sa bewang ni Tyrion malamang kahalikan na niya ang sahig ngayon. Sayang naman. "Marguerite." I smirked when I heard him calling my name. I looked at him. "Hi babe!" bati ko sa kanya. Lumapit ako rito at hinalikan ito sa labi. Sa harap mismo ni Angie. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan. Tinulak ako palayo ni Tyrion sa kanya. I licked my lips while staring directly into his eyes. Malamig lang itong nakatingin sa akin habang paulit-ulit na tumitiim ang bagang. I'm just starting, Tyrion. I silently said in my mind. "Mommy." I heard my daughter call me. Ngumiti ako sa anak ko at nilapitan ito. "Naveah, tara na. Mala-late ka na sa klase mo." Hinawakan ko siya sa kamay. Hindi sumagot si Naveah sa akin at tahimik lang. Pansin kong hindi nito binibigyan ng tingin ang ama. Tinalikuran na namin sila. Binigyan ko ng huling sulyap si Angie at ngumisi. *** "Can we join you guys? Ang sarap niyo kasing tingnan magpamilya... parang ang sarap sirain," I said while smiling meaningfully to them. Nakangising pinagmasdan ko silang tatlo. Pumunta kami dito ni Harvey pagkatapos naming sunduin si Naveah sa school para kumain. Malapit lang ito sa skwelahan. Hindi ko alam na maabutan namin sila Tyrion dito. "Hindi ka welcome rito." Angie scoffed. Tinaasan ko siya ng kilay. "Marguerite." I turned to Tyrion who called me. "Yes, babe?" I sweetly said. "What the hell?" Padabog na binaba ni Angie ang hawak na kubyertos sa narinig. Hindi ko siya pinansin. Nilingon ko sa gilid ko ang anak kong tahimik lang. Yumuko ako ng konti. "If you're not comfortable around your dad, anak. Go back to your Tito Harvey," I whispered to her ears. My daughter smiled at me and nodded. "That's a good idea, Mom." Hinintay ko muna ang anak kong makalayo sa amin bago binalik ang tingin sa harapan. Nginitian ko sila. Umupo na ako sa isang bakanteng upuan kaharap kay Tyrion. I don't need their approval. Uupo ako at sasabay sa kanila kung gusto ko. Sobrang ganda ko ata at hindi nila matanggal ang titig nila sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay. "Continue eating, I'll just order my food," I said to them when I noticed that they were still staring at me. I know that they're not comfortable with me eating with them which is my plan. "Bakit ka ba nanditong babae ka ha?" biglang salita ni Angie na hindi na nakatiis. Tiningnan ko lang ito. Mainis ka lang diyan. Tinawag ko ang isang waiter na papadaan lang sana. Ibibigay na sana nito ang hawak na menu sa akin pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan ito. I smiled at him. He blushed, and I saw it. "No need, iyong order ko ay iyong katulad ng sa kanya." Tinuro ko ang kinakain ni Tyrion. Napatingin naman ang waiter sa tinuro ko. Tumango-tango ito at nagpaalam na umalis na para ihanda ang order ko. Hinarap ko na ulit sila Tyrion. "So babe, how's your life without me? Anim na taon na ang nakalipas simula ng huli tayong magkita." Tinukod ko ang dalawang siko ko sa lamesa. "Better," maikling sagot nito. "Really? Hmmm..." Tinaas ko ang paa ko. Nakasuot ako ng high heels kaya naman ay ginamit ko ito panghagod sa kanyang hita pataas sa nakaumbok na pantalon niya. Pinagmasdan ko ang reaksyon nito. I bit my lower lip. Hard. Nakita kong napainom siya ng tubig sa ginawa ko. I smirked. You're still a man, Tyrion. You still have a weakness. And I'll use it to ruin your family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD