ANG LESBIAN

1673 Words
MITCHELL MONDRAGON "Tapos na ba, brod?" tanong ko kay Simon. Siya ang permanent tattoo artist ko. "Buti at hindi ka pinapagalit ng mga magulang mo sa sandamakmak mong tattoo sa katawan? Hindi ka pa talaga kontento at maging ang mukha mo ay pinaglagyan mo na rin." Tumayo na ako at inayos ang marine-cut kong buhok. "Hindi naman, brod. Pero duda ako kung hindi maging hysterical si mommy kapag nakita niya 'tong tinta ko sa mukha kapag nag-VC kami. Sabi niya pa naman kamakailan na ayos lang sa kanya na magpa-tattoo kaming magkakapatid basta 'wag lang daw sa mukha." Natawa ako dahil nakikita ko na ang mukha ni mommy sa isipan ko. Sinipat ko pa ang mukha ko sa salamin at binasa ang nasa mukha ko, "Angel of death!" Tumingin ako kay Simon. "Ayos ka talaga, brod! The best!" Nag-apir kami. "Maganda ka na sana-" "Oopps!" saway ko kaagad sa kanya. "Wrong choice of adjective, brod! 'Wag ganoon at baka ma-offend ako." Sabay kaming natawa sa sinabi ko. "So, paano? Sa susunod ulit? Nai-transfer ko na ang pera sa account mo." "Saan ka ngayon?" "Sa kampo ni Athena at baka may ipagawa. Ikaw? Kailan ka babalik sa isla? Mukhang busy rin kayong mga taga-Bird's eye, ah?" Tukoy ko sa agency na pinagtatrabahuan niya bilang isang secret agent. "Oo. Dumarami ang Pros ngayon kaya kailangang maidispatsa ang mga gumagawa ng hindi tama." May duda siyang tumingin sa akin. "Si Athena ba talaga ang sadya mo o ang dalagang Ventura?" nakangisi niyang tanong. Bahagya ko siyang sinuntok sa braso. "Loko ka talaga!" Kumuha ako ng sigarilyo at nagsindi. Hithit-buga ang ginawa ko habang napapangiting inaalala ang mukha ng babaeng mahal ko. Red Ventura... Sino nga ba ang hindi magkakagusto kay Red? Matalino, maganda, maangas pero eleganteng tingnan at higit sa lahat ay matangkad. Mas gusto ko iyong mga babaeng matangkad at payat. Iba ang dating nila sa akin. "Tsk! Sabi ko na nga ba at si Red ang dahilan ng pagpunta mo kay Athena, eh. Tingnan mo nga't napapangiti ka pa!" "Oo na. O, sige na! Kita uli tayo kapag may oras tayong pareho. Happy hunting!" Umalis na ako at nagtuloy sa mansyon ni Athena. Wala akong ibang nadatnan na miyembro maliban kay Red. My heart is pounding kahit likod niya pa lang ang nakikita ko. Nakasuot siya ng kulay itim na jacket at leather pants at naka-boots. "Mabuti at nandito ka na, Mitch!" Dahil sa anunsyo ni Athena ay napalingon sa akin si Red. Nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti siya ng matipid pero sapat na para maramdaman ko ang mga paru-paru sa loob ng tiyan ko. Lumapit ako sa kanya kaya tumayo siya. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa pisngi kaya halos manginig ako sa kinatatayuan ko. "Kumusta ka na?" tanong ko na lang. "Ayos naman. Mabuti at nandito ka?" May amusement sa mukha ng 19 year old na assassin. Inalalayan ko siyang umupo. Umupo na rin muna ako bago nagsalita. "Madalas ako rito sa bahay bossing lalo na kapag walang ginagawa. Ikaw, bakit napadalaw ka?" "May nahuli kaming dalawang babae." Ibinigay niya sa akin ang maliit na brown envelope. Nang buksan ko ay tumambad sa akin ang litrato ng dalawang babae. "Si Teresita Villar at Cristina Arkanghel ang mga 'to." Bumaling ako sa 36 year old na boss namin. The beautiful and powerful Athena Zodiac. "Ito ang mga traydor, boss, ah?" "Yeah," paismid niyang sagot kaya alam kong galit na galit siya sa mga oras na 'to. "Mabuti na lang at hidden ang identity mo rito, hija, dahil baka ginamit nila sa iyo ang mga kakayahan mo kung nagkataon." "Don't worry, I'll take care of them." Biglaan ang naging paglingon sa akin ni Red. "Are you sure?" Tumango ako. "Magkano?" "Para sa iyo, libre na. "Ginagap ko ang kamay niya at hinalikan iyon. "I'll do anything just to keep you safe, Señorita Ventura. Kahit ibala ko pa ang sarili ko sa kanyon basta masiguradong mapatay ko lang ang mga taong humahabol sa iyo." "Por pabor, Mitchell," natatawang saad ni Red. Madalang pa sa patak ng hailstorm kung tumawa si Red kaya kapag tumawa na ang dalaga ay natatameme na ako. Shit! Ang ganda talaga! "If I were you, Mitchell, titigilan ko na si Red dahil taken na siya." Mula sa pinto ay narinig namin ang boses ni Maya. Isa rin sa may mataas na katungkulan dito sa Black Zodiac. "Taken ka na raw?" parang tangang tanong ko pa kay Red. "Kanino?" "The strikingly handsome Zachkary Fortalejo. And guess what, babe, lalaki iyon," nakangising dagdag pa ni Maya. Loko talaga 'tong animal na 'to! Hindi ako iyong pikon na tao kaya okay lang sa akin ang mga sinabi ni Maya lalo pa at nakikita ko ang pagka-aliw sa mukha ng baby ko. "Baka naman mas masarap pa akong magmahal sa boyfriend, babe?" pagbibigay diin ko pa sa endearment na ginamit ko sa kanya. "Masarap? With a capital letter M? Hoy, Mitchell, 'wag mong iniiskandalo 'yang utak ni Red at bata pa iyan! Kaloka 'to!" "Ikaw pala u***g marumi ang isipan, eh!" sagot ko kay Maya na binigyang diin ang salitang u***g. "u***g?! Oh my gosh, Mitchell! Ang pervert mo!" "Anong u***g? Itong ang sinabi ko! Hindi lang pala marumi ang isip mo, bingi ka na rin pala!" Tumayo na si Red kaya naagaw nito ang atensyon namin. "Aalis ka na?" "Yeah. Medyo masama rin ang pakiramdam ko kaya kailangan kong magpahinga. Mauuna na ako sa inyo." Humalik pa siya sa pisngi naming tatlo. Nang magdaiti ang mga balat namin ay saka ko lang napagtantong mainit pala talaga siya. "Kaya mo bang mag-drive?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Oo. Makakauwi pa naman ako." Sinipat ko ang noo niya. "Tsk! Uminom ka ng gamot pag-uwi mo?" Kinuha ko ang kamay niya at pinisil iyon. "Kapag may kailangan ka ay 'wag kang magdadalawang-isip na tawagan ako dahil kahit busy ako ay tutulungan kita. Alam mong gusto kita, Red, hindi ba? Pero ngayong alam ko nang may boyfriend ka ay titigilan na kita pero kapag sinaktan ka ng boyfriend, manghihiram siya ng mukha sa aso. Walang pwedeng manakit sa iyo, ha? Emotionally and physically!" Hinalikan ko siya sa noo. "Ingat ka, babe." "Thanks, Mitch." Yinakap niya naman ako kaya alam kong hindi magbabago ang pakikitungo namin sa isa't-isa sa kabila ng pag-amin ko sa kanya. Tinanaw ko pa siya hanggang sa mawala siya sa pasilyong nilalakaran niya. "Nako! Patay na patay ka talaga kay Red! Tsk!" Pumailanlang na naman ang boses ni Maya kaya bumalik na ako sa pwesto ko kanina. "Hindi ka magugustuhan noon." "I know." Totoo ako sa sarili ko kahit noong una pa lang na walang pag-asang magkagusto sa akin si Red kaya maluwag sa dibdib ko ngayon ang nalaman kong may boyfriend na siya. "Masakit?" nakangising pang-aalaska pa sa akin ni Maya. "Kung bigwasan kita?" "'Wag naman." Tumawa pa siya nang malakas. "Oh, ikaw? Pumunta ka lang ba rito para mang-asar?" Sumeryoso ang mukha ni Maya. "Gusto ko na munang umuwi sa probinsya namin. Sampung taon na rin simula noong huling tapak ko sa lupang kinalakihan ko." "Kailan ang balik mo?" tanong ni Athena. "Babalik rin kaagad ako, boss. Fiesta kasi at na-miss ko na ang grandparents ko. Nagtatampo na rin kasi kaya kailangan kong pagbigyan ang hiling nila." "Baka balak mo nang magpakasal sa boyfriend mo? Mang-invite ka naman," sabi ko sabay hikab. "Maninigarilyo ako, boss, ha? Inaantok ako, eh." Nang tumango si Athena ay sinimulan ko na ang bisyo ko. "Ewan ko. Bahala na kung anong mapag-uusapan namin." Nagkibit-balikat pa siya. "Niloloko ka lang noon." Hindi ko na napigilan ng sarili ko nang sabihin ko ang bagay na iyon. Totoo naman kasing niloloko siya ng boyfriend niya. May pakialam ako sa bawat nakaupo sa silya ng Zodiac kaya hanggang may magagawa ako ay gagawin ko. "Whatever, babe." Tumayo na rin ito. "Nagpunta lang talaga ako rito, boss, para magpaalam kaya aalis na rin ako." Nang umalis na si Maya ay saka ko hinarap si Athena. "Mukhang malalim iniisip mo, boss?" tanong ko at pumulot ng chips sa bowl na nasa harap ko. "Wala pa rin akong balita sa anak ko, Mitchell, at hindi ako mapapalagay hanggang hindi ko matiyak ang katayuan niya ngayon sa buhay." Ngayon ko lang nakitang malungkot si Athena kaya nakakapanibago. "Nagtanong ka ba roon sa pinag-iwanan mo sa anak mo?" "Wala na sila roon. Matagal na raw umalis ang mag-asawa at simula noon ay hindi na bumalik. Nang magtanong ako kung may alam sila kung saan lumipat ang mag-asawa ay iba't-iba ang nakuha kong sagot sa mga tao sa lugar na iyon. I don't know what to do, Mitchell." "Kung may maitutulong lang sana ako, boss, ay hindi ko magdadalawang-isio na tulungan ka pero alam mo naman na wala akong alam sa tracking, eh." Biglang sumagi sa isip ko si Simon! Bakit nga ba hindi? "May kaibigan pala ako, boss, at sa tamang presyo ay magkakasundo kayong dalawa. Magaling 'yon sa hanapan ng tao." Nakita ko ang sigla sa mukha ni Athena dahil sa sinabi ko. Nabuhayan siya ng pag-asa. "Mapagkakatiwalaan ba ang taong sinasabi mo?" "Yes, boss. Kasapi ng Bird's Eye at isa ring Private Investigator. Matinik 'tong kaibigan ko kaya garantisadong mahahanap niya ang anak mo. All you have to do is give him the information." "Kailan ko siya maaaring makausap?" Ibinigay ko sa kanya ang number ni Simon. "Tawagan mo na lang, boss." "Thank you, Mitchell." Yumukod lang ako at kumindat sa kanya. "Paano, boss? Alis na muna ako at kailangan kong makalimot dahil sa pagkabigo kay Red." Tumawa pa ako para mawala ang kaunting kirot sa dibdib ko. "I'm so sorry about that, Mitchell. But I'm wishing you all the happiness in this world. Alam mo naman na parang anak ko na kayo nila Red kaya sana ay maging maayos kayo. Wala akong ibang hiling kundi ang kaligayahan niyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD