ATHENA ZODIAC

2017 Words
MITCHELL MONDRAGON "ANG Pilipinas kong mahal!" sigaw ko habang nakadipa at nilalanghap ang hangin na banayad na humaplos sa pisngi ko. "It's been six months!'' Inayos ko ang backpack na nasa likod ko na tanging dala ko lang at naglakad para puntahan na si Simon na siyang sasalubong sa akin. I stayed in California for six months dahil nasangkot sa isang aksidente ang utol ko at ilang buwan na na-comatose. Gusto ko pa ngang panagutin ang may sala kaso matanda na at ayon sa imbestigasyon ay kasalanan ng utol ko. Dati akong alagad ng batas bago ko pinasok ang pagiging mundo ng Black Zodiac kaya alam ko kung paano maging patas sa mga pangyayari kahit pa sangkot ang kamag-anak ko at dahil alam ko ay iyon ang tama. Nakapiring na nga ang rebulto ng hukom, pipiringan ko pa ba ang mga mata ko para makita ang katotohanan? That's a f*****g no. "Brod!" May sumigaw. Luminga-linga ako at kahit hindi ko pa makita kung kanino galing ang boses ay alam ko na kung sino ang may-ari niyon. Nakita kong kumaway si Simon sa tabi ng isang makintab at kulay pulang Ferrari. Nagmamadali akong lumapit sa kanya at nag-fist bump kami. "Yow! Hanep sa ride, ahh! Lakas maka-Magnum P.I! Yayamanin!" "Yayabangin, brod!" Natawa kaming pareho. "Hiyang sa California. Lalo kang naging pogi." "Syempre. Naka-move on na rin ako, eh." Kinindatan ko siya. Pumunta ako sa kabilang side at tumalon na lang dahil walang bubong ang sasakyan ni Simon. "Ano'ng balita? Mukhang bago lang 'tong sasakyan mo, ah?" tanong ko sa kanya habang nagmamaniobra na siya. "Kahapon ko lang 'to nakasama." Tukoy niya sa sasakyan. "Ang laki ng binigay ng boss mo kaya nakabili ako nito." "Talaga? Eh, ibig sabihin lang ay nahanap mo na ang anak ni Athena?" "Oo. Five months ago pa. Ikaw lang, eh, hindi ka mahagilap. Hindi ma-contact. Nang umalis ka naman ay hindi ka nagpaalam." "Magbibisyo ako, brod," paalam ko sa kanya dahil ayaw niya ng second hand smoke though ang karamihan sa kaibigan niya ay naninigarilyo. Kinuha ko ang isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon. "Biglaan kasi, brod." "Biglaan pero nakuha mo pang balatan ang humabol sa dalagang Ventura?" Biglaan ang naging paglingon ko sa kanya. "Ano'ng sabi mo?" "Bakit? Hindi ba?" "Quick kill lang ang ginawa ko sa dalawang iyon, ah," depensa ko sa sarili ko. "Isang bala sa bawat isa. Sa noo." "Eh, putsa! Double kill pala ang nangyari sa dalawa." Naguluhan ako sa sinabi niya kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Binalatan ang dalawa. Halos wasak ang mukha. Nakita na lang na nakasabit sa tulay. Hindi ikaw ang gumawa noon?" "Hindi! Ano tingin mo sa akin? Psycho? Hindi ako mahilig sa torture stuff kaya hindi ko magagawa iyon. Alam mo namang baril ang speciality ko." "Ang dalagang Ventura kaya?" Umiling ako. "Hindi." "Sigurado ka?" Tumango ako. "Sigurado ako. Espeda naman ang trip noon at maliliit na kutsilyo at bows and arrows kaya malabong mangyari ang bagay na iyon. Pagpugot ng ulo ang trip noon at alam kong hindi niya na pinaglalaruan ang kalaban niya." "Sino naman kaya ang gumawa noon sa kanila?" "I don't know and I don't give a f*****g damn. Basta, binaril ko lang sila at iniwan sa apartment na pinagtataguan nila. Baka nga amo pa nila ang gumawa noon sa kanila." "Bayad ka sa pagpatay sa dalawa?" "Hindi ako nagpabayad kay Red. Alam mo naman kung gaano ako patay na patay kay Red noon." "Noon? So, hindi mo na siya pinagnanasahan ngayon?" Binuntutan niya ng tawa ang sinabi niya. Mahina ko siya sinuntok sa braso. "Gago!" Tumawa ako. "Kahit kailan ay hindi ko pinagnasahan si Red, ah, at malinis ang conscience ko sa bagay na iyan." "Pero sobrang ganda pala ng Ventura na iyon sa personal. Simple lang kung pumorma pero ang lakas ng dating." "Oo naman," sang-ayon ko at napangiti nang maalala ko ang kahibangan ko sa dalaga dati. "Nagkita na pala kayo?" "Oo. Halos mag-iisang buwan na. Noong libing mismo ni Red." Marahas ang naging paglingon ko sa kanya at tila may bombang sumabog sa dibdib ko. Libing ni Red?! Halos sigaw ng utak ko. "Ano'ng s-sabi mo?" Halos hindi ko mabigkas ang tanong ko. "P-patay na si R-red?" "Ha? Ahh, oo nga. Nakakalito naman kasi talaga ang pangalan nilang magkapatid. Iyong ate niya ang namatay o mas tamang sabihin na pinatay." "May kapatid si Red?" "Yeah. Red ang pangalan." "Kailan pa namatay ang kapatid niya?" Halos manginig ang kalamnan ko dahil sa natuklasan ko. Dahil sa pag-iwas ko na makabalita ng kahit anonsa dalaga ang pinutol ko ang communication dito noong nasa California pa ako. "November pa. Ang daming nangyari sa pamilya ng Ventura." Napapailing pa siya. "Akala ko nga ay alam mo." Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. "What do you mean?" Aaminin ko, nag-aalala ako kay Red. "Wala akong alam sa nangyari sa kanya." "Week after you left. Kumalat ang balitang may Schizophrenia ang dalaga kaya halos araw-araw ay laman ng balita si Red lalo pa at sobrang yaman pala talaga ng mga Ventura pero nawala rin namang bigla ang issue. After that, nasangkot sa aksidente ang pamilya niya kasama ang kapatid niya at mama niya sa isang sasakyan. And there was a time na na-hospital sila ng papa niya kasama rin ang kapatid niya. November first yata nang sumabog ang opisina ng father niya dahilan para na-comatose ang father niya until now. After the bombing, may nanloob sa mansyon ng mga Ventura. Ginahasa ang ate niya at pinatay." "Holy s**t!!!" Malakas akong nagmura! Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man naalalayan si Red noong mga panahon na kailangan niya ng makakatulong! "Ano'ng silbi ng boyfriend niya? Iyong Fortalejo?!" "Matagal na yata silang naghiwalay. Ang anak yata ni Senator Cortez ang girlfriend niya." Naikuyom ko ang kamao ko! Babangasan kitang Fortalejo ka! Tumingin sa akin si Simon at seryoso siya. "May pumapatay gabi-gabi. Palaso sa noo; putol na ulo; may babae pang tila nilapa ng aso: iyan ang mga dahilan ng pagkamatay ng mga kababaehang assassin." "Babae lang ang namamatay?" "Oo. Nagsimula nang bumalik ang dalagang Ventura last week." Salubong ang kilay na napatingin ako sa kanya. "What do you mean?" "The domina est in nigrum. The notorious killer that lurking in the middle of the night. May alam ka ba rito?" "They deserved it," balewala kong sagot. "So, alam mo kung sino ang babaeng naka-itim." "Why? Nasa listahan ba siya ng mga mata niyo?" "Wala. Ayaw rin ipakanti ng boss namin." "Good for you at least hindi kayo madadamay sa galit niya." Nakita ko ang pagtayo ng balahibo ng kaibigan ko. Napangisi ako. "Kinikilabutan ka yata?" "Aaminin ko, brod, tila wala kaming laban sa assassin na iyon. Parang nawawala sa dilim ng gabi." "Magaling talaga si Red," wala sa sariling saad ko. Napalingon siya sa akin. "So, Red is the Domina est in nigrum?" I nodded. "Tama ang sinabi mo na nababagay lang sa mga namatay ang nangyari sa kanila." "Bakit?" takang tanong ko. "Kunin mo ang cellphone ko. Makikita mo riyan kung paano namatay ang kapatid niya." "Mamaya na siguro. Si Athena at ang anak niya, magkasama na?" pag-iiba ko sa usapan. "Hindi. Ayaw namang lapitan ng boss. But I were her, I'll get my daughter to that almost slaughter house." Natawa ako dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Ano?" "Bata ni Antonio Arzaga ang anak ng boss mo." "s**t nga!" Itinapon ko ang upos ng sigarilyo ko at nagsindi ng panibago. "Delikado nga iyong anak niya. Chick ba?" "Sobra, brod! Lamion siya nga pagkababaye. Maganda na at coca-cola body pa." Dinugtungan niya pa ng pagsipol. "Coca-cola? Iyong one litter?" "Hindi, brod! Sexy talaga! Pagkadako..." pambibitin niya. "Malaki? Malaki ang hinaharap?" "Pagkadako sa gugma..." Nagtawanan kami at sabay na kumanta. "Gikumot-kumot!" kanta ko. "Gikumot-kumot..." Pagse-second the voice niya pa. "Sa dakong kamot!" "Sa dakong kamot..." "Ang dughan mong pagkadako... Dako sa gugma!" Nag-duet kami nang sabay matapoy ay nagtawanan. "Putcha, ito ang trip! Dinaig pa natin ang nakatira ng isang kilo," natatawa niya pang saad. "Hay! It's a good way to start hunting." "Bakit, balik trabaho ka na ba?" "Diretso ba tayo kila Athena?" "Oo." "Eh, balik trabaho na talaga ako nito. Nakapagpahinga na rin naman ako ng anim na buwan. Ikaw lang 'tong hindi alam ang salitang pahinga, eh." "Exercise ko na rin naman 'tong trabaho ko, brod. Mas mabuting may exercise lara humaba ang buhay. Mahirap nang nakahilata lang dahil baka hindi lang ang baril ko ang kalawangin, baka maging ako rin." "Exercise?" Natawa ako nang sarkastiko. "Exercise sa iyo ang makipagbarilan? Makipagsuntukan? At higit sa lahat ay makipagpatayan sa mga halang ang kaluluwa? Wow! Nice! Nakakahaba talaga ng buhay ang pag-e-excercise!" "Parang hindi ikaw." "Whatever. Pate rito sa bahay ni boss, pasko na rin pala," puna ko dahil ang dami nang Christmas decorations ang nakikita ko sa labas. "Hindi ka na ba papasok?" taka kong tanong dahil hindi siya natinag sa pagkakaupo sa driver's side. "Hindi na. Kailangan kong pumunta sa isla dahil may meeting kaming mga taga-Bird's eye. Sinundo lang talaga kita para ipagyabang itong sasakyan ko." Ngumisi siya. "Tambay tayo minsan kapag hindi mahigpit ang schedule nating dalawa. Una na ako, brod!" Bumusina siya ng tatlong beses. Tiningnan ko pang pinaharurot niya ang sasakyan niya bago ako pumasok. Dumiretso ako sa area kung saan kami madalas magkita na mayroong katungkulan sa Black Zodiac. "Mitchell! You're finally back!" Sa likuran ko ang boses kay humarap ako roon. "Athena." Ngumiti ako at yinakap ang boss namin. "How are you, boss?" "I'm not that fine. Baka nga naikwento na sa iyo ni Simon ang nangyari, eh." May lumabas na pamilyar na may edad pero magandang lalaki sa likuran niya. "Ohh, I want you to meet Manolo Saldana." Ngumiti sa akin si Saldana. Nakipagkamay siya sa akin. "It's nice to meet you." "Same here, sir." Pumasok kaming tatlo sa Zodiac's hall para doon mag-usap. "Bakit parang ako lang ang nandito?" Malungkot na sumagot si Athena. "Ang daming nangyari noong umalis ka, hija. Nagsunod-sunod ang problema ng bawat miyembro ng Zodiac." "Si Red lang ang naikwento sa akin ni Simon." "Yeah. Alam ko na kararating mo lang but I badly need your help, hija." Halos gumaralgal ang boses ni Athena kaya alam kong malakinang problema niya. "Alam niyo naman na hindi kita mahihindian, boss, lalo na kapag kaya ko ang pinapagawa mo. Ano ba iyon?" "Remember when I told you about my daughter?" Tumango ako pero hindi nagsalita para hindi maputol ang sasabihin niya. "We found her but under the wings of Antonio Arzaga." Umiling-iling siya. "Ano'ng magagawa ko, boss?" "Naghahanap ng bodyguard na babae si Arzaga para magbantay kay Alexis, that's her name. So far ay wala pa naman akong nababalitaang sinasaktan niya ang anak namin pero bilang ina ay dapat ko pa bang hintayin ang bagay na iyon? Alam natin kung gaano kabaliw si Arzaga kaya nag-aalala ako sa anak ko." "Bakit hindi niyo na lang ipaalam sa anak mo ang totoo para may ideya siya?" "Galit sa akin ang anak ko lalo pa at nalaman na niyang iniwan ko lang siya sa labas ng pintuan ng mag-asawang nagpalaki sa kanya." "So, you tried to approach her?" Umiling si Athena. "No. May mata at tainga ako sa kampo ni Arzaga kaya alam ko ang bawat kilos ng anak ko." "Mahirap nga kapag ganyan, boss." "Hija, we need your help." May pakiusap din sa boses ni Manolo Saldana. "Ikaw ang—" Umiling ako at hindi ko na itinuloy ng sasabihin ko dahil personal na bagay na iyon. "Yes, Mitch. Siya ng ama ni Alexis. Tatanggapin namin kung ano'ng iisipin mo sa aming dalawa dahil kahit ako ay aaminin kong naging wala akong kwentang magulang," sabi ni Athena na sa unang pagkakataon ay nakita kong umiyak. "That's not my attitude, boss. You know about that and besides who am I to judge the both of you ni hindi ko nga alam ang mga pinagdaanan niyo." Kumuha ako ng sigarilyo at sisindihan na sana nang mag-alinlangan ako. Tumingin akonsa dalawa. "It's okay, hija," nakangiting saad ni Manolo sa akin. Hindi ko man personal na kilala si Saldana pero may naririnig akong masasamang balita sa kanya noon; about how notorious he was. May ideya na rin ako sa kung ano si Saldana noong kabataan nito dahil pahapyaw kung magkwento si Boss Athena sa nakaraan niya noon though hindi niya kailanman ininigay ang pangalan ng kaisa-isang lalaking inibig niya. Bumuga ako ng usok. "What is it do you want me to do then?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD