ALEXIS JAVIER
Matapos kong sumayaw ay agad akong nagpunta sa room ko para makapagdamit. Saktong nakapagbihis na ako ay pumasok si Mamo dala ang tseke na naglalaman ng 300k kasama pa ng ibang pera at regalong natanggap ko ngayong gabi.
"Bakit tila na-distract ka kanina, sweetheart?" bungad agad sa akin ni Mamo. Kilala na niya ako kaya malabong hindi niya nakita ang nangyari kanina.
Sasagutin ko na sana siya nang bigla namang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Lineth, ang katulong na kinuha ko.
"A-ate!" Nanginginig ang boses niya kaya bigla akong kinabahan.
"Lineth, a-ano'ng nangyari?" Hindi ko namalayang nanginginig na rin pala ang boses ko dahilan para mautal ako.
"Ate, isinugod ko po si lola rito sa hospital dahil inatake ng alta-presyon. Kanina ko pa po kayo tinatawagan pero hindi ko naman po kayo ma-contact."
"Kumusta si lola?" nag-aalala kong tanong habang sinasamsam ang mga gamit ko para makauwi na agad. Kinakabahan ako masyado dahil sa naiisip kong hindi maganda.
"Ayos na po pero, ate, iyong bahay natin..."
Napatayo ako nang tuwid dahil sa sinabi niya. 'Wag naman sana dahil hindi sapat ang pera ko, piping bulong ko sa sarili ko. "Ano'ng nangyari?"
"D-dumating kasi iyong may-ari ng l-lupang tinatayuan ng b-bahay niyo at pinasira ng babae ang bahay."
"At this hour?!" Napasigaw ako dahil sa galit. May mga tao talagang kahit kailan ay walang puso!
"Opo, kaya nga po tumaas ang dugo ni lola, eh," umiiyak na sagot ni Lineth.
"Si lolo, nasaan?"
"Nandito po kami sa hospital ngayon, ate. Si lolo nandoon sa loob at binabantayan si lola. Ano na po'ng mangyayari sa atin, ate?"
"'Wag kang umiyak. Saang hospital kayo?" Sinabi niya sa akin ang hospital na pinagdalhan niya kay lola. "'Wag mong iwan sila lola, ha?"
"Opo. Alam niyo naman pong wala na rin akong mapupuntahan, ate."
"Sige. May kakausapin lang ako. Kapag may problema ay tawagan mo kaagad ako." Hinarap ko si Mamo.
"Ano'ng nangyari?"
"Nasa hospital ngayon si lola dahil tumaas ang dugo." Nahahapo akong napaupo sa couch. "Wala na rin kaming tirahan dahil pinagiba na ang bahay na tinitirahan namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Mamo." Nasapo ko ng dalawang palad ang mukha ko at tuluyan nang umiyak. "Kulang na kulang ang pera ko lalo pa't nasa hospital ngayon si lola. Mabuti sana kung wala rin kaming mga utang."
"Tama na iyan. Walang magagawa ang pag-iyak mo para malutas ang problema mo. Hindi mo kailangan na panghinaan ng loob dahil ikaw lang ang inaasahan ng grandparents mo." May iniabot siya sa akin na pera. "Heto, 50k lang ang maibibigay ko sa iyo dahil malaki ang nagastos ko sa renovation nitong club."
"'Wag na, Mamo, dahil nahihiya na rin ako sa iyo. Palaki nang palaki ang utang ko sa iyo. Hindi pa nga ako nakakabayad ay heto na naman."
"Sino ba'ng may sabi sa iyong utang ito? Tulong ko na para sa lola mo. Sapat na siguro iyan para makakuha kayo ng studio type na apartment."
Pinunasan ko ang luha ko at matatag na tumingin sa kanya. "Tinatanggap ko na ang offer ni Mr. Arzaga."
"Sigurado ka, sweetheart?"
"Walang sigurado sa mundo, Mamo, ang kailangan lang natin ay sumugal at ayusin ang mga bagay sa kasalukuyan."
"Sige. Just wait for me here, okay?"
Tinanguan ko lang siya dahil pakiramdam ko ay biglang na-drain lahat ng lakas konsa katawan dahil sa hinatid na balita ni Lineth.
Bakit ba ang lupit ng ibang tao? Gipit ka na nga, mas gigipitin ka pa!
Naikuyom ko ang mga kamay dahil sa galit!
Nahahapo akong napasandal sa kinauupuan ko. Bigla namang lumitaw sa balintataw ko ang mukha ng lesbian kanina.
Ano kayang pakiramdam ang mahalikan ka sa labi? Napapiksi ako dahil sa naisip ko. What's going on with me? Pilit ko mang iwaksi sa isipan ko ang mukha niya pero hindi ko talaga magawa. Parang nakaukit na sa isipan ko ang mukha niyang may tattoo.
ANTONIO ARZAGA
"Señior..." Halos mapamura ako nang may humawak sa balikat ko. Ayoko sa lahat ay ang ginugulat ako! Mabuti na lang at nakapagtimpi ako dahil kung hindi, baka nasapak ko na ang kung sino mang gumambala sa panonood ko sa hubo't-hubad na dancer sa stage.
