MITCHELL MONDRAGON
SUMANDAL ako sa sofa at pumikit sandali. "Ano'ng gusto niyong gawin ko?" tanong ko uli sa kanilang dalawa. Hindi ko naman alam kung ano ang pwede kong itawag sa kanilang dalawa dahil hindi ako sigurado kung mag-asawa ba sila. "At isa, bakit ako? Si Red?" Ako na mismo ang umiling. Masyadong kilala na si Red at may laban na kinakaharap ngayon ang dalaga. "Si Maya pala?"
"Ohh, Mitchell. Isa pa si Maya sa problema ko."
Naguluhan ako sa narinig ko. "Bakit?"
"Nawawala si Maya. Six months ago na rin."
"Hindi ba't nagpaalam ang isang iyon na uuwi lang sa kanila? Paanong nawawala?" salubong ang kilay na usisa ko.
"Nakita ang sasakyan niya sa baba ng bangin. Based on the cemented ground, sinadya na banggain si Maya at hindi lang isang aksidente ang nangyari."
"May—" Napasabunot ako. Hindi ko makuhang sabihin ang gusto kong itanong. "M-may bangkay bang natagpuan—pero hindi ba't nawawala lang kaya imposible na patay na si Maya. She's a fighter kaya imposible na hindi siya nakatakas kahit pa sabihing binigla lang siya ng kung sino."
"I hope that too. Si Mhridel rin ay hindi ko rin pwedeng utusan, she's on the verge of vengeance because of her sister's death."
"Ako rin ay hindi na makakilos dahil bukod sa wala na akong salapit at mga tauhan tulad ng dati ay alam ko ring galit ang anak ko sa akin. Lalo pa at kung hindi ako naging mahina noon ay hindi mangyayari ang bagay na ito sa kasalukuyan. Miyembro rin ng Prestige si Antonio that is why he's untouchable." Parang nauupos at walng magawang napayuko na lang si Manolo.
"I know you can help us, Mitchell. I want my sister back at kung kaya ko lang ngayon ay hindi ko hahayaang makasama niya ang hinayupak na Arzaga na 'yon." Mula sa pinto ay iniluwa noon si Jax. Nagitla pa ako nang makita ang kalagayan niya.
"Uno! Ano'ng nangyayari sa iyo, brod?!" gilalas na tanong ko.
"Tinamaan ng lintik. Kung hindi pa dahil kay Red ay inuuod na kami ngayon."
Jax or Uno. Taga-Bird's eye rin siya at kaibigan namin ni Simon. Lingid sa kaalaman ni Manolo ay nagtatrabaho bilang agent si Jax sa Bird's Eye. Magaling at matinik 'tong isang 'to kaya hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang hisura niya ngayon! Visible pa ang bugbog sa katawan niya at may semento pa yata ang paa dahil kailangang gumamit ng saklay.
"Bakit hindi ka lumaban?"
"Marami sila."
Tumayo si Athena para alalayan si Jax kaya nakita ko kung gaano kalaki ang resemblance nilang dalawa.
Kaya pala, sabi ko na lang dahil nagtataka ako dati kung bakit pamilyar sa akin ang mukha ni Jax when the first time I met him.
"Tsk! Usap tayo nila Simon mamaya. Pag-usapan muna natin ang tungkol sa kapatid mo. Ano ba'ng hitsura?"
Iniabot sa akin ni Manolo ang isang litrato. "Alexis Javier is her name, hija."
"Ohh!" Hindi ko napigilan ang bunganga kong mapasigaw dahil kilala ko ang babaeng nasa litrato.
Paano ko nga ba makakalimutan ang babaeng 'to? Eh, umabot ng isang buwan bago nawala sa isip ko ang maliit pero sexy na dancer na ito. Nakakahiya mang sabihin pero pinagnasahan ko rin sa isip ko ang anak pala ng boss ko. Kay Red ay hindi ko naranasang mag-init ang katawan ko kahit pa masagi ko ang balat niya pero sa babaeng 'to ay kakaiba inaabot ng imahinasyon ko.
"Mitchell?" untag sa akin ni Athena.
I cleared my throat. Medyo nawala ako sa wisyo nang makita ko ang mukha ng babae sa picture. Pakiramdam ko tuloy ay pinagpapawisan ako nang malapot. Ang lakas din ng t***k ng puso ko.
"Ahh, yeah?" tanong ko.
"Have you met her? Our daughter?" Nilingon ko si Manolo nang itanong niya iyon. May nakikita akong pag-asa sa mga mata niya.
"Yeah. Before I left here six months ago. Nakita ko siya sa—" Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanila. Napangiwi ako at kalaunan ay nagkibit balikat. They need to know at isa pa, dahil napa-imbestighan na nila si Alexis ay nakakasiguro akong alam na nila ang buhay ng dalaga."Nakita ko siyang sumasayaw nang halos nakahubad sa isang club."
"Tsk!" Narinig ko ang pagkalatik ng dila ni Jax. "This is our fault. Kung nasa tabi niya lang sana tayo ay hindi mangyayari ang bagay na 'to sa kanya. Man! She's just 20 years old! And who knows kung ilang taon na siyang nagtatrabaho sa club na iyon!"
"Nagtatrabaho pa rin ba siya sa club?" Naging sunod-sunod ang paghithit ako ng sigarilyo dahil sa tensyon.
Why? This girl is so beautiful! Ayoko sa maliliit na babae pero ang isa 'to ay iba ang hatak sa akin.
"Nope. Ayon sa informer ko ay pinatigil na siya ni Antonio sa pagtatrabaho sa club."
"Pero?" tanong ko dahil alam kong may karugtong pa ang sasabihin ni Athena.
Uminom ng alak si Manolo Saldana at dahil sa panginginig ng kamay ay alam kong tensyonado siya. Sino nga ba ang hindi magiging tensyonadong magulang kapag nalaman nila na ang anak nila ay nakatali sa isang baliw? Antonio Arzaga is an addict and a psycho. And when the two negative attitude combined, alam mo na ang kalalabasan. Antonio plus his attitudes is equals to a human doll.
"Kay Antonio Arzaga siya m-mismo nagsasayaw," nauutal na sagot ni Manolo.
"And?" Alam kong mayroon pa base sa hitsura nilang tatlo.
"Natutong gumamit ng ipinagbabawal na gamot ang kapatid ko. Ikaw na lang ang pwede naming hingian ng tulong, Mitchell. Kung kaya ko lang sana at hindi nasa ilalim ng pangangalaga ng Prestige ang hinayupak na iyan ay ako na mismo ang tatapos sa taong iyan. Pero tingnan mo ang kalagayan ko? Halos hindi ko magawang tumayo dahil na rin sa tauhan ng mga Cortez!" Nakikita ko ang nagliliyab sa galit na mata ng kaibigan ko. Hindi ko siya masisisi dahil napanood namin kung paano magpasunod ng babae si Antonio.
"Kailan ako magsisimula? How about my documents? Baka paimbestigahan ako at malamang taga-Zodiac ako at tauhan mo?" Natural na magkalaban ang miyembro ng mga Prestige at taga-Zodiac, well, iba nga lang sa amin dahil may kaibigan kaming miyembro ng Prestige.
Ang Nee dignitate civitatis o mas kilalang Prestige ay isang malaking samahan na ang tanging mga miyembro ay sobrang mayayaman at ang iba naman ay may mga abilidad. All their members are all above the laws. Batas ang bawat salita nila at kayang paikutin ang batas sa sarili nilang mga palad. High and mighty, ganyan silang mga tao lalo na iyong mga abusado at garapal na kung gamitin ang kapangyarihan nila. Worldwide ang sakop ng kapangyarihan nila kaya sakit talaga sila ng ulo.
Ang Black Zodiac at Bird's Eye naman ay isa ring organisasyon ng mga Pros o hunter o mas madaling sabihing assassins. Kung ang taga-Prestige ay above the law; kami naman ay ang mismong batas. Espesyal din kami pero ginagamit naming makatarungan at tama ang pagiging espesyal namin. But Black Zodiac and Bird's Eye has one rule—only rules. Bawal gamitin sa pansariling kapakanan ang pagiging espesyal mo at kapag sinuway mo, kabaong ang reward mo. Kami lang din na mga Pros ang pwedeng pumatay sa mga taga-Prestige.
Iisa lang kahahantungan namin ni Antonio Arzaga kapag nagkabukuhan kami kaya hangga't maaari ay maging malinis ang pagpasok ko sa lungga niya para hindi masaktan ang anak ni Athena at Manolo.
Inabot uli sa akin ni Athena ang isang may kalakihang envelope.
"Mitchell Mondragon pa rin ang magiging pangalan mo. Wala naman iyong kaso sa iyo dahil hindi naman 'yan ang tunay mong pangalan. Ang pagiging ex-NCIS agent mo ay hindi problema dahil naitago na namin ang impormasyong iyan. Walang magtuturo na isa ka sa nakaupo sa lamesa ng Zodiac," paliwanag ni Athena.
Binasa ko ang nakalagay sa mga papel na gagamitin ko. "So, isa akong dating bodyguard ni Leachim? Ito ba iyong natiklong drug lord sa East?"
"Yes. Mas magandang may record ka bilang bodyguard ng isang maruming tao dahil mas pinagkakatiwalaan niya iyon kaysa sa mga may malilinis na record," sagot sa akin ni Jax.
"Tumatanggap ba sila ng lesbian?" pag-uusisa ko dahil nga sabi nila ay seloso si Antonio. Malamang na mauwi sa wala ang plano namin.
"Oo. Ayaw niya lang talaga ng lalaki. Last time ay lesbian din ang kinuha niyang bantay sa anak ko pero sinibak din daw sa trabaho ni Antonio dahil hindi nagawang ipagtanggol ang anak ko. Thay man is obssed with my daughter at hindi magandang sensyales iyon. Naniniwala ako sa kakayahan mo, hija, hindi dahil naikwento ka na sa amin ni Athena kundi dahil alam kong magaling ang asawa kong pumili ng mga tauhan niya at napatunayan ko iyon nang iligtas kami ng dalagang Ventura."
I'm overwhelmed, really. Gusto ko talagang pinupuri ako dahil pagkain iyon ng kaluluwa ko. Medyo mayabang ako pero dapat lang namang magyabang ako dahil may ibubuga ako.
"Kung ganoon, eh, magsisimula na akong kumilos bukas," nakangisi kong sagot at nag-stretch ng braso at hinayaang tumunog ang mga buto ko sa likod. "What's the rule this time, boss? Or bosses?"
"No rules," she answered in a formal voice. Sigurado ang sagot niya kaya hindi ko naiwasang mapangiti.
"Okay then. No rules..." Kapag no rules, isa lang ang ibig sabihin niyon—wipe out at iyon ang gusto ko dahil kahit sinong taga-Prestige ang tumulong kay Antonio ay pwede kong tapusin.
"Just make sure na magiging safe ang anak namin, hija."
"Si, Señior!" Sumaludo pa ako kay Manolo. "Hindi ko man maipapangakong walang magiging kaunting gasgas ang anak niyo kung magkabukuhan pero sisiguraduhin kong iuuwi ko siya sa inyo na buhay at buong-buo."
"It's okay with us if you fall in love with my daughter, Mitchelle."
Dahil sa sinabi ni Athena ay halos mabali ang leeg ko sa biglaang paglingon ko sa kanya. "Boss, naman." Nagkamot ako sa ulo. "Alam mo naman ang rule ko kapag nagtatrabaho, hindi ba?"
"Bakit? Hindi ba maganda ang anak ko para sa iyo?" nanunudyo ang boses ni Manolo kaya mas nailang ako pero hindi ko ipinahalata sa kanila.
"Tsk," kunwari ay pagmamaktol ko. "Baka harangan niyo ako ng sibat kapag nangyari ang bahay na iyon?"
"We are not against that kind of relationship, Mitchell. Walang mali sa pagkatao mo. Ang mali ay iyong mga mapanghusgang mga tao."
"f**k naman, boss. Pinapaiyak mo naman ako." Tumayo na ako at lumapit kay Jax. "Tumayo ka na nga riyan, Uno, at baka mahawa pa tayo sa parents mo na masyadong minatamis." Inalalayan ko siyang makatayo. "Bakit kasi hindi ka lumaban? Tang ina naman, brod, dinaig mo pa ang ginulpo ng singkuwenta ka tao, eh!"
Natawa si Manolo. "Tama ka, hija, singkuwenta na mga babae ang sumugod sa amin at lahat ay magagaling. Nagkataon naman na dalawa lang kami ni Jax na nandoon sa mansyon ng oras na iyon."
Nilingon ko si Manolo dahil sa sinabi niya. "Pero sabi niyo ay dumating si Red?"
"Oo," sagot niya. "Kulang pa sa kanya ang bilang ng singkuwentang Pros." Napapailing pa ang may edad na na Don.
"Nagtaka ka pa ba sa babaeng iyon? Si Red lang ang nag-iisang pumasok sa Purgatorio na nakalabas ng buo at buhay." Napatingin ako kay Jax dahil sa sinabi niya.
"Ano'ng purgatoryo?" Curious ako kung ano ang Purgatorio na sinasabi niya dahil narinig ko na ring banggitin ni Red ang salitang iyon nang magpakilala siya sa harap naming taga-Zodiac. That was the very first time I saw her in the Island.
"I don't know." Kibit-balikat niya. "It's their family's secret. One of those billion secrets."