Nang lingunin ko ang animal ay ang baklang owner nitong club ang tumambad sa paningin ko. Alam ko na ang dahilan kung bakit lumapit sa akin si Jade. Pinigilan ko ang mapangisi.
"Jade? Why?" kunwari ay takang tanong ko.
"Mr. Arzaga, payag na ang bata kong sumama sa iyo ngayong gabi."
Pineke ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha ko. "Talaga? Akala ko ay mapapahiya ako ngayon. Let's not talk about it here, masyadong maingay."
"Sa room na lang tayo ng ilalabas niyo, Mr. Arzaga, para makapag-usap tayong tatlo."
"Sure. Let's go?"
Nang makapasok kami sa kwarto ni Alexis ay naabutan namin siyang nakaupo at tila latang-lata. Pero sa kabila ng tila nagluluksa niyang hitsura ay maganda pa rin talaga ang puta.
"Hello..." bati ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at agad na tumayo.
"S-señior..." Halos pumiyok ang boses niya dahil marahil kagagaling lang sa pag-iyak.
"Are you okay?"
Inayos niya ang sarili at tila nahihiyang ngumiti. "Yes, Mr. Arzaga. Thanks for asking." Maganda ang boses niya, malambing at babaeng-babae. Bagay na bagay sa mala-anghel niyang mukha.
"Stop calling me señior or Mr., Miss. 29 years old lang ako. You can call me Antonio." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya na agad rin naman niyang tinanggap.
"Alexis... Alexis Javier."
Alam ko, ngali-ngaling sabihin ko.
Malambot at mainit ang mga kamay niya. Marahan ko iyong pinisil at dinala sa labi ko para halikan.
Punyeta! Gusto ko sana siyang murahin nang bigla niyang hilain ang kamay niya na tila nandidiri sa akin!
"Antonio?" tawag ni Alexis sa pangalan ko kaya rumagasa ang init sa katawan ko at kung hindi pa dahil sa suot ko ay makikita nilang dalawa ang pagtayo ng kargada ko. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sinabi sa akin ni Sir Jade ang offer mong ilabas ako kapalit ng 50 million. Tatanggapin ko po ang alok niyo," dire-diretsong saad niya sa akin pero halos nabingi ako dahil sa pagnanasang nararamdaman ko sa kanya.
Naiisip ko na nasa salaming lamesa ko si Alexis at hubo't-hubad, nakagapos ang magkabilang kamay at paa na nakabuka habang sabay na tumutulo ang luha at dugo sa makinis niyang balat at ako naman ay nasa ibabaw niya at pinapasok ang kweba niya nang paulit-ulit.
"Sir?" untag sa akin ni Jade kaya nilingon ko siya.
Halos manginig ang katawan ko dahil sa naisip ko. Nagpapawis ang kamay ko at may mga gitla na ng pawis ang noo ko kaya nagpunas ako ng panyo. Mabuti na lang ay nakainom ako ng gamot bago umalis ng bahay dahil kahit papaano ay kaya ko pang makontrol ang sarili ko.
"Aaminin kong kailangan ko ng malaking halaga dahil nasa hospital ang lola ko at wala na rin kaming tirahan kaya pumapayag ako sa kagustuhan mong lumabas tayo." Tinig uli ni Alexis.
Ang bahay ng mga Javier...
Of course, I know about that. Walang hindi magagawa ang pera.
"Nasa hospital ang lola mo?" tanong ko para panandaliang tumino ang utak ko. Pero kailangan kong ilabas ang pagnanasang ito ngayong gabi dahil kung hindi ay matinding sakit ng ulo ang mararanasan ko ng ilang araw.
"Yes."
"Ganito na lang, bibigyan kita ngayon ng cash at tseke na nagkakahalaga ng napag-usapan natin. Puntahan mo muna ang lola mo sa hospital para maasikaso mo." Kumuha ako ng calling card sa wallet ko. "Here's my number. Kapag naayos mo na ang mga dapat mong ayusin ay saka mo ako tawagan." Hinarap ko ang bakla na nanlalaki ang mga mata. "May mga utang sa iyo si Alexis?" Tumango siya. "Ako na ang bahalang magbayad para hindi na mabawasan ang pera niya. Excuse me."
Tumalikod na muna ako sa kanila at tinawagan si Bruno na nasa mesa lang namin kanina.
Wala pang dalawang minuto ay nandito na siya dala ang signature bag na may lamang sampung milyon.
Iniabot ko iyon kay Alexis maging ang tseke na nagkakahalaga ng 40 million. Nanginginig ang mga kamay na tinanggap ni Alexis ang mga bigay ko. "Ipapahatid na kita sa driver ko para mapabilis ang pagpunta mo sa hospital."
Binitiwan ni Alexis ang bag niya at yumakap sa akin. Ahhh... Ang lambot ng dibdib ng higad! At malaki!
"Maraming salamat!"
Gumanti ako ng yakap at pinigilan ang sarili kong dakutin ang puwet niya. "No need to thank me. Masaya akong malaman na matutulungan kita." Nang kumalas siya sa akin ay hinarap ko si Bruno. "Ihatid mo na si Alexis. Si Gardo na lang ang bahalang maghatid sa akin."
"Si, Señior. Let's go, Miss."
Tumango pa sa akin si Alexis bago tuluyang umalis.
"Nasaan ang opisina mo, Jade?" tanong ko.
"Kalapit lang nitong room ni Alexis, Señior."
"Nasa labas si Gardo para mapag-usapan niyo ang babayarang utang ni Alexis. Mauna ka na."
"Salamat, Señior," malaki ang ngiting sabi niya sa akin at lumabas na ng kwarto.
Iginala ko ang paningin ko at nakita ang suot ni Alexis na kulay pulang underwear kanina habang sumasayaw. Pinulot ko iyon at inamoy. Halos tumirik ang mga mata ko dahil sa mabangong amoy na kumapit mula pa sa katawan ng dalaga. Inilagay ko iyon sa loob ng brief ko dahil gagamitin ko rin mamaya para mas ganahan pa ako.
Kailangan ko ng magsusuot nitong panty mo ngayon, Alexis!
Gusto kong maikama si Alexis pero hindi pa ngayon. Kuntento pa ako sa laruan kong kamukha niya.
Ipinakita ko lang sa dalaga ang gusto niyang makita sa isang lalaki. Lahat ng babae ay nangangarap ng mala-fairytale na istorya at isang Prince Charming o kaya ay Knight in Shinning Armour kaya ipapakita ko sa kanya na ako lang ang kayang gampanan ang katauhan ng dalawang iyon.
Hindi ko mapigilan ang mapangisi nang maalala ang dahilan kung bakit tinanggap ni Alexis ang pera ko. Ako ang dahilan kung bakit sinira ang bahay nila at pinalayas sa lugar nila. Maswerte na lang talaga nang atakehin ang lola niya.
Sa katunayan ay nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggpin ni Alexis ang malaking halaga kaya umisip ako ng paraan para magipit ang dalaga at kumapit sa pain na inilatag ko.
Papahinugin lang kita, Alexis, at kapag hinog ka na ay pipitasin na kita...
Lumabas na ako ng silid para makapaghanap ng babaeng mapagpaparausan.
"Darling!" May maharot na boses ang tumawag sa akin.
Punyeta, sakto!
Nang humarap ako ay tumambad sa akin ang dancer na binayaran ko para maglagay ng camera sa kwarto ni Alexis.
"Miranda..." malambing kong bati sa kanya sabay halik sa labi at pisil ng pwetan niya.
"Hoy, naughty ka, ha! Pero I like that. Wanna go for a ride?" malanding sabi niya sa akin at sinapo ang kargada ko sabay kagat ng labi niya. "Ang laki pala ng alaga mo, darling, masarap siguro 'yan."
Pwede na rin...
"Pwede ka na ba?"
"Oo naman yes, darling. Ano? Game ka?"
"So, let's go?"
Dinala ko siya sa bahay ko sa Antipolo. Malaki at malawak at higit sa lahat ay wala akong mga kapit-bahay.
"Wow! Ang laki naman ng house mo, darling." Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan.
Binuksan ko na ang pintuan at binuhat siya papunta sa taas ng bahay.
"Kukuha lang ako ng alak." Tatalikod na sana ako nang may maalala. Itinuro ko ang kulay pulang pinto. "Pwede kang pumasok sa kahit saan basta 'wag lang sa kulay pulang pinto na iyan, naiintidihan mo?"
"Yes, darling."
Kukuha pa lang sana ako ng wine nang marinig ko ang sigaw ni Miranda.
"Aaaaahhhhhhh!!!"
"Ang tigas ng ulo ng animal!"
Patakbo akong lumapit kay Miranda na papalabas na ng pinto.
"Bitiwan mo ako!" Pinagkakalmot niya ako kaya sinampal ko siya nang malakas dahilan para sumadsad siya sa sahig. "Baliw ka!"
Yumuko ako at hinila ang buhok niya. "Ano'ng sabi mo?!"
"Baliw ka!" sigaw niya sabay dura sa mukha ko!
"Punyeta ka!" Malakas kong inuntog ang mukha niya sa marmol na sahig. Nang mawalan siya ng malay ay kinaladkad ko siya patungo sa kwartong may kulay pulang pinto.
Napangisi ako nang tumambad sa akin ang mga babaeng naging biktima ko. Ang limang babaeng nakatagal sa malupit na mga kamay ko.
Umungol ang mga babaeng nakahiga sa malaking kama na wala na ang mga braso at mga binti.
Napatingin ako kay Miranda na wala pa ring malay. "Ikaw ang bago sa koleksyon ko." Kinuha ko ang panty ni Alexis sa loob ng brief ko at inamoy. "Ikaw, mahal ko, nalalapit na ang araw mo..